GUNITA KABANATA 16
[Kabanata 16 - Sandaling Paninibugho]
TAHIMIK kong sinusundan ng tingin si Markus na ngayon ay may binubuhat na balde, ang trabaho nya rito sa pamilihan ay taga-buhat na hindi madali para sa mga taong mahina ang pangangatawan. Narito kami ngayon ni Puring sa isang lugawan at syempre, mainit na lugaw ang kinakain namin ngayon. Ang lugawan na ito ay malapit lamang sa daungan ngunit nasa loob pa rin ng pamilihan.
Hindi ko maubos ang aking kinakain dahil kanina pa naaagaw ng aking tingin si Markus na sumusulyap sa akin minsan, napansin ko na dumidikit na sa kanyang katawan ang suot nyang damit dahil basa na ito ng pawis. Sino ba naman ang hindi mapapagod sa ganitong trabaho? Ang isang malaking balde na naglalaman ng tubig ay hindi ko nga kayang buhatin, mabuti na lamang at malakas ang kanyang pangangatawan.
Aking napagtanto na kay sarap pala ng buhay ko sa nagdaang dalampu't anim na taon, ang buong akala ko ay ang kalungkutan na ito na ang pinakamabigat na bagay sa mundo ngunit hindi pala. Isa ako sa maseswerteng tao na minsan lang kung magkaroon ng problema. Kung hindi sana naghirap si Markus, masaya ang buhay nya ngayon kasama ang kanyang mga magulang.
Napatingin ako kay Puring na katabi ko ngayon sa isang pahabang upuan na gawa sa kahoy, habang kumakain sya ay hindi nya maiwasang mapatingin kay Adriano na nasa bangka sa daungan. Ilinalagay nya ang mga nahuling isda sa loob ng mga balde at kung minsan ay binubuhat na nya rin ito papunta sa loob ng pamilihan ng mga isda.
Sa totoo lang ay humahanga ako sa mga taong nagtatrabaho ng marangal sa kabila ng hirap nito, hindi sila kumakapit sa patalim kahit pa kay hirap ng buhay. Ikinararangal ko sila sa kanilang karangalan. "Puring?" Napatingin sa akin si Puring nang tawagin ko sya, tinignan nya ako nang nagtatanong na tingin.
"Ate Linang, bakit po?" Tanong nya at napatingin kay Adriano na malapit lang sa amin ngunit tinatanaw pa rin, nang magtama ang kanilang paningin ay agad napaiwas ng tingin si Puring. Pilit na iniiwasan ang nakakakabang dulot ng pag-ibig.
Noong ako'y nasa edad nila ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang mag-aral tulad ng nais ni Ama at Ina, sila kasi ang nasusunod sa aking buhay at tulad ng sinasabi ng lahat ay hindi ka isang mabuting anak kung hindi mo susundin ang iyong mga magulang, ngunit paano kung sa pagkakataong ito ay nakakasakal na?
"Anong masasabi mo kay Adriano?" Tanong ko at nginitian sya, nagulat naman si Puring dahil sa tanong ko at nabitawan ang kubyertos na hawak nya. Ang kilos na iyon ay nagbibigay liwanag na sya ay apektado sa tanong na may kinalaman kay Adriano.
"P-po?" Nagugulat na tanong ni Puring at muling napasulyap kay Adriano na umupo na sa isang silya upang magpahinga sandali, umihip ang malamig na hangin kung kaya't hinangin ang buhok ni Adriano na nagpapadagdag sa kanyang kalakasan ng dating.
"Ano ang masasabi mo kay Adriano?" Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina at nginitian pa rin sya, ang aking ngiti na nagdadala ng biloy sa aking dalawang pisngi. Napalunok si Puring at umayos ng upo.
"Ano po ang masasabi ko kay Adriano? Hindi ko alam sa lalaking iyan, isa lamang syang ginoo na nagpapasira ng aking araw. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa kabila ng aking pagkainis sa kanya ay napapangiti pa rin ako sa tuwing nakikita syang masaya. Ano po ba ang ibig sabihin no'n?" Tanong ni Puring, napaisip naman ako dahil sa kanyang tinanong. Dahil magdidilig sya ng halaman?
"Hindi ko rin alam ngunit sa aking gunita ay tinatangi mo sya," nakangiting sagot ko, napatigil naman si Puring. Mukhang hindi nya pa maamin sa sarili ang ikinukubli ng kanyang damdamin para kay Adriano, mukhang wala rin syang ideya sa salitang pag-ibig. Ako man ay natutukoy kung ano ito ngunit mahirap para sa akin na maramdaman iyon.
"Ganoon po ba talaga iyon?" Nagugulumihanang tanong ni Puring, bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkabigla dahil mukhang hindi nya maisip na ang taong kinaiinisan nya ay ang taong magpapakabog din ng kanyang nananahimik na puso.
"Ang totoo n'yan, may lahi talaga akong manghuhula. Sa aking gunita ay magkakatuluyan kayo ni Adriano at magkakaroon ng walong supling," nakangising pagbibiro ko, hindi nga naniniwala ang aking pamilya sa mga manghuhula. Muntik nang matumba si Puring dahil sa pinagsasabi ko, mukhang kinikilabutan sya dahil hindi nya pa maisip ang kanyang sarili na magkakaroon ng walong anak.
Maging ako rin naman ay kikilabutan kapag may nagsabi sa akin ng ganyan, aking mraramdaman na isa akong baboy ramo na nanganak ng walong anak sa loob ng isang araw. Ayoko ring magkaroon ng anak, pakiramdam ko ay mahihirapan lamang ako sa pag-aalaga. Papayag lamang ako basta ba ay kay Markus—
"Binibini, si kuya Markus." Natauhan ako matapos akong kalabitin at tawagin ni Puring, nakaramdam ako ng kilabot matapos makita si Markus na nasa harapan ko ngayon. Pinupunasan nya ngayon ang kanyang sarili dahil masamang matuyuan ng pawis, agad akong napaayos ng upo at umusog papalapit kay Puring dahil hindi ko namalayang sinakop ko na pala ang buong upuan.
Nakararamdam pa rin ako ng kaba hanggang sa umupo sya sa tabi ko ngunit may distansya pa rin sa pagitan namin, ito lang kasi ang upuan sa lugawang ito dahil mukhang kasisimula pa lang nila sa negosyong ito. Napatingin ako sa isang tindera ng lugawan na ito nang magliwanag ang kanyang mukha matapos makita si Markus na tila wala namang pakielam sa kanyang paligid, abala pa rin sya sa pagpupunas sa sarili. Nais ko sana syang tulungan ngunit isa itong kapangahasan lalo na't nasa pampublikong lugar kami.
"Magandang hapon sa iyo, Ginoo. Ano ang nais mo?" Tanong ng tindera at habang nakangiti ng sobrang lawak, kulang na lang ay mapunit ang kanyang labi sa kangingiti. Tila biglang sumama ang timpla ng mukha ko nang ngumiti si Markus at napatingin sa tinderang ito.
"Ano pa nga ba ang inyong tinda?" Nakangiting tanong ni Markus, mas lalong sumama ang timpla ng aking mukha dahil nakikita ko ang katotohanan sa ngiti ni Markus. Hindi sya ngumingiti ng ganyan sa akin dahil hindi naman talaga sya palangiti.
Tumango naman ang tindera na mukhang namangha sa kagandahang lalaki ni Markus at ibinigay na ang nais nito, napasimangot ako dahil binigyan nya ng tubig si Markus ngunit kami ay hindi. Grabe naman ang binibining ito, mayroong paborito mula sa pagbibigyan. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala tinitignan ng masama ang tindera at maging si Markus, ako'y nahihibang na kung kaya't inalis ko na lang ang tingin sa kanila at may sama ng loob na nagpatuloy sa pagkain.
"Maraming salamat, Marisol." Nanatili akong nakayuko at hindi na tinignan pa si Markus matapos marinig ang pasasalamat nito, magkakilala pala sila dahil alam ni Markus ang pangalan ng binibining ito. Tila bigla akong nawalan ng gana sa pagkain, tatayo na sana ako upang iwanan silang lahat ngunit napatigil ako matapos marinig ang tugon ni Marisol.
"Walang anuman, kuya Markus!" Nakangiting tugon nito at natawa, maging si Markus ay matunog na napangiti at nagpatuloy sa pagkain. Naiwan akong gulat na nakatingin kay Markus at maging kay Marisol, ang ibig sabihin ba nito ay...
"M-magkapatid kayong dalawa?" Gulat na tanong ko, napatingin na sa akin si Markus at binasa ang kanyang labi. Mas lalo akong nagulat dahil tumango ng tatlong beses si Marisol, magkapatid nga sila!
"Walang ibang sagot kung hindi ang oo, kapatid ko ang ginoong ito. Hindi ba halata?" Nakangiting tanong ni Marisol ay binigyan na kami ng tubig, napatingin ako kay Puring na mukhang hindi naman nagulat sa pagiging magkapatid ng dalawang ito. Ang kanyang atensyon ay kay Adriano na palipat-lipat ang pwesto hanggang sa makalapit na sa amin, bakit hindi nya agad sinabi sa akin?!
"Magkapatid kami kung kaya't hindi mo kailangang manibugho diyan," dagdag ni Markus na lalong ikinagulat ko, napalingon ako sa kanya at hindi makapaniwalang tinignan. Ako ba kinakausap nya? Ako ba ang sinasabihan nyang naninibugho? Ako? Ako talaga?!
Napatulala na lamang ako sa kanyang kalmadong mukha na ngayon ay mukhang masaya na asarin ako, siniringan ko na lamang sya at napatingin kay Marisol na natawa dahil sa sinabi ng kanyang kuya. Hindi pa rin ako makapaniwala na may kapatid pa rin pala sya ngunit masaya rin ako dahil may natitira pa pala kay Markus, at iyon ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Marisol.
Ang kanyang mga sinabi ay nagdudulot ng pagkabigla sa akin at pagkabog ng aking nananahimik na puso, tila sinasabi nya na ako'y naninibugho dahil may nararamdaman ako para sa kanya. Napatingin naman ako sa mga ulap na saksi sa aking pagngiti, pag-iyak, at maging ang pagkabog ng aking puso na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang lalaking katabi ko ngayon.
Ang lalaking walang iba kung hindi sya, kung hindi si Markus Esguerra. Si Markus na nagdadala ng ngiti sa aking labi sa tuwing nakikita ko sya at kahit sandaling panahon ko pa lamang sya nakakasama.
********************
#Gunita #PagIbigSerye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top