ADHIKA KABANATA 24

[Kabanata 24 - Ang hadlang]

TILA naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang may pumasok na ideya sa aking isipan, anong ginagawa ng heneral sa aming tahanan? Kami ba ay nadawit sa kasamaan ng hindi namin namamalayan?

"A-ama,"kinakabahang pagtawag ko kay Ama, hinawakan ko si Ama sa braso at malihim na hinatak papasok sa aming tahanan habang nakatingin pa rin sa heneral, kabababa ko pa lamang ngunit kinakabahan na na naman ako.

"Anak, anong ginagawa mo?" Pabulong na tanong sa akin ni Ama matapos ko syang ilayo sa haneral na iyon, nagulat pa ako dahil ako na nga itong tinutulungan sya ngunit pumapanig pa rin sya sa heneral. "Ama, nais ba tayong hulihin ng heneral na iyan?" Kinakabahang bulong ko, agad akong pinatahimik ni Ama dahil kahit pa bumulong ako ay narinig iyon ng heneral dahil malapit lang naman sya sa amin.

Pasimple akong kinurot ni ama sa aking braso at linakihan pa ako ng mata, napabuntong hininga na lang ako at nagbigay galang sa heneral. Naalala ko na ginagalang pala dapat ang heneral na syang nakatataas sa amin lalo na't parte sya ng politika, mahirap kalabanin ang mga taong konektado sa politika.

"M-magandang tanghalihapon sa 'yo," hindi siguradong pagbati ko, napapikit ako dahil nakakahiya ang aking pagkakamali. Sinulyapan ko ang heneral na hilaw na iyon, ano ba kasing ginagawa nya rito?

"Anak... Tanghali pa lang," pagpapaalala sa akin ni Ama, natauhan naman ako at napatigil. Tanghali pa lang? Napatingin ako sa labas at naghahari ang haring araw sa kalangitan, muli akong napapikit.

"Ipagpaumanhin mo ang nagiging kilos ng aking anak, sadyang may pinagdadaanan lang sya ngayon." Muli akong napatingin kay Ama, pinaalala nya pa. Napaiwas na lang ako at tinignan ang heneral na ngayon ko lang naman nakita sa buong buhay ko, kay ganda ng kanyang tindig at ang aliwalas ng mukha nya ngunit wala naman akong pakielam.

Walang makakapantay kay Danyiel.

"P-pumasok na kayo heneral, may inihain ang aming mga kasambahay para sa mga taong katulad mo. Palagi mong tatandaan na bukas ang aming tahanan para sa iyo at sa iyong pamilya," paggagayak ni Ama sa heneral na iyon, tila hindi rin handa si Ama sa biglaang pagpunta ng heneral.

Tumango naman ang heneral na iyon bilang tugon sa sinabi ni Ama. "Maraming salamat po Don Gillermo," pasasalamat nya bago humakbang papasok sa aming tahanan, agad lumibot ang kanyang paningin na tila inuusisa ang aming mansyon. Wala kaming ibang nagawa ni Ama kung hindi ang pagmasdan syang usisain ang aming tahanan, tila naghahanap sya ng kamalian na makikita.

Hindi ko tuloy mapigilang magtanong. "A-ama, sino ba ang heneral na iyan?" Pabulong na asik ako, muli akong pinagalitan ni Ama dahil sa padalos-dalos kong salita ngunit naging kawali ang aking tainga. Hindi ko inintindi ang kanyang sinabi kahit pa maaari kong ikapahamak ito.

"Sya si Heneral Leviano Santiago, ang anak ng gobernadorcillo ng ating bayan." Napatigil ako at gulat na napatingin kay Ama, ang heneral na ito ay syang anak ng pinuno ng bayang ito?!

Napatulala na lang ako, ngayon ay napagtanto ko na kung bakit natataranta si Ama ngayon. Isa na syang mataas na tao dahil isa syang heneral ngunit mas tumaas pa iyon dahil sya ay anak ng gobernadorcillo, nakakapag-taka ang kanyang pagpunta rito. Ano kaya ang kanyang pakay?

"KUMAIN ka heneral," ngiti ni Ama, nahihiyang tumango si Heneral Leviano at maingat na nagsimulang kumain. Maging si Ama ay nagsimula na ring kumain habang ako naman ay nanatiling tulala sa heneral. Katapat ko sya ngayon at nasa kabisera si Ama, parang mas babae pa sya sa akin kung kumain.

Natauhan ako nang palihim akong kalabitin ni Ama, heneral si Leviano at alam kong nararamdaman nya ang nangyayari ngayon. Tumikhim ako at nagsimula na ring kumain ngunit wala akong gana, ako'y nababahala rin sa presensya ni Heneral Leviano Santiago. Sa oras na lumayas sya sa aking paningin ay malaya ko nang matatanong si Ama tungkol sa biglaang pagdating nito.

Silang dalawa lang ang nag-usap sa buong sandali ng aming pagkain, si Ama ang tanong ng tanong at tumutugon naman si Heneral Leviano ng napaka-igsing sagot. Tumatango lang sya palagi at tamad na tamad magsalita, hindi ko na lang sya pinansin at inubos ang aking pagkain.

PAPARATING na ang gabi, sa akin na inutos ni Ama ang paghatid kay Leviano hanggang sa ilabas. Biglang sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakaing taba sa aming ulam kanina, matanda na si Ama at maraming pagkain ang dapat na nyang iwasan. Marahil ay kung si Danyiel ay naririto ngayon, magagawa nyang tulungan si Ama.

Napayuko ako dahil doon, ako'y nangungulila na sa kanya. Pakiramdam ko ay kay tagal ko na syang hindi nakikita, nais ko syang hagkan ngunit hindi na ito maaari pa. Narating na namin ni Leviano ang tarangkahan at lumabas na kami roon, ginintuang oras na.

"Maraming salamat sa masarap na tanghalian," saad nya at inayos ang kanyang sumbrelo, sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ko ang kanyang ngiti. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha.

"Hindi naman ako ang nagluto ng ating mga kinain kung kaya't sa aming mga taga-luto ka magpasalamat," walang ganang saad ko, nagtaka ako dahil lumaki ang kanyang ngiti dahil sa sinabi ko. Hindi ba't nararapat lang na sya ay mainis dahil sa aking sinabi? Pambihira ang mga taong ito.

"Maraming salamat pa rin. Nawa'y... Nawa ay tanggapin mo ang aking alok," lakas loob na saad nya at nagsimula nang maglakad paalis, nagulat ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko kailanman hahayaan ang mga taong nag-iiwan ng isipin sa akin kung kaya't dali-dali kong hinawakan ang kanyang braso upang pigilan.

Naramdaman ko ang kanyang gulat dahil sa ginawa ko ngunit mas lalo akong nagugulat sa mga salitang binitawan nya kani-kanina lang, humarap na sya sa akin at magsasalita na sana ngunit inunahan ko na sya.

"Huwag mo nang pansinin pa ang aking kapangahasan. Anong alok ang iyong tinutukoy?" Kunot noong tanong ko, mukhang hindi pa rin sya makapaniwala sa ginawa kong paghawak sa kanya. Napatikhim na lang ako, mukhang tama nga si Ama na napapasobra na ang aking mga kilos.

Umihip ang malakas na hangin kung kaya't nakarating sa akin ang kanyang mabangong amoy, napatigil ako dahil tila pamilyar ito. Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ang pabangong iyon. "I-ikaw ang lalaking sumalo sa akin?" Tanong ko habang nakatingin ng diretso sa kanya, ang pagsalo na ang inaasahan ko ay si Danyiel ang gagawa. Naiintindihan ko naman kung hindi nya ako nagawang saluhin noong araw na iyon, walang perpektong tao.

Tumikhim sya at umayos ng tindig bago tumingin ng diretso sa mga mata ko, nakikita ko na ngayon ang isang heneral na lumalaban hanggang sa kamatayan. "Nawa'y matanggap mo ang aking alok na kasal..." Imbis na sagutin ang aking huling tanong, ang aking naunang tanong ang isinagot nya. Tila muling gumuho ang aking mundong sirang-sira na.

Sa bagay ay hindi na nya rin naman kailangan na sagutin ang aking pangalawang tanong dahil malinaw sa akin na sya nga iyon, ngunit ang mga salitang binitawan nya ay ang unti-unting pagkawala ng aking pag-asa. Itinapat nya ang kanyang sumbrelo sa kanyang dibdib bago tuluyang sumampa sa kalesa at tuluyang umalis.

Naiwan akong tulala sa kawalan, ramdam ko ngayon ang muling paninikip ng aking dibdib. Bakit ganoon? Mas lalong inilayo sa akin ang pagkakataong nais ko, kayang-kaya kong tanggihan ang inaalok na kasal ng heneral ngunit hindi ni Ama na mahalaga ang bawat desisyon na gagawin. Kahit anong mangyari, si Ama pa rin ang masusunod.

Sa gitna ng aking mundong madilim, dahan-dahang napaangat ang aking tingin sa isang tao na syang nagbibigay liwanag sa aking madilim na kapalaran. Ako ang madilim na kalangitan ngunit nariyan ang buwan upang bigyan ako ng liwanag at pag-asa, at ang buwan na iyon ay walang iba kung hindi si Danyiel Villanueva.

Nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko at ganoon din ako sa kanya, ang kalsada ang syang pumapagitna sa aming dalawa. Nais kong tumakbo papalapit sa kanya at sya'y yakapin ngunit may malaking pader na humaharang sa aming dalawa at iyon ay ang tadhana, ang tadhana na hindi ko alam kung kailan pagbibigay ang aking Adhika.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan maglakad papalayo sa akin, sa oras na tumakbo ako papalapit sa kanya ay maraming makakakita at magiging usap-usapan na naman ito. Malamang ay Nasaksihan nya ang pagdating ng heneral, malamang ay pumasok na rin sa kanyang isipan ang kasal na maaaring humadlang sa aking pag-ibig sa kanya.

Napahawak ako sa tapat ng aking puso habang patuloy na tinatanaw ang kanyang pag-alis, unti-unti na syang naglalaho sa aking paningin tulad ng pag-asang aking tanging pinanghahawakan sa aming dalawa.

********************
#Adhika #Pag-ibigSerye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top