ADHIKA KABANATA 20

[Kabanata 20 - Pagtanggap]

BUWAN ng hulyo, dalawang buwan na lang at ikakasal na kami ni Danyiel. Kay bilis ng panahon at sandali, parang kailan lang ay inis na inis pa ako sa kanya. Ngunit ngayon, masaya ako. Hindi ko alam kung paano ngunit ang tanging alam ko lang ay masaya ako.

Narito ako ngayon sa isang panciteria, napuntahan ko na ito ng ilang beses katulad na lamang noong kasama ko si Danyiel at Carolina. Narito pa rin ang kanilang panciteria at hindi na ito ipinagbili pa dahil napagtanto nila na panciteria ang kanilang buhay. Isa rin ito ngayon sa paborito kong kainan dahil masarap ang kanilang mga pagkain, hindi man ito pang mayaman ngunit hindi ito mahalaga sa akin. Ang tanging ang mahalaga lang sa akin ay ang masarap kong makakain.

Kumakain ako ngayon ng pancit na syang pangunahing lutuin nila sa panciteria na ito, nais ko na palang mabuhay ng mahaba ngayon. Pumasok sa aking isipan si Danyiel, ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon?

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain nang may maramdamang presensya na malapit sa akin ngayon, hindi na ako lumingon pa at hinintay na lang itong magpakilala. Nagpatuloy na sya sa paghakbang hanggang sa magtama ang aming paningin, si Carolina. "Magandang umaga Gwenaelle, maaari ba kitang saluhan sa pagkain?" Lakas loob na tanong nya, bakas sa kanyang mukha na nag-aalinlangan syang lumapit sa akin at kausapin ako. Mukha ba akong nakakatakot?

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango, maingat syang umupo sa katapat kong upuan; may isang lamesa sa pagitan namin. Mukhang makikihati sya sa aking pagkain, sayang ang kayamanan ng kanyang angkan kung hindi sya bibili ng sa kanya. Hindi ako madamot ngunit pagdating sa pagkain ay oo.

Nakahinga ako ng maluwag nang tawagin nya ang isang serbidora at sinabi ang nais nyang kainin, umalis na ang serbidora kung kaya't nabaling na ang atensyon nya sa akin. "Gwenaelle... Ikaw ba ay napopoot pa rin sa akin?" Tanong nya, mahihimigan ang lungkot sa kanyang boses dahil lumalayo ang loob ko sa kanya ng dahil kay Danyiel.

Sandali ko syang pinagmamasdan, mukhang wala naman talagang intensyon si Carolina na ako'y makaramdam ng lungkot at paninibugho. Sandali- Ako'y naninibugho?

Napahinga na lang ako ng malalim at umiling, wala naman talaga syang kasalanan. Ang magulo ko lang na damdamin ang dahilan kung bakit lumalayo ang loob ko sa kanya, dahan-dahang sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Carolina matapos makita ang tugon ko. Kami ay magkaibigan mula pagkabata, nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi nya ako nagagawang iwanan sa kabila ng aking angking ugali.

"Hindi, hindi naman at hindi naman talaga." Napangiti sya lalo dahil doon at mukhang natunaw pa ang kanyang puso. Sa totoo lang ay ayoko ng madagdagan pa ang poot sa aking puso, palalayain ko na lamang ito.

"Maraming salamat, kaibigan! Huwag kang mag-alala, wala naman akong pagtingin kay Danyiel. May iba akong napupusuan sa Europa," ngiti nya, napaisip akong sandali. "Hindi ba't sa Europa mo rin nakilala si Danyiel?" Usisa ko, nanatili syang nakangiti. Kay inosente ng kanyang mukha at tila sya ay nabuhay sa isang masaya at masaganang pamilya dahil sa napakaganda nyang ngiti.

"Ngunit naroon pa rin ba sya hanggang ngayon?" Tanong nya pabalik, nagkatinginan kami at sa huli ay natawa. Para kaming nasa hukuman at pinag-aawayan ang isang maliit na bagay.

Dumating na ang kanyang pagkaing pinili kung kaya't nagsimula na ulit akong kumain at maging sya, tila nabunutan ng malaking tinik ang puso ko dahil sa sinabi nya. Panatag akong kumain kasama sya dahil ang mga salitang binitawan nya ay magbigay ng kapanatagan sa akin, kapanatagan na hinihintay ng aking puso.

NAGLALAKAD ako ngayon pauwi sa aming Hacienda, may kalesa naman ngunit tila hindi ako nakaramdam ng pagod sa paglalakad ko mula sa panciteria hanggang sa aming tahanan. Hindi naman ako pinagpawisan dahil malakas ang ihip ng hangin mula pa kanina, hindi ko na kailangan pang magpaypay upang ako'y hindi mainitan dahil dito.

Kaonting hakbang na lang at mararating ko na ang tarangkahan ng aming Hacienda nang may may marinig akong tunog ng kalesa, sa mismong gitna ng kalsada ako naglalakad kung kaya't gumilid ako at tinignan kung sino ang lulan sa kalesa.

Napatigil ako nang makita si Danyiel na bumaba na sa kalesa at lumapit sa akin, habang pinagmamasdan ko syang papalapit sa akin ay patuloy na bumubugso ang aking puso. Napatulala na pala ako sa kanyang maaamong mukha. "Binibini, nais mo bang manood ng dula sa treatro ngayong hapon?" Nakangiting tanong nya at hinawakan ang aking palapulsuhan na para bang sinisiguro na nyang sasama ako, papayag na sana ako dahil kasama ko naman sya ngunit may naalala ako.

"H-hindi ka ba magpapaalam kay Ama?" Nauutal na tanong ko, nakaramdam ako ng kaba nang hawakan nya ang aking pulso. Ang kanyang kamay at hawak ay nagdudulot ng kuryente sa aking palapulsuhan at sa kung ano mang parte ng aking katawan na hawakan nya. Ngumiti lang sya.

"Ako'y nakapagpaalam na kay Ama sa klinika bago ako pumunta rito. Napadaan kasi sya roon," saad nya, nanggigigil na ako sa kanya dahil ngiti sya ng ngiti at ito ay nagdadala sa akin sa kapahamakan. Napapatulala na lang akong bigla sa kanyang matamis na ngiti. Ano kaya ang ikinasasaya nya?

"Binibini?" Natauhan ako at napapalunok na tinignan sya, huminga ako ng malalim. Ano ba Gwenaelle? Ano't ika'y nawawala sa sarili? Nasaan na ba kasi ang walang emosyong Gwenaelle? Ako'y nahihirapang takasan ang sitwasyong ito!

"S-sige," tanging nasabi ko, namalayan ko na lang na inalalayan nya ako papanik sa kanyang kalesa at umupo sa tabi nya. Nagsimula nang umandar ang kalesa, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa katotohanang makakasama ko sya ngayon.

NANG makarating kami sa treatro ay may mga taong nasa labas na naghihintay at nais ding makapanood ng dula, sa totoo lang ay hindi naman ako mahilig sa panonood ng dula ngunit narito na ako at ano pa nga ba ang magagawa ko. Dumating na ang tagapangasiwa ng teatro at pinapasok na ang mga taong nakabayad na para sa dulang panonoorin. Maging kami ay dumiretso na sa loob, tila pinaghandaan nya ang sandaling ito.

Sa unang helera ng teatro kami umupo, ito siguro ang dalawang upuang binayaran nya para sa aming dalawa. Maliit lang ang teatro at hanggang dalampu't pataas lang ang mga taong maaaring manood sa aking tantya, may entablado kung saan doon magsisimula ang dula. Maraming gasera sa loob at nakabukas ito hangga't hindi pa nagsisimula.

Napunan na ang lahat ng upuan sa loob ng teatro at isa kami sa mga taong naririto, habang inililibot ko ang aking tingin ay natagpuan ko si Carolina ngunit namatay na ang lahat ng gasera sa loob ng teatro kung kaya't nabalot ng dilim ang buong kapaligiran. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pulang kurtina na nasa entablado at bumungad sa amin ang mga aktor na nasa kani-kaniyang pwesto ayon sa sinaulong dula.

Nagsimula na silang magsadula, hindi ko na napagtuunan pa ng pansin si Carolina dahil tila pamilyar sa akin ang dulang kanilang inaakto. Masungit ang babaeng bida habang ang bidang lalaki naman ay palangiti, nilingon ko si Danyiel at mukhang nararamdaman nya ring tila kaming dalawa ang bida sa dula.

Nakatakda ring ikasal ang dalawang bida na hindi ikinatuwa ng babaeng bida ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti nya itong natanggap ngunit hindi basta doon nagtatapos ang kwento dahil napaibig sya sa bidang lalaki, nawala ang pagiging masungit ng bidang babae at naging malambot sya sa bidang lalaki. Sa masayang wakas nagtapos ito. Wala sa sariling napapalakpak ako, nagawa nila akong mapalakpak kahit pa hindi ako ang taong mahilig sa mga dula.

Akala ko ay doon na nagtatapos ang dula ngunit laking gulat ko nang tumayo si Danyiel at inilahad ang kanyang kamay sa tapat ko, nakita ko ng kiligin ang mga binibini at napangiti lahat ng nanonood. Hindi ko alam ang nangyayari ngunit tinanggap ko na lang ang kanyang kamay na nakalahad sa akin.

Nagulat na lamang ako dahil nasa gitna na kami ng entablado, ang mga aktor ay umakto na kami ang dalawang bida sa dulang ito. Nasa gilid silang lahat at tanging kami lang dalawa ang nasa gitna, kasabay ng pagsaboy sa amin ng mga bulaklak ay ang pagpalakpakan ng lahat na ang ibig sabihin ay tapos na ang dula. Nagugulat akong tinignan si Danyiel na ngayon ay medyo nahihiyang ngumiti sa akin.

"N-nawa'y nagustuhan mo ang dulang ito na sumasalamin sa pagsasama nating dalawa, aking nais lamang gampanan ang sinabi kong panliligaw sa iyo. Nawa'y tanggapin mo rin ang aking kamay na hindi kailanman bibitaw sa 'yo." Nakatingin kami ng diretso sa mga mata ng isa't isa, tila hindi na alintana pa kung marami mang tao ang nakatingin sa amin ngayon dahil tanging sya lang ang aking nakikita sa aking mga matang kumikislap sa tuwing nakikita sya.

Tulad ng kwento sa dula, sa paglipas ng panahon ay unti-unti ring lumambot ang aking puso sa kanya na kung dati ay wala namang pakielam sa kanya. Hindi ko kailanman malilimutan ang mga salitang binitawan nya, hindi ko kailanman malilimutan ang sandaling ito kung saan tinatanggap ko na ang aming nakatakdang kasal mula sa aking puso...

********************
#Adhika #Pag-ibigSerye

Ika-labing apat ng Oktubre, 2021 (10/14/2021).

Kahapon ko pa natapos ang chapter na 'to pero ngayon ko lang naisipang ilagay ang 'BuKo' by Jireh Lim para sa kabanata na ito, sa tuwing naririnig ko 'yong part na...

'Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi'.

Naaalala ko ang pangyayari sa teatro at 'yong sinabi ni Danyiel, ang ganda isipin at pakinggan. ♡

ᜁᜃᜌ᜔ ᜉ ᜇᜒᜐ᜔.... ᜀᜅ᜔ ᜊᜓᜑᜌ᜔ ᜃᜓ <3

Nagmamahal,
Cess.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top