Talaga?
Talaga?
"Parang ngayon lang kita nakitang lumabas ah," sabi ni Ace nang makita ako sa tindahan nila. Nakangiti siya sa akin, sa amin pala yata kasi kasama ko ang matalik kong kaibigan.
"Eh? Anong ngayon lang? Lumalabas kaya ako."
"Hindi eh, parang isang taon ka na ata nagkulong sa kung saan man."
Natawa ako nang mahina. Sakto namang magbabayad na si Jiana, kaibigan ko, ng mga binili namin kaya mas makakapag-usap kami.
"Miss mo 'ko, ano?" nakangiting sabi ko.
"Hindi ah."
"Eh bakit ka nakangiti?" tanong ni Jiana habang nakatingin kay Ace na para bang tinutukso niya ito.
"Miss rin kita eh," sabi ko na ikinatikhim ng ate ni Ace. Hindi ko napansin nandito pala ate niya.
"May hahabol sa February 14 ah," may patawang sabi ni ate Cynthia, kapatid ni Ace.
"Ano? Ace. Hahabol daw ba tayo?"
Napatingin si Jiana sa akin na para bang gulat.
"Jyca, ayos ka lang?"
Napasimangot ako sa sinabi niya.
"Ayaw mo?"
Nagpipigil siya ng tawa.
"Uncrush na lang kita," ani ko at hinila kamay ni Jiana. Nakabayad na rin naman siya eh. "Tara na Jiana."
Nakalabas na kami.
"Oy! Sandali!"
May biglang humawak sa kamay ko, sa may pulsuhan. Nilingon ko at kamay ni Ace ang humawak dito.
"Huwag mo naman akong i-uncrush. Ikaw ah, may crush ka pala sa akin. Crush din kita."
Tinaasan ko siya ng kilay saka ako biglang napangiti.
"Talaga?"
Nangunot-noo siya. "Anong talaga?"
"Crush mo ako?"
Napakamot siya sa batok niya. Aba, nahiya pa.
Tumango siya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.
"Ang kyut!" tili ko at pinisil ang magkabilang pisngi niya.
Napatakip siya sa magkabilang pisngi niya.
"Bakit mo ginawa iyon?"
"Gusto ko eh," ani ko.
"Okay. Basta huwag mo na ako i-uncrush ah."
Natawa ako nang mahina. "Sorry pero na-uncrush na kita."
Nanlumo ang mukha siya.
"Inuncrush kita dahil mahal na kita."
Napatingin siya sa akin.
Ngitian ko siya.
"Talaga?" tanong niya. Aba, ayaw niya ba maniwala?
"Talaga."
"Sure?"
"Oo nga Ace, ayaw mo ba? Diyan ka na nga." Akmang tatalikuran ko na siya nang bigla niya akong yakapin.
Iyong puso ko, ang bilis na naman ng tibok.
"Mahal din kita," bulong niya sa tainga ko.
Pakiramdam ko, kamatis na mukha ko.
Rinig ko ang mga tukso ni Jiana at ate niya sa amin.
Naging kami noong araw ding iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top