Sagot sa Tanong na Bakit
Sagot sa Tanong na Bakit
Abala ako sa pagbabasa ng aklat nang may lumapit sa akin. Nasa parke kasi ako, rito ko naisipang magpalipas ng oras.
"Alora," pagtawag sa akin. Alam kong si Aiden 'to. Nilingon ko siya at nginitian. Pagkatapos ay ibinaling ko ulit ang tingin ko sa librong binabasa ko.
Akala ko uupo na siya sa tabi ko ngunit hindi. Nabigla na lang ako sa sinabi niya.
"Itigil na natin 'to."
Hindi agad ako nakapagsalita. "What do you mean?"
"Maghiwalay na tayo."
Nabitawan ko ang librong hawak ko. Seryoso ba siya? Napabuntong-hininga na lang ako nang may mapagtanto.
"Bakit?" tanong ko at tumayo mula sa pagkakaupo saka siya hinarap. Alam ko naman na kung anong rason niya pero gusto ko pa ring marinig mula sa kanya.
"Mahal ko pa siya."
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko siya.
Napahawak siya sa pisngi niya. "I deserve this slap."
"Dapat lang! Napakawalang hiya mo eh. Bumalik ka pa sa akin kung mahal mo pa pala 'yong nauna. Napakatanga ko naman at binigyan kita ng isa pang chance."
"Alora, mahal din naman kita."
Napangisi ako. "Mahal? Ibulsa mo 'yang pagmamahal mong 'yan! Bakit? Anong tingin mo sa akin? Laruan? Laruan ba? Ha!" Nangingilid na ang luha ko.
"Bakit siya? Bakit siya, Aiden? Bakit siya pa rin? Siya rin pala pipiliin mo pero bakit ka bumalik sa akin? Tapos ngayon, makikipaghiwalay ka ulit."
"Gulong-gulo kasi ako, Alora. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."
"Na naman? 'Yan na naman irarason mo sa akin? Iyan din ang sinabi mo noon. Inintindi ko at hinayaan kita pero nalaman ko na few days after, kayo na ulit ng naging ex mo bago naging tayo. Ang galing mo rin 'no. Then noong hiniwalayan ka niya, bumalik ka sa akin. Tinanggap naman kita. Ang tanga ko sa ginawa ko."
"Alora, sana maintindihan mo ako."
"Maintindihin akong tao, Aiden. Naiintindihan kita pero ang hindi ko lubos maintindihan, bakit ka pa bumalik sa akin kung mahal mo pa pala siya? Bakit kasi pinakawalan mo?! Bakit kasi pinakawalan mo siya? Mahal na mahal ka rin ni Janine."
"Kung mahal niya ako, bakit siya nakipaghiwalay ulit sa akin no'n?"
"Hindi mo alam? Paano mo nga naman malalaman kung sabi mo ngang gulong-gulo ka. Sarili mo lang kasi iniisip mo eh. Hindi mo man lang naisip kong anong mararamdaman ng taong nagmamahal sa'yo. Hiniwalayan ka niya para makapag-isip-isip ka. Hindi nga lang niya akalain na babalikan mo ako."
"T-Teka, magkakilala ba kayo ni Janine?"
"Hindi pero alam ko ang nararamdaman niya. Babae rin ako at parehong tao ang mahal namin."
"Alora, sorry."
"Okay lang. Ano pa nga bang magagawa ko kung hindi na ako ang mahal mo."
"Mahal kita."
"Pero mas mahal mo siya. Siya ang pipiliin mo, 'di ba? Samantalang ako, hiniwalayan mo. Ang sakit! Ang sakit dito," sabi ko at tinuro ang puso ko. "Sobrang sakit. Bakit ka pa bumalik sa akin? Bakit? Bakit? Kung sa huli, iiwan mo ulit ako. Ang tanga ko rin naman kasi eh. Pinapasok ulit kita sa buhay ko."
Napahagulhol na lang ako. Alam kong kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao pero wala na akong pakialam. "Aiden, ang sakit."
"Sorry, Alora."
"Tama na. Huwag mo na sabihin 'yan. Umalis ka na lang. Alam ko naman na siya talaga ang mahal mo eh. Huwag ka na maguluhan, Aiden. Minahal mo lang naman ako kasi nalaman mong mahal kita. Si Janine? Mahal mo kasi mahal mo talaga. Mahal mo siya hindi dahil mahal ka niya."
"Alora," sabi niya at akmang lalapitan niya ako pero humakbang ako palayo.
"Umalis ka na. Tapos na tayo," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"Alis na."
"I love you," malungkot na sabi niya saka na tumalikod sa akin at naglakad palayo.
Tuloy lang ang agos ng mga luha ko. Bakit kasi siya? Bakit si Aiden pa ang minahal ko? Ang tanga ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top