Nang Dahil Sa'yo

Nang Dahil Sa'yo

"Sige ah. Baba ko na 'tong telepono. Kita na lang tayo maya. Bye!" sabi ko at pinatay na ang tawag. Atat naman kasi ang kaibigan ko. Hindi makapaghintay.

Nagsimula na lang akong maglakad pero napahinto ako sa tapat ng isang tindahan. Nagutom ako eh. Ayaw ko namang tiisin ang gutom ko.

Agad akong bumili ng tinapay at nagsimulang maglakad ulit.

Nagtext ako kay Jena, kaibigan ko, na nasa tapat na ako ng restaurant na sinabi niya. Nasa loob na ang loko.

Bubuksan ko na sana ang pintuan nang nagbukas na pala ito kaya nakabanggaan ko ang isang lalaki. Nahulog ang mga dala niya.

"Sorry. Sorry po. Hindi ko sinasadya," tarantang sabi ko habang tinutulugan siya sa pagpulot ng mga gamit niya.

Tumabi kami agad nang matapos naming pulutin ang gamit niya dahil may mga dadaan.

"Pasensiya ka na ha? Hindi ko kasi nakita na—"

Pinutol siya ang sasabihin ko sana nang magsalita siya.

"Hindi. Ayos lang. Mart nga pala," aniya at inilahad ang kaniyang kamay.

"Mikki," ani ko at nakipagkamay sa kanya.

"Nice meeting you. By the way, can I get your number?"

Aba. Parang hindi siya nahihiya ah.

"It's ok—"

"Ah no. No, it's okay. Here's my number," ani ko at iniabot sa kanya ang piraso ng papel kung saan nakasulat ang number ko. May ganyan ako kasi kapag nagloload ako, nakakalimutan ko numero ko at tamad din akong tignan ito sa phone ko.

Ngumiti siya. "Thanks. I'll call you soon then. Bye, gotta go. See you next time."

"See you!" sabi ko at kumaway sa kanya.

Tinawagan niya nga ako no'ng gabi ng araw na iyon.

Simula noon ay halos araw-araw na kaming magtawagan. Pumupunta na rin siya sa aming bahay para umakyat ng ligaw.

Gusto siya nina papa at mama, pati na rin kuya ko pero pinayuhan nila ako na masyado pang maaga. Kapag legal na ako, saka ko na raw sagutin.

Sabagay sa susunod na buwan, kaarawan ko na. 18 na ako sa araw na iyan.

"Mikki! Kailan mo ba sasagutin si Mart?" tanong ni Jena. Kasalukuyang nasa school canteen kami.

"Secret baka mashowbiz."

"Mikki naman!" sabi niya at napabasungot. Natawa naman ako.

"Malapit na."

"Kailan nga?"

"Basta!"

Sa sumunod na araw, magkikita kami ni Mart sa isang parke malapit sa paaralan namin. Siya ang pupunta rito. Magkaiba kasi kami ng paaralan.

Naglakad na ako papunta sa parke nang agad ko siyang makita pero may kasamang babae. Sumikip ang dibdib ko sa nakita ko. Masaya sila at nagtatawanan.

Maglalakad na sana ako pabalik nang tawagin niya ako. Hindi ako lumingon bagkus sinimulan ko ng maglakad.

"Teka!" sabi niya nang maabutan ako. Hinihingal pa.

"Saan ka pupunta?"

"Aalis."

"Bakit? Ano ka ba. Halika na," aya niya.

"Para ano pa? May kasama ka na naman eh."

Natawa siya bigla na ikinakunot ng noo ko.

"Halika na nga," aniya at bigla na lang akong binuhat na parang sako ng bigas. Dinala niya ako sa lugar na kinaroroonan niya kanina.

"Ate, siya iyong sinasabi ko."

Ate niya pala?

"Nice, Mart. Mukhang magkakaintindihan kami. By the way, I'm Jaena."

"Mikki," sambit ko at nakipagkamay sa kanya.

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na si ate Jaena dahil may pagpupulong daw na kailangan niyang daluhan.

Grabe. Napagselosan ko ang may trabaho na. Paano ba naman kasi parang kaedad lang namin tapos mas matangkad pa si Mart kaysa sa kanya.

Nagdaan ang mga araw at kaarawan ko na. Ang saya ng araw na ito!

Mayamaya'y nag-iba ang tugtugin at nakita ko si Mart sa gitna na kumakanta at may dalang bulaklak.

Lumapit siya sa akin at ibinigay iyon. Malugod ko namang tinanggap ito.

Mayamaya'y inaya niya akong sumayaw at nagsayaw kami habang kumakanta siya.

Natapos na ang awitin niya at mga tugtugin na lang ang natitirang ingay at ang tili't hiyawan ng mga tao.

Lumuhod siya at may inilabas siya na maliit na kahon. Binuksan niya ito at nakita ko ang laman, singsing! Hindi ko 'to inaasahan.

"Ms. Mikki Salseda, handa ka bang maging Mrs. Agustus?"

"Misis agad? 'Di mo pa nga ako girlfriend eh. Anyway, yes! Pumapayag ako!" Aarte pa ba ako?

Napangiti siya at nagtilian naman ang mga tao sa paligid. Inilahad ko ang aking kamay at isinuot niya naman sa aking palansingsingan ang singsing na may hugis puso.

Tumayo siya at niyakap ako saka inikot.

Nagdaan ang mga taon at kami ay kasal na. May mga hindi man kami napagkakaintindihan sa nakalipas na panahon pero naaayos naman namin. Ang saya lang kasi nahanap ko ang sinasabi nilang 'The One'.

"Congratulations!" bati sa amin ng best friend ko. "Kailan ko rin kaya mahahanap si The One?"

"Nandito naman kasi ako, 'di mo lang napapansin."

Nakita kong namula ang pisngi ni Jena sa sinabi ni Nathan, kaibigan ni Mart.

Natawa na lang kami nang mahina nang bigla na lang umalis si Jena.

"Maiwan ko muna kayo," ani Nathan at umalis na.

"Mart, mahal ko. Salamat sa iyo ah."

Lumingon siya sa akin. "Salamat saan?"

"Kasi nang dahil sa'yo naramdaman ko ang tunay na pag-ibig. Naramdaman ko iyong tunay na saya. Simula noong nakilala kita, nakakangiti na ako nang husto. Noon kasi may bahid ng pagpapangap ang mga ngiti ko at batid iyon ng kaibigan ko."

Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"Nagpapasalamat din ako sa'yo Mikki, mahal. Nahanap ko ang sarili ko dahil sa pagsuporta mo sa akin. Napakaswerte ko. Salamat sa Diyos at ibinigay ka niya sa akin. Mahal na mahal kita, tandaan mo iyan ah?"

Tumango ako at ngumiti.

Niyakap niya naman ako saka hinalikan sa noo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top