Muling Pagtatagpo
Muling Pagtatagpo
"Tahan na, Krishna. Please."
"Liam, ang sakit."
"I'm sorry," sabi niya at randam kong nagpunas siya ng luha niya. Lumuluha na rin siya.
"Bakit kasi ginawa mo 'yon?" gumagaralgal ang boses na tanong ko sa kan'ya.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin saka ako niyakap. "Patawad, Krishna. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong gagawin noon. Mahirap sa akin ang naging desisyon ko. Ayaw kong hiwalayan ka pero kinailangan kong gawin."
Napayakap na lang din ako sa kaniya. I've missed him so much. Nakadarama man ako ng galit noon dahil sa ginawa niya pero pinili ko na lang na intindihin siya. Mas nanaig ang pang-uwa sa akin. Masakit ang nangyaring iyon sa amin.
* * *
"Krishna, may sasabihin ako."
Napalingon ako sa kinaroroonan ni Liam at nginitian siya. Ngayon lang ulit kami magkita at mag-usap. "Ano 'yon?" malumanay na tanong ko.
"Itigil na natin 'to."
Kinabahan ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin? Ano ang iitigil natin?"
"Mahal kita pero siguro tama na muna. Itigil na natin ang relasyon natin. Paalam," sabi niya saka siya lumapit sa akin at hinalikan ang aking noo.
Hindi ako makagalaw sa puwesto ko o makapagsalita man lang. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan na lang siyang papalayo. Naiwan akong tulala at pagkaraan ng ilang minuto ay pumatak ang aking mga luha.
* * *
"Krishna," pagtawag sa akin ni Liam.
"Bakit? Bakit hiniwalayan mo ako? Bakit kinailangan mong gawin iyon?"
"I'm sorry, Krishna. Pansin mo naman na naging busy ako bago ang hiwalayang nangyari. Naging busy ako at nawalan na ako ng time sa iyo kaya noong magkaroon ako ng free time ay doon ko naisipang makipaghiwalay na lang sa iyo."
"Napakaduwag mo, Liam. Hindi mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman ko? Kayang-kaya kong intindihin ang pagiging abala mo. Kayang-kaya kong tiisin na hindi kita makausap, makita, at makasama. Kaya kong tiisin ang lahat. Marami na tayong pinagdaanan bago mo 'ko hiniwalayan pero mas pinili mo pa ring tapusin ang relasyon natin. Iniwan mo ako sa mga panahong nangangailangan ako ng kasama at kausap. Nag-iipon lang ako ng lakas sa mga panahong iyon para makapagbahi sa'yo ng problema ko pero hindi ko na nagawa pa. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin at paniwalaan noon. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko."
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "I'm sorry, Krishna. Pasensiya na sa ginawa ko. Wala akong kaalam-alam sa mga problema mo noong panahon na 'yon. Naging makasarili ako. Lumayo ako sa iyo kasi iyon ang alam kong makakabuti para sa atin. Nasasaktan na kita dahil hindi na kita nakakausap at nabibigyan ng atensiyon. Oo, naging duwag ako dahil maaari naman akong magsabi sa'yo ng problema ko ngunit pinili kong sarilihin na lang. Ayaw kong makadagdag sa mga inaalala mo. Ayaw kong problemahin mo rin ang problema ko. Lumayo ako sa'yo kahit mahirap. Hiniwalayan kita pero hindi ibig sabihin na pinakawalan na kitang tuluyan. Krishna, hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal ko."
Kumawala muna ako sa yakap at hinarap siya. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at tumitig sa kaniyang mga mata. Nangungusap ang kaniyang mga mata. Ngumiti ako saka nagwika, "Pitong taon, Liam. Sa pitong taon na magkahiwalay tayo at nawalan ng koneksiyon sa isa't isa, ikaw at ikaw pa rin ang inibig ko. Nangungulila ako sa'yo ngunit anong magagawa ko kundi ang hintayin na lang na magkita ulit tayo. Lagi kong hinihiling na dumating ang pagkakataon na 'to."
Pinunasan niya ang luhang dumadaloy sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. "Salamat, Krishna. Maraming salamat sa lahat. Hinintay mo rin ako kahit hindi ko sinabi sa'yong hintayin mo ako. Katatapos lang natin ng Senior High noon at naisip ko kasi na bata pa rin talaga tayo. Salamat Krishna at nagpakatatag ka."
Ngumiti ako at yumakap sa kaniya. Sinandal ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib. "Rinig ko ang pagtibok ng iyong puso gaya ng pagtibok nito noong una nating yakap ngunit ngayon ay tila mas malala pa." Tumingala ako sa kaniya saka nagsalita ulit at sinabing, "You make me feel loved, Liam. Nagpakatatag ako kasi naniniwala akong mahal mo ako at may mahalaga kang rason kung bakit ginawa mo iyon. Oo, may pagkaduwag ka pa rin talaga pero tanggap naman kita."
Natawa siya nang kaunti.
"Anong nakakatawa?" tanong ko at nagtaas ng kilay.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Narinig ko lang kasi ulit ang linyahan mong 'Pero tanggap naman kita'. Oo na nga, duwag na 'yong tao pero ngayon ay hindi na ako magiging duwag pa." Nilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Aangkinin ulit kita," sabi niya saka ngumiti.
"Matagal na akong iyo."
Hinalikan niya ang aking noo. "Napakaswerte ko sa iyo. I'm really sorry, Krishna. Patawad sa mga ginawa kong nakakasakit sa iyo."
Pasimple ko siyang pinalo at napatawa nang marahan. "Tapos na 'yon. Pinatawad naman na kita. Handa akong patawarin ka nang paulit-ulit. Mahal kita e."
"Ibig sabihin ba n'yan ay bumabalik ka na sa akin?"
Tinaas ko ang aking kilay. "Ako? Bumabalik sa iyo? Ako ba ang nang-iwan?" sabi ko saka kumawala sa yakap at bumasungot.
Natawa na lang siya.
"Kanina lang ay grabe ang iyak mo, ngayon naman nagsusungit ka na."
"Shut up! Alis ka na lang ulit. Ayos lang naman sa aking maghintay ulit sa pagbabalik mo."
"Ito naman," ani niya saka ako hinila palapit sa kaniya at niyakap. "Hindi na ako aalis ulit. Hindi na kita iiwanan dito dahil ngayon ay sabay na ulit nating lilisanin muna ang tagpuan nating ito."
Hindi ako nagsalita pero sa loob ko, kinikilig na ako. Iba talaga ang epekto niya sa akin.
"Krishna," pagtawag niya sa akin. Nakayakap pa rin siya sa akin.
"Bakit?"
"Humarap ka sa akin."
Ginawa ko naman ang sinabi niya.
Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa halik niya. Randam ko ang kasabikan sa kan'yang halik. I can feel his passionate and sincere love towards me.
Mayamaya pa ay tumigil na kami sa paghahalikan. Pareho naming hinabol ang aming hininga. Ilang segundo lang ang lumipas ay hinalikan niya ang aking noo at saka nagsalita, "I love you so much, Krishna."
"Mahal na mahal din kita, Liam."
Matagal kong hiniling at naghintay rin ako, ngayon ay makakasama ko na ulit ang taong mahal na mahal ko. Pinagtagpo ulit kami sa lugar kung saan niya winakasan ang relasyon namin. Nabigyan kami ng pagkakataon na ituloy ang naudlot naming pagmamahalan.
"Liam/Krishna," sabay naming pagtawag.
Nagkatinginan na lang kami at ngumiti sa isa't isa. Hinawakan niya ang aking kamay at nagsimula na kaming maglakad. Lilisanin muna namin ang aming madalas na tagpuan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top