Minahal Ngunit Hindi Pinili

Minahal Ngunit Hindi Pinili

          Hindi ako matigil sa pag-iyak dahil sa nakita ko kanina. Umuulan na rin. Ang sakit, sobra. Anong kulang sa akin James? Ano? Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan nitong mga nakaraang araw? May iba ka na pala.

           “Akala ko ba ako lang?” agad na tanong ko nang makalapit ako sa kanila ni Shantal, ang matalik kong kaibigan. Nagulat sila nang makita nila ako.

            “C-Charmaine?” utal na sabi ni James.

             “So romantic, hindi ba? Ang sarap kayo panoorin na naghahalikan kanina samantalang ako ay hindi na matigil sa pag-iyak.” Nagpunas ako ng luha pero may tumulo na naman.

            “Ano? Hindi ba kayo magsasalita? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba ako lang? Ha! James! Sumagot ka!” sigaw ko at pinagsusuntok siya.

          “Tama na, Charmaine,” pag-aawat sa akin ni Shantal habang pinipigilan ako sa pagsuntok sa taksil kong kasintahan.

           Itinulak ko si Shantal dahilan para matumba ito. Tinignan ko siya nang masama. “Tinuring pa man din kitang pinakamatalik na kaibigan at tinuring na rin kitang kapatid! Tapos, ito ang igaganti mo sa akin?!” galit kong sabi.

          Ibinaling ko ang tingin kay James. “Mamili ka, ako o siya?”

         “Sorry, Charmaine,” sagot niya dahilan para matawa ako.

         “Bakit siya? Bakit James? 'Di ba ako ang mahal mo? Sinabi mo pa iyan sa harapan ng mga magulang ko!”

          “Oo, mahal kita Charmaine pero patawad kung hindi ikaw ang pipiliin ko. Para rin sa kaligta—”

         “Tama na! Oo na! Siya na ang pipiliin mo! Siya na ang pinili mo! Naiintindihan ko! Oo! Naiintindihan ko. Magsama kayo! Sana na lang hindi ikaw ang pinili ko. Sana iyong taong mahal na mahal ako ang pinili ko. Iyong taong kahit ilang beses kong pagtulakan, ako pa rin ang mahal. Nagkamali ako sa pagpili ko sa iyo at sana hindi ka rin magkamali na siya ang pinili mo!” huling sabi ko saka ko sila nilisan.

          Sa sumunod na araw ay nakatanggap ako ng liham at galing ito kay James. Humihingi siya ng tawad at sinabi niya rin ang dahilan kung bakit pinili niya si Shantal, ito'y dahil sa utos ng kaniyang mga magulang. Hindi ko alam kung kailan ko kayo mapapatawad pero asahan niyo na darating ang panahon na iyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top