Makikipaghiwalay ka?

Makikipaghiwalay Ka?

          Nasa kwarto ako at busy sa pagsasagot ng modules nang marinig ko ang usapan ng kuya na pinsan ko at ng asawa niya.

          “Sa Sabado na tayo lilipat,” sabi ni kuya Mart, ang pinsan ko. Hindi kasi namin bahay 'tong kinaroroonan namin eh. Boarding house lang 'to.

          “Sure na 'yan? Paano ako?” tanong ni ate Layla, asawa ni kuya Mart.

          “Anong paano ka?”

          “Alam mo naman na araw-araw ako umaalis ng umaga para pumunta sa trabaho tapos uuwi rin ng hapon.”

          “Anong nais mong sabihin?”

          “Hanap tayo ng boarding house na kung saan ako lang mag-isa ang mangugupahan para naman 'di ako mahirapan.”

          “Paanong mahihirapan ka? Bibili nga tayo ng motor mo eh.”

           Nagpipigil ako ng tawa rito.

          “Oo pero 'di ba nanlalabo nga mata ko sa di—”

          “Makikipaghiwalay ka ba?” Kuya Mart, is the you? “Kaya sabi mong maghanap tayo ng mauupahan mo?”

          “Hindi naman sa gano'n pe—”

          “Walang pero pero. Basta sa Sabado na tayo lilipat sa bahay. Walang magboboarding.”

          Hinintay ko kung sasagot pa si ate Layla pero tunog ng cellphone ang narinig ko.

          “Hello,” sabi ni kuya Mart. Ah so phone niya ang tumunog. Time out na siguro nila 'yon.

           Ipinagpatuloy ko na ang pagsagot sa modules at ikinuwento ko kay Mayla, kapatid ni kuya Mart, ang nangyari kanina noong wala siya. Lumabas muna kasi siya para bumili ng mga kakainin namin.

           “Ang sweet naman ng Kuya ko. Sana all. Samantalang boyfriend mo ayon nakipaghiwalay na sa'yo,” ani niya saka humagalpak. Binatukan ko nga. Nambwebwesit eh.

          “Aray naman. Makikipaghiwalay ka ba? Ha?”

          Binatukan ko ulit siya. “Hindi tayo lalaki para gawin ang dudevorse!”

          “Ha? Ano 'yon?”

          “Search mo na lang,” ani ko at nagpatuloy na lang sa pagsagot sa mga modules.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top