Loving You

Loving You

There's this guy named Terenz Alarcon and a girl named Azalea Stavros. They're bestfriends since they were 10 years old. 13 years na silang magkakilala at sa 13 years na ito, si Terenz ay may pagkagusto na pala kay Azalea. Gusto niya si Azalea at mahal na rin. 13 years na niyang mahal ang dalaga, bigla na lang niya naramdaman ang pagmamahal na ito kahit mga bata pa sila no'n.

Ngayon, labis na nasasaktan si Terenz kasi ang babaeng mahal niya ay may kasintahan na. Sa tuwing nakikita niya si Azalea kasama ang kasintahan nito ay parang tinutusok ng maraming beses ang kaniyang puso. Still, Terenz is happy for Azalea for seeing her happy makes him happy too even if he's not the reason of Azalea's happiness.

—Terenz's POV—

Nandito kami ngayon ni Azalea sa mall, bumibili ng pangregalo niya sa boyfriend niya kasi malapit na ang anniversary nila. Magtatatlong taon na silang nagmamahalan. Habang namimili kami ng ireregalo niya kay Daffryl ay may nahagilap ang mga mata ko na isang pigura ng lalake, pamilyar sa akin ito. Napansin ko na may kasama siyang babae at nakaakbay siya rito. No'ng humarap ito sa banda ng kinaroroonan namin ay laking gulat ko nang mapagtantong si Daffryl iyon, ang boyfriend ni Azalea.

"Lea, 'di ba si Daffryl 'yon?" sabi ko sabay turo sa kinaroroonan nina Daffryl at ang babaeng kasama nito habang namimili.
Lumingon naman doon si Lea at agad siyang pumunta sa kinaroroonan nila. Hinarap niya nang buong tapang ang dalawa.

Isang araw ang lumipas at kasalukuyan kaming nandito sa labas ng bahay nina Lea. Inom lang siya nang inom habang umiiyak, ayaw magpapigil. Wala akong nagawa kundi ang patahanin siya at yakapin.

"Bakit ganito? Ang unfair mo naman! Minahal kita nang sobra. Ba't nagawa mo 'kong lokohin?!" sigaw niya sa kawalan.

"Ssshhh... Lea, tama na. He doesn't deserve you," pagpapakalma ko sa kanya.

"Ba't kasi siya pa ang minahal ko? Pa'no na 'ko ngayon? Wala ng nagmamahal sa 'kin, wala na nga akong mga magulang tapos niloko pa ako," iyak niyang sabi habang yakap-yakap ko siya.

"Nandito pa naman ako, Lea, nagmamahal sayo. 'Di kita pababayaan." Tumingin naman siya sa akin at kita ko ang pulang-pula niyang mga mata at mugto na dahil sa kaiiyak. "Sana na lang pala inamin ko noon kung ano 'yong nararamdaman ko para sayo Lea, 'di ka sana umiiyak ng ganito. Pasensiya ka na kung naging torpe ako, 'di ka sana umiiyak ngayon. Mahal kita, Lea, matagal na. Simula no'ng nagkakilala tayo, mahal na kita hanggang patagal nang patagal ay lalong nahulog 'yong loob ko sa'yo. Loving you hurts sometimes kasi hindi ko alam kung may naramdaman ka rin sa akin," sabi ko pa at naramdaman kong umiinit na 'yong mga mata ko.

Nakatitig lang siya sa akin, parang 'di makapaniwala sa sinabi ko.

"Mahal din kita Terrenz. Matagal na rin pero 'di ko lang kayang sabihin kasi akala ko 'di mo ako mahal. Umaasa kasi ako na hindi basta kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Akala ko nga noon, no'ng nasa park tayo, aamin ka na sa akin. Iyon pala hindi. Tinulungan mo pala no'n si Daffryl na umamin sa nararamdaman niya sa 'kin," sagot niya saka tumingin sa kawalan.

Nakatitig lang ako sa kan'ya at tumingin ulit siya sa akin kaya nagtama ang aming mga mata. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya at ganoon na rin siya hanggang ang aming labi ay nagkadikit na. I kissed her passionately and she responded to it.

—Azalea's POV—

Lumingon ako kay Terrenz at nagkatitigan kami. Ramdam ko ang paglapit ng mukha niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa akin. Hinalikan niya ako at wala akong nagawa kundi ang tumugon dito. Mayamaya'y biglang may naghiwalay sa aming labi at nakita ko na lang si Terrenz na bumulagta. Ramdam man ang kalasingan ay tila nawala na ito kaya lumapit ako kay Terrenz at tinulungan siyang bumangon.

"Ano ba Daffryl!" sigaw ko sa kan'ya.

"Kaya pala ayaw mo na sa akin dahil sa lalaking iyan!" sagot nito habang nakatitig nang masama.

"Ikaw na nga 'yong nagloko at ikaw pa 'yong may ganang magsalita ng ganyan!" sagot ko rito. Kumukulo na ang aking dugo.

Ginantihan naman siya ng suntok ni Terrenz hanggang sa nagsuntukan na silang dalawa.

"Tama na! 'Wag na kayo mag-away" sigaw ko sa kanilang dalawa ngunit patuloy pa rin silang nagsusuntukan. Nakita ko si Daffryl na may hawak na kutsilyo at biglang sinaksak sa tagiliran si Terrenz.

Tumakbo ako sa gawi ni Terrenz at nilapitan siya.

"Terrenz, huwag mo 'ko iwan," iyak kong sabi.

"Sorry Lea," sagot nito habang nanghihina.

Tiningnan ko nang masama si Daffryl at 'di makapaniwala sa kaniyang nagawa.

"Mamamatay tao ka! " galit kong sigaw sa kan'ya.

Gulat ang mukha niya sa nakitang kalagayan ni Terenz. Nabitawan niya ang kutsilyong hawak hanggang sa bigla siyang tumakbo papalayo sa amin. Tumakas na siya.

Iyak lang ako nang iyak. "Terrenz, lumaban ka. 'Di ko kaya 'pag nawala ka. Hihingi lang ako ng tulong, kumapit ka pa," sabi ko habang umiiyak.

"Leah, sorry. Hindi ko na kaya," nanghihinang sagot nito at malapit na ring pumikit. Maraming dugo na ang nawala sa kaniya.

"No Terrenz, lumaban ka. Please."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Mahal kita Lea, mahal na mahal," sa pagsambit niya ng mga salitang ito ay kasabay ng dahang-dahang pagpikit ng kaniyang mga mata.

"Mahal din kita Terrenz, mahal na mahal din kita." Naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay niya sa pagkakahawak sa akin dahilan para mapaiyak ako at hikbi nang malakas. Napayakap na lang din ako sa katawan niya.

Isang taon ang lumipas...

"Terrenz, may dala ako para sa'yo!" masayang bati ko habang nakaharap sa puntod ni Terrenz.

Isang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang pagkawala ng mahal ko. Sariwang-sariwa pa rin sa akin ang nangyari. Ang halik niyang iyon ay ang una at huling halik namin. Napakasakit.

Nakakulong na rin ngayon si Daffryl hanggang sa napunta siya sa mental institution kasi nakakaramdam siya ng hallucination. May mental disorder na pala siya. Naaawa man pero hindi mawala-wala iyong sakit na idinulot niya sa akin.

"Terrenz, kung saan ka man ngayon ay sana masaya ka at sana lagi mo akong babantayan. Mahal na mahal kita. Salamat sa lahat, Terrenz. Mamahalin kita hanggang huling hininga ko. Ang mahalin ka kahit wala ka na ay siyang gagawin ko ngayon. Masakit man dahil ang huling taong inasahan kong mananatili ay nauna na sa kabilang buhay. Loving you is like loving an air, I can't see you now but at least I can feel you." Tumingala ako sa langit at ngumiti pa rin kahit nasasaktan.

written by Kiel and Azul

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top