Ikaw Lang

Ikaw Lang

"May sasabihin ako," sabi sa akin ni Zio. Kasalukuyang nasa parke kami ngayon na malapit sa kalsada.

"Alam ko na 'yan. Sasabihin mo na namang gwapo ka. Tsk. Ang hangin talaga," I said and rolled my eyes.

Napatawa siya nang mahina na ikinakunot ng noo ko. "What's funny?"

"Ang kyut mo."

"I know."

Tumikhim siya. "Seryoso ako, Chen. May sasabihin ako at mahalaga ito para sa akin," sabi niya saka niya ako iniharap sa kanya.

Napabuntong-hininga naman ako. "Ano ba iyon?"

"I like you. No, I love you."

Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Wala man lang paligoy-ligoy? Deritsahan na? Ang tapang! Ang lakas na tuloy ng tibok ng puso ko.

Ilang minuto pa ang lumipas nang nagsalita ulit siya. "Tatahimik ka na lang ba talaga? Wala ka man lang sasabihin?"

Bigla na lang ako napayakap sa kanya. Ramdam kong nagulat siya pero niyakap niya rin ako.

"Ibig sabihin ba ng pagyakap mo ay—"

"Mahal din kita. Matagal na. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"Ganyan din ako. Pangako."

Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko kaya napabitaw ako sa yakap. Sinagot ko ang tawag ng aking kapatid. Nagulat ako sa ibinalita niya na nasa hospital daw ang aming ina.

Niyakap ko ulit si Zio at sinabing mahal ko siya saka nagpaalam na aalis na ako. Agad akong tumakbo at tinawid ang kalsada pero hindi ko napansin na may paparating na sasakyan. Nabangga ako at rinig ko na lamang ang pagsisigaw ni Zio. Naaninag ko rin na papalapit siya sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.

—Third Person's POV—

Hindi alam ni Zio kung ano ang gagawin niya. Sobrang sakit ng nangyari ngayon. Ang taong mahal niya, hindi na nakaligtas pa.

Dahil sa pagkawala ni Chen, nagkaroon ng malalang depresyon si Zio na hindi niya na nakayanan kaya naisipan niyang wakasan na ang buhay niya. Sampong taon din siyang lumaban at tinupad ang pangako niyang si Chen lang ang mamahalin niya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top