Hindi Ako Handa

Hindi Ako Handa

“Kiana, pwede magtanong?”

Napatingin ako kay Johan at napangiti. Nasa isang parke kami ngayon. Inaya niya ako.

“Nagtatanong ka na,” sabi ko saka ako tumawa. “Sige na. Ano ba iyong tanong mo?”

“Ah... P-Puwede k-ka bang ligawan?”

Nagulat ako sa itinanong niya. Hindi ako handa para rito.

“Ah eh... Johan. Bakit naman naisipan mo akong ligawan?”

“Syempre. G-Gusto kita. Tinanong kita para alam ko kung may pag-asa ba ako.”

“Lahat naman puwedeng may pag-asa. Pero Johan, hindi ako handa para sa mga ganitong bagay. Baka mapaasa lang kita.”

Napatango siya. “Naiintindihan ko. Ako rin naman hindi handa pero nais kong subukan.”

Hindi muna ako nagsalita. Nag-isip muna ako.

“Johan/Kiana,” sabay naming pagtawag.

“Sige mauna ka na,” sabay na naman naming sabi.

“Ikaw na muna Kiana,” saad niya.

“Sige. Salamat. Alam mo Johan, pwede naman ako sumubok. Hindi ako handa pumasok sa isang relasyon pero handa naman akong subukan. Pinapayagan kitang ligawan ako.”

Nagdaan ang mga araw at buwan na niligawan ako ni Johan. Ang lakas din ng loob niya na kausapin ang pamilya ko at sabihin na nanliligaw siya sa akin. Dahil dito ay sinagot ko na siya. Senior High pa rin kami at maraming pinagkakaabalahan pero we find time para magsama. Nagtutulungan din kami sa pag-aaral kahit na magkaiba kami ng strand.

“Kiana, kumusta?”

“Ayos naman ako. Ikaw?”

Kasalukuyang nasa cafe nila kami at kumakain.

“Ayos lang din lalo na at kasama kita.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Nagpatuloy na kami sa pagkain. Ang saya niya kasama.

Nagdaan ang mga panahon at nagtapos na kami sa Senior High pati na rin sa College.  Kailangan na lang namin mag-exam para makapagtrabaho na kami. Civil Engineering ang natapos niya samantalang ako ay BS Psychology. Psychology ang kinuha ko kasi I want to be a Psychologist.

“Johan, hindi ako handa,” sagot ko sa kaniya nang tinanong niya akong magpakasal. Nakapasa kami ng exam para makapagtrabaho na at ito siya tinatanong ako.

Magsasalita na sana siya pero inunahan ko at sinabing, “pero handa ako pagkatapos ng tatlong taon. Isuot mo na 'yang ring sa daliri ko. Dali!” ani ko saka tumawa nang mahina.

Nakangiti niyang isinuot sa aking daliri ang singsing.

“Grabe ka, akala ko aayaw ka na,” ani niya saka niya ako niyakap nang mahigpit.

“Hindi 'no. Bakit pa ako aayaw eh doon na rin naman papunta iyon.”

Mas niyakap pa niya ako saka niya hinalikan ang noo ko.

Pagkatapos ng tatlong taon...

“Kiana, I give you this ring as a sign of our marriage, and with that I have, I honour you in the Name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit,” sabi ni Johan matapos isuot sa daliri ko ang singsing.

“Amen,” saad ng mga tao at ni Johan.

Ako naman ang nagsuot ng singsing sa daliri ni Johan. “Johan, I give you this ring as a sign of our marriage, and with that I have, I honour you in the Name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit.”

“Amen,” sabi ko at ng mga tao.

Natapos na ang seremonya ng kasal at nagtungo kami sa reception area. Maraming tao ang bumati sa amin at masaya kami dahil dito.

Pagkatapos ng isa't kalahating taon...

“Johan! Mahal!” sigaw ko kasi sumasakit na ang tiyan ko.

Agad naman siyang dumating at bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

“Bakit?” tanong niya.

“Manganganak na yata ako,” sabi ko saka sumigaw. Nataranta naman siya at agad niya akong binuhat at dinala sa sasakyan. Pinaandar na niya ito.

“Kapit lang Mahal, malapit na tayo.”

Nakarating na kami sa ospital at agad naman akong inasikaso ng mga nars at doktor.

Nasa delivery room na kami. Hawak ko ang kamay ni Johan. Umiire na ako para mailabas ko na ang bunga ng aming pagmamahalan.

Nagising ako at nakita ko si Johan sa gilid ng kama ko na may karga-kargang sanggol. Nahimatay kasi ako nang mailabas ko na ang bata.

“Mahal, gising ka na pala. Ito oh tignan mo ang baby boy natin.”

Lumapit siya sa akin at ipinahawak ang bata sa akin. Mahimbing na natutulog ang anak namin.

“Kamukha mo Johan,” ani ko.

“Oo nga. Sunod naman gawa tayo ng kamukha mo. Total tapos ka naman nang manganak.”

“Bwesit ka! Papahirapan mo na naman ako sa pagkarga sa sinapupunan ko ng bata at manganganak?!”

Natawa si Johan. “Sorry na Mahal. Biro lang eh. After three years, pwede na ulit 'no?”

“Oo na. Oo na! Basta. Tumahimik ka na. Magigising ang baby natin. Nga pala anong ipapangalan natin sa kaniya?”

“Johanes.”

Napangiti ako. “Maganda 'yan. Sige. Tawagin natin siyang Johanes.”

Nakalabas na kami sa ospital at umuwi na sa bahay. Sinalubong kami ng aming pamilya. Nag-aagawan silang makarga ang aming anak.

Ipinakarga na namin at una ang aking ina na kumarga.

Niyakap ako ni Johan at hinalikan sa noo. “Ang saya nila pero mas masaya ako.”

“Ako rin 'no,” sabi ko naman.

Naging masaya ang aming pagsasama ni Johan at nagkaroon pa kami ng dalawa pang anak. Lalaki na sinundan naman ng babae. Nag-iisa lang ang anak naming babae, siya ang bunso, at dalawa naman ang lalaki. May mga pagsubok na dumating sa amin ni Johan pero nalampasin namin iyon sa tulong din ng aming pamilya at kamag-anak. I'm so blessed to have him in my life. Hindi ako handa noon na pumasok sa isang relasyon pero sinubukan ko kasi handa naman ako sumubok and it's worth it. Buti na lang at sumubok ako, baka napunta pa sa iba si Johan.

“I love you, Kiana.”

“Mahal din kita,” ani ko saka kami naghalikan.

“Ayieh! Sina mom and dad. Nakuhanan ko iyon ng litrato!”

Napatigil kami sa paghahalikan at tumingin kay Johanes. Pareho kaming namula ni Johan.

Tumawa lang ang aming anak saka siya lumabas ng aming kwarto.

Napangiti na lang kami ni Johan at nagyakapan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top