Falling In Love

Falling In Love

Kagigising ko lang at cellphone ko ang agad kong tinignan. Nagbabakasali kasing may message na siya. Hindi nga ako nagkamali, nag-chat siya. Sinabihan ako ng good morning at gumising na raw ako. May voice message pa siya.

"Hey, Cassandra! Good morning! Bumangon ka na. Kumain ka pagkagising mo ah? You feel better na ba? Your boyfriend is always here. I love you!" sabi ni Gabriel, boyfriend ko. We are in a long distance relationship and I just meet him online. He is a writer and I am a writer too. Sa isang group chat kami nagkakilala.

Nag-reply ako sa message niya and after replying ay nag-offline na ulit ako. Mayamaya, lumabas ako ng aking kwarto para makakain na. Ginanahan akong kumain ngayon.

___

Ang tagal naman gumising ni Cassandra, my girlfriend. Nakilala ko siya sa roleplay world, I'm using a real account while she's using a roleplay account. However, I already know her name and her real account. Hindi pa nga lang niya tinanggap ang friend request ko. Hinintay ko na lang ang reply niya. Mayamaya pa ay habang nasa banyo ako, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Minadali kong makapag-ayos ng sarili dahil baka nag-reply na si Cassandra. Nang makalabas na ako ng banyo ay agad kong dinampot ang cellphone kong nakalapag sa lamesa. May reply na nga siya.

Ito ang laman ng mensahe niya, "Good morning too, Love. I'm sorry at late na naman ako nagising. I feel better na. Don't worry about me. I'm better now and I will be better again. Thank you for the love and care. I'm really thankful for everything. I love you too. Mahal na mahal kita, Gabriel. Lagi mong tatandaan iyan ah! Take care always."

Napangiti ako at nag-reply na. Tinanong ko kung kumain na ba siya. She's active 5 minutes ago kaya baka kumakain na rin. Sana nga.

Naisipan ko na lang na maglaro ng ML habang hinihintay ang reply niya. Maraming beses na akong naglaro ngunit hindi pa rin siya nag-reply. Kinabahan na ako. Hindi ako mapakali kaya naman I tried calling her pero walang sumasagot. Hindi niya pa na-seen ang message ko. Nakarami na ako ng missed call sa kaniya pero hindi pa rin siya online.

Kinalma ko ang sarili ko at hinintay na mag-online siya at mag-reply sa messages ko. Mas lalo akong nag-alala nang ang isang araw na paghihintay ay naging dalawang araw na at nasundan pa ng isa pang araw. Mababaliw na ako sa kakaisip. I even contacted her real account pero wala akong natatanggap na response. I tried to talk to her best friend pero hindi raw niya alam ang nangyayari sa kaibigan niya. Wala rin siya sa lugar nila. I asked her kung may iba pa bang kaibigan si Cassandra pero siya lang daw ang itinuturing nitong kaibigan. Nasabi rin ng kaibigan niya na hindi ko rin makakausap ang pamilya ni Cassandra dahil hindi naman gumagamit ng gadgets ang mga magulang niya. Cassandra has an older brother pero I don't know his account.

Luckily, ibinigay ng best friend ni Cassandra ang phone number nito. I tried calling Cassandra's phone number pero walang sumasagot. It just keep ringing and minsan bigla itong na-call ended. He asked Cassandra's best friend again kung nagkausap sila pero hindi rin siya sinasagot ni Cassandra.

* * *

"Mababaliw na ako! What's happening to her?"

"Kalma, Gab. She's okay. Maniwala ka, maybe she just need a rest."

Gusto kong manapak! Nasapak ko si Luhan dahil sa sinabi niya. Pasensiya na, kailangan ko lang ng masasapak.

"Ang sakit, Gab! Huwag mo nga sa akin ibunton ang nararamdaman mo! Dinadamayan na nga kita."

Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko at napahikbi ako.

"Umiiyak ka ba? Himala! Ngayon lang kita nakitang umiyak dahil sa isang babae. E, dati nga ay marami kang napaiyak na babae. Ano bang mayroon 'yang Cassandra na 'yan at mahal na mahal mo?"

"Hindi ko alam! Naramdaman ko na lang. Online ko lang naman siya nakilala pero pre, grabe na ang impact niya sa akin. Ilang araw na? Ilang araw na ba siyang offline? Gusto ko siyang puntahan sa kanila pero ang daming kailangan kong gawin dito. Kung lalayas ako rito para puntahan siya, madidismaya ang mga magulang ko. Ayaw ko namang masayang ang sakripisyo nila. Payo rin kasi ni Cassandra na mas sundin ko ang parents ko. Pero pre, nababaliw na ako! Gusto kong malaman kung kumusta na siya."

I dialed her number again pero wala pa ring sumasagot and worse, her number is now unattended. Naitapon ko ang cellphone ko dahil sa inis. Narinig ko naman na tila may nabasag.

"Unattended! Tangna! Paano na 'to, Luhan? Anong gagawin ko?"

"Kagulat ka pre. Basag na ang screen ng phone mo!"

"Wala akong pakialam! I need to know kung kumusta na siya! Nag-aalala na ako. I don't know how will I live without her. Siya 'yong dumating na ayaw kong mawala."

"Gab, grabe na talaga ang epekto niya sa iyo. Pero pre, huwag ka masyadong mag-alala. Baka kung ano pang mangyari sa iyo e. Baka bukas may pa-kape na ang pamilya mo. Sayang lahi, Gab. Biro lang," wika siya saka tumawa.

"Tangna ka!" Binatukan ko nga si Luhan. "Nagawa mo pang magbiro."

Natawa naman ulit siya. "Ang pangit mong magdrama. Gan'yan ka pala ma-inlove. Your actions is so unexpected, pre. Umuwi ka na lang sa inyo. Wala akong maipapayo rin talaga sa iyo kasi wala naman akong alam diyan sa love love na iyan. Sa akin na no girlfriend since birth ka pa talaga dumeretso."

"Ikaw kasi pinakamatino sa ating magkakaibigan. Tangna ka! Baka kung sa iba pa ako pumunta e lasing na naman ako. Nagbabagong buhay na nga ako e."

Tinawanan lang ako ni Luhan. Wala na akong nagawa kundi ang umuwi na lang kasi pinagtatawanan na lang ako ng Luhan na iyon.

Pagdating sa bahay, iyong isang phone ko ang ginamit ko. I contacted Cassandra's best friend at nagtanong kung ano na ang balita. Hindi ako makapagsalita dahil sa nalaman ko.

I couldn't stop my tears. Hindi ko alam kung ano na talaga ang gagawin ko. I decided to talk to my parents about my situation.

"Sigurado ka na ba, Anak?"

"Yes, Ma. Please let me. I'm also sorry if I'm asking you this. I love her so much, Ma. Pa, papayagan n'yo naman ako? Nilakasan ko na nga ang loob kong magsabi sa inyo kahit alam kong magagalit kayo na may girlfriend pala ako kahit ipinagbawal n'yo. Sana naman payagan n'yo ako."

Napabuntong-hininga ang aking ama. Hindi ko alam kung nadidismaya ba siya o ano.

"Ako na ang maghahatid sa iyo sa lugar ng girlfriend mo."

Napalingon ako sa tatay ko dahil sa sinabi niya. Nginitian na lamang niya ako. Hindi na siya galit. Napayakap na lang ako sa kan'ya. "Salamat, Papa."

Nagbiyahe na kami at nang marating ang lugar ay may ibinilin ang aking tatay. "Anak, mag-iingat ka. Siguraduhin mong magiging maayos ang kalagayan ng girlfriend mo. Ako na ang bahalang makipag-usap sa paaralan n'yo tungkol sa pansamantalang hindi mo pagpasok sa klase. Tatagan mo ang loob mo, Gab. Mabuti na lang din at medyo maluwag na ngayong panahon ng pandemya."

"Opo, Papa. Maraming salamat."

Nagpaalam na nga siya at umalis. Ako naman ay tinahak na ang daan patungo sa ospital na kinaroroonan ni Cassandra. Nakausap ko na rin naman ang pinsan ni Cassandra na siyang nagbabantay sa kaniya at pumayag siyang ako na ang magbantay sa kasintahan ko. Pumayag din ang doktor. Nasa wastong edad naman na ako para maging watcher ni Cass.

___

"May papalit sa akin na magbabantay sa'yo, Cassandra."

Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lang ako sa sinabi ng pinsan ko.

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas ang pinsan ko at may pumasok naman na isang lalaki. Tila bumilis naman ang tibok ng puso ko. Tinanggal niya ang facemask niya at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Anong ginagawa niya rito?

"G-Gabriel?" gulat kong sabi. Ngumiti naman siya pero parang ang lungkot ng mga mata niya.

Napaupo ako sa kama. "Paano ka nakarating dito? Anong ginagawa mo rito?"

Lumapit siya sa akin saka niyakap ako nang mahigpit. "Cassandra, what did you do? Why did you end up here?"

May tumulong luha mula sa aking kaliwang mata. "I-I'm sorry. Napagod ako."

He loosen the hug and looked at me. "Nandito ako, Cassandra. Lagi kong sinasabi sa iyo na mag-share ka lang sa akin. I'm always willing to listen. I will endure your pain too. Pinag-alala mo ako nang sobra, alam mo ba 'yon?"

Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. I didn't expect this to happen. Hindi ko inaasahan na nandito siya sa harapan ko. Akala ko nga hindi na mangyayari pa dahil sa muntik na pagpatay ko sa aking sarili. Nakaligtas ako sa ginagawa kong pagpapatiwakal. "I'm sorry, Gab."

Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki. "Don't be sorry, Cass. I understand you. It's not your fault, okay? You're just a victim of depression."

Inilapit ko ang ulo ko sa kaniya saka isinandal ito sa balikat niya.

"I'm sorry again. Sorry na rin kasi ganito mo ako naabutan. Unang pagkikita natin tapos ganito ako. I'm sorry that you have an unstable girlfriend. Do I even deserve the love and care na pinapakita at pinaparamdam mo sa akin?"

Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likod at paghalik sa aking noo saka isinandal niya ulit ang ulo ko sa balikat niya. "I loved you. I love you. I will always love you, Cass. Ayaw kong mawala ka. Hindi ko alam kung paano mabuhay na wala ka. Since the day na nakilala kita, I always wish to be with you. Sana ikaw na. I will do anything I can just to be with you, even in another life."

"Gab, I'm unstable."

"Be unstable with me. Sasamahan kita, Cass. I know na parang ang aga pa pero pangako na sasamahan ka hanggag pumuti na ang buhok natin."

I looked at him and smiled. "Is this a dream? Kasi kung oo, ayaw kong magising."

He cupped my face. "It's not a dream, Cass. Totoo ito. Magpagaling ka, okay? Para makapag-aral ka nang maayos. After graduating and having a stable job, papakasalan kita."

Napangiti naman ulit ako. "Promise iyan?"

Tumango lang siya saka hinalikan ang aking noo at niyakap.

* * *

"Congratulations! Mabuhay ang bagong kasal!" pagbati sa amin ng mga dumalo sa kasal namin ni Gab. Oo, asawa ko na si Gabriel.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Fernandez!" pagbati sa amin ni Luhan.

"Maraming salamat, pre."

"Walang anuman, Gab. Parang kailan lang 'yong panahon kung saan umiyak ka pa sa harapan ko dahil kay Cassandra."

Napataas-kilay ako sa sinabi ni Luhan at napatingin ako kay Gabriel. "Iniyakan mo ako?"

Hindi siya nagsalita at parang nahiyahiya pa.

"Oo, Cass. Send ko pa sa'yo ang video."

"Tangna! May video, Luhan?" gulat na gulat na sabi ni Gabriel na nagpatawa naman sa akin.

Natawa naman si Luhan saka nagwika, "Sorry pre. Don't worry, hindi ko naman ipinakita iyon sa iba nating kaibigan. Pero sana all sa inyo ni Cassandra. Ako kaya? Tatanda na nga talaga akong binata."

"Maghintay ka lang, Luhan. Love is a process naman e. Malay mo, katabi mo pala iyong magiging katuluyan mo."

Napatingin si Luhan sa katabi niya at sakto namang kararating ni Alexa, best friend ko. Tila nagitla naman si Luhan kaya sabay kaming napatikhim ni Gabriel.

"H-Hi," nauutal na sabi ni Luhan kay Alexa. Napangiti naman si Alexa.

"Bagay pala talaga kayo, Alexa at Luhan. Mabuti na lang at kayo ang pinagpares namin. Kailan ang kasal?"

Napapalo sa hangin si Alexa, "Grabe ka naman! Kasal agad. Hindi pa nga ako na-fall kay Luhan e. Falling in love has stages pa naman."

"Stages? Mayroon pa pala no'n?" patanong na sabi ko.

"I'm willing to go through those stages to make you mine, Cassandra."

Binatukan ko nga si Gabriel. "Loko ka rin e 'no? Asawa mo na nga ako, may kung anu-ano ka pang pinagsasabi. Kung anumang stages iyon, tapos na tayo roon. Super in love na nga ako sa'yo e."

"Oo na. Mahal naman e," sambit ni Gabriel saka yumakap sa akin.

Napatili naman si Alexa. "Bagay na bagay talaga kayo!"

"Tayo kaya, Alexa? Bagay ba tayo?"

"May gan'yan ka palang moves, pareng Luhan," natatawang sabi ni Gabriel.

"Ah ano e. M-Maaari naman."

Hindi na pinansin ni Luhan ang asawa ko at itinuon na lang niya ang atensiyon niya kay Alexa.

Hinila ko naman palayo roon si Gabriel at pumunta na kami sa pwesto namin dito sa reception. Maraming dumalo sa kasal namin. Napakalawak din naman kasi ng aming lupain pero mas malawak ang kina Gabriel, mayaman sila e.

"Cassandra," pagtawag sa akin ni Gabriel.

"Hmm?"

"May aaminin ako."

"Ano 'yon?"

"Alam mo ba marami akong pinaiyak na babae bago maging tayo?"

"Hindi pero ngayon alam ko na dahil sinasabi mo na. Ang sabi mo lang naman kasi noon ay marami kang ex pero sabagay hindi naman ako nagpakwento ng tungkol sa kanila. Bakit mo pala sinasabi iyan ngayon?"

"I just want you to know. Since noong nakilala kita, sa'yo ko lang gusto lumandi." Natawa siya sa sinabi niya kaya natawa rin ako. "You made me feel important. Nang dahil sa'yo ay nagbago ako. You changed me, Cassandra. Now, I'm glad that I'm finally married to you."

Ngumiti naman ako. "You're the person who came in my life and take me out of darkness. Thank you for loving the unstable me and making me better and feel complete again. I love you."

Lumapit siya sa akin saka ako niyakap. Kumawala siya kaunti sa yakap and slowly lean towards me to kiss my lips. After that, he kissed my forehead. I smiled at him and mouthed, "Thank you."

I'm so blessed I met a man like him. He is a blessing. Naalala ko pa ang sabi niya noon na, "You may not be the first but I'll assure you that you'll be my last." Hindi rin naman siya ang una kong minahal and I'm glad that when I fell in love again ay sa tamang tao na ako napaibig at si Gabriel Fernandez iyon.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top