Confess To Me
Confess To Me
“Hey, Clark, can you confess something to me?” tanong ko sa lalaking kausap ko ngayon.
“What am I gonna confess? Ikaw 'tong may sasabihin sa akin, 'di ba?” napangisi siya matapos magsalita.
“H-Ha? Wala naman akong sasabihin sa'yo ah.”
Napataas-kilay ito.
Napahinga muna ako nang maluwag. Kaya mo 'to self. “Fine!”
Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. “Well, I'm thankful that you're there. Alam mo, ang swerte ko yata na nakilala kita. Kung alam mo lang kung gaano mo pinapagaan loob ko.” Ngumiti ako sa kanya at iniwas ang tingin.
“You know what, I admire you and I think I'm falling for you.”
“Jessy,” tawag niya kaya napalingon ako sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatitig siya sa akin.
“I admire you too. Ever since, matagal na. Matagal ko na ring gustong umamin sa'yo pero hindi ko masabi-sabi ang nararamdaman ko sa'yo.” Lumapit siya sa akin.
“Mahal kita, Jessy. Mahal na mahal kita.” Si Clark ba 'to? I didn't expect this. Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko.
Mas lumapit pa siya at niyakap ako.
“C-Clark, ikaw ba 'yan?” Mas humigpit ang yakap niya. Napayakap na lang din ako sa kanya.
“Thank you, Jessy. I'll wait for the day you'll finally say na mahal mo rin ako,” sabi niya. Napangiti na lang ako.
Gusto kong sabihin na mahal ko rin siya pero saka na kapag siguradong-sigurado na ako. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit.
Niluwagan niya ang yakap at bigla ko na lang naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa aking noo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top