Baby in the Camp
Baby in the Camp
I'm an officer in a youth organization yet I'm late for our camp.
Lahat yata abala. Walang katao-tao sa labas ng simbahan. Nasa loob sila at nagkakatuwaan. Malapit na ako sa may pintuan nang may makita akong bata, sanggol pa lang ito na nakaupo sa sahig. Bakit may sanggol?
Ang cute naman niya. Nilapitan ko nga at nginitian ito. I can't explain the feeling when the baby smiled. Ang cute! It's a baby girl. Kinarga ko nga. Gusto naman.
Abala pa rin sila sa loob at mukhang 'di ako napansin kaya naisipan kong magpunta sa basement ng simbahan. Nilalaro ko itong sanggol. Ang cute niya talaga!
"Hey, Cutie. Who brought you here?" tanong ko rito. As if naman sasagot. Ngumingiti lang ito at may patawa pa.
Isinayaw ko nga. Enjoy naman niya.
"Baby Cutie is playing!" kanta ko habang nakatingin sa kanya na nakangiti. Pinag-aapir niya kasi ang mga palad niya saka parang tatalon kahit karga ko.
"Baby Cutie is playing! Yey! Baby Cutie is playing!" kanta ko. Naisipan kong dalhin siya sa may damuhan sa labas ng simbahan.
Humiga ako sa damuhan saka ko siya pinatayo sa tiyan ko. Kaya naman niya. Pumapadyak-padyak pa. Ang sarap sa pakiramdam. Kaninong anak kaya ito? Kapatid?
Ilang sandali pa ay naisipan kong bumangon na at isayaw ito. Humihikab kasi.
"Baby Cutie wanna sleep! Wanna sleep," kanta ko. Humikab na naman siya.
Patuloy lang ako sa pagpapatulog sa sanggol. "Baby Cutie wanna sleep." Napansin ko namang parang bumibigat ito. Nang tignan ko ay nakapikit na.
"Na, na, na, na, na, na. Baby Cutie is sleeping. La, la, la, la." Sumasayaw ako habang kinakantahan ang natutulog na sanggol. Napagod ata.
Mayamaya pa'y may tumikhim sa likuran ko kaya naman napalingon ako rito at nagulat ako nang makita si Raven.
Ngumiti ako na parang nahihiya. Lumapit naman siya sa akin.
"Kapatid mo?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi, baka ikaw," sagot ko.
Natawa siya nang marahan. Napataas-kilay naman ako.
"Kanina pa namin siya hinahanap. Akala namin may nangkidnap na." So, kapatid niya nga? Wah! Kinabahan naman ako. Oh my!
"Ano na ginagawa niyo?" tanong ko at naglakad palayo sa kanya. Pupunta ako sa may mga bulaklak.
"Snack time," ani niya at naramdaman kong sumusunod siya. Malamang, paano ko kaya maririnig ang sagot niya kung hindi siya susunod. 'Di ba? My gosh, Jessa! Mag-isip ka nga!
Nakarating na kami rito. Umupo ako sa bench na nandito. Ang himbing naman ng tulog ng bata.
"Ano pangalan niya?" tanong ko.
Umupo siya sa tabi ko saka hinaplos ang buhok ng kapatid niya. "Roxy."
Napangiti naman ako. "Ang ganda naman ng pangalan niya. Bagay sa kanya. Ang cute niya talaga!" ani ko at pinisil nang marahan ang pisngi ni Baby Roxy.
"Eh 'yong kuya niya?"
"Hindi!" Nakita ko namang napabasungot siya.
"Ayan cute na!" sabi ko dahilan para ngumit naman siya.
"Pero mas bagay sa'yo ang gwapo eh. 'Di ka naman maliit."
Natawa na lang siya sa sinabi ko.
"Baka nangangalay ka na. Akin na muna si Baby Roxy," sabi niya at inilahad ang kamay niya. Ipinasa ko naman sa kanya.
Muntik nang magising si Baby Roxy kaya naman napakanta ako. "Sshhh Baby Cutie is sleeping. La, la, la."
"Wag mong gigisingin iyan ah. Napagod iyan kanina kasi naglaro kami!" banta ko sa kanya. Napangiti naman siya at marahang sumayaw.
This feeling. Nararamdaman ko na naman. Bakit ba kasi nagustuhan ko ang Raven na 'to? Enjoy siya sa ginagawa niya.
Biglang napaiyak ang sanggol. Nagising. Patay na! Nataranta naman si Raven at sinubukang patahanin ang bata pero ayaw.
Tumingin siya sa akin. Natawa ako sa reaksyon niya. Halatang 'di alam ang gagawin. Kinuha ko naman sa kanya si Baby Roxy.
Pero wala pa ring tigil sa pag-iyak eh.
"Hey! May natimplang gatas niya? Nasaan na? Kung wala pa magtimpla ka na!"
"Ah sandali. I'll be back!" sabi niya at nagsimula nang tumakbo nang may bigla na lang magpalakpakan.
"Ayieh! Grabe!"
"Shems! What a family!"
"Wah! Oh my gosh!"
"Ayieh! Bagay ah!"
"Grabe talaga! Oiy! Iyong vids and pics ah. 'Wag niyong idedelete guys! Remembrance!"
"Gosh! Bagay talaga sina Raven at Jessa!"
Bigla naman akong nahiya sa mga biro nila. Nagpatuloy lang si Raven na kumuha ng gatas ni Baby Roxy. Medyo humina naman ang iyak ni Baby Roxy kahit na ang lakas ng boses ng mga nakakita sa amin.
Oh my! Kanina pa pala sila nakamasid sa amin. Lalo na sina kuya Russel, kapatid nina Raven at Baby Roxy, at mga kaibigan nila. Para na yata akong kamatis!
Mayamaya'y nakabalik na si Raven dala ang bottle na may natimplang gatas.
"Akin na 'yan!" ani ko at inagaw ang bottle pero inagaw na naman niya. Siya na raw ang bahala basta hawakan ko na lang si Baby Roxy.
Panay naman ang tukso ng mga tao sa paligid namin at kuha ng litrato saka video. Nandito rin pala ang ibang officers ng organization.
Mayamaya'y lumapit sa amin sina kuya Russel.
"Para na talaga kayong pamilya!" biro ni kuya Russel.
"Soon we will have our own," sabi ni Raven. Nagulat ako sa sinabi niya at kinilig. Oh my!
"Narinig mo iyon? Ah sister-in-law?" nakangiting sabi ni kuya Russel. Napatango na lang ako.
Nagtawanan naman sila. Tinignan ko naman si Baby Roxy at mukhang nasiyahan dahil ngumiti siya.
Ilang minuto pa ang lumipas nang may lumapit na isang ginang at kinuha sa akin si Baby Roxy. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat.
Yumuko naman ako bilang paggalang.
"Ang ganda mo Iha at saka ang bait mo rin. Jessa is your name, right?" Tumango naman ako.
"Nice meeting you, Iha. Finally, nakita na kita. Pakatatag kayo ng anak ko ah!" ani niya saka ako kindatan saka tumingin kay Raven. Nagitla naman si Raven sa inasta ng mama niya.
"Kamatis na si Jessa!" biro nina kuya Russel, Mike at Luke saka nagtawanan.
"Che!" ani ko sa kanila pero mas lalo lang silang tumawa.
Pakatatag daw? 'Di pa naman kami ni Raven at isa pa, 'di naman siya nanliligaw. Gusto niya talaga ako?
Nagsibalikan naman sa loob iyong iba. Nagpaalam na rin ang mama nina Raven.
Ang cute ni Baby Roxy. Nagpakarga pa nga ulit siya sa akin.
"Bye, Baby cutie!" ani ko at kumaway. Kumaway din siya pabalik. Ang cute!
Naramdaman ko namang may umakbay sa akin. Kumaway siya sa kapatid at mama niya. Grabe! Is this a dream?! Pero hindi eh. Totoo talaga.
Siniko ko nga si Raven. Napadaing naman siya.
"Ang bigat ng kamay mo eh!" reklamo ko saka naglakad na pero sa kasawiang palad, natalisod ako. Natumba pa!
Sinubukan ko namang tumayo pero nahihirapan ako. Tinulungan ako ni Raven makatayo.
"Kaya mo pa bang maglakad?" tanong niya. Tumango naman ako.
Sumubok akong maglakad pero napasigaw lang ako sa sakit at kamuntikan na namang matalisod. Naalalayan naman ako agad ni Raven.
Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Kinarga niya ako! Para na tuloy kaming bagong kasal.
"Ayieh! Puno na talaga storage ng phone ko!" sabi ni kuya Russel.
'Di namin siya pinansin ni Raven. Nagtatawanan naman silang magkakaibigan.
"Ikaw naman ang kargahin ko ngayon, Baby Jessa." Napalingon ako sa kanya na nakaawang ang bibig. Si Raven ba 'to? Ang gwapo niya talaga!
Natawa siya nang marahan kaya naman pinalo ko siya. Kinindatan pa ako.
"Paglaki natin ay baby natin ang kargahin mo kasi paniguradong malaki na si Roxy. 'Di na siya baby pagdating ng panahon na 'yan."
"Wah! Raven! Ikaw ba 'yan? 'Di ko alam na ganito ka pala."
"Ngayon alam mo na," saad niya at nginitian ako.
"Ang bigat mo!" reklamo niya. I rolled my eyes. Sino ba kasing nagsabing buhatin mo ako?
"Idi ibaba mo na ako!"
"No way, Baby Jessa!" sabi niya at bigla na lang hinalikan ang noo ko.
Napa-ayieh na naman ang mga nakakita. Wah! So baby na ako ngayon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top