Ayaw Pakawalan
Ayaw Pakawalan
“Mahal kita. Mahal na mahal kita, Ignacio,” seryosong sabi ko sa kanya.
“Tanya, tama na ang kahibangang iyan. Itigil mo na ang pagmamahal sa akin!” sigaw niya sa akin na ikina-iyak ko.
“Bakit? Bakit Ignacio? May iba ka na ba? Kaya nais mong itigil ko ang pagmamahal sa iyo?” tanong ko kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.
“Hindi mo kasi naiintindihan, Tanya.”
“Hindi naiintindihan? Kung gano'n ipaintindi mo!”
“Kailangan mo nang gumising sa katotohanan, Tanya. Pakawalan mo na ako. Nagmamakaawa ako sa iyo. Para rin naman sa iyo ang gagawin mo.”
Nagpunas ako ng aking mga luha saka nagsalita, “Anong katotohanan? Na hindi mo na ako mahal at may mahal ka ng iba? Iyan ba? Iyan ba, Ignacio?”
“Tanya, kailangan mo na akong pakawalan para makatawid na ako.”
“Naguguluhan ako, Ignacio. Anong makatawid? Makatawid, saan?” kunot-noong tanong ko.
“Makatawid sa kabilang buhay. Tanya, matagal na akong wala. Patay na ako, Tanya. Paalam,” huling mga sabi niya habang dahan-dahang naglalaho na mas ikina-iyak ko.
Nagising na lang ako dahil sa boses ng aking ina. Tinignan ko siya at nakita ko ang awa sa kaniyang mga mata.
“Ma, ayaw ko siyang pakawalan. Alam ko na wala na siya sa aking tabi. Hindi ko na siya mahawakan muli. Hindi ko na maramdaman ang mga yakap niya pero ayaw kong tanggapin ang totoo.”
“Anak, tanggapin mo na kasi na wala na si Ignacio. Palayain mo na siya para naman makapagsimula ka na muli. Alam kong iyan din ang gusto ni Ignacio.”
Napahagulhol na lang ako at sinubukang kalmahin ang sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top