Tigil Na
Tigil Na
Kapag ikaw ay nagmahal
ng isang taong ‘di ka naman mahal,
huwag mong sobrahan
para ika’y ‘di masaktan nang lubusan.
Masakit kasi isipin
na kapag ikaw ay umamin,
‘di ka na niya papansinin
kahit ano pa ang iyong gawin.
Simula pa lang ay alam mo na,
na may mahal na siyang iba
kaya tigilan mo na
ang pagmamahal sa kaniya.
Huwag kang magpakatanga
sa taong ‘di nakikita
ang halagang mayroon ka.
Humanap ka na lang ng iba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top