Takot
Takot
Kita ko sa iyong mga mata,
takot na takot ka, Sinta.
Ano ang nangyari?
Bakit nagkaganyan ka?
Hindi na ikaw ang dati,
dating masayahin na tao.
Nalulungkot ka na, Sinta.
Dama kong natatakot ka rin.
Hindi ko akalain na ika'y lilisan na.
May dinaramdam ka pala,
matinding kalungkutan na 'di ko alam.
May malagim ka pa lang karanasan.
Bakit 'di sa akin sinabi?
Bakit nagpalamon ka sa takot, Sinta?
Paano naman na ako ngayon?
Ako naman itong takot mawalan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top