Pangungulila

Pangungulila

Gabi na naman at ito ako,
nangungulila sa iyo...
Nais na ika’y makausap,
nais na makasama ka muli.

Bawat segundo ay ikaw lang...
Ikaw palagi ang laman ng isip.
Sinta ko, nasaan ka na ba?
Labis na akong nangungulila sa’yo.

Nadudurog na ang aking puso,
nais na mayakap kang muli.
Mahal ko, masyado ng masakit...
Bakit kasi nilisan mo ako?

Ang tagal na panahon na
pero ikaw pa rin ang mahal ko.
Bumalik ka na sa akin, pakiusap.
Nang maibsan ang pangungulila ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top