Pagkakamali

Pagkakamali

Ano ba itong ginagawa ko?
Bakit na naman ako ganito?
Umiibig ulit sa isang tao
na ang mahal ay ‘di ako.

Nagtapat ako ng nadarama
ngunit sakit ang aking napala.
Hindi talaga ako ang nais niya.
Wala na nga akong pag-asa.

Mali na naman ang aking pinili
kaya ngayo’y nagsisisi.
Umibig nga akong muli
pero sa huli, puso ko’y nabali.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top