Nangungulila Sa'yo
Nangungulila Sa’yo
Anong kailangan kong gawin?
Pilitin mang umibig ng iba,
pero ikaw pa rin talaga ang gusto ko.
Ikaw ang hanap-hanap sa bawat sandali.
Nais na ika’y makapiling, Sinta.
Paano nga ba kita makakalimutan
kung ang isip ko’y lagi kang inaalala?
Napatanong kung kumusta ka na kaya,
ikaw pa ba ay maayos ang kalagayan?
Ako pa rin ba kaya ang iniirog mo, Sinta?
Araw at gabi, ikaw ang laging iniisip.
Nangungulila ako sa presensiya mo
at laging hinihiling na sana kasama kita,
ngunit alam kong hindi na manyayari pa
dahil mayroong ka ng iiniibig na iba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top