Kaibigan Lang
Kaibigan Lang
Bakit ka pa nakilala?
Bakit kinaibigan pa kita?
Sana hindi ko na lang ginawa
para ‘di ako ngayon nagdurusa.
Sa pagmamalasakit mo,
akala ko gusto mo rin ako.
Hindi ko alam na magkakagusto ako
sa taong hindi ako ang gusto.
Oo, magkaibigan lang tayo
pero nahulog na ako sa iyo.
Hindi ko alam kung paano ihihinto
ang nararamdaman kong ito para sa’yo.
Naglakas loob akong umamin
kahit labis na nag-aalanganin.
Sa ginawa ko, nasaktan lang ako
dahil talagang kaibigan lang ako.
Napakasakit na ‘di mo ako gusto.
Ako’y labis na ngayong nagdurusa.
Kung sana ‘di kita kinaibigan,
hindi sana ako nasasaktan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top