Hindi Tayo Pwede
Hindi Tayo Pwede
Bakit ba ‘di pwedeng maging tayo?
Dahil ba ako’y dukha lamang
samantalang ikaw ay mayaman?
Hindi na ba tayo maaaring magsama?
Bakit ang daming balakid?
Sana hindi na lang tayo pinagtagpo,
sa iba lang rin naman ang bagsak mo.
Pareho lang tayong nasasaktan.
Kung maaari lang baguhin ang nakatadhana,
baka ikaw at ako’y kasal na.
Ngunit kailama’y hindi mangyayari iyon.
Pinagtagpo lang tayong dalawa.
Isa akong maralita, mayaman ka.
Malabo ngang maging tayo.
Hinding-hindi tayo pwedeng magsama.
Salamat na lang at nakilala kita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top