Chapter 6: New friend?

"Hoy Maria Cerisang Kamote!" Nanlisik naman ang mata ko sa nagsalita. 

"Anong problema mo ha? Nickybibiloriang mukhang burger?" Sabi ko habang nanlalaki ang mga mata, taas kilay at inirapan siya.

"Nicky Loria! Anong bibiloria? Balahurang 'to." Sabi naman niya sabay upo sa tabi ko.

"Baboy." Pangaasar ko lang sa kanya.

"Aba naman talagang, problema mo ha?" Pabirong sinuntok niya ang braso ko at umarte naman akong nalaglag sa kinauupuan ko.

"Aray ha! Ang taba kasi ng kamay." Natawa lang siya at umayos naman ako ng upo. 

"Ano nga kasing meron?" Usisa niya at sumeryoso ang mukha.

"Ito na nga. Kasi ang ganda ko." Sabi ko habang naka-pout. Hindi bumenta sakanya ang kalokohan ko kaya sasabihin ko nalang ang totoo. "Kahapon kasi--" 

"Oo nga bruha ka nasan ka kahapon ha? Lintik ka, cutting ka!" Tinitigan ko lang siya at na-gets niya naman yun.

"Tatahiin ko yang bibig mo eh." At ayun sabi ko sakanya basahin niya yung Chapter 4 at 5 ng kwento ko para malaman niya kung anong nangyari sa akin kahapon.

"Oh ano namang inee-emote mo jan?" Iyan lang ang tanging reaksyon niya sa haba ng kwento ko.

"Wala, yung kapatid ko. Epal. Bumalik balik na naman sa bahay. Akala mo naman kailangan siya don. Asungot laang naman siya sa buhay ko. Hay naku, bwisit talaga!" Sabi ko sabay hampas ng malakas sa arm chair ko. 

"Oh, Mahal kong Rise, nandito na ako, huwag ka na magwala diyan." Automatikong napalingon ang ulo ko sa direksyon ng pintuan habang nanlilisik ang mga mata ko.

"Ano na naman ba ha Ranz?" Pagalit kong tanong sa kanya habang nakasigaw at nanlalaki ang mga mata. Lalo lang nadagdagan ang inis ko sa pagmumukha ng hayop na 'to. Magsama kayo ng ate ko mga asungot sa buhay! Lintek!

"Relax, ice cream gusto mo?" Napatigil naman ako sa pagrereklamo ko. Halos di ko nagawang magsalita at gumalaw rito. Alam niya pa rin kung ano pampakalma ko kapag badtrip ako?

"Sabi ko na nga ba eh, affected ka pa rin sa akin." Doon napairap na lamang ako sa hangin nang marealize ko kung para saan ang pangaalok niya at pagpapanggap na he still cares. 

Tumayo ako ng upuan ko sabay hampas sa arm chair ko. Dahan dahan ko siyang nilingon na may nanlilisik na mga mata. I shake my hands, hindi ko alam kung para pakalmahin ang sarili ko o para maghanda sa gusto kong gawing pagsuntok sa kanya. 

Pero malabong masuntok ko siya, matangkad siya sa akin at hanggang kili kili lang niya ako. 

Napatingin ako sa paa niya, nakatsinelas siya at mukhang injured dahil may bandage ito.

"Alam mo ba sa sobrang 'affected' ko pa rin sa'yo, palagi pa rin kita iniisip." I gave emphasized on the word affected dahil mukhang don siya sasaya. Huminto ako sa harapan niya na naka-pose na parang cheerleader dahil sa pamemeywang ko. I smiled at him.

"At alam mo bang, gustong gusto ko na nakikita ang mukha mo?" Napa-smirk naman siya sa sinabi ko. Feel na feel niya ha. "Lalo na kapag lumulukot 'yan dahil sa mga ginagawa ko!" At bigla kong tinapakan ang injured niyang paa ng pagkalakas lakas. Dahil don napamura siya at napasigaw. Napabagsak din ang pwetan niya sa sahig dahil sa sobrang gulat at sakit ng ginawa ko. 

I just crossed my arms at binigyan siya ng pinaka nakakainsultong ngiti.

"Ang sarap talaga makita ng mukha mo kapag ganyan. Diba ang saya!" Sabi ko sakanya habang nag-beautiful eyes pa para makita niya ang kasiyahan ko. 

"Excuse me!" Sabi ko at dinaanan ko lang siya na nakaupo doon at halos hindi makasalita. 

Napakagandang umaga para sa akin! 

Nang biglang...

"Ahh!" Hinawakan niya ang paa ko kaya naman natalapid ako at kitang kita ko na babagsak na talaga ako sa sahig kaya pumikit nalang ako dahil alam ko kung gaano kasakit bumagsak sa sahig na yan. Lampa Queen ako! Araw araw ako nadadapa at natatalapid kung saan saan nung 1st year at 2nd year! 

Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi ko maramdaman ang sakit ng pagkakabagsak na inaasahan ko. Minulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko nang makitang nakayakap ako kay...

"R-ren?" Halos magkapalit na kami ng mukha dahil sa sobrang lapit nang inangat ko ang tingin ko sakanya.

"That was close." Sabi niya at inalalayan akong makatayo. Titig na titig lang ako sa kanya at tulala. He waved his hands in front of my face.

"Hey, Rise. Are you okay? Did I hurt you?" Napakurap lang ako habang hindi ko namalayan na nakakuha na pala kami ng atensyon. 

Napahiwalay lang ako mula sa pagkakayakap sakanya nang humiyaw si Mara at Rae na kakarating lamang. 

Shit! Iyan na lamang ang nasabi ko sa isip ko. Hiyang hiya ako kay Ren! Wala akong pake sa iba, pero ang ganoong pwesto namin ni Ren ay hindi ko alam paano ako makakapag-react! Nakakahiya sa kanya!

"Rise? You okay?" Tanong niya na siyang nakapagpa-angat sa ulo ko na yukong yuko.

"Ah. Y-yes." Tanging sagot ko at yumuko akong muli. 

Ayokong salubungin ang tingin niya. Mas kaya kong tanggapin ang titig ng mga tao rito at pang-aasar ng mga kaibigan ko pero hindi ang mata niya. Masyadong nakakainlove kasi kapag ganyan ang mata niya...

Baka mahulog ako dahil sa mga mata niyang nangungusap at kitang kita ang pagaalala.

Hindi ko na gugustuhin pang muli na masaktan dahil lamang sa maling pagaakala. 

Ayoko na. Pagod na ako sa ganyang eksena.

Kung may makikilala man ako at mamahalin, nais ko ay siya na ang aking tadhana.

"Rise?" Medyo napanganga naman ako sakanya dahil parang kanina niya pa ako kinakausap. 

"I said, the principal is requesting our presence in her office." Kanina pa nga niya ako kinakausap. Napalunok ako nang marinig ang salitang principal. Hindi nalang ako nagsalita at tinanguan nalang siya. 

Sabay kaming naglakad papunta sa office ng principal at tama nga ang kutob ko, dahil ito sa nangyari kahapon. Bwisit na deal kasi 'yan eh! Na-detention tuloy!

Nandito kami ngayon ni Darren sa detention room nakaupo at nakatunganga. Para din naman 'tong classroom. May mga upuan, blackboard at mga libro. Kaartehan lang nila 'yang salitang detention room. Pakiuso. 

Binasag niya ang katahimikan.

"Rise, I'm sorry. It's my fault why we're here. You shouldn't be here." Medyo malungkot niyang sabi so I smiled at him.

"I'd rather be here than sitting in the class the whole day with that annoying guy." Sabi ko habang nakapangalumbaba sa arm chair at nakatingin sa bintana.

"The guy earlier? Yung nanalapid sa'yo?" Napalingon naman ako sa kanya bigla.

"Mula saan ang nasaksihan mo kanina?" Biglaan kong tanong sa kanya na parang nagdala sa kanya ng kaba.

"When you step on his foot." Tapos ngumiti siya sa akin na parang nahihiya.

Tinawanan ko nalang siya para mawala ang kaba niya.

"So nakita mo pala. Siya naman nagsimula. Nagfe-feeling na naman siya. Sa araw araw nalang na pagpasok ko, lagi siyang epal sa buhay ko at iyon ang hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa. Palagi nalang kada makikita niya ako, eepal siya at ang ito-topic niya ay yung nakaraan namin. Na dati daw nagde-date kami pagkatapos sumimba doon sa East Park. Na gusto ko daw palagi kaming magka-holding hands, na gusto ko daw naka-akbay siya sa akin. Alam mo yung pakiramdam na hindi mo rin naman maiwasan na hindi maalala lahat ng sinasabi niya? Kasi alam mo nung sinabi niya lahat nang 'yan, tandang tanda ko ang bawat detalye. Alam na alam ng puso ko yung naramdaman ko nung mga panahon na 'yon. Yung mga titig niya sa akin sa tuwing kinakausap ko siya habang naglalakad kami ng magka-holding hands, hindi ko malimutan kasi yung mga mata niya eh. Sobrang pinapakita ng mga titig niya na mahal na mahal niya ako. Na kahit hindi ko pa siya sinasagot that time, alam ng puso ko at sigurado akong mahal niya ako. Kaya alam ko na minahal niya rin naman ako kaya hindi ko maintindihan bakit niya ako niloko at sinaktan? Iniwan? Tapos ngayon ganyan siya? Palagi niyang pinapaalala yung nakaraan namin. Ano pa bang gusto niya? Nasaktan niya na ako at pinaasa noon, kulang pa ba?" Tanong ko kay Darren na wala namang kaalam alam sa kung anong meron sa pagitan namin ni Ranz.

Lumingon naman ako sakanya at medyo nabigla rin ako sa itsura niya. Yung mga mata niya na naman...

"Rise, you're crying..." 

Napahawak ako sa pisngi ko at basa nga ito. Kaya pala.

Kaya pala ganyan siya kung makatitig dahil umiiyak na pala ako. 

Kitang kita ko ang pagaalala niya sa akin and  it's hurting me. Naalala ko lang kung paanong magaalala sa akin noon si Ranz. 

Tumitig ako kay Darren saglit and it burst me into tears. 

Siguro dahil na rin sa tagal ko nang kinikimkim sa puso ko yung sakit na nararamdaman ko sa mga pangaasar na ginagawa ni Ranz. Siguro dahil nasasaktan pa rin ako. Naapektuhan pa rin ako sakanya.

"Siguro dahil..." Napatigil ako at napakagat sa labi ko. Naghahanap ng lakas ng loob paano ko ba sasabihin.

"dahil... dahil..."


mahal ko pa rin siya." Lalo lamang akong napahagulhol. Nakita kong tumayo si Darren at...

niyakap ako...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top