Chapter 5: Witch, Bitch

Napatulala ako at sigurado akong mapapasukan na ng langaw ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko. Naba-blanko ako! Tulungan niyo ako!

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo ito. Yung taong kakakilala ko palang ay nagpo-poprose sa akin ng kasal? Shet lang bessy! Ni hindi ko pa nga alam kung crush ko 'tong tao na 'to na nakaluhod ngayon sa harapan ko at hawak hawak ang kaliwa kong kamay!

Naririnig ko na ang bulong-bulungan ng mga tao. Jusko po! Sana kusa nalang akong maglaho!

"Ang gwapo nung lalaki! Omyg!"

"Ay bes anong meron?"

"Grabe naman 'tong mga batang ito, iba na talaga ang panahon ngayon. Tsk."

"Nakakakilig sila bessy! Look at them!"

"Lodi ka na namin pre!"

"Ang lalandi, high school palang eh!"

Doon ko lang na-realize na shet! We are still wearing our uniforms! Kahit naka-jersey siya, the name of our school is also there!

Why are you doing this, Ren! Baka ma-detention tayo nito, cutting tayo!

Sa dami ng tumatakbo sa isip ko, hindi ko namalayan na tumayo na pala siya habang hawak pa rin ang kamay ko. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

"Maybe this is enough. I'm done with the deal, nakagawa na ako ng eksena at pinagtitinginan na tayo ng mga tao, so maybe, we can run now to escape this scene?" Napalingon ako sa kanya at pulang pula ang kanyang tenga, siguro dahil nahihiya siya? Mukhang hindi siya sanay na pagusapan ng mga tao.

"What? That's the deal? Bakit mo ako dinamay! Nakakainis ka!" Medyo hinampas ko siya ng konti, pero hindi siya sumagot, sa halip, mas hinigpitan niya ang hawak ng kamay ko at hinila ako papalayo sa mga tao.

Umani na naman kami ng iba't ibang reaksyon.

"Ha? Ano 'yon? Bakit sila biglang umalis?"

"Hay nako, epal lang eh, papansin."

"Ang mga bata talaga ngayon, hindi mo na maintindihan."

"Go pre! Itanan mo na 'yan! Wooooh!"

Hindi ko na lamang pinansin ang mga naririnig ko. Napatingin na lamang ako sa kamay namin ni Ren na magkahawak, ang higpit ng pagkakahawak niya dito, para bang, ayaw niya talaga akong pakawalan.

Napaangat naman ang tingin ko sakanya at sakto ang paglingon niya sa akin, ngiting ngiti siya at mukhang masayang masaya. Nadala naman ako sa mga ngiti niya kaya napangiti na rin ako.

Ngiti na parang ngayon ko nalang ulit nagawa...

Sa tagal ng panahon na ako ay lugmok sa kalungkutan, ngayon ko nalang uli nadama ang tila ba tunay na kasiyahan...

Ngayon nalang muli ako ngumiti... isang ngiti na puno ng kasiyahan at tunay na tunay...

Ang puso ko...

"That was awesome!" Bulalas ni Ren nang tumigil kami sa pagtakbo at hinahabol ang kanyang hininga.

Saka ko lang napansin na nasa tapat na kami ng kotse niya.

"Anong awesome? Nakakahiya kamo!" Reklamo ko naman habang nakahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang hingal.

Tumawa naman siya habang binubuksan ang kotse.

"It's your idea, remember?" Sabi niya na tila ba inaasar ako.

"Hindi ko sinabing idamay mo ako! Bwisit na 'to." Sabi ko at hinampas ko pa siya.

Tinawanan niya lang ito at umikot sa kabilang side ng kotse para pagbuksan ako.

"But I really had fun! First time ko gumawa ng kalokohan and I didn't expect that I would be this happy." I can see in his eyes, he's genuinely happy.

Pasalamat ka gentleman ka! Kung hindi, nabugbog na kita eh.

Inihatid niya na lang ako sa bahay, ilang beses ako tumanggi pero mapilit siya, eh di nagpapilit nalang ako.

Pinagbuksan niya akong muli ng pintuan nong bumaba ako at nagpaalam na kami sa isa't isa.

"Thanks for the day, I had fun." He gave me his sweetest smile and that makes my heart melts.

"Ako yung dapat magpasalamat sa'yo. Ang laki kong abala sa'yo eh. Sobrang thank you talaga sa panlilibre mo. Hindi na mauulit. Pasensya ka na." Medyo nahihiya kong sabi. Ang dami ko kasing na-realize nung natakbo kami kanina palayo sa eksenang ginawa niya. Hindi ko pala dapat siya pinagtripan, ang gwapo niya para gaguhin, dapat sakanya minamahal.

Hindi ko namang napigilan na hindi mapangiti dahil sa naisip ko, sinubukan ko namang pigilin para hindi niya mapansin. Pero...

"Why are you blushing? Ah. Maybe you're being shy? Don't be. Okay lang sa akin. To be honest, I love just the way who you are." Hala siya, love niya daw ako!

"Sige, I'll go ahead. See you tomorrow!" Paalam niya sa akin at naiwan akong tulala hanggang sa makaalis na siya.

What just happened? Napahawak ako sa kanang pisngi ko, pakiramdam ko buong mukha ko namumula at nagiinit ito!

"Woooow, lumalandi na ang kapatid ko. Paalala ko lang sa'yo, kinse ka palang ha." Napairap naman ako nang marinig ko ang isa pang pinaka panget na boses sa buong buhay ko.

Humarap ako sakanya at tinaasan ng kilay.

"Ano bang pakialam mo? Pinakialaman ba kita nung trese ka palang eh laspag ka na? Hindi diba? So shut up." Nagbago naman ang timpla ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

Don't you ever dare mess with me, bitch, hindi mo magugustuhan kung paano ko ibalik lahat ng tirada mo.

"Ang kapal naman ng mukha mo para pagsalitaan ako ng ganyan, Cerise. Baka nakakalimutan mo, ate mo ako!" Nagpanggap na lamang akong walang naririnig. I just checked my nails and time.

"O tapos ka na sa speech mo? Pwede na akong pumasok ng bahay?" Sabi ko sa kanya nang may tonong pagtataray.

Nilampasan ko lang siya at hindi na pinansin pa. Ayokong masira ang gabi ko dahil sa isang asungot.

"Why dare you doing these to me?" Bigla niyang sabi at napahagalpak naman ako ng katatawa.

"Woooooh grabe!" Sabi ko sa pagitan ng aking mga tawa. Sino bang hindi matatawa don? Magiinarte na nga lang at magtataray eh tatanga tanga pa!

"Petmalu ka Ria! Wooooooooooh petmalung tanga!" Sabay tawa ulit ng malakas na lalo namang ikinabusangot ng kanyang mukha.

"Tangina mong bata ka, wala kang kagalang galang sa nakakatanda sa'yo." Sabi niya habang nangngingitngit sa galit.

"At ikaw, wala kang galang sa MAS NAKAKAGANDA sa'yo." Nilayasan ko na siya nang tuluyan sa labas ng bahay at pinagsarhan ng gate, bahala ka jan, bwisit ka sa buhay ko eh.

"Mommy! Your one and only pretty Dyosa daughter is here!" Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.

"Dito ako sa kusina, anak!" Sagot naman niya sa akin. Hinubad ko ang sapatos at medyas ko. inilapag ko rin ang bag ko at dumiretso sa kusina.

Bago pa man ako dumating ng kusina ay bumalik ako para kuhanin ang mga iniwan kong gamit. Galit nga pala si Ria ngayon dahil sa mga sinabi ko at ni-lock ko pa siya sa labas, baka sunugin 'non ang gamit ko.

Dinala ko ito sa kusina kasama ko.

"Hi Mom!" Bati ko sakanya at bumeso ako. "Look! May donut ako." Sabi ko habang pasayaw sayaw pa dahil sa sobrang saya.

Tiningnan naman ako nang may pagdududa ni mommy.

"Anak, wala kang pambili ng isang dosenang donut. Kulang ang allowance mo sa isang araw para diyan. Yung totoo?" Sinimangutan ko siya at inilapag ang donut sa mesa.

"Grabe ka mom! Oo na, treat lang sa akin 'yan." Umupo naman ako sa harap ng hapagkainan.

"Sino naman? Wala kang binabanggit na manliligaw sa akin, anak." Sabi niya habang patuloy na nagluluto.

"Ay ma! Hindi mo naitatanong!" Pagyayabang ko. "Wala talaga!" Nginitian ko pa siya ng pilit na nilalabas ang dimple at nagpapa-cute.

Tinawanan naman ako ni Mommy na sinimangutan ko lang. Binuksan ko nalang ang dala kong doughnut at halos mangahalati ito sa isang kagatan palang.

"Eh kanino galing yan? Jusko anak, hindi kita pinalaking magnanakaw ha. Wala akong tinurong magnakaw ka pag nagugutom ka. Mygosh, anak!" Sabi niya habang hawak hawak pa rin ang sandok na gamit niya sa pagluluto at winawasiwas ito habang nagsasalita.

"Mom, maganda ang anak mo, kaya wag ka na magtaka bakit bigla bigla akong nagkaka-doughnut. Okay?" Sabi ko habang punong puno ang bibig ko ng doughnut.

"Anak, mana ka lang sa mommy kaya wag mo akong paandaran ha. Kung ayaw mo sabihin kanino galing yan eh hala sige, kumain nalang tayo." Sabi niya naman habang hinahain na ang paborito kong adobo.

Habang nagaayos ng lamesa ay siya namang dating ni Daddy.

"I'm home!" Then we kissed and hugged him ni mommy. Napansin ko naman na nakasunod sa likod niya si Ria at nakasimangot.

"Bakit nga pala nasa labas si Ria at naka-lock ang gate?" Tanong ni Daddy at napatingin naman sa akin si Mommy. What? Why me!

Sinagot ko nalang din si Daddy.

"Layas eh kaya napapagsarhan." Sabi ko nang hindi nakatingin sakanila dahil umupo na ako upang upakan ang adobo. Bahala kayo jan, basta ako kakain.

Pero mukha namang hindi naniwala si Daddy dahil na rin sa reklamo ni Ria na hindi ito totoo.

"Whatever. Ganun kasi napapala ng mga pakilamera sa buhay, nilo-lock sa labas ng bahay." Irap ko kay Ria. Basta makita ko pagmumukha niyan wala akong ginagawa kundi ang irapan siya. Ang pangit kasi niya, sakit sa mata at bwisit sa buhay.

Pinagsabihan naman ako ni Dad but I don't care, tuloy lang ako sa pagkain ko, masarap magluto si Mommy ng adobo at ayokong mawalan ng gana dahil lang sa asungot.

"Nakita ko kasing may naghatid sa kanya, pinagsabihan ko lang naman siya. Bilang nakatatanda, ayokong mapahamak siya." Isuksok ko kaya sa bunganga nito yung nilagang itlog na kasama ng adobo? Tutal mukhang mas bagay sa kanya ang may pasak ang bibig. Napakapasmado ng bunganga ng tangang 'to!

"So? Why do you even care? Don't act like you're a good sister to me 'cause we all know that you're not." Pagtataray kong sagot sakanya, english para matahimik siya. Mag back read ka pa sa kwento ko, hindi siya concern kundi nagmamaldita lang!

As usual, kakampihan na naman siya ni Daddy kasi nagpapauto siya sa isang 'yan. Ako na naman ang papagalitan pero dahil mas maldita ako kay Ria, di ako papayag. Palagi kong pinagtatanggol ang sarili ko at never ako nagpatalo sa kontrabida ng buhay ko.

"Dad, si Darren 'yong naghatid sa akin kanina. I'm with him at the mall, no we were not dating. He just need to treat me bilang kabayaran sa pagtama niya sa akin ng soccer ball sa mukha. Nagmagandang loob lang yung tao, so don't try to make a story with it. Okay? 'Yon lang 'yon." Paliwanag ko sa side ko at naintindihan naman ako ng parents ko.

Tiningnan ko si Ria at gigil na gigil siya dahil hindi niya nagawang siraan ako kay Dad.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Oh well, keep on tryin' bitch. But I'm telling you, you will never win against me. You're just a witch bitch and I'm a Goddess. Take note of that.

~~~

A/N:

Oh divaaaaa taray ng Rise natin! Haba na ng hair, di pa papatalo sa mga bitch. Hahahah. How do you like this story/chapter? I need your thoughts!

Sorry sa late update busy lang sa trabaho. Hehe. Pero matagal na to naka-draft nagiipon lang talaga ako ng chapters bago mag-update. Hehehe.

Hope you guys liked this guys!

Sending Love,
PrincessM. 💓

~~~
12.02.18, 6am
~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top