Chapter 3: Reminiscing

"Beshyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy! Tangina bes!" Bungad ko sa tatlong itlog kong kaibigan pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom. Nagtitili ako at tumatalon talon pa. Harujusko! I can't contain my feelings! 

"Omygosh! As in omyggggg!" pahabol kong sigaw habang hinahampas hampas ang magkabila kong pisngi. Niyugyog ko pa si Rae sa kanyang upuan at ngumangawa-ngawa.

Pati mga kaklase ko, nagulat sa sigaw ko. Mabuti na lamang ay kakaunti pa lamang ang nandito dahil maaga pa. Sa totoo lang, isang himala na maaga ako pumasok. Pero tadhana ito, alam ko! 

Gulat na gulat ang itsura ng tatlo pero pinakanatawa ako sa reaksyon ni Mara, parang di matae.

As usual, si Nicky ang unang nagsalita.

"Ano nanaman ba yan ha Cerisang luka? Agang aga eh." Irita niyang sabi, may pag-irap pa, dukutin ko mata nito eh.

"Eh kashe namaaaaan! Tangina Nicky, ang gwapo!" Sabi ko habang ang magkabilang pisngi niya naman ang tinatapik tapik at pinipisil pisil ko. 

Tinabig niya ito. 

"Heh, tigilan mo ang pisnge ko, alam kong mataba ako. Ano bang nangyayari sa'yo? Nauulol ka na ba?" Gigil niyang tanong sa akin.

Pumirmi ako ng upo na parang dalagang Pilipina. Inilapag ko ng ayos ang bag ko at hinawi ko ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko. Tapos ngumiti ako na pilit inilalabas ang dimple ko at nag beautiful eyes pa ako. 

"Aray!" Sinira na naman ni Nicky ang moment kong pang Dyosa! Binatukan na naman ako! Ang lakas ng impact bes! 

"Bwiset ka! Baka makalimutan ko yung itsura ng bago kong crush!" Pagrereklamo ko sakanya habang nanlalaki ang mata sabay irap at hinihimas himas ang parte ng ulo ko na binatukan niya.

Yung dalawa ni Mara at Rae? The usual din, taga-tawa.

"Ito na nga ike-kwento na eh!" Padabog kong sabi nang tumayo ako.

"Hindi ko alam anong pangalan eh, pero sure ako malalaman ko rin yan!" Buong pagmamalaki ko. "Nakasabay ko lang sa gate kanina, yung maliit na gate pa kasi yung bukas tapos sabay kaming pumasok. Edi elem me ne, omyg, ene, nagkadikit yung ehhhhhhhhhhhh." 

"Rise! Ano ba naman yan! Tumae ka nalang kaya!" Pang-aasar ni Mara habang tawang tawa na naman. 

"Ito na, aayusin na. Kasing ayos ng araw ko today. Ayun nga, nagpapauyuhan pa kami kung sinong unang papasok nung nagkasabay kami, syempre kahit naman sexy ako di naman talaga kasya ang dalwa don eh diba. Tamo si Nicky, hindi nadaan don." Sabi ko habang nagpapatay-malisya. 

Nagkwento ako kaagad ulit, para hindi na makapag-react pa si Nicky. Babatukan na naman ako eh totoo naman. 

"So yun nga, sabi niya, sige una ka na habang ngiting ngiti. Jusko! Kahit kayumanggi siya ang gwapo niya, tapos yung ngiti niya, grabe talaga! Tapos mga ganito siya katangkad, medyo mac---"

"Wow naman Rise, ang aga mo naman ako i-kwento sa mga kaibigan mo." Napa-irap nalang ako nang marinig ang pinaka nakakabwisit na boses sa talang buhay ko. 

Hindi ko nalang pinansin.

"Yun nga medyo macho at sa tingin ko---"

"Alam ko naman Rise na pinagnanasaan mo pa ako." Sabi niya pagkaupo niya sa kanyang upuan. Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na siya sa upuan niya habang nakataas ang kilay. Nakakuyom ang mga kamao ko, handang sumuntok anytime basta umimik pa 'to.

"Oh, hindi ka na nakatiis, talagang nilapitan mo pa ako. Gusto mo talaga ako mahalikan huh." Pagyayabang niya at nagtawanan naman ang mga kaklase naming lalaki. Ngiting ngiti naman siya, ay mali, naka-smirk siya.

Nginitian ko rin siya, yung pinakamatamis pero may pinaplanong kapilyahan. 

Humigpit ang hawak ko sa kamao ko habang titig na titig sa kanya. Gusto ko makita kung paanong unti unting mawawala yang ngiti na yan sa pagmumukha mong nakakasuka. 

Tinadyakan ko siya sa may hita at kitang kita ko kung paano nawala ang kanyang ngiti. 

Akala ko susuntukin ko lang siya, pero nagbago ang isip ko at hindi ko pinagsisisihan 'yon. 

Inilabas ko naman ang pinaka maganda kong ngiti dahil masaya ako sa nakikita ko ngayon. Kahit paano, nakaganti ako sa pagtatarantado niya sa akin noon.

Lumingon siya sa akin habang namimilipit sa sakit. 

Tinaasan ko lang siya ng kilay at inaasar pa sa pamamagitan ng ngiti ko. 

"Hayop ka Rise." Sa wakas, medyo nakabawi na siya mula sa pagkakapilipit niya.

"Oh well, mas hayop ka Ranz. So deserve mo 'yan, pasalamat ka nga sa hita lang eh, paano pa kung binaog kita?" Seryoso kong sabi at tinaasan ko siya ng kilay. 

"Next time, galing galingan mo pa ang pamb-bwisit sa akin ah, para matikman mo kung paano ako mainis." Inirapan ko siya bago umalis sa harapan niya at hinarap ang mga tropa niya.

"Kayo, wag kayong magsusumbong, dahil hindi ako magda-dalwang isip na baugin kayo." Pananakot ko sakanila, mabuti na lamang at umepekto. Isang irap din ang iniwan ko sakanila bago lumabas ng classroom. 

Kailangan ko makahinga! 

I need air!

Wag lang yung galing sa bunganga ng kaklase ko, yung fresh air!

~*~

Nandito ako ngayon sa field nakahiga habang ang mga kamay ko ay hinihigaan ng ulo ko. Nakatitig lamang ako sa payapa at maaliwalas na langit. Dito ako dumiretso matapos ang flag ceremony. Wala namang klase eh, may inaayos ang mga teacher. Mabuti nga 'yon, para naman hindi ko nakikita yung asungot sa buhay ko. 

Kamusta na kaya hita non?

Wag mo nga siyang isipin Rise! Deserve niya yon! Mas masakit pa rin yung ginawa niya sa'yo! Buti nga di mo binaog eh diba!

Tama, oo nga, hindi ako dapat ma-konsensya, wala akong ginagawang masama. 

Napabuntong hininga na lamang ako. Dalawang linggo pa lamang ang lumilipas mula nung magpasukan pero sawang sawa na ako sa mga pinaggagagawa sa akin ni Ranz. Araw-araw, walang palya ang pamb-bwisit niya sa akin.

Si Sir Lobos na nga lang yung ginagawa kong daan para hindi ako maapektuhan sakanya eh, kaso ayaw patalo. Talagang walang lumilipas na  araw na hindi niya pinapaalala ang lahat. 

Aaminin ko, malapit na ako bumigay. Kaya ko ginawa 'yong kanina ay para mapagtakpan ang katotohanang baka nahuhulog ako ulit sakanya. 

Napahawak ako sa dibdib ko, oo meron ako niyan, di ako flat gaya ni Rae. 

Pinakiramdaman ko ang pagtibok ng puso ko maging ang hanging humaplos sa aking mukha. 

Napapikit  ako at nagpadala sa agos ng damdamin...

"Rise, kung pwede daw manligaw si Ranz." Sabi ng best friend kong si Angel pagkagaling niya sa labas. Napakunot naman ang noo ko.

"Sinong Ranz?" Nakakatawa. Manliligaw daw pero hindi ko naman siya kilala. Kakasimula lang ng pasukan halos ah.

"Yung taga-kabilang section." Sagot niya habang kumakain.

"Hindi ko siya kilala." Simpleng sagot ko, wala naman akong pakealam eh.

"Hay nako, halika nga." Bigla niya akong hinila palabas at pumunta sa pintuan ng classroom ng kabilang section. 

Nakita ko roon ang matangkad na lalaki, kayumanggi at lalaking lalaki ang dating. Pero hindi siya ganun ka-gwapuhan, hindi siya ang tipo ko.

Kakalait ko sakanya, siya pala yung manliligaw sa akin. 

Halahuy naman ang best friend ko! Di man lamang pumili ng gwapo eh!

Pinakilala kami ni Angel sa isa't isa.

Ngumiti lang ako sakanya kahit wala namang masaya sa nangyayari ngayon. 

Sinabi ko lang sakanya na pagiisipan ko ang alok niya. 

Hindi ko naman maitatanggi ang kahit konting pagtalon ng puso ko.

Ngayon kasi ang unang beses na may nagsabing gusto niya ako ligawan.

Ibig sabihin ba non gusto niya ako?

Hindi naman siya manliligaw kung hindi niya ako gusto hindi ba?

Inalis ko nalang sa isipan ko ang bagay na 'yon.

Hindi naman totoong pagiisipan ko ang alok niya, wala naman akong pakealam doon, eto nga't busy ako kaka-gm sa mga kaklase kong kakakuha ko lang ang number. Syempre, yung mga gwapo ang sinendan ko. Kahit naman medyo boyish ako eh, nagkaka-crush rin naman ako.

~*~

Acquaintance Party.

Kinakabahan ako. 

Kahit naman mula Grade 1 na ako sumasayaw, iba naman yong ngayon. Nasa awkward stage ako ng buhay ko. Pucha naman kasi ang hirap maging 13, hindi ko alam kung bata pa ba ako o dalaga na. Nahihiya ako humataw sa pagsayaw, baka tumalbog tong dibdib ko at pagtawanan lang ako ng mga nanonood.

Bahala na nga. Ang mahalaga, kailangan ko galingan dahil ipinagkatiwala sa akin ng adviser namin ang dance contest na ito. Umaasa siya sa akin. 

Matapos ang dance contest, nagsimula na ang kasiyahan. 

Nawala na rin ang kaba ko kahit na hindi pa namin alam kung panalo kami. 

Nagsisimula nang magsitayuan ang mga lalaki upang yayain ang mga babaeng gusto nila para sumayaw ng sweet dance.

Sinusulit ng graduating students ang pagkakataon para masabi sa mga crush nila ang totoo nilang nararamdaman.

Napangiti ako. Ganito pala sa highschool. Hindi kasi ito uso noong Elementary ako. Isa pa, wala namang lalaki ang may gusto sa akin dahil para akong lalaki kung kumilos, baluga ako, panget at palaging pawisan. 

Nakatuon ang aking atensyon sa pagmamasid sa paligid kaya naman nagulat ako nang maghiyawan ang aking mga kaklase. 

Napatingin ako sa aking harapan at doon nakita ang isang kamay na nakalahad. Dahan dahan kong iniangat ang aking tingin upang makita kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na ito. 

"Diba, ikaw yung Ranz?" Nakakatawa man ang dating sa iba pero 'yan ang unang lumabas sa aking bibig sa halip na intindihin ang kamay niya na inaaya akong sumayaw.

Binulungan ako ng best friend ko na kunin ko na daw ang kamay niya.

Eh di kinuha ko, madali naman akong kausap.

Ang Ranz naman, hinila ako papunta sa gitna ng dance floor. Ay bwiset. Hindi ako maganda para isayaw sa gitna huy!

Hinila ko ang kamay niya. 

"Dito nalang tayo. Nakakahiya sa gitna." Natawa naman siya at ngumiti. Tumigil na siya sa kinatatayuan namin at inilagay ang kanyang kamay sa bewang ko. Buti nalang nakapagmasid na ako kaya alam ko na sa balikat ng lalaki nakalagay ang kamay ng babae. 

Nakayuko lang ako.

Ano bang malay ko sa ganito? Isa pa, nahihiya ako na tumingin sa kanya.

Medyo nagulat ako sa pagbasag niya sa katahimikan.

"Ayaw mo ba talaga na manligaw ako?" Nabigla naman ako sa tanong niya kaya napatulala ako sakanya.

Doon ko lang napansin, maganda ang mga mata niya...

Napamulat ako bigla. 

Pwe!

Kadiri ka Rise! Anong maganda ang mata ha?

"Haaaaaay bwiset naman talaga! Sayang ang ilang oras ng buhay ko pagiisip jan!" Inis na inis akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at marahas na pinagpagan ang aking palda. 

"Kainis!" Turan kong muli sa aking sarili. 

Kinuha ko na ang bag ko at pagtayong pagtayo ko ay kitang kita ko ang isang bolang bumubulusok at papunta ito sa akin!

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na malapit na ito at tatamaan ako!

Bago pa man ako makaiwas ay naramdaman ko na lamang ang pagkahilo at ang isang boses na tila papalapit sa akin.

"Miss!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top