Chapter 2: Makaka-move on na ako

Binatukan ako ng napakagaling kong kaibigan na si Nicky. Sapakin ko nga!

"Inaano ka ba ha?" Pabulong kong sabi sa kanya sabay irap.

"Wow te, sungit mo ah. Ikaw, inaano ka ba? Kanina ka pa nagsu-sungit." Pabalik niyang bulong habang sinisilip ang teacher namin kung nakatingin ba sa amin.

Umagang umaga kasi seat work agad. Sinong hindi mab-bwisit dito? Gusto ko nalang mag-recces, nakakaumay ang pagmumukha ng mga kaklase ko. Buti pa sa field, maraming gwapo.

Hindi ko nalang siya sinagot dahil baka mapansin kami ng teacher namin eh mapalabas pa kami. Nagpatuloy nalang din siya sa ginagawa niya. Matapos ng unang klase ay recess na dahil wala pa kaming teacher sa pangalawang subject.

Bumaba ako para pumunta sa canteen, ni hindi ko na hinintay pa ang mga kaibigan ko.

Pag gutom ako, walang kai-kaibigan. Pagkain ang bespren ko.

Habang pababa ng hagdan ay may biglang nagsalita.

"Naalala mo ba yung memories natin dito sa hagdan? Diba dito mo ako sinisilip dati. Dito o sa bintana ng room ko at room niyo." Sabi niya habang tinuturo ang magkatapat na bintana sa may hagdan. Hindi ko nalang siya pinansin dahil ayokong masira ang araw ko.

Sirang sira na ang first day ko kaya kung kaya ko namang umiwas sa mga asungot eh gagawin ko.

"Ayos, Rise ah. Lakas magpanggap na hindi mo ako nakikita." Doon na nagpanting ang tenga ko. Matapos bumaba sa huling baitang ng hagdan ay hinarap ko siya.

"Eh ikaw? Ang galing mo rin magpanggap na okay tayo at magkaibigan tayo. Pwede ba, tigilan mo na ang pakikipagusap sa'kin dahil hindi tayo close." Diniin ko talaga ang huli kong sinabi para naman magising siya. Tinalikuran ko nalang siya at nagdiretso sa canteen.

Nagpahabol pa siya ng sigaw na: "Alam ko mahal mo ako!"

Napatigil ako pero hindi ako lumingon. Napakuyom ang aking kamao na nasa bulsa ng aking palda, napapikit nalang rin ako. Kung pwede lang kitang suntukin at tadyakan, gagawin ko. Pero ayoko, ayokong pumatol sa'yo, dahil alam ko the more na pansinin kita, lalo ka lang lalapit na ayokong mangyari.

Napaka-unfair talaga ng buhay. Nung mga panahong hinahabol kita, pinapamukha mo sa akin na hindi ako ang mahal mo. Ngayong gusto ko na mag-move on, nagpaparamdam ka naman.

Hindi ko alam paano ko ba makakayanan harapin ang bawat araw.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kailangang umiwas.

Kung hanggang kailan ko kailangang magtiis.

Kung hanggang kailan ko pipilitin ang sarili ko na makalimutan ang taong araw-araw ko nakikita.

Kung hanggang kailan ang itatagal ng puso ko.

Masyado na akong nasaktan at durog na durog na ako.

Wasak na wasak na ako, Ranz. Kulang pa ba ang mga ginawa mo sa akin?

Gusto mo ba talagang makita ako na lumuluha ng dugo para tigilan mo na ako?

Napabuntong-hininga na lamang ako at bumili sa canteen.

"Ate, burger at coke nga po." sabi ko habang inaabot ang bayad ko.

"Parang malungkot ka neng, nakita ko yung lalaki, lq ba kayo ng boyfriend mo?" Sabi ni ateng tindera pagkabigay ng order ko.

Nginitian ko nalang siya ng pilit.

"Hindi po ate, ex ko na yun na hinahabol ako." Sabi ko sabay inom sa coke ko.

"Gusto makipagbalikan? Bakit di mo pagbigyan? Hindi lahat ng relasyon nabibigyan ng pangalawang pagkakataon." Napatingin ako kay ate at mukhang seryosong seryoso siya.

"May pinagdadaan ka ba te? Hindi naman lahat ate deserve ng second chance. He's just a waste of time." Kumagat ako ng malaki sa burger ko.

Siya namang dating ng mga kaibigan ko. Bakit ba lagi nalang wala ang mga 'to tuwing nandito yung asungot?

"Laki ng kagat ni Rise eh! May galit ka ba sa mundo?." Wika ni Mara at tumawa.

Di ko sila pinansin, bumili lang din sila.

"Oo malaki ang galit ko sa mundo. Gusto kong makasapak ng tao." Sabi ko sabay kagat ulit.

"Si Ranz ba?" Seryosong tanong ni Rae habang kumakain ng biscuit.

Bumuntong hininga ako at umupo bago sumagot. Sumunod naman sila sa akin.

"Ano bang nangyari?" Sabat naman ni Nicky habang lumalamon ng piattos.

"Di niyo ba siya napansin kahapon? Nakakabwisit diba? Ano bang pinaglalaban niya? Ang sarap niyang ipadala sa gera eh." May panggigil kong sabi.

"Eh ginera mo na nga siya kahapon diba." Patawa tawang sabi ni Mara.

"Ikaw ba? Gusto mo ba?" Napatitig ako sakanya at wala ang Nicky na mapaglaro.

"Ano bang nararamdaman mo?"

"Anong gusto mong manyari?"

Magkasunod na tanong ni Mara at Rae. Seryoso silang lahat. Wala ang mga salaw kong kaibigan.

"Desidado ako na makalimutan siya." Titig na titig kong sabi sakanilang tatlo.

Napalingon ako nang marinig ko ang pinaka-gwapong boses dito sa eskwelahan.

Nagmadali akong tumakbo palapit sakanya.

"Sir Lobos!" Tawag ko sakanya at lumingon siya habang ngiting ngiti. Bakit parang nag-slow mo ang paligid? Yung paggalaw ng malambot niyang buhok, yung mga mata niya na punong puno ng saya at ang mga mapuputi niyang ngipin na kumakaway sa akin.

Sir! Bakit ang pogi mo! Nakakainis ka! Ang sarap mong sunggaban! Akin ka nalang please!

Ang sarap niyang pagnasaan, pakiramdam ko nakanganga ako habang naglalaway. 

Pero syempre hindi ganyan ang itsura ko, sa imagination ko lang 'yan. 

Ngiting ngiti rin akong lumapit sakanya. Sino ba namang hindi mapapangiti eh napaka-gwapo ng kaharap mo, hindi ba?

"Kamusta na Miss Rise?" Pambungad na bati niya sa akin. Sinalubong naman ako ng nagtataka at masasamang tingin ng tatlong itlog kong kaibigan nang sumunod sila sa paglapit ko kay Sir. Hindi ko nalang yun pinansin.

"Okay lang po, Sir." Nakangiti kong sagot sakanya. 

Nagpapalitan naman ng tingin ang mga kaibigan ko at tila hindi makapaniwala sa kalandian ko este na close kami ni Sir Lobos. 

Sorry, guys. Tanggapin nalang natin na mas angat talaga ang ganda ko sainyo. Nginitian ko lamang ang mga kaibigan ko, ngiti na may ibig sabihin, isang pilyang ngiti na nagsasabing, pasensya na, maganda lang talaga ako. 

Bago pa ako mag-isip ng kung anu-ano, tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa babe ko este kay Sir Lobos.

"Ginugulo ka pa rin ba ng ex mo?" Tanong niya ulit sa akin. Humigop muna ako sa soft drinks ko bago sumagot.

"Opo Sir, kanina nga nung pababa ako ng hagdan eh may pinapaalala na naman na memories daw namin don. Bakit kaya ganun Sir? Nung panahong mahal mo pa siya, tinatapon ka niya. Tapos ngayon namang nagising ka na sa kahibangan mo sakanya, hahabol habol naman sa'yo." Paghingi ko ng payo sakanya. Habang ang tatlo kong kaibigan ay napatunganga nalang sa amin.

"Alam mo kasi Miss Rise, may mga lalaki talaga na sadyang gago. Dalawa lang naman ang klase ng ex na bumabalik. Una, yung na-realize na mahal ka talaga at yung halaga mo. Pangalawa, wala lang siyang magawa kaya nant-trip. Pwede rin namang, nasanay na siya noon sa'yo kaya ngayong lumalayo ka na, hinahabol ka." Seryosong sagot ni Sir Lobos. Mas gwapo siya kapag ganyan. Wag lang sanang maririnig ni Sir ang tibok ng puso ko, para itong sasabog sa tuwing nakikita ko ang mukha niya.

"Nanti-trip lang yun, Sir. Nakipagbalikan na 'yun dati sa'kin tapos binawi nung sabi kong ligawan niya ako ng 10 months. Sir, pakiramdam ko nasayang yung almost 2 years ng buhay ko na ginugol ko sa pagmamahal ko sakanya, wala naman akong napala." Para akong batang nagmamaktol na inagawan ng candy. Pero ang iniinda ko talaga ngayon ay busog na busog na ako kakainom dito sa coke ko at hindi ko magawang dumighal sa harap ni Sir.

"Isipin mo yung 2 years na 'yon, Miss Rise, kung mas maaga mo naisipan na mag-move on, edi sana ngayong mga panahon na ito, masaya ka na at hindi ka na naapektuhan sa panggugulong ginagawa niya sa'yo. Yung timeline mo, hindi magiging ganoon kahaba, kung dito palang sa kalagitnaan, nagmo-move on ka na, by the time na dumating ka dito sa dulo, naka-move on ka na sana. Kita mo, Miss Rise kung gaano naging katagal yung timeline ng moving on stage mo." Paliwanag ni Sir Lobos habang may hand gestures pa. Napakagaling ng bawat salitang nanggagaling sakanya. Lalo tuloy akong nahuhulog sa'yo Sir. Charot lang!

"Sige na, may klase pa ako, napadaldal na ako sa'yo Miss Rise." Ngumiti siya sa akin bago siya tuluyang umalis. 

Binigyan ko rin naman siya ng isang matamis na ngiti at tawa.

"Sinisi niyo pa ako Sir ah." Biro ko.

Hindi ko naman maalis na hindi kiligin dahil pakiramdam ko may karamay ako at parang mas magiging okay ang puso ko dahil sakanya. Gusto ko sanang tumili pero pinigilan ko kaya naman napangiti nalang ako at mukhang nahalata ng mga kabigan ko na kinikilig ako.

"Bwiset naman Nicky! Makabatok wagas ah! Kanina ka pa! Namumuro ka na sa akin." Sigaw ko sakanya at automatiko naman ang kanyang kamay na nameywang. Akala mo nanay na papagalitan ang anak na late umuwi.

"Aba Cerise Samonte, talagang babatukan kita. Ano yon ha? Ano yung nangyari? May hindi ba kami nalalaman dito ha?" Sa halip na sagutin ang tanong niya ay dumighal lang ako sa pagmumukha niya. Ang dighal na kanina ko pa pinipigil. 

"Tangina Rise! Ang baluga!" Pagrereklamo naman niya na siyang tinawanan ko lang.

Tumakbo ako papuntang canteen para iwan ang bote ng coke at dahil alam kong babatukan na naman ako ni Nicky, dumiretso na ako sa banyo para doon magtago. 

Nagsisigaw siya habang hinahabol ako. Tawa naman ako ng tawa dahil sa bagal niya tumakbo, taba kasi. 

Pagkapasok ko ng banyo ay agad akong nag-lock sa isang cubicle para hindi niya ako mabatukan.

Hingal na hingal naman na kinalabog ni Nicky ang pinto habang sila Mara at Rae ay tinatawanan lamang siya. Sa lakas ba naman tumawa ng dalwang 'yon eh.

"Huwag kang magulo! Ikaw ang iihian ko jan eh!" Bulyaw ko sakanya mula sa loob. 

"Walanghiya ka, baluga!" Malakas na tawa lamang ang sinagot ko sakanya.

Pagkatapos ng aking ritual ay lumabas na ako. 

"Ano baga? Ang gulo mo. Naihi yung Dyosa eh!" Magre-react sana siya pero inunahan ko na siya magsalita.

"Ano, itatanong mo bakit kami close? Ganun pag maganda, ateng." Pagyayabang ko sabay turo sa mukha ko. Sinimangutan lang nila ako.

"Para kayong natatae eh." Tatawa tawa kong sabi. "Sige na ike-kwento ko na, siya kasi yung nakabangga ko kahapon nung nag-walk out ako. Tapos ayun dinala niya ako sa hotel eh este sa may garden, don sa fountain para pakalmahin, ang ganda ko kasi kaya ganun inalagaan niya ako. Char! Pero ang bait bait niya diba? Grabe yung mga payo niya sa lovelife ko. Kahapon talagang kinomfort niya ako, binili niya pa nga akong ice cream eh. Kaya yon, feeling ko mga beshy, makaka-move on na ako eh." Sabi ko habang magkadikit ang dalwa kong palad, nakatingala sa taas at bumuntong hininga. 

"Gaga! Nilibre lang ng ice cream eh, makaka-move on na. Loka loka to." Pagtutol naman ni Nicky sa pagde-daydream ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Hindi mo ba alam, Rise na teacher natin siya sa MAPEH?" Napalingon naman ako kay Rae at pakiramdam ko nangniningning ang mga mata ko.

"Talaga? Anong oras ang klase natin sakanya?" Tiningnan ko ang schedule sa cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na next class namin siya after recess.

"Hindi man lang ako sinabihan ni Babe para sabay kaming pumasok sa room! Kailangan ko ng bumalik ng room mga beshy. Pagkakataon ko na para matitigan si Rudivh babe ko!" Nagmamadali kong sabi at tumakbo na. Bahala kayo jan, basta ko gusto ko siya makita!

"Tingnan mo yung isang yun, nakakita lang ng gwapo eh. Sabagay, ako nga rin kinikilig kay Sir. Gwapo niya ngumiti diba!" Rinig kong sabi ni Mara bago ako tuluyang makalabas ng comfort room at patakbo rin siyang sumunod sa akin. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top