Chapter 1: It's all coming back
Sa sobrang inis ko, hinagis ko ang bag ko sa isa sa mga puno dito sa field at saka humiga.
"Hoy ikaw! Oo ikaw nga! Bwisit kang tadhana ka! Ano bagang trip mo sa buhay ha? Leche ka rin eh ano. Ang lakas ng trip mo mang-asar! King ina ka. Nandun na eh! Planado na ang pagmo-move on ko eh tapos ganito? Peste ka talaga!" Sigaw ko sa langit pagkahigang pagkahiga ko at gumulong gulong pa ako sa may damuhan habang sinasabunutan ang sarili ko.
Wala akong pake kung may makakita sa akin sa ginagawa ko na parang nasa bahay lang.
Nawalan na ako ng ganang pumasok sa klase.
"Sinong gaganahan kung makikita mo ang hayop mong ex doon?" Nakasimangot kong reklamo sa sarili ko.
Bumuntong hininga na lamang ako at pinikit ang aking mga mata.
Nakakamiss yung mga panahong nanliligaw ka palang.
Yung mga panahong mahal mo pa ako.
Yung bawat pagkakataon na sinusulit natin kapag magkasama tayo.
Yung kahit anong gawin at sabihin mo, parang sasabog ang puso ko.
Pero gago ka kasi eh.
Iniwan mo ako. Tinapon at tinapaktapakan ang pagkatao.
Para akong isang manikang de baterya na biglang nawalan ng buhay noong nawala ka sa piling ko.
Ikaw na siyang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa puso ko ay siya rin palang wawasak nito.
Ang hirap at ang sakit Ranz. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang limutin ka. Tapos ganito pa? Araw araw kitang makikita at makakasama.
Bakit ba hindi ako makawala sa'yo? Habang buhay nalang ba akong reserba mo? Pangalawa mo? May kahati sa'yo? Maghihintay na mahalin at balikan mo?
Ayoko na! Gusto ko nang makalimutan ka pero paano ko magagawa yun kung palagi kitang nakikita?
Ang gusto ko lang naman, makalimutan ang lahat ng sakit at ibaon sa limot.
Gusto ko nang makalimutan ka. Gusto kong maranasan muli ang buhay na wala ka. Gusto ko maramdaman muli ang saya na hindi ikaw ang nagbibigay. Gusto ko lang namang ngumiti na hindi ikaw ang dahilan.
Mahirap ba yun?
Ang simple lang naman ng gusto ko ah! Pero bakit ganito kung pahirapan ako ng tadhana? Parang nananadya eh. Bastos.
Ang sakit sakit lang kasi makita ng ex ko. Bumabalik ang lahat sa akin sa kabila ng kagustuhan kong malimot ang lahat.
Ang unfair naman. Bakit siya mukhang masaya na at naka move on na? Pero bakit ako nandito pa rin? Nakatayo sa gitna ng kawalan at di alam kung saan patutungo.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha.
"Bakit ako umiiyak? Wag mo iyakan yung gagong yun! Lakasan at tatagan mo ang loob mo. Kayang kaya mo yan!" Dali dali kong pinunasan ang luha ko at umupo.
Napabuntong hininga na lamang ako at yumuko.
"Ano pa nga bang magagawa ko? No choice naman diba? Kailangan ko siyang harapin habang kinakalimutan. Hay buhay." Kinuha ko nalang ang bag ko at tumayo. Wala akong mapapala dito kaya kakain nalang ako sa canteen para mawala ang stress ko.
Mabuti na lamang at hindi pa recess kaya solong solo ko ang canteen. Nakakainis, chocolate ba talaga 'tong kinakain ko? Bakit hindi ko malasahan! Ganito ba talaga kapag heart broken? Kahit dila wala na ring maramdaman.
Inubos ko nalang ang kinakain ko at pumunta sa gym. Binuksan ko ang isang electric fan doon at naupo upang magpalipas ng oras.
Ang isang minuto ay parang isang oras kapag nakatulala ka lamang at walang ginagawa. Ang hirap isipin ng isang bagay na ayaw mong isipin.
Pero wala na akong magagawa, kaklase ko na siya at buong taon ko siya makikita araw araw.
"Hoy Rise! Unang araw ng klase nanjan ka!" Rinig kong sigaw ni Nicky mula sa malayo.
Lumapit siya sa akin kasama sina Mara at Rae. Naupo sila sa tabi ko at sumandal sa balikat ko.
Lalo lamang bumigat ang aking pakiramdam dahil sa laki ng ulo ni Mara. Nakakaiyak sa sobrang bigat. Mas masakit pa 'to sa ginawang pag iwan sa akin ng ex ko. Paano ko nga ba maiibsan ang sakit at bigat na nararamdaman ko? Diba dapat tumayo ka at matutong lumayo para hindi ka na masaktan?
Kaya naman tumayo ako at binelatan lamang sila. Tawa naman ng tawa si Nicky doon nang makita niya paanong halos malaglag sa kinauupuan ang dalawa habang siya ay may katawagan.
Aalis na sana ako ngunit nakita ko ang hibla ng buhok ng ex ko. Nanlaki ang mga mata ko pero konti lang para hindi niya mahalata na naapektuhan pa rin ako sa presensya niya. Bumalik na lamang ako sa kaninang inuupuan ko at yumuko.
Inusisa nila ako pero di ako umiimik. Maya maya lamang ay napalingon si Mara at tinawag ang aming adviser noong second year.
Napaangat naman ang tingin ko sa sobrang excited na makita si Sir. Pero agad nawala ang ngiti at excitement ko nang makita ko kung sino ang kasama niya.
Bwisit talaga 'yang ex ko na yan! Sirang sira na ang araw ko! Hindi ko ma-enjoy ang kahit na ano dahil nanjan siya! Kainis!
"Ano, kamusta naman ang first day?" Sabi ni Sir Berdz habang ngiting ngiti. Wala naman akong mai-kwento lalo't nasa harapan ko yung ex ko. Ano sasabihin ko na sira ang araw at buhay ko dahil sa kanya? Edi lalong nag-feeling yan!
Masayang nag-kwento sila Mara tungkol sa first subject namin.
"Naku Sir, ang gwapo ng Adviser namin!" Kilig na kilig na sabi ni Mara.
"Agang aga Sir, landing landi 'yan si Mara." Pang-aasar naman ni Nicky sakanya. Hinampas lang naman siya nito.
Nagtawanan pa sila at nag-asaran, habang ako walang imik, ni hindi makatingin. Nakakainis ang ganitong pakiramdam, para akong nanliliit sa sarili ko. Ayokong malimitahan ang pagkilos ko at lumiit ang mundo ko dahil lang sa isang lalaki.
Dapat may gawin ako, hindi pwede ang ganito Rise!
"Oh ikaw Rise, kamusta first day?" Parang biglang tumigil ang lahat habang natataranta ang utak ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong ni Sir. Kamusta nga ba? Kamusta nga ba ang puso ko?
"H-ha, ano Sir ahm, ah eh teka lang po! Naiihi po ako. Hehe." Palusot ko at agad naman akong tumayo ngunit natigilan ako nang may humawak sa pala-pulsuhan ko. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
Nag-iinit ang paligid ng mga mata ko.
Alam ko. Alam ng puso ko kung kanino ang mainit na kamay na ito na nakahawak sa akin ngayon. Bakit ganito ang epekto sa akin? Bakit hawak niya palang parang bibigay na ako? Bakit!
Seconds lang ang itinagal noon bago ako tuluyang mapabalik sa kinauupuan ko pero bakit parang ang tagal tagal ng pagkakahawak niya sa akin. Bakit ang lakas ng epekto ng saglit niyang paghawak sa akin? Nagwawala ang puso ko.
Yung pakiramdam na miss na miss mo na siya. Gusto mo siyang hawakan at yakapin. Yung matagal na panahon mo siyang hindi nakasama kaya kahit konti, gusto mong umasa na baka pwede pa. Baka may pagkakataon pa na mahalin ka niya ulit. Pero alam rin ng puso mo na hindi na pwede, na dapat mo na siyang kalimutan.
Hindi na lamang ako tumitingin sa kahit na sino sakanila. Nakayuko lamang ako, hindi ko mahagilap ang lakas ng loob para humarap.
"Bakit ka naman aalis, Rise? Ayaw mo bang marinig ang kwento ko? Hindi ka sumagot sa tanong ni Sir kaya ako ang susunod na magke-kwento." Sabi ni Ranz. Hindi maganda ang kutob ko rito, kinakabahan ako.
"Naalala mo pa ba nung una tayong magkita? Nung mga panahong nagliligawan tayo sa bintana, yung palagi mo akong inaantay sa labas ng classroom ko, yung palagi mong hinahawakan ang kamay ko--" Doon na nagpanting ang tainga ko kaya hinarap ko na siya. Hindi ko na kayang marinig ang mga maling kwento niya.
"Pwede ba Ranz? Huwag mong baliktarin ang lahat. Ikaw ang nanligaw, ikaw ang sumisilip sa bintana at tinatawag ako, ikaw ang naghihintay sa akin tuwing recess, lunch at awasan. At para sabihin ko sa'yo, hindi ko hinahawakan ang kamay ko dahil ikaw ang humawak sa kamay ko!" Medyo may mataas na boses kong sabi na siyang nakapagpatahimik sa mga kasama ko. Tila hindi rin siya nakapagsalita pero nakabawi naman agad siya.
"Woah, tandang tanda mo pa talaga! Grabe ang tagal na nun ah! Ganoon mo ba talaga ako kamahal kaya bawat detalye, alam na alam mo pa?" Unti-unting napakuyom ang kamay ko. Nang-aasar ba talaga siya! Ngumiti pa talaga siya ng nakakaloko.
Tiningnan ko siya ng masama na tila ikinabigla niya.
"Teka, 'wag mo 'kong tingnan ng ganyan. Alam ko namang gwapo ako per---" Natigilan at natulala siya. Sigurado akong hindi niya inasahan iyon kaya nawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Ano? I-kwento mo naman kung gaano kasakit yung suntok ko. Ayan ha, may mas maganda ka ng maike-kwento sa iba tungkol sa first day mo, kesa naman balikan mo yung nakaraan na matagal ng tapos." Galit kong sabi sakanya at iniwan siya nitong ni isang salita ay walang lumabas sa bibig niya.
Kinuha ko ang bag ko at umalis.
Wala akong pakealam sa anumang iisipin nila. Ayoko lang talaga maalala. Ayoko maalala kung paano ko siya minahal ng sobra. Kung paano niya ako tinapon. Kung paano ko ibinigay ang halos lahat lahat ngunit kulang pa rin. Kung paano niya ako pinasaya at winasak sa bandang huli. Kung paanong ang mga katagang "mahal kita" ay naging "hindi na kita mahal". Kung paanong nararamdaman mo ay sadyang kay bilis nagbago.
Ayoko maalala ang lahat lahat!
Tama na Ranz... pakiusap... tama na...
Kasi ayoko na...pagod na pagod na ako sa kaiisip sa'yo.
Pagod na akong mahalin ka. Pagod na akong pasanin ang lahat lahat ng sakit na nadarama ko dahil sa'yo. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng mahalin ka, maalala ka, makita ka.
Kung alam mo lang Ranz, kung alam mo lang gaano ka kahirap kalimutan. Kung alam mo lang anong mga ginawa ko para makalimot. Lahat ng 'yon nabalewala lang. Lahat ng pinaghirapan ko nawala na parang bula.
Dahil lang sa paghawak mo sa kamay ko. Dahil sa mga sinabi mo at pagpapaalala sa akin ng ating nakaraan. Dahil sa'yo!
Oo dahil na naman sa'yo! Lahat naman tungkol sa'yo eh! Lagi nalang ikaw! Kasi ikaw ang mahal ko! Sa'yo umiikot ang mundo ko! Ikaw ang nagpadama sa akin kung gaano kasarap magmahal. Ikaw ang nagbigay kulay sa buhay ko. Ikaw ang nagparanas sa akin ng mga bagay bagay. Ikaw ang nagbigay ngiti sa aking mga labi. Ikaw ang bumalot ng mainit na pagmamahal sa puso ko.
Pero ikaw rin ang siyang sumira sa akin. Oo ikaw! Kasi wala namang ibang alam ang puso ko kundi ikaw! Kahit ilang ulit mo man ako sirain, ikaw at ikaw pa rin ang gusto ko.
Ngayong gusto na kitang makalimutan, bakit kailangan mo pang magparamdam!
Para bang pinapalabas mo na ayaw mong mawala ako sa'yo, na gusto mong bumalik.
Bakit Ranz? Dahil ba wala ka nang mapaglibangan? Wala ng naghahabol sa'yo?
Tuloy lang ako sa pag-iyak habang naglalakad. Kahit punasan ko pa ito, ayaw nitong huminto. Lalo nga lamang akong napapahagulhol. Bakit ba pagdating sa'yo napakasensitive ko!
Wala akong pakealam sa lahat ng nakakabangga ko kahit magalit pa sila sa akin. Sana wala na rin akong pakealam sa'yo Ranz.
"Aray!" Napahawak na lamang ako sa aking noo nang may makabangga ako dahilan ng pagbagsak ko.
"Miss, okay ka lang?" Napaangat ang tingin ko sa nakabangga ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil bukod sa luha sa aking mga mata ay nasilaw ako sa araw na tumama sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top