Takot
Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan,
Ang tangi ko lamang nararamdaman
Takot akong bigla na lamang itong wakasan
At muli na naman akong maiwan.
Takot na akong umibig muli,
Takot na akong umasa at maiwan sa huli.
Sa lahat ng inibig ko'y walang nagtagal,
'Di siguro sila ang bigay ng Maykapal.
Hindi naman siguro ako nagkulang,
Minahal ko sila't hindi pinabayaan.
Hindi rin ako nagloko't minahal ko sila ng buo,
Pero walang natira, lahat sila'y sumuko.
Hindi nga ako nagkulang, sumobra naman,
Sobra ako kung magmahal.
Binigay ko ang lahat,
Hindi lang sila nagtapat.
Ngayon ang natira sa akin ay takot,
'Di ko na kayang magmahal kahit ang lungkot-lungkot.
Takot na akong maiwan at masaktan,
Kaya kong mahalin ang sarili ko kahit mag-isa lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top