Sino Nga Ba Ako?
Nasubukan mo na ba?
Ang gumising na tila may nakadagan sa dibdib?
Na tila ang sikip-sikip?
Hanggang sa hindi ka makahinga?
Hindi mo na rin ba alam kung saan ka patungo?
Kung tama pa ba ang tinatahak mo?
Para bang ang hirap at nakalilito -
Tama pa ba ito?
'Yong akala mo kapag natapos ka, tama na,
Bakit tila parang ako'y nasa panibagong pahina.
Hindi ko na kilala ang sarili ko,
Lahat ng gusto kong gawin noon ay parang nagbago.
Ako pa ba 'to?
Sino nga ba ako?
Ano ba talagang gusto ko?
Ano bang dapat gawin ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top