Patuloy

Ang buhay ay parang isang karera,
Kailangan mong tumakbo upang manalo ka.
'Di maaaring tumayo ka lang at tumunganga,
Baka sa huli ay wala kang mapala.

Kailangan mong sumabay sa agos ng alon,
Masamang alaala, 'di kailangang ibaon.
May nakuha kang na siyang naging baon,
Dala-dala sa paglipas ng panahon.

'Di madali ang buhay, alam ko iyon,
Minsan ay iiyak ka, gano'n talaga 'yon.
Kailangan mong magpatuloy at lumaban,
Ang buhay ay 'di para sa mahihinang nilalang.

Ikaw ang may-akda ng buhay mo,
Ikaw ang dumidikta kung saan ka patungo.
Kung magpapatuloy ka ba o susuko,
Kung ang labang ito'y iyong ipapanalo.

Sana sa iyong bagong kabanata,
Aabangan kita, sana manalo ka.
Magpatuloy ka sa iyong paglalakbay,
Ang aral na 'to, dalhin mo habang buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top