Patuloy

I.
Sa mundong puno ng sakit, hirap, at lumbay,
H'wag mong isiping nag-iisa ka't wala kang karamay.
Alam kong mahirap at minsa'y nasasaktan ka,
Nandito ako, kami, hindi ka nag-iisa.

II.
Humakbang ka lang, magpatuloy ka—
Magpatuloy sa paglakad kahit minsa'y nadadapa.
Mahirap, masakit, mahapdi pero patuloy lang,
Ang liwanag ay makikita mo rin, kaibigan.

III.
Ganito talaga ang mundo, magulo,
May kaibigan ka na minsan ay magiging kaaway mo.
Hindi iyon rason na tumigil ka, simula pa lamang ito,
Marami ka pang makikitang bubuo sa buhay mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top