Paano Kaya?
Dalawang salita na hindi ko alam kung anong isasagot,
Iniisip ko pa lang pero binabaon na ako sa lungkot.
Paano na lang sa paglisan mo hindi ka na bumalik,
At ako ay iyo na ngang ipinagpalit.
Paano kaya kung ang lahat ng iniisip ko ngayon,
Lahat ng mga hinala ko ay gawin mong totoo.
Paano na lang ako kung iiwan mo ako ng tuluyan?
Hindi mo na ba talaga ako babalikan?
Nang bumitaw ka sa aking mga yakap,
Umalis ka sa aking mga paglingap.
May nahanap ka na bang kapalit?
Paano ako? Paano ang ating pag-ibig?
Kung sakaling babalik ka man, mahal.
Magsabi ka lang, tatanggapin kita nang lubusan.
Mga kirot at pighati ay aking kalilimutan,
Buburahin lahat, magbalik ka lamang,
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top