Kaibigan

Kaibigan ko, malungkot ka yata,
Kahit ngumiti ka ay halatang-halata.
May bahid ng lungkot sa iyong mga mata,
Kaibigan, may iniinda ka bang problema?

Nalulungkot ka ba dahil sa kaniyang pagkawala?
Umiiyak ka dahil iniwan ka?
Nasasaktan ka dahil sumama siya sa iba?
Halika rito, yayakapin kita.

May mga tao talagang dumadating upang iwan din tayo,
May tao ring sasamahan tayo hanggang dulo.
Pero ang mga taong iniwanan tayo
'Di kailangang iyakan dahil tayo ang talo.

May taong gnaiyang na 'di kailangang iyakan,
Luha mo'y sinasayang mo lang.
Ayusin mo ang sarili mo't ipakita mo sa kaniya
Na mas maayos ang buhay mo nang iwanan ka niya.

'Wag mong gagawin ang magmakaawa,
Magmakaawang balikan ka niya.
Be a strong and independent woman,
Siya dapat ang magsisi na ikaw ay kaniyang iniwanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top