Pagtanggap
Nandito na naman tayo
Sa punto kung saan wala ka sa tabi ko
Kung saan kasama mo siya
Iniwan akong luhaan at mag-isa
Ngunit patuloy pa ring aasa
Na balang araw ay magkakaroon ng "tayong dalawa"
Isang bagay lang ang gusto ko
Ang manatiling masaya sa tabi mo
Subalit pati ang kasiyahang iyon ay tila mas naging malabo
Nang piliin mo siya... at isinantabi ako
Pangako kong sasamahan ka
Na hanggang dulo ika'y tatabihan
Hahawakan ang iyong kamay hanggang sa iyon pagtahan
Mananatili sa tabi mo at hindi ka bibitawan
Kaso nakakapagod din pala
Nakakapagod na umaktong walang problema para lang mapanatag ka
Nakakaubos ang magpanggap na masaya kahit masakit na
At sobrang nakakalunod na mahalin ka
Kasiyahan mo ang kasiyahan ko
Pero patawad kung bibitaw na ako
Patawad sa hindi ko pagtupad sa aking pangako
Patawad kung napagod ako
Patawad kung mas pinili ko naman ang sarili ko
Dahil sa puntong ito ay sigurado na ako
Na kahit anong pilit ko
Hindi na ako sasaya sa piling mo
Dahil sa wakas ay tanggap ko na
Na kahit kailan ay hinding-hindi ako magiging siya
Na hindi magiging sapat ang pagmamahal ko
Dahil sa kaniya ka lang mabubuo
Kaya sana sa muli nating pagkikita
Kaya na nating maging totoong masaya
Sana sa susunod ay pareho na tayong malaya
At hindi na natin pa kakailanganin na umakto sa harap ng iba
Wala ng mga luha
Wala ng sakit at paghihirap
Dahil kaya ko na
Kaya ko na ang wala ka
—————
A/N: Matagal ko na talaga itong plano, na simulan ang bawat istoryang isusulat ko gamit ang isang tula. At sisimulan ko rito, sa story ni Carmen, Elon at Gio. I hope you liked it. 💐🍂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top