Chapter 9

Pare-pereho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. It has been an hour since Haze's father stopped calling her. At ni isa sa mga 'yon ay hindi niya sinagot.

"Nood tayo ng play nila Gio, ha?" pagbubukas ko ng usapan.

Clau cleared her throat. "Oo naman. Kita na lang tayo sa Avenue bago pumasok sa main."

Tumango ako. Avenue is a one-story mall in front of the main campus. 'Yong lugar kung saan madalas na tumambay ang mga estudyante.

"Would you be fine, Haze?" Clau asked, full of worry and concern.

Nakita ko siyang tumango. "As long as I'm in between you two I'm fine."

She was sitting at the passenger's seat with me the only one sitting at the back. That's how our usual set up whenever we are riding a car. O kahit na sa paglalakad o maski sa pag-upo. Palagi akog nasadulo o 'di kaya'y nasa likuran ang puwesto.

Hindi ko rin alam kung bakit. I feel like I'm the thin line dividing being an introvert from being an extrovert. Wala namang problema sa akin ang makipag-socialize sa iba. I can talk to strangers too without any problem.

Pero mas lamang lang talaga ang mga pagkakataon na mas gusto kong mag-isa. O kahit 'yong hindi ako tinitingnan ng mga tao. Kahit nga sa mga kaibigan ko mas gusto kong nasa harapan ko sila at nahuhuli ako. And that's fine with them. They respect that part of me and never complained about it.

I looked down on my bag when I felt my phone vibrate from the inside, cutting the train of thoughts in my mind. Agad na kinuha ko 'yon at hindi na ako nagulat pa nang makita ang pangalan ni Gio ang nakarehistro.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

Napatingin sa akin ang dalawa. I mouthed Gio's name making both of them roll their eyes on me all most at the same time.

"Pupunta ka ba rito?" tanong niya sa akin.

"Saan? Nasaan ka ba?" balik na tanong ko.

"Main."

"Yes, on the way na kami. Bakit? Anong mayro'n?" nagtatakang tanong ko.

"I just want to see you, Cae. Masama?"

"Ewan ko sa'yo. Ibababa ko na 'to. Tawag ka na lang mamaya ulit."

Napahawak ko sa dibdib ko nang maramdaman ang pagkabog no'n dahil lang sa mga simpleng salita mula kay Gio. Ever since that night that I almost fell in danger because of his unfulfilled promise, he became extra careful and gentle towards me. He always checks me from time to time. Isang bagay na hindi niya ginagawa noon.

I feel like I became a little more important in his life. Like I became significant, a person worthy of his time and attention as if I am an important part of his life. But I knew to myself that whatever I have in mind were all just lies.

"Nag I love you ka na rin sana para kunwari magjowa talaga kayong dalawa," sarkasmo ni Clau.

"Magjowa naman kami ni Gio," mahinang sagot ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at inabala ang sarili sa pagtingin sa mga gusaling nadadaanan namin. "Sa mga mata ng tao," pagpapatuloy ko.

"Hibang ka na talaga, Carmen," buntong hininga ni Haze. "Wala ka namang mapapala sa ginagawa mo."

Wala nga, pero sasaya naman ako pansamantala.

"Just leave him and that Ria alone. Bahala na sila kung mahuhuli man sila o hindi," dagdag pa ni Clarisse.

Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang dalawa. Malinaw naman kasi talaga sa akin ang lahat ng sinabi nila. I knew that at some point I need to stop and give myself some self-respect.

Pero hindi na muna siguro ngayon dahil alam kong kailangan pa ni Gio ang tulong ko. Katangahan man siguro pero gano'n siguro talaga kapag mahal mo ang tao.

And maybe someday I'll grew tired hurting myself and try to seek for what is right for me. And hopefully when that day comes, I'll surely let go of Gio and the promise I made to him. That finally I'll stop making a fool out of myself.

"Nandito na tayo mga madam," sabi ni Clau matapos ang trenta minutong pagmamaneho.

Dagat ng mga tao ang unang saumalubong sa amin nang makapasok kami sa loob ng main campus. Maingay din ang pubong campus dahil sa kabi-kabilang speaker ng bawat booths na pumupuno sa bawat sulok ng campus.

Pero ang pinakanakakuha ng atensyon ko sa lahat ng ingay na naririnig ko ang galing sa mga speaker na nakapalibot sa CBA building. It was like those from the radio broadcasts as if telling a story of someone.

Pero ang sa CBA ay galing sa sulat na binabasa ng marahil ay isa sa mga officer on behalf of the person who submitted it.

"I should've sent a confession," nakabusangot na saad ni Clarisse.

"At para kanino naman? Kay Ulick?" taas-kilay na tanong ko.

Binalingan niya ako ng matalim na tingin. "May girlfriend 'yong tao, loko. Ang ganda kaya no'n! Parang anghel!" humahangang sabi niya pa.

"Sure kang hindi ka nagseselos niyan?" malisyosang tanong Haze.

"Mandiri ka nga, parang kuya ko na 'yon!" pairap niyang tugon.

Pati ako ay napangiwi rin. Masyado kasing malapit ang dalawa na mula pa pagkabata ay magkaibigan na. Ulick is also in a relationship with someone right now... someone very special.

Naupo kami sa isa sa mga upuan sa loo ng may kalakiyang pavilion sa likod ng CBA building. May iilang mga estudyante rin doon samahan pa ng ilang magkasintahan na kung hindi simpleng magkatabi lang ay magkahawak ang mga kamay.

Hugis parisukat ang buong pavilion na pinagigitnaan ng mahaba at sementong lamesa. Maging pahabang upuang nakapalibot doon ay gawa rin sa semento.

I chose to sit at the corner while Haze sat at the center with Clau on the other side. Inilagay namin ang mga bag namin sa sementong lamesa sa harapan namin. Halos sabay-sabay na naglabas kami ng cellphone

"May binili akong merch," sabi ni Clariss na sinundan niya ng isang malokong tawa. 'Yong klase ng tawang may kalokohang dala.

"Anong merch? Hinid ko gusto 'yang tawa mo, Clauie,' may babala sa tonong sabi ni Haze.

Kahit ako natagpuan ko na lang ang sarili kong nakangiwi dahilsa ideyang nabubuo sa isip ko kung ano ba ang bagay na binili niya.

"Tell me I'm wrong," pakiusap ko.

"I'm telling you you're right," she giggled like an excited child.

"What is it this time, Clau?" Haze asked sharply. "Lamp? Stickers? Or matching tees?"

She looked at us with a huge smirk on her face, satisfied by her recent purchase. "It's a tee. Red for Carmen, blue for you, and green for me."

Napatampal ako sa noo ko. How did this girl turn into a sucker for powerpuff girls' items?

Pinipilit niya kasi na kaming tatlo raw 'yon. Me being the Blossom, Haze as Bubbles, and her as Buttercup. Hindi ko alam kailan nagsimula 'yon. Basta bigla na lang siyang bumili ng tatlong shirt na may disenyong malaking character bawat isa ng powerpuff sa likod base sa kulay. As in na malaki dahil sakop no'n ang buong likod. Maging ang kuwarto niya ay puno rin ng mga gano'n klaseng merch.

"It's a crop top style. Maliit lang naman ang character kaya don't worry too much. Bigay ko na lang sa inyo kapag dumating na." She wiggled her eyebrows towards us.

I sighed, giving up to her persistence.

Sumandal ako sa pader at itiniklop ko ang dalawang tuhod ko para magawa kong maipinatong ang mga paa ko sa kinauupuan ko.

Yumuko ako sa mga tuhod ko habang pinakikinggan ang nagsasalita sa ng kung sino mula sa speaker.

"Pasensya na kung nagdahilan ako imbes na magpaliwanag kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon," paglalahad ng broadcaster.

"Ang sakit naman no'n," bulong ko.

"May mas masakit pa sa bagay na 'yan," bulong ni Clau, pilit na inaabot ang pandinig ko gamit ang mahina niyang boses.

"Ano?" tanong ni Haze.

"'Yong nakipagrelasyon sa taong mahal ko sa kabila nang kaalaman na hindi ikaw nag kaniyang gusto. 'Yong sumugal ka kahit na harap-harapan mo nang nakikita kung sino talaga ang mahal niya," makahulugan niyang bulong.

"'Yong may kakayahan ka nang kumalas pero pinipili mo pa ring kumapit at umasa," dagdag ni Haze.

Bigla akog nanliit sa kinauupuan ko. Para akong mas nilubong pang lalo sa putik na kinasasadlakan ko.

Hindi pa rin talaga sila pumapalya. Katulad ng ilang beses na nilang nagawa, pinamumukha na mali ang ginagawa ko. Na mali ang iugnay ang sarili ko kay Gio na may iba namang babaeng mahal... babaeng hindi ako.

Bakit ko ba kasi pinasok 'to? At bakit ba pinagtatanggol ko pa kahit na malinaw naman sa akin na mali ang makipagkasundo kay Gio?

"I know I am just your friend and I almost have no say because it's your personal life, but I want you to break up with him. I want you to seek happiness... not for other people but for yourself," seryosong sabi ni Clau sa akin, malayo sa maligalig at malokong personalidad na nakasanayan ko na.

"Hindi mali na gustuhin na tulungan siya na sumaya katulad ng gusto natin para sa sarili natin. Pero hindi rin mali na piliin ang bagay na ikasasaya mo," dagdag pa ni Hazel.

"Paano kung sa kaniya ako sasaya? Paano kung sa kabila ng sakit na dulot ng pinasukan kong problema'y sasaya pa rin naman ako?" hirap na tanong ko.

Bakit ba napakabilis nagbago ng timpla ng usapan naming tatlo? Parang kanina lang puro kalokohan ang laman ng mga salita namin pero ngayon puno na ng kaseryosohan. Parang kanina ang problema lang namin ay ang merch na binili ni Clarisse, ngayon napunta na sa usaping kasiyahan at pagpili sa sarili.

"Masaya ka ngayon. Masaya ka sa mga oras na magkasama kayo. Pero oras na iwan ka niya para puntahan ang babaeng talagang mahal niya, sakit na ang mararamdaman mo," paglalahad ni Hazel sa katotohanang alam ko ngunit pilit kong binabalewala.

Humapdi ang mga mata ko nang mapuno 'yon bigla ng luha. Hindi pa nakatulong ang pagpailanlang ng malamyos na musika tila dinadamayan ako ngayon. Nag-angat ako ng tingin at ipinatong na lang mga tuhod ko.

I watched how people who were with us started to walk out of the pavilion. Hanggang sa kami na lang tatlo ang natitita sa loob. Maliwanag pa rin naman at maaliwalas pero pakiramdam ko ang lungkot ng kalangitan. O ako lang 'yon dahil sa mga nararamdaman ko ngayon?

Mapait akong ngumiti nang maintindihan ang liriko ng kantang pumupuno sa pandinig ko ngayon. Kanta 'yon ng I Belong to the Zoo na may pamagat na Balang Araw. Na sa bawat liriko ay ikinukuwento kung ano ang pinagdadaanan ko sa ugnayan namin ni Gio. Na saktong inilalarawan ang nararamdaman ko.

"Hindi ako boto sa kaniya, Carmen," walang halong kasinungalingan at pagpapanggap na sabi ni Clarisse. "Doon ako sa kung saan ka sasaya. Pero kung ang sayang tinutukoy mo ay ang ganiyan, natanong mo na ba ang sarili mo kung talagang masaya ka? O baka naman pinaniniwala mo na lang ang sarili mo sa isang bagay na hindi na pala totoo?"

"It's still your choice. But as your friend, I'm hoping for the best for you," Haze asked sincerely.

Napatingala ako sa kisame, hinahanap ang sagot na maaaring magbigay ng kapayapaan sa isip ko.

"Speaking of the devil," narinig kong sabi ni Clau.

Hindi ko na pinag-isipan pa kung sino ang tinutukoy niya dahil malinaw naman kung sino ang taong 'yon.

Footsteps followed Clau's voice. Agad ko 'yong nakilala habang mas lumapalit sa akin ang bawat yabag ng taong 'yon.

"May nangyari ba? Are you okay, Cae?" he immediately asked full of worry.

Narinig ko ang pag-ismir ni Clau samantalang nanatiling tahimik naman si Haze sa pagitan namin.

Pilit akong ngumiti sa kaniya, nagkukunwari na naman sa hindi mabilang na pagkakataon na okay lang ako. "I'm fine, Gio," sagot ko sa kaniya. "Paano mo nalaman na nandito ako?"

"I just guessed," he answered.

"Bakit 'yong totoong nararamdaman ni Carmen hindi mo mahulaan," mahinang bulong ni Clarisse.

Sinamaan ko siya ng tingin na inilingan lang niya bilang sagot. Mabuti na lang talaga at taliwas ang direksyon ng dalawa kaya sigurado ako na hindi narinig ni Gio ang bulong ng kaibigan ko.

Alam ko naman na noon pa man ay hindi na sila boto sa lalaki. Harapan naman nila 'yong ipinararamdam at ipinakikita sa akin ngunit pilit ko lang ignorahin. Because deep inside me I was hoping for the three of them to get along.

Pero masyado yatang mataas ang pangarap ko. Malabo yatang mangyari 'yon kahit ano pang hiling ang gawin ko.

"Can I borrow, Cae? Ako na rin ang maghahatid sa kaniya pauwi," may himig ng pakiusap na saad ni Gio.

Nilingon ko ang dalawa, nanghihingi ng permiso dahilan para mapabuntong hininga na lang sila.

Clarisse looked away while Hazel sighed once again. Sa kanilang dalawa kasi, malinaw na mas ayaw niya kay Gio. Sa kaso ni Hazel, kaya ang may mas malawak nap ag-intindi at mas kayang sarilinin lang ang opinyon niya. Taliwas kay Clarisse na prangka at walang renda ang bibig.

"Basta ibalik mo siya sa condo ko ng buo, walang galos, at walang luha sa mga mata," seryosong utos ni Hazel, nagbabanta.

Si Gio naman ang binalingan ko ng tingin. Salubong ang dalawnag kilay niya na para bang naguguluhan sa mga salitang naririnig niya mula sa kaibigan ko.

"Of course, Hazel. Cae would be home safe and sound," paniniguro niya.

Hazel nodded her head, signaling me to go to follow Gio. Huminga ako ng malalim, kinakalma ang sarili ko.

Marahan akong tumayo matapos ay pinagpagan ang pang-upo ko. Gio was the one who picked up my bag and even help me put it over my shoulders. Nang matapos at handa na kaming umalis na dalawa, kinuha ni Gio ang kamay ko para ikulong gamit ang kaniya.

Nagsimula kami sa mabagal na paglalakad palabas ng CBA building ngunit ay destinasyon ay hindi ko alam. Dahil sa katahimikang mayroon kaming dalawa napuno ang isip ko ng mga salitang narinig ko mula sa dalawa kanina.

Nilagay ko sa pinakalikod na bahagi ng isip ko ang lahat ng mga iyon, pilit na pinagagaan ang loob kahit na lubog na lubog na ako.

"Saan tayo pupunta?" sa pinasiglang boses ay tanong ko.

"Mag-iikot lang tayo," sabi niya sa akin. "Ngayon lang ang break na mayroon ako dahil dahil dry run na namin sa susunod na araw."

Binalot ako ng pag-aalala. Napahinto rin ako sa paglalakad para magawa kong sipatin ang mukha niya.

"What about your meals, Gio? Sigurado akong gabi na kayo nakakauwi. Mas lalo na sa dry run for sure aabutin ng madaling araw." Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "You have no one to cook food for you and take care of you, Gio."

He faintly smiled at me, hurt by his reality. At agad akong nahawa sa ngiti niyang 'yon kaya agad kong naramdaman ang kirot sa puso ko.

Bigla akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib ko na para bang may kung sinong pumipisil doon sa napakarahas na paraan na wala na akong ibang maramdaman maliban sa sakit.

Gio has no one beside him. He's almost an orphan only if he's father isn't alive. Pero hindi naman niya nakakasama ang ama kaya kung susumahin ay ulila na siya. Wala rin siyang kapatid, isang bagay na ipinagpapasalamat niya pa dahil mas mahirap ang sitwasyong mayroon siya kung mayroon siyang kasama.

Even in their house, tanging siya lang ang nakatira. Wala ni isang kasambahay ay wala na kung ibabalik sa dati ay sagana sila. Kaya walang umaasikaso sa kaniya, walang nagbibigay ng paalala na alagaan niya ang sarili niya dahilan para palagi akong nag-aalala sa kaniya.

"Ria packed dinner for me," he said, wary by my reaction.

And I just got another piece of dagger pierced brutally at the deepest part of my heart. Another pain with just a mere mention of her name. Another defeat with the reality that it will always be her... Ria.

The woman he truly loves.

An automatic smile formed in my lips, but I am not sure if it was even real or just like the other smiles, I gave him, I was also faking it.

"That's good to hear. Hindi na ako masyadong mag-aalala," pabuntong hininga kong sabi.

Nanunuri niya akong tiningnan kaya mas nilawakan ko pa ang ngiti ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya sa akin matapos ay napailing.

Muli niyang kinuha ang kamay ko para hawakan ng mahigpit. Nagsimula siya ulit maglakad, hawak ang kamay ko na para bang totoo kaming magkasintahan.

"Parte pa rin ba 'to ng deal natin?" naghahanap ng kasagutang tanong ko.

Mabilis niya akong nilingon sabay iling ulit. "Hindi, Carmen."

Muli akong napahinto sa paglalakad. Marahan kong kinuha ang kamay ko mula sa kaniya sahilan para tingnan niya ako, naguguluhan sa inaakto ko. "Bakit?" takang tanong niya.

"Gio..." mahinang tawag ko sa kaniya.

Nilingon niya ako at sa mukha niya ay walang mababakas na kaguluhan... malayo sa estadong mayroon ako.

"Hmm? Ano 'yon?" inosenteng tanong niya.

Napahinto ako sa paglalakad. Nasa likod na kami ng CBA building kung saan may daan na magdadala sa amin sa exit ng univ. Ilang metro lang mula roon ay patungo na sa Mercato.

"Paano kung ayaw ko na? Papayag ka ba?" nangangapang tanong ko.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko para magawa niya akong ipaharap sa kaniya. "May problema ma?" Nakita ko kung paanong dumaan ang takot sa mga mata niya.

Umiling ako. "Hindi naman. Parang ano lang kasi... para lahat ng tao pinamumukha sa akin na mali ang ginagawa ko. Alam mo 'yon... alam ko rin naman kasi na hindi tama."

Natahimik siya sandali habang matamang nakatingin sa akin. Nangangapa niya akong tiningnan, tinitimbang marahil ang sarili niyang nararamdaman.

Pinagpapasalamat ko na lang talaga na walang taong napapadaan sa lugar na ito kaya kahit saan pa kami dalhin ng pag-uusap namin ay kami lang ang makakaalam.

Humugot ako ng malalim na hininga, ibinabalanse sa isip kung ano ba ang pinakamainam na gawin ngayon. Kung magdedesisyon ba ako ngayon na sobrang gulo ng isip ko, tama ba ang kalalabasan o magkakamali na naman ako?

"Seryoso ka ba? Ayaw mo na talaga?" seryoso niyang tanong sa tinig na garalgal at takot.

Pinagmasdan ko siya ng maigi habang binibigyan ng pagkakataon ang sarili para linisin ang mga negatibong bagay sa isip.

Magaan ko siyang nginitian, pinapanatag ang loob niya kahit na ang sa akin ay kabaliktaran. "Binibiro lang kita, Gio," malumanay na sabi ko. "Hindi ako bibitaw sa pangako ko sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top