Chapter 7
Tahimik na sinimulan kong kainin ang siomai na nasa harapan ko. Dinala ako ni Elon sa Mercato, isang food park sa tabi ng main campus. Maraming nakatayong hilera ng food cart sa magkabilang gilid ng parisukat na lugar. Kung susumahin ay aabot iyon ng benteng tent, sampo sa magkabilang gilid.
Although malaki ang lugar, iniiwasan lang na dumami ang kompetisyon kay nililimitahan. Sa gitna ay ang kalat na mga pabilog na lamesa at upuan na maaaring gamitin ng mga gustong kumain sa lugar.
Maraming mga tao ngayon, mga estudyante rin katulad namin na katatapos lang ng klase. Mercato is usually open until ten in the evening kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin ang lugar sa kabila ng palalim ng gabi.
Nakatulong iyon sa akin para kahit papaano ay mapunta sa iba ang atensyon ko. I don't want to think too much of something that would only make me feel bad. Tama na ang kanina para sa ngayong araw. Bukas naman kapag may sapat na ulit akong tapang at lakas.
"Taro flavored drink for you, Carmen." He put a cup of drink on top of our table.
Galing iyon sa paborito kong binibilhan ng inumin. May gulaman iyon at pearl sa loob at thirty pesos lang din ang tower size kaya sulit.
"Thank you, Elon," pasalamat ko.
"Anything for you, Carmen," he said sincerely.
"Alam mo..." Nagbaba ako ng tingin sa tatlong pirasong siomai sa harapan ko para magawa kong iwasan ang mga mata niya.
Wala pa man akong sinasabi nahihiya na ako. Ang gusto ko lang naman ay magpasalamat sa kaniya para sa mga pagkakataon na dumadating siya para samahan ako. Pero bakit parang ang hirap magsalita gayong napakadali lang namang gawin no'n kanina.
"May sasabihin ka?" pagkuha niya sa atensyon ko.
I pushed myself to look at him. Elon has this patient look on his face. Sobrang gaan at ingat din nang pagkakatingin niya sa akin. Na para bang napakarupok ko bagay na kailangat ng pag-iingat niya.
I gulped and let myself drowned with his stares. Hindi ko siya gusto, malinaw sa akin iyon. I just idolized him and his arts. That's all.
Pero bakit para iba ang gustong sabihin ng pabilis nang pabilis na tibik ng puso ko. I dared look at him directly in his eyes even though it's only making me weak at some point. At my peripheral vision I saw how his hand slowly made its way until it finally touches mine. But to dodge his touch wasn't possible for I was already lost with the intensity of his stares.
In the end, he clasps our hands.
"Thank you, Elon," sa wakas ay sabi ko.
Pinagkunutan niya ako ng noo. "Para saan?"
Nagpakawala ako ng buntong para kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ko. "Every time I'm left alone, you always appear to give me company and comfort," sinserong saad ko.
Humigpit ang pagkakahawa niya sa kamay ko, ipinararamdam sa akin ang presensya niya kahit nasa harapan ko lang naman siya. Hindi man malalim ang pinagsamahan namin pero nagpapasalamat ako sa kaniya na kahit paano ay nagagawang iparamdam sa akin na may importansya pa rin ang presensya ko.
It was only two coincidental meetings with him. Two different days that he didn't allow me to feel lonely at all.
"I don't know what with you and your boyfriend but if you're being treated like this, then maybe it's time to cut him off." He smiled at me sadly. "You deserve better, Carmen."
Alam ko naman na iyon noon pa pero bakit ngayong galing sa kaniya ay mas nnaging malalim pa ang kahulugan ng mga salitang iyon. He wasn't the first person who said those words to me. Even my girls have been repeatedly saying those. Pero nandito pa rin ako. Nasa ganitong sitwasyon pa rin ako.
Pero kailangan kasi ako ni Gio. He has been through a lot already and a simple sacrifice like this for his happiness is nothing to me. Basta maging okay lang siya at sumaya.
"I'm fine, Elon," pilit ang ngiting sabi ko. "Maybe he forgot. Or something urgent came up. Whatever that is I'll still understand."
"You're babying him too much, Carmen. You're spoiling him. It even sounds like you're justifying his actions." He shook his head towards me. "You worth more than that."
Ako naman ang umiling sa kaniya ngayon. Pasimple kong binawi ang kamay ko, kung napansin man niya o hindi ay hindi ko na inintindi. "I'm not justifying anything, Elon. I'm understanding him."
"I see no point. Hindi pa rin tama ang ginagawa niya sa'yo," pilit niya.
Imbes na makipag-argumento pa sa kaniya at ipilit ang sarili kong opinyon na alam kong hindi-hindi niya maiintindihan ay nanahimik na lang ako. I sip on my drink to stop myself from saying anything.
Ayaw kong ako ang maging dahilan para mag-iba ang tingin ng mga tao kay Gio na hindi malabong mangyari dahil gano'n naman talaga ang mga tao. I want to protect Gio as much as I can. I want him to give him the happiness he deserves to have even if it costs me pain in return. That's how much I'm willing to sacrifice for him.
People don't know what Gio had been through. Not this man in front of me. Not even my friends. Not even the girl Gio is pursuing. Kaya hindi nila naiintindihan kung bakit ganito ako pagdating sa kaniya. And I have no intention of letting them no. Okay na 'yong ako lang ang may alam. Walang kaso sa akin kahit ako ang sumasalo ng sakit.
Kung para kay Gio lang din naman, okay lang.
"Paano kung may iba pala siya?" tanong niya, walang bahid ng kasiguraduhan at purong hinuha lang.
I automatically stopped drinking my favorite drink and thank goodness I didn't chocked. "Bakit napunta tayo sa ganiyang usapan?" pag-iwas ko.
"Paano kung makita mo siyang may kasamang babae imbes na ikaw ang dapat na nasa tabi niya? Anong gagawin mo?"
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa mga lumalabas sa bibig niya. Parang makatutok na baril sa ulo ko ngayon sa paraan nang pagiinteroga niya at para akong isang kriminal na huling-huli sa akto.
Nagsimulang magpawis ang noo ko sa pag-usbong ng kaba sa dibdib ko. Gamit ang nananantyang tingin ay sinalubong kong muli ng kaniya. Wala naman akong nakita kakaiba roon maliban sa kuryosidad. Wala rin akong ideya kung may basehan ba ang bawat bintang niya o purong paglalahad lang ng opinyon.
Mas pinili kong hindi sumagot kaysa sa may massbing mali na maaaring maging mitsa ng gulo. Inilabas ko na lang muli mula sa bulsa ko ang cellphone ko. Hindi na ako nagulat nang makita ang pagrehistro ng pangalan ni Gio roon para sa isang text.
Kanina ko pa talaga nararamdmaan ang pag-vibrate no'n kaso iniignora ko lang sa isiping hihinto rin iyon. Pero limang minuto na yata hindi pa rin humihinto.
Sa muling paglitaw ng pangalan ni Gio ay walang alinlangang sinagot ko iyon. I looked at Elon again who nodded his head as if saying it's okay to answer the call.
"Gio," bungad ko.
"Thank God, Cae!" he exclaimed. "Kanina pa kita tinatawagan. Pinag-alala mo ako! Nasaan ka ba? Nakauwi ka na?"
Nag-aalala ka pala pero bakit hindi mo man lang ako nagawang tawagan kanina? Bakit ngayon lang kung kailan halos dalawang oras na ang lumipas?
Bumuntong hininga ako bago pa man ako may masabi na kung ano. Imbes na magtampo, mas pinili ko na lang ang umintindi at sarilinin ang mga hinaing ko.
"Okay lang ako, Gio," simpleng sagot ko sa haba ng sinabi niya.
"Nasaan ka?"
Tiningnan kong muli si Elon. Nakatingin lang din siya sa akin, pinagmamasdan ako habang kausap ko si Gio. Tinimbang ko kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na nandito ako at may kasamang iba. O kung maging totoo sa mga sagot ko at hintayin ang magiging reaskyon niya.
Kahit alin naman sa dalawa, mananatili pa rin naman akong bigo.
"Carmen please..."
I heaved a sigh once again. "I'm in Mercato."
Para siyang nabunutan ng tinik sa ginawa niyang pagbuntong-hininga nang saguti ko na ang tanong niya. "Stay where you are. Pupuntahan kita."
Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. He immediately ended the line. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hindi ko na mawari kung ano ang dapat kong gawin ngayon.
"Pupunta siya rito," imporma ko kay Elon.
"Susunduin ka?"
"Hindi ko rin alam. Siguro," hindi siguradong sagot ko.
We both fell in silence. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom ng binilik inumin sa akin ni Elon. I tried to think of the possible scenarios that might happen when Gio arrives. Magiing maaring mga dahilan na maririnig ko mula sa kaniya ay inisip ko na rin kahit na ang lahat ng iyon ay 'di pabor sa akin.
"Kailangan ko na bang umalis?" nangangapang taong ni Elon sa akin.
Mataman ko siyang tiningnan sabay iling. Siya ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Siya rin ang sumalo sa akin kanina sa kalagitnaan nang pag-iisa ko. Pero sa isang iglap lang bigla ay nagparamdam muli si Gio. Nahati ang isip ko sa kung ano ba ang dapat na gawin. Kung sino ba ang dapat na unahin.
Hindi rin naman nagyagal ang paghihintay namin sa pagdating ni Gio. Humahangos na lumapit siya sa akin, pawisan ang buong mukha at katawan niya. Halata rin sa damit niya na basa na rin iyon at ang buhok niya ay basa na rin at may mga tumutulong pawis pa.
Ang kaninang magulong isip ko ay inukopa nang nabungaran kong estado ni Gio. Para siyang galing sa marathon sa lalim ng bawat paghinga niya at bakas na bakas ang pagod sa kaniya.
"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalala kong tanong kay Gio. Pinaupo ko siya sa bakanteng upuan sa tabo ko na hindi niya tinutulan dala na rin marahil ng pagod.
Walang salitang bigla na lang niya akong kinabig palapit sa kaniya. 'Di alintana ang basa niyang damit at katawan na ginantihan ko iyon. Naririnig ko ang bawat malalim niyang paghinga na hindi ko mawari kung dahil pa rin ba sa pagod ko dahil sa kaluwagan ng dibdib niya.
Napatingin ako kay Elon nang bigla na lang siyang tumayo. He walked towards the direction of one cart. Pero hindi ko na siya nagawang pansinin pa nang masimulang magpaliwanag si Gio.
"Nasira ang sasakyan ko no'ng nasa intersection na ako. I need to have it towed and I ran out of batter kaya hindi kita na-text man lang. I was already panicking that I forgot to ask for help to contact you. Basta na lang akong sumakay ng tricycle papunta sa Apex pero wala ka na roon at sarado na ang campus. Wala na ring tric sa toda kaya tinakbo ko hanggang sa highway para may masakyan ako. Nag-charge pa ako sa 7/11 para matawagan kita bago kit ana-contact kanina," mahabang paliwanag niya.
Here I am drowning myself with mixed up emotions and negative thoughts about his possible reason. Yet here he is in front of me... drenched with his own sweat, tired, and short-breathed. Wala akong ideya na gano;n na pala ang nangyari sa kaniya. Hindi ko alam na sa kabila ng lungkot ko ay ang pagsisikap pala niya para tuparin ang pangako niyang akala ko ay hindi totoo.
Pinunong muli ng luha ang mga mata ko. kusang humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. I tried to soothe him by gently caressing his back until his breathing slowly came back to normal.
Sakto namang balik ni Elon na may alang isang bote ng tubig. I gave mouthed thanks to him which he answered with a small smile.
"Hindi ko alam, Gio." Napabuntong-hininga ako lalo. "Here, drink this first."
"Natakot ka ba? May nangyari ba sa iyo? Dinner? Have you eaten dinner? Sorry... sorry kasi hindi ko natupad ang sinabi kong susunduin kita," sunud-sunod niyang sabi na para bang wala sa sarili.
Nag-iwas ako ng tingin at binalingan na lang ang botelyang nasa harapan ko para buksan 'yon. I tried to be passive about his questions to hide what I really felt not to make him worry.
"Drink first, Gio," sa halip ay tugon ko.
Sumunod naman na siya sa akin sa pagkakataon na ito. Kinuha ko sa loob ng bag ko ang isang bimpo na lagi kong dalawa. I started wiping the sweat on his face down to his neck. I didn't mind the stares I could feel people are giving me. Ni hindi ko rin makuhang mailang maski sa tingin ng ibinibigay ni Elon sa aming dalawa.
I was blinded by the thought of taking care of Gio that I became oblivious of my surrounding. Siya lang ang tanging nakikita ng mga mata ko sa kabila ng dami ng mga nasa paligid namin ngayon.
"Dinner? Have you eaten?" Umiling siya dahilan para muli akong mapabuntong-hininga. "Sa bahay ka na kumain." Tinanguan niya ako bilang sagot.
Nang sa wakas ay pare-pareho na kaming nahimasmasan at nakabawi, naga ko na muling mapagtuunan ng pansin si Elon na pinanonood lang kaming dalawa ni Gio.
"Gio," tawag ko sa kaniya. He looked at me with a questioning look on his face. Inilahad ko ang kamay ko sa direksyon ni "Si Elon. Elon, si Gio," pormal na pagpapakilala ko.
Sa buong durasyon na dumating si Gio sa gitna nangpagkain namin ni Elon, nagkatinginan silang dalawa. Hindi naman ito ang unang beses na nagkita sila pero ngayon ko pa lang sila ipakikilala sa isa't isa. Noong nakaraan kasi ay simpleng batian lang nangyari sa pagitan nila.
Naglahad ng kamay si Elon na agad namang tinanggap ni Gio. Kaswal lang naman ang palitan nila ng tingin maging ang pagkikipagkamayan nila sa isa't isa pero ako ang naiilang habang pinanonood sila.
I felt awkward all of a sudden. Wala namang mali pero pakiramdam ko mayroon. Masyadong seryoso ang mga tingin nila sa isa't isa na para bang nagsusukatan ng tingin kahit na hindi naman.
"Elon Madrigal, bro," bati ng lalaking kaharap ko.
"Gio Acosta," sagot naman ng katabi ko. Ang bakanteng kamay ni Gio ay ginamit niya para hawakan ang kamay ko. "Okay lang ba kung ako na ang maghahatid sa girfriend ko pauwi sa kanila?" paghingi niya ng permiso na binibigyan ng diin sa estado ko sa buhay niya.
Nagbawi ng kamay si Elos. "Oo naman. Ikaw naman ang boyfriend at hindi ako," sagot niya, na katulad ni Gio ay may riin din ang salitang nagsasabi kung ano si Gio sa akin.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa palitan nila ng mga salitang normal naman ngunit hindi ang paraan nang pagkakasabi nila. Wala rin namang mali sa mga salitang gamit nila pero ang punto nang pagsasalita ay may ibang gustong iparating.
"Salamat, bro. Pati na rin sa pagsabay kay Cae papunta rito," si Gio.
"Ginawa ko lang ang tama dahil gabi na at delikado para sa isang babae ang maiwang mag-isa," sabi ni Elon sa seryosong tono.
"Hindi ko rin naman alam na gano'n ang mangyayari," sagot naman ni Gio.
Tumaas ang isang kilay ko sa bawat palitan nila ng salita. "Nag-aaway ba kayo?" salubong ang kilay na tanong ko.
Halos magkapanabay na nilingon nila akong dalawa sabay iling bilang depensa. They even look like they were both children being scolded by their mom. Para silang mga guilty na kung ano kahit na nagtatanong lang naman ako.
Nagpalit-palit ako ng tingin sa kanilang dalawa na pareho nang natahimik ngayon. Napahilot ako sa sentido ko. "Hintayin mo na lang ako sa labasan, Gio, kakausapin ko lang sandali si Elon."
Bumadha ang pagtutol sa mga mata niya na sinundan niya ng iling. Pinanlakihan ko siya dahilan para bahagyang malukot ang mukha niya. Kinuha niya ang bote ng tubig at ang bag ko. Bago ko pa man mabawi iyon ay mabilis na siyang naglakad paalis.
Naiwan kaming dalawa ni Elon. Parehong tahimik at nakatingin lang sa isa't isa habang tinatantiya kung sino ang unang magsasalita. Pero dahil ako naman ang may gusto na makausap siya, ako na rin ang naglakas loob na pangunahan ang usapan.
"Sorry for Gio," hingi ko ng paumanhin.
"It's okay. No harm done," ngiti niya. Pero mabilis ding napalitan 'yon ng seryosong ekspresyon. "But I'm serious though. What happened tonight could've been dangerous. Mabuti na lang talaga nakita kita. You deserve so much mo, Carmen."
"Alam ko, Elon," seryoso kong sagot.
I knew what he meant with his words. Kahit ako, kinabahan ako ng sobra kanina. Alam ko na delikado ang nangyari. Hindi ko rin itatanggi na bukod sa sakit at takot pumupuno sa akin.
I was not just hurt but I was also greatly disappointed. Pilit ko lang inaalis sa isip ko ang posibilidad na iyon na isinampal sa akin ni Elon. Pinipilit ko na lang talaga maging positibo sa pag-iisip na dadating pa rin siya.
"Sige na. Puntahan mo na siya." He reached for my hand once again and stared at me intently. "I hope this won't happen again."
Kahit ako, iyon din ang hiling ko.
"Thank you so much, Elon," taos pusong pasasalamat ko. "I was glad it was you who came to keep me company."
"Thank you for not pushing me away," bulong niya na halos hindi ko na marinig sa sobrang hina.
"I'm sorry for keeping this short."
"Naiintindihan ko," nakangiti niya pa ring sabi.
I was about to walk away bet he didn't let go of my hand.
"Talk to him, Carmen. Please do so. Do not be afraid to ask what you are in his life. Para hindi ka na nangangapa at nanghuhula. Para alam mo kung may rason pa ba ang dahilan ng ginagawa mo. For you to know if it's still worth the fight."
Ang sarap ngunit hindi maitatanggi masakit ang masampal ng katotohanan. Gamit ang mga salita niya, nagawa niyang iparamdam sa akin ang mga bagay na pikit-mata kong iniignora.
I always feel like I can make the best choice for myself to ensure the safety of my happiness... and my heart. Like how I should do to save myself and my value. But no matter how hard I try to choose for what would be the best, I'll always end up going for the worst.
Hindi na ako tumugon sa kaniya. I just carefully grip his hand to make him feel how grateful I am for tonight. He smiled bigger. I stood up from my seat... gently letting go of his hand on the process.
------------
Thank you! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top