Chapter 6

My heart began to beat like a thunderous storm under disastrous weather when my professor started scanning the small pile of index cards in his hand. He was wearing his unusual serious face while picking the name of his first victim for our recitation. The silence surrounding the four corners of our room suddenly became eerie with the fear of being called out first.

This is something I'm always afraid of, unannounced recitation. And even quizzes. Hindi kasi ako iyong tipo ng estudyante na mahilig mag-aral talaga. At hindi ko rin nakasanayan iyong bago ang klase ay nagre-review, maliban sa law na kinatatakutan ko. I do procrastinate for my mind works better under pressure.

Hindi sa jina-justify ko ang procrastination o ano. Mas mabuti pa rin na ahead of time ay nag-aaral ka. It's always better to have good time management and review techniques. Pero mahirap kasi sa part ko na pilitin na mag-aral lalo na kung ayaw makisama ng utak ko. Hindi ko maiintindihan at magsasayang lang ako ng oras.

Pumapasa pa rin naman ako kaya walang problema. Although I knew myself that I could have much better grades if I'd study better. Depende naman kasi sa estudyante iyan. Mayroon kasi na sobrang galing sa time management at sa pagre-review. Mayroon din naman na mas gumagana ang utak kapag naha-hassle na sa rami ng gagawin.

"Is innovation good or bad?" pagbabato ng tanong ni Sir Nate.

He wasn't actually centering our discussion with our subject which was Environmental Marketing but questioning us in relation to our course in general.

"Sta. Cruz," pagtawag niya sa apelyido ng kaklase ko.

Nabakas ko ang kaba sa mukha ni Jay na siyang tinawag. "For me, Sir, uh..." Nagkamot siya sa batok niya. "It's good, Sir, since marami simula mon ang maging dominant ang technology is ang dami na pong naging pagbabago sa buhay natin."

"Changes like? In English please," istriktong tanong niya.

Jay cleared his throat. "Changes po like it connects us better through the help of internet which is one of the fruits of innovation."

I was unable to understand Jay's answer. Masyado na akong nilamon ng kaba na pati ang pagbuo na lang ng sagot ang tanging nasa isip ko. Masyadong tahimik ang buong classroom, malayo sa ingay na madalas pumupuno sa tainga ko.

Lahat ay kabado at mga tahimik na nag-iisip ng isasagot sa tanong na ibinigay ng prof. Pero ang sagot na iniisip ko, na marahil ay maging sa mga kaklase ko, ay nabura nang ibahin na ni Sir Nate ang tanong niya.

"Give one specific example of innovation," he asked again.

Sir Nate began shuffling our index card making me more nervous even though his question isn't that hard. Napigil ko ang sarili kong hininga nang huminto ang kamay niya at bumunot ng pangalan.

And an automatic sigh of relief escaped my mouth when I wasn't called. Nagtuluy-tuloy ang pagtawag ng pangalan ni Sir pero hindi pa rin humuhupa ang kaba ko. Habang tumatagal na tumatakbo ang oras at nagtutuloy ang pagtawag niya ng pangalan ay mas nagiging komplikado ang tanong.

"Miss Ambrocio," muling pagtawag niya.

Bea stood up with confidence and waited for Sir's question.

"Why innovation is good for people? Relate it to marketing."

She smiled confidently at Sir Nate as if this was one a pageant. Sabagay, lumalaban naman kasi talaga siya sa mga pageant kaya hindi kataka-takang may kompiyansa siya.

"Innovation is good for people for it allows us to do more things in a small amount of time. Like for example, Sir, given the example said earlier which is a car. People can spend lesser time in traveling places. That way, Sir, we could have more time to rest."

Seryosong tiningnan siya ni Sir pero hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Bea. "As a marketer, it is your duty to promote these innovative items, am I right?" Tumango si Bea bilang sagot. "So, you're telling me that marketing teaches people how to be lazy? Because according to your words, you'll gain a lot of time to rest."

The corner of her lips twitched, and her confidence faltered. Napangisi si Sir dahil doon at mas lalo pang lumawak ang ngiti niya nang hindi na nakasagot pa si Bea.

Sinubukan kong bumuo ng sagot sa isip ko. Kaso ay mas malakas na ang pintig ng puso ko ngayon na halos iyon na lang ang naririnig ko sa isip ko. My hands began to feel cold as I feel my neck sweating bullets despite the full blast aircon.

Alam ko at madalas kong maramdaman kung kailan ako na ang matatawag. At iyon ang nararamdaman ko ngayon kaya mas doble-doble na ang kaba ko. With my shaky eyes, I looked at Sir Nate. And with his stare only, I knew that my gut feel was right.

"Miss Rosales."

Murmurs filled the room after my surname was called. Pero ang pagtuunan sila ng pansin ay hindi ko na nagawa dahil mas mas nilalamangan na ako ng kaba.

"Is marketing only teaching people how to be lazy?" pag-uulit niya sa tanong na hindi nasagot ni Bea.

I gulped hard. Kung nakikita ko lang siguro ang sarili ko malamang ay kaba ang unang deskripsyon na maiisip ko. Pakiramdam ko para na akong bangkay sa putla at lamig ko nagyon. Hindi man ako makasagot okay lang dahil hindi lang naman ako ang nganga sa recit kung sakali.

Mayroon na kaninang hindi talaga nakasagot maski isang salita. Pero ayaw ko pa rin na mapahiya at matameme lang. Gusto kong sumagot kahit simple lang. Pero pinahihirapan ako ng kaba ko.

"For me, Sir..." Malalim akong huminga para kahit papaano ay imbsan ang kaba ko. "It actually depends on the people."

Muli akong napalunok nang makita ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Sir Nate. Mas lalo akong kinabahan kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at ibinaling sa kaklase kong nasa gilid ko. Marj nodded her head on me as if she's sharing the same answer as mine.

Bahagyang lumakas ang loob ko dahil doon. Pinasukan na rin ng init sa wakas ang katawan ko at bahagya na ring kumalma ang pagwawala ng puso ko, Pero ang panginginig ng kamay ko ay hindi pa rin huminto.

I clasped both of my hands to stop it from trembling or even just to try not to make it visible to other people.

"Why would we dare waste four years of our time to attend marketing course if at the end of it all we would only be educating people how to be lethargic? Why study marketing in the first place?" I breathed deeply once again, finally feeling the calm I was deprived of earlier. "The benefits of innovation vary depending on the perspective of people. On how they would see it and make use of it. Innovations help people to have more time to do more works in a day. If you would think of it positively, it even helps us to be more productive by doing things simultaneously. Like a person could do her laundry using a washing machine and while waiting for it, she could also do some cleaning using her free time. Or if she might choose to just sit and browse on the internet. It really depends, Sir. Since it's a choice one person makes that would work best for that person."

I felt like I was just blabbering nonsense things right now. Hindi ko nga alam kung konektado pa ba ang sagot ko sa naging tanong ni Sir Nate. Basta na lang nagsasalita ang bibig ko kahit na hindi ko naman pinag-iisipan pa ang mga iyon.

Walang hiyang impromptu 'yan! Hindi ko alam kung may kuwenta ba ang naisagot ko. Basta ang mahalaga may naisagot ako ngayon kaya sa mabokya sa recitation.

I remained standing, waiting for Sir Nate's signal that my turn was done. Nakatingin lang din siya sa akin ngunit maya-maya'y nanghingi ng ballpen sa estudyanteng nasa harapan niya.

I began to feel uneasy again with what Sir did. He wrote something at the back of my index card, still wearing his serious face. Nang matapos sa pagsusulat ay muli niya akong tiningnan. Takot man akong salubungin ang mga mata niya, wala akong pagpipilian dahil para bang hinihuli niya talagang sadiya ang mga mata ko sa uri nang pagkakatingin niya.

"I'll be giving you plus points for today's recitation," he announced, causing silent commotion among the whole class with some even clapping their hands. My eyes widened in astonishment at the same time that I fell silent. "I'll be looking forward for your participation on next week's debate," he announced before leaving the room.

Parang lantang gulay na napaupo ako sa kinauupuan ko nang sa wakas ay mawala na si Sir sa room. Tuluyan na akong nilukob ng init kasabay nang muling pagkabog ng dibdib ko, isang reaksyon na palaging nangyayari matapos kong kabahan ng todo. Sunud-sunod na ring nagsipasukan ang mga ideya sa isip ko na sinabayan ng panghihinayang dahil hindi ko nasabi ang mga iyon.

Nagsimula nang umingay ang buong classroom na kanina ay parang mga pipe sa sobrang tahimik. Kaniya-kaniya sila ng kuha ng mga gamit nila sabay labas ng classroom dahil huling klase na namin ang kay Sir Nate para sa araw na ito.

Samantalang ako ay nanatiling lang na nakaupo sa upuan ko at kinakalma ang sarili ko. I could still feel the aftereffect of nervousness in my whole body. Para akong tinakasan ng lakas.

"Sana all naman, Rosales," saad ng kaklase ko nang madaan siya sa tabi ko.

"Wala ngang kwenta mga pinagsasabi ko, eh," nanlulumo kong sagot.

"Sus, pa-humble pa! Eh, ikaw nga lang ang nakipagdebate kay Sir Nate, eh. Tingnan mo ang Bea, inggit na naman dahil natameme kanina," maarteng sabi ni Carlo o mas nagpapakilala sa pangalang Carla lalo na tuwing gabi at rumarampa.

He flipped his shoulder-leveled hair towards Bea's direction. Gumanti lang ng irap ang huli. Those two were known as the best rival in our section. Hindi lang talaga magtugma ang personalidad ng dalawa kaya halos magsabong na tuwing nagkikita.

Naiiling na nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanila ngunit bago iyon ay nakita ko pa ang pag-irap din na ginawa sa akin ni Bea.

"Excuse me nga!" iritableng pagmamaldita niya matapos akong lampasan.

Jusmiyo marimar! Pati ba naman ako pagmamalditahan? Napasimangot na lang ako. Si Bea kasi ang klase ng tao na ayaw nalalamangan. Gusto niya palagi siya ang bida sa lahat. Ayaw niyang may ibang pinapalakpakan maliban sa kaniya, tipong pabibo kumbaga.

Binalingan ko na lang ng pansin ang pag-aayos ko sa yellow paper at highlighter sa lamesa ko. Tahimik na lumabas ako ng room at nagdiretso na ng punta sa waiting shed sa labas ng gate ng Apex. Katulad nang napag-usapan ay hihintayin ko si Gio.

It's already thirty minutes after five. Trenta minutong hintayan na lang. Inilabas ko ang phone ko pero umbes na tawagan ay pinanood ko lang ang pagpapalit ng oras doon. That's why I was able to witness how time began to work against me.

Napanood ko kung paanong ang maliwanag pang paligid ay unti-unting binalot ng dilim. Nakita ko kung paano ang kaninang maingay na paligid ay naging tahimik. Dahan-dahan akong napuno ng kaba ngunit mas lumalamang ang... awa.

And when it finally hits six-thirty in the evening, thirty minutes after Gio's last class and an hour after I started waiting for him, I began to feel uneasy.

Sa pag-iisip na baka nag-overtime ang last subject nila ay naghintay pa rin ako.

"Hindi ka ba sasakay, hija?" tanong ng driver ng shuttle sa akin nang lapitan ako. "Last ride na ito."

Bigla akong kinabahan sa narinig kong iyon. Binalingan ko ang loob ng university sa likod ko para lamang mabungaran ang papadilim ng pathway. Hanggang alas-singko lang kasi ang mga klase sa Apex dahil malayo ang biyahe para sa nga estudyante. Mainam kung may sasakyan ka para kung sakaling mapag-iwanan ka ng shuttle ay may masasakyan ka. Kaso sa lagay ko ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayon.

Gio promised. Sabi niya susunduin niya ako at siya pa ang nagpilit sa kabila nang pagtanggi ko. Pero isang oras na akong naghihintay. O baka naman na-traffic lang siya kaya hanggang ngayon ay wala pa.

Tiningnan ko ulit ang driver sabay iling. "Hindi po. May magsusundo po sa akin. Hihintayin ko na lang po at baka na-traffic lang sa may intersection."

Nakita ko ang pag-aalangan niya ngunit sa huli ay tumango na lang. "Mag-ingat ka, hiha, ha? Stay in naman ang guard dito kaya ligtas ka. Kung wala kang masasakyan magpasama ka na lang sa guard na kumuha ng tricycle sa toda kung mayroon pa."

Tumango ako sa kaniya, inaalala ang lahat ng bilin niya sa akin. Bumaha ang liwanag na nagmumula sa shuttle ngunit panandalian lamang iyon dahil unti-unti na muling nabalot ng dilim ang buong paligid.

Nagbaba ako ulit ng tingin sa cellphone ko para tingnan ang oras. It's already quarter to seven. Kanina pa lumubog ang araw at wala na ring tao sa paligid malibas sa mga iilan na paalis na rin.

I fought back the urge to cry and toughened my mind by repeatedly convincing myself that Gio would still pick me up like what he promised before we parted ways earlier. Pero sino ba ang niloloko ko? Ano ba ang kinakapitan ko maliban sa nga salita niyang akala ko ay magiging totoo?

Bakit ba kasi naniniwala pa rin ako? Bakit kasi umaasa pa rin ako sa mga salita niya kahit na ilang beses na rin naman niyang hindi natupad ang mga pangako niya.

I looked up at the dark sky glittered by the shining stars. It was beautiful, but it wasn't enough to soothe me. With the lone moon shining giving light to me in the middle of the darkness of my night, I felt so alone. I felt like I was forgotten once again by the same man who never intended to stay.

I was already drowned, intoxicated by the sadness my night has given me, when I began to hear rustling sound on the bush area two meters away from where I am sitting. Alertong napabaling ako roon. Fear started to creep into my heart. Wala akong sapat na lakas ng loob na balingat iyon sa takot. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko sa sobrang takot.

I began to count numbers in my head in attempt to divert my attention and forgot what's happening around me. Pero muli na namang sinalakay ng kaba ang puso ko nang sa pagkakataon na ito ay magagaang hakbang na ang narinig ko.

Trying to ease my fear I tried to close my eyes but even before I could do that, a flash lit up spreading light in the middle of the night. Lakas-loob na binalingan ko iyon, sa kanan, kung saan nakatayo ang isang lalaking nakabukas na checkered polo habang sa mukha ay nakatakip ang camera kung saan nagmula ang kislap ng ilaw kanina.

"You're helping me unexpectedly, Carmen," he said after putting down the camera for me to finally see his face. "You're a beauty. You're effortlessly beautiful that even with stolen shots you still look magnificent."

I didn't know why but my eyes started to get blurry with tears. Pakiramdam ko alam niya kung bakit nandito ako at mag-isa. Pakiramdam ko sinadiya niyang papurihan ako para pagaanin ang loob ko at ibaling sa iba ang atensyon ko.

For the second time... he came.

"Elon..." I whispered. It came out so natural in my mouth as if familiar with his name even though it hasn't been that long since we first met.

"Nice to see you again, Carmen," he greeted back.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

Inilahad niya sa harapan ko ang dalawang palad niya kaya nakita ko ang kalat na mga pintura roon. "I was working part time here in CIU."

"Anong part time?"

"I was painting the phoenix at the gym in preparation for the upcoming foundation week." Binawi niya ang dalawang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Inayos niya rin ang pagkakasuot ng dalawang strap ng bag niya sa magkabilang balikat niya. "Ikaw, ano pang ginagawa mo rito? Gabi na," pagbabalik niya ng tanong ko kanina.

Muli kong binalingan ng tingin ang screen ng cellphone ko. Sobrang lagpas na sa oras ng pianag-usapan namin ni Gio. Hindi ko alam kung may maaasahan pa ba ako sa kaniya ngayon. O kung katulad ba sa mga nakaraang tagpo ay nabalewala na naman ako.

"Naiwan ako ng shuttle," pagdadahilan ko. "Ang dami kasing sumakay na estudyante kanina kaya naubusan ng space sa shuttle."

Ayaw kong sabihin sa kaniya ang totoo dahil bukod sa nakakahiya ay nakakababa. Nakalimutan na naman ako at nabalewala sa hindi mabilang na pagkakataon. I was left alone once again by the same man who's making it a habit to do so.

Hindi ko naman makuhang magreklamo. Pero sana man lang kahit isang text ay nagawa niya para hindi na sana ako naghintay. Sinabihan man lang sana niya ako para nakasakay pa ako pauwi at hindi mukhang kawawa ngayon sa gitna ng dilim.

"Dapat nag-tricycle ka na lang para hindi ka na ginabi. Paano kung iba ang nakakita sa'yo at hindi ako? Paano kung may mga lasing pala riyan? On-going ang construction ng lagoon at stay-in ang mga construction worker. Hindi sa nanghuhusga ako pero paano kung napagtripan ka nila? Baka mapahamak ka pa. Carmen naman. Isipin mo rin naman ang sarili mo," pangaral niya sa seryosong pananalita.

Napayuko ako. Hindi dahil nakaramdam ako ng pagkapahiya kundi dahil nagbabadya na naman ang mga luha ko dahil sa ipinararamdam niya sa akin ngayon. Ito iyong klase ng pakiramdam na para bang importante akong tao. 'Yong pakiramdam na matapos kang mabigo ay may isang taong nagpapatunay ng halaga mo.

"Ano ba kasi talaga ang nangyari? Okay lang ka lang ba?" maingat na tanong niya.

"Hindi," totoong sagot ko na agad kong sinundan ng tawa.

I tried to smile at Elon when I tilted my head upwards to face him. And as expected, I wasn't that good of an actress for he immediately noticed that I was faking that smile.

Elon let go of a heavy sigh. His face softened while looking at me as if giving me sympathy despite being clueless of what's the reason behind my situation. Magaan niya akong nginitian matapos akong titigan ng ilang minuto.

"Wala akong magarang sasakyan," seryosong sabi niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko. Na para bang ipinaiintindi niya sa akin ang mga sasabihin niya.

My forehead creased as I fell into confusion. "Huh?" naguguluhan kong tanong.

"I only have a motorcycle with me. I wouldn't be able to give you the most comfortable ride unlike your boyfriend does." Elon took a step forward leaving only a half a meter distance between us. "But I can give you company and I can give you a ride home... only if you'll allow me to do so."

Muling napuno ng luha ang mga mata ko. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi sa katauhan niya. Gamit ang mga salita niya, ipinaramdam niya sa akin may kasama ako at hindi ako nag-iisa sa kabila nang hindi pagtupad ni Gio sa pangako niya.

Sa kabila nang pagbitaw ni Gio sa simpleng pangako niya sa akin at hindi pagsipot para sunduin ako, dumating si Elon para saluhin ako.

------

Thank you po! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top