Chapter 5

A quiet gasp escaped my mouth upon opening the gate of our house. The smiling face of Gio greeted me. He was wearing a denim jacket with a white tee inside, washed jeans, and a pair of white sneakers. The exact reflection of my outfit for today, fitted sando nga lang ang sa akin.

But still, we look like a real campus couple wearing matching clothes. Pero hindi naman kami nag-usap. Ni hindi ko nga alam na susunduin niya ako ngayon. Nabigla na lang ako nang tawagan niya ako kanina na nasa labas daw siya ng bahay at hinihintay na ako para ihatid.

May magandang ngiti sa mga labi niya nang makita niya ang kabuuan ko. Gio walked towards me and extended his right arm as if inviting me to stand beside him. With no hesitation, I accepted Gio's hand and made my way towards his side.

"Anong mayro'n at sinundo mo ako ngayon?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Bawal ka na bang sunduin?" Sinundan niya iyon ng tawa. "Nag-iba ka na," may himig ng tampong saad niya.

Napapantastikuhan ko siyang tiningnan, nawiweirduhan sa pagtatampo kuno niya sa akin. "Nababaliw ka na naman Gio." Hindi siya nagpatinag. Umakto pa siyang nasasaktan, tipong nakahawak pa sa bandang dibdib niya. Mas lalo lang tuloy akong napangiwi. "Dati ka ngang SPA student at kasalukuyang leader ka nga ng TADS. Galing umarte."

"Kinakalawang na nga acting skills ko, eh," nakangiwing aniya.

"Parang hindi naman," makahulugan kong tugon, tinutukoy ay ang palabas na pareho naming obra kung saan kami rin ang bida.

Laking pasasalamat ko ng mukhang hindi naman niya napansin ang pahaging ko. It was just a slip of the tongue that even without my intention, I'm showing what I really feel about our situation.

My unconscious mind has been constantly exposing me lately. Mabuti na lang talaga at may pagkamanhid ang lalaking ito na maging ang totoo kong nararamdaman ay hindi niya rin nakikita. Na para bang lahat ng sinasabi ko ay hindi totoo at biro lang kahit ang totoo ay hindi na.

"Dahil ba sa lalaking kasama mo noong nakaraan?" tanong niya ulit, tinutuloy ang kaninang pagpuna niya sa pag-iiba ko raw.

Inirapan ko siya dahil doon. "Kaunti na lang iisipin ko nang nagseselos ka. Ayusin mo, Gio. Marupok ako baka maniwala ako sa mga sinasabi at kinikilos mo," sarkastiko kong sabi.

Tinawanan lang niya akong muli, hindi siniseryoso ang mga salitang lumabas sa bibig ko. That's how Gio is on a usual basis. Kaya nga kahit ano pang pagpaparinig ko o pahapyaw nap ag-amin ko sa kaniya ng nararamdaman ko ay palaging biro ang dating sa kaniya.

Gio caught my attention once again when he let go of my hand only to place his arm over my shoulder. Sa ganoong puwesto niya ako inakay patungo sa sasakyan niyang nasa likuran niya. Hanggang baba lang niya ang pinakatuktok ng ulo ko kaya walang hirap niyang nadodomina ang mallit kong anyo gamit ang tangkad niya.

Gio opened the door for me and assisted me to take my seat safely. Puzzled by the sudden gesture of Gio, I followed his movement using my stares. I watched him walk at a fast pace over the front of the car for her to take the driver's seat. Hanggang sa makapasok na siya sa loob ay nakasunod pa rin ang paningin ko sa kaniya.

"Umamin ka nga sa akin," panimula ko sa tono na nag-uusisa.

He gave me a quick glance which he immediately returned towards the direction of the road. "Anong aaminin ko? Na gusto kita?" He followed those words with a sly grin.

"May aaminin ba?" biro ko pabalik. "Tigilan mo ako." Inirapan ko siya na tinawanan lang niya pabalik. "'Yong totoo, Gio, anong nangyayari sa'yo?" naguguluhan kong tanong, seryoso na sa pagkakataon na ito.

Tanging tawa lang ang naging tugon niya sa akin. Sigurado akong may mali sa kaniya o 'di kaya'y may hindi magandang nangyari noong nakaraan sa kanila. Hindi ko naman makuhang mag-usisa dahil masyadong malihim si Gio at hindi niya gustong nagsasabi sa iba ng problema niya. Baka dala lang ng stress dahil sa palapit na nilang play dalawang linggo mula ngayon.

And I don't want to give him more stress by questioning him repeatedly about something he isn't ready to share. Magsasabi naman siguro siya kapag handa na siya at maghihintay ako hanggang sa araw na iyon.

Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa bintana at pinanood ang mga nadadaanan naming mga gusali at establisyimento. Ngunit agad napukaw ni Gio ang atensyon ko nang kunin niya ang kamay kong nananahimik sa kandungan ko.

Gulat ko siyang nilingon para lamang mabungaran ang ngiti niyang alagan. Ang mukha niya ay repleksyon ng pagkabagabag. I knew he's going through something ever since that day but I'm afraid to what I would get as his answer the reason why I kept silent.

"Let's have dinner," anyaya niya.

My forehead knotted, surprised by his sudden invite. "What?"

"Dine with me, Cae." ulit niya gamit ang mas detalyado ng mga salita ngayon.

"Kailan? At bakit?" mataas ang boses na tanong ko.

Eh, sa ginulat niya ako, eh. Hindi ko inaasahang yayayain niya ako. Mas lalo na ngayon na abala pa siya sa mga responsibilities niya sa org niya.

"When both of our schedules works. Maybe after the play."

Imbes na magseryoso sa pabigla-biglang imbitasyon niya, mas pinili kong magpakapilya. "Is it a date, then? More than just a friendly date?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. He even intertwined it with his own. Pakiramdam ko tuloy totoong relasyon ang mayroon kami at totoong may nararamdaman sa isa't isa kung umakto kami ngayon. Kung makikita lang kami ng iba iyon din marahil ang iisipin.

"It's a date, Carmen," seyosong saad niya.

I locked my eyes in his face, trying to read if his invite was true. I saw nothing but his seriousness, proving to me that he wasn't joking about it.

Nahirapan akong tukuyin kung tuwa pa ba o awa ang nararamdaman ko para sa sarili ko. I don't have the slightest idea on why Gio's doing this to me. Nakakapanibago. At nakakatakot sa isang banda.

Nagkakaroon na naman tuloy ng puwang sa puso ko na umasa sa kaniya ngayon dahil sa unti-unting pagbabagong nangyayari sa kaniya. He isn't usually like this. We do act as if we're a couple at times. Tipong sinusundo niya ako at hinahatid. Pero hindi kabilang doon ang paglabas para kumain ng kaming dalawa lang.

It has been nine months since our setup has started pero ngayon niya pa lang ako ilalabas sa buong durasyon na iyon. Ni friendly date ay wala. Kaya hindi ko na tuloy alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayong sa unang pagkakataon ay lalabas kami.

Nariyan ang kaaawaan ko ang sarili ko dahil sa parang ang dating ay nagagamit ako. Pero mas pinili ko na lang magpaka positibo at isipin na matatapos rin naman ang lahat at mapapalaya ko rin ang sarili ko.

"You have an after-party after the play, right?" pag-iiba ko ng usapan.

"We do," sagot niya.

"Mag-iinom kayo?" tanong ko ulit.

"Siguro. Pero hindi rin naman ako magtatagal doon."

Sa sinagot niyang iyon ay mas nasiguro kong may mali nga talaga sa kanilang dalawa. Gio should be grabbing that opportunity to be with her far from the eye of the people. Pero hindi siya magtatagal?

Noon ngang mga nakaw na sandalling mayroon sila ay sinusulit niya. Tapos ngayon na mayroon ng pagkakataon ay palalagpasin niya? Weird.

"Manonood ka ba?" tanong niya sa akin matapos ang ilang sandalling pananahimik ko.

"Oo naman" mabilis kong sagot. "Kahit hindi ka naman aarte, alam kong sa likod ng kurtina ay produkto nang paghihirap ninyong lahat ang itatanghal niyo."

"I'll reserve you a seat at the VIP area."

Maagap ang naging pag-iling ko bilang pagtanggi sa sinabi niyang iyon. "Thank you pero hindi na kailangan. Pipila na lang kami ng maaga ng mga kaibigan ko."

"I can give you all a seat. Maaarawan pa kayo."

Nginisihan ko siya nang mapuno na naman ng kapilyahan ang isip ko. "Concern ka na? Totoo na iyan?" biro ko.

"Of course, I'm worried about you, Cae," sinsero niyang sagot.

Kusang umukit ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ang palayaw na ginagamit niya sa akin. It's pronounced as Kaye or simple the letter K. Masyado raw kasing mahaba ang Carmen kahit na dalawang syllables lang naman iyon. Kahit naman anong itawag niya sa akin okay lang. Basta si Gio, walang probelma.

"Balita ko, ililipat na raw ang mga BA sa main pagkatapos ng midterm." Tumango ako sa kaniya.

Iyon din ang balibalita sa amin. Na after this term exam daw ay sa main na kami. That actually works better for me since my house's nearer to that campus. Isa pa, katapat lang iyon ng Engineering Campus kung saan naroon si Gio.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang bagay na iyon o kainisan. Ibig sabihin lang no'n ay mas mapapalapit din ako sa sitwasyong iniiwasan ko. Pakiramdam ko tuloy naiipit ako sa isang sitwasyong kaya ko namang takasan pero hindi ko ginagawa. Kung siguro noong umpisa na hindi

Tahimik na lang kaming dalawa hanggang sa marating namin ang parking space ng Apex. Kaunti lang ang mga sasakyang nandoon dahil halos lahat ay sa shuttle sumasakay o 'di kaya ay may service sila ng sarili.

Naunang bumaba si Gio ng sasakyan para pagbuksan ako. Nginitian ko siya nang tuluyan na akong makalabas na agad niya ring ginantihan.

Akala ko roon na magtatapos ang maliligayang sandali ko kasama si Gio at paalamanan na ang kasunod. Pero kinuha niya ang kamay ko at hinila ako ng marahan pasabay sa kaniyang paglalakad.

"Saan ka?" takang tanong ko.

"Ihahatid ka, saan pa ba?" May magandang ngiti sa mga labi na binalingan niya ako. "Anong subject niyo ngayon?"

"Bakit makiki-sit in ka na naman?"

Tumawa siya." Gustuhin ko man, may klase ako thirty minutes from now."

"Eh, ano pang ginagawa mo rito?!" pagalit na tanong ko, mataas ang boses.

Huminto ako sa paglalakad at namaywang sa harapan niya. Gio, on the other hand, crossed both of his arms on his chest and looked at me with his right eyebrow shot up.

"Shoo! Bumalik ka na sa sasakyan mo at magmaneho. Baka ma-traffic ka pa pabalik sa intersection," utos ko.

Imbes na matakot at sumunod sa akin, kinuha lang niya ulit ang kamay ko para magawa niyang hawakan ng mahigpit. Another mesmerizing laugh escaped his mouth making his eyes squint. He softly pulled me again closer to him. Gio put our intertwined hands inside the pocket of his denim jacket.

I tried to stay composed. But that became the hardest thing to do, now that Gio's holding my hand as if he's proudly showing me off to the crowd. The thing inside of my ribcage pounded, allowing me to feel the effect of this man has for me. Making me realize how deeply I'm in love with him.

Ang ibang mga estudyanteng napapadaan sa amin ay napapahinto para panoorin kami. We were near the bulletin board in the middle of the pathway. Nasa entrada pa lang kami halos kaya maraming estudyanteng nakakikita sa amin.

"Hindi ba sila iyong sikat na couple from CET and CBA? Gosh! They look so cute!" a girl who walked in front us whispered to her friend.

"Shocks! Ang goals nila! Look at those couple outfits!" her friend whispered back.

Bulong pa ba iyon, eh, naririnig ko naman ang mga pinagsasabi nila. Nagkatinginan kaming dalawa ni Gio at sabay na nailing na lang sa mga narinig mula sa dalawa.

Ako naman ngayon ang humila sa kaniya paalis sa lugar na iyon. At nang makalayo ay saka ako nagsalita, "anong pinagsasabi ng mga iyon?" nagtataka kong tanong.

Gio shrugged his shoulders, clueless about what the two girls were implying earlier. "I have no idea, Cae."

Sabay na napailing na lang kaming dalawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa malampasan na namin ang Hotel ng university namin. Nang marating ang tapat ng elevator ng building ng CBA, sabay kaming huminto.

Pipindutin ko pa lang sala ang buton kaso ay nawala roon ang atensyon ko nang marinig ko ang boses ng prof ko para sa unang subject.

"Mister Acosta," bati niya kay Gio. "Miss Rosales," baling niya sa akin.

Bigla akong binalot ng hiya nang maalala ang kamay naming magkahawak pa rin sa loob ng harapang bulsa ng jacket niya. I could feel myself flushed with embarrassment. Lalo nan ang bigyan ako ng malokong ngiti ni Miss Muldong, ang prof ko para sa Arts Appreciation subject.

I attempted to take my hand back from Gio's grip be he just held it tighter to stop me. I looked at him with puzzled expression, but he just smiled it off.

"Makiki-sit in ka na naman ba?" tanong niya, inaasar kaming dalawa.

Mas lalo akong pinamulahan ng mukha. Ilang beses na kasing naki-sit in si Gio sa klase niya. Siya rin kasi ang prof ni Gio noon kaya pinapayagan siya.

Umiling si Gio. "Hindi po, Miss. Hinatid ko lang po ang girlfriend ko rito. Babalik din po ako kaagad sa EC," sagot niya na ang tinutukoy ay ang engineering campus.

"Ay sus! Mga batang ito maysadong in love," ani Miss na parang kinikilig pa.

Tinawanan iyon ni Gio kasabay nang pananahimik ko. Kung ako pa sana ang sinabihan niya ng bagay na iyon ay baka patotohanan ko pa. Kaso malabo para kay Gio.

Imbes na alalahanin pa ang bagay na iyon, ngumiti na lang ako kay Miss Muldong bilang tugon. Mabuti na lang at tumunog na ang elevator sa harapan namin.

"Mauna na ako sa inyo," paalam niya.

Tumango ako. May twenty minutes pa naman ako bago ang first subject ko kaya okay lang na mauna na siya sa akin. Inaagahan ko lang talaga ang pagpasok tuwing dito sa Apex ang klase ko dahil minsan ay traffic kaya nale-late ako.

There was silence after Miss Muldong left. Kapuwa tahimik lang kaming nakatayo sa harapan ng elevator habang hinihintay ang muling pagbaba no'n.

I tried to look at Gio and caught him looking at me too. There was this sorry look on his face that I knew was caused because of the words of Miss Muldong.

Here I am thinking that I would feel nothing about this day aside from bliss. But with simple words that we both heard, everything vanished like a cloud of smoke blown by the wind. But for now, I focused on the idea of being Gio's girlfriend like how everybody thinks. Just for momentary happiness that I know would end soon after reality hits.

Ako ang unang bumitaw sa palitan namin ng tingin pero maagap na nahawakan ni Gio ang pisngi ko para iharap sa kaniya. "Susunduin kita mamaya. Hintayin mo ako mamaya," bilin niya.

"Five pa ang uwi ko, six ang iyo" I shook my head. "I'll just take the shuttle. Plus, you also have rehearsal after your class. That would be too much hassle for you, Gio."

"I can take that much for you, Carmen," he insisted.

Kusang napangiti ako sa mga narinig sa kaniya. I tried to control my emotions only to be defeated when the erratic thumping of my heart took over me. Sa mga simpleng salita na iyon, nabura na naman ang sakit na unti-unting gumagapang paakyat sa puso ko.

Parang hindi nadadala na nagpatangay na naman ako. Parang walang takot sa sakit na maaari kong maramdaman na mas pinili ko na naman ang saya kaysa sa pagprotekta sa puso ko na siyang dapat ay nauuna.

Bakit ba kasi ang hirap magmahal ng taong may mahal na iba? Bakit kasi mas masarap sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan kaysa sa rendahan ang puso ko para sa seguridad na hindi iyon masasaktan?

"Dahan-dahan lang, Gio. Baka bukas makalawa ako na ang mahal mo," pang-aasar ko.

Dahan-dahan lang, Gio. Para hindi masyadong masakit oras na iwan mo na ako.

I mentally slap the back of my head with that thought in my mind. I can't figure out if it was just me assuming things or Giovanni's words and actions were just downright confusing. Ang hirap tuloy maghanap nang masisisi kung sa huli ng lahat ay sakit ang mapapala ko.

Parang kasalanan ko kasi umasa ako o may parte siya dahil ang lakas magpaasa ng mga sinasabi niya sa akin ngayon. Pati ang mga kilos niya ay nakakalito rin. Para akong isinalang sa isang debate na ang usaping pinagdedebatihan ay kung sino ang may sala sa sakit na nararamdaman ng isang tao. Kung umasa ba siya ng kusa o umasa siya dahil nagbigay ng motibo ang isa.

I forced myself to hide what I'm feeling with a grin. Binalingan ko siya ng tingin sa pag-aakalang magagawa niyang sakyan ang pagbibiro ko. Instead, Gio's eyebrows creased as if he's thinking of something, he couldn't decipher himself.

I sighed deeply feeling the depth written in his eyes that he's been trying to hide since earlier. "You can tell me everything, Gio."

Nakita ko ang pagtatalo sa mga mata niya ngunit iling ang naging konklusyon ng pagtatalong iyon ay isang iling na nagpapahiwatig na hindi niya sasabihin sa akin anuman ang bumabagabag sa kaniya.

"I wouldn't dare hurt you more than what I'm already doing, Cae." He sighed. He pulled me gently towards him until he was hugging me. "I'll see you, later."

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya bago ibinalik ang yakap na iginagawad niya. "Okay lang naman ako, Gio. Don't think about me too much. I promised you my help, and I'd gladly do it until I there's an assurance that you'll be happy."

I heard him sighed again. "There are promises that are just simply made but aren't meant to be fulfilled. Promises that are just empty words. And I would understand if the one you said to me fits the latter. Your happiness matters, Carmen."

"Yours, too, Gio," puno ng sinseridad na saad ko.

Parang mas lalo yatang bumigat ang nararamdaman ko dahil sa mga narinig ko sa kaniya. Ang dating sa akin ay pinangungunahan niya ako ngunit ang takot ay lihim na naroon.

But I don't mind doing the promise I said. Wala namang kaso sa akin basta masaya si Gio dahil deserve niya iyon. Deserve niyang sumaya kahit kapalit no'n ay kalungkutan sa parte ko. Bahala na kung saan man kami aabutin ng larong ito na sinimulan namin. Bahala na kung imbes na saya ay mauwi kami sa sakit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top