Chapter 43

Maingat akong umalis sa higaan para hindi magising ang dalawa na naunang natulog kaysa sa akin. The three of us were sleeping in my bed and it has been like this for a couple of days now since they've been staying here often.

Bukas, ilang oras mula ngayon ay graduation na naming tatlo. Sabay-sabay ang commencement para sa mga graduates kahit na magkakaiba ng colleges. Neither of us three are the studious type kaya walang nakakuha ng latin honors. Ang mahalaga lang para sa amin ay ang makakapagtapos na rin kami sa wakas.

Sabay-sabay kaming pupunta sa Crest International University para magmartsa. Walang magulang na pupunta para kay René. Kay Burn naman ay komplikado ang sitwasyon dahil kasabay rin naming ga-graduate ang kapatid niya.

Kasisimula pa lang ng fourth year namin napag-usapan naman ito. Na sabay-sabay kaming tatlo na pupunta kasama ang mga magulang ko. Sa gano'ng paraan hindi nila mararamdaman na mag-isa sila. Hindi man namin maibibigay sa kanila iyong pakiramdam na buo, at least, magawa man lang naming liitan ang puwang sa puso nila ay okay na.

"Bakit gising ka pa?" mahinang tanong ng nasa likod ko.

Marahan kong nginitian si Gio. "Nauuhaw ako."

"Tara, bababa rin ako," anyaya niya.

Mabagal ang bawat hakbang na naglakad ako para pantayan ang paglalakad niya. At nang magtugma ang bawat hakbang namin ay suwabeng inakbayan niya ako, sanay na sanay sa ganoong posisyon.

"Ikaw? Bakit gising ka pa?" mahina kong tanong.

Walang kaingay-ingay ang pasilyong tinatahak namin pababa. Magkatabi lang kasi ang guess room kung saan sila natutulog at ang kuwarto ko. Supposedly, sa hotel sila dapat ni Eya kaso nakiusap si Mama na dito na muna sila mamalagi dahil gusto niyang makasama ang bata.

Wala ng ibang gising kundi kaming dalawa na lang kaya maingat at tahimik ang bawat galaw at pag-uusap naming dalawa.

"Ipaghahanda ko ng gatas ang prinsesa ko," nakangiti niyang sagot.

Tiningala ko siya, tinatanaw ang mukha niya. Sa kabila ng dilim ng paligid ay malinaw kong nakita ang kinang ng mga mata niya sa simpleng pagbanggit lang ng prinsesa niya. At hindi ko naiwasang maramdaman ang tuwa sa puso ko sa malaking pagbabagong nangyari sa buhay ni Gio.

Ang Gio noon na naliligaw at puno ng takot, ngayon ay matapang na at taas-noong bumangon. Hindi niya hinayaang tuluyang lamunin siya ng mga pinagdaan niya sa nakaraan. Hindi siya nagpatalo at mas pinili niya ang lumaban.

It wasn't an easy road for him. It was disastrous.

Kaya ang sarap niyang ipagmalaki na makita siya na natutuhang baguhin ang sarili niya para itama ang mga pagkakamaling nagawa.

"Paano ang Mama niya, okay na ba kayo?" maingat kong tanong.

Hindi niya naitago ang lungkot na dumaan sa mga mata niya. "We're not really okay," malungkot niyang sabi. "As much as I want us to be in the sRamdam ko na hindi pa rin buo ang tiwala niya sa akin. Masyado niya akong minahal na inipon niya lahat sa dibdib niya ang hinanakit niya para lang hindi ako mawala. We keep on holding things back for a reason that we don't know how to act when one person is around."

"Should I be honest with you, Gio?" I asked him, weighing his feelings.

Imbes na kumibo ay tumaas lang ang kilay niya sa akin kaya kinuha ko 'yong senyales para magpatuloy.

"I don't think I ever saw you happy with her," wika ko. "Palagi kayong nagtatago. You were always worried about everything. Mas lamang ang pag-aalangan kaysa ang kapayapaan. And I'm sure you felt it too, you were just too focused on the idea of having a companion that you failed to recognize your sadness. As someone who's been with you, as someone who's been covering your secrets, I know how you feel. I could feel your wariness, I could sense your fear."

Let bygones be bygones, they say. But I believe that to fully move forward, one must fully understand all the whys in his past. Wala ako sa posisyon para sabihin ang lahat ng 'to pero bilang kaibigan niya... gusto kong malaman niya ang mga bagay na hindi niya nakita.

"Pero alam ko totoo ang pagmamahal mo sa kaniya. You may have loved me for real, but I know you have something more special with her. Something even greater that what you felt for me. Kilala kita, Gio, at alam ko na totoo ang nararamdaman mo sa kaniya."

"Akala ko hindi ko siya magagawang mahalin, Carmen." Malungkot na yumukyok siya at sa ganoong posisyon itinago ang pagsisisi. "But I wasted it. Hindi ko alam na gano'n ako sa kaniya. And fuck me for being such an ashole. She cured me, Carmen. When I was about to fall into pieces, she came and coated me with her warmth and patched me immediately. Kaya akala ko hindi ko matututuhan ang mahalin siya. And with her slowly drifting away from me because of my shits... that's when I knew that it was her that I love.."

"You wouldn't sacrifice so much for each other if it wasn't real."

Hindi man sila tunay na masaya sa buong durasyon nang relasyon nila, hindi man buo ang galak na nararamdaman nila, at hindi man gano'n katibay ang pundasyon ng pag-ibig na mayroon sila... tiwala ako na totoo ang pagmamahal nila sa isa't isa.

I don't want to question Ma'am Ria's feelings about Gio and what she feels about their situation. Ayaw ko siyang husgahan at mas lalong ayaw ko nang sukatin ang nararamdaman niya.

At sana... hindi rin niya sukuan si Gio.

Marahan siyang kumilos para harapin ako. At ang luhang kanina pa dumadaloy sa mga mata ko ay nasundan pa ng mga panibago.

"I have come to realize that there's no point justifying your love for a person if you'll just end up bruised and hurt," I continued. "Kung hindi para kayo, at alam mong nagawa mo na ang lahay, sukuan mo. Pero kung siya talaga ang tingin mong magbibigay ng kulay sa buhay mo, ilaban mo."

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman malaki ang bahay namin pero sa bagal nang paglalakad namin ay tila ba mansyon na ang sukat no'n sa tagal naming maabot ang destinasyong pakay namin.

"Just remember, Gio, that happiness... you should never depend it on someone. It should be felt. It should be genuine. And feeling it should give you peace of mind and a sense of freedom. We should find it within ourselves to be happy. Puwede kang sumaya kapag kasama sila. At mas lalong puwede kang sumaya dahil kuntento at buo ka... kahit wala siya. But I know that you're happy now, with Eya, your daughter."

I felt that, too. Even if it was just a glimpse at that night, I know it was happiness that I felt.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Alam kong may parte si Elon pero hindi kasing laking parte ng iba pang dahilan na hindi ko mapangalanan.

That night... I just let my heart rule over me. I just followed what it was telling me. I moved without thinking of someone. It was just me and no one else.

That night... I chose myself.

And maybe that was the reason why I slowly began to learn how to seek happiness even with Gio in my life. Siguro kaya unti-unti ko nang natatanggap na wala na talagang pag-asa para sa ming dalawa.

"Ikagagalit mo ba kung sasabihin ko sa 'yo na hindi na kita mahal?" tanong niya ngunit ang tono ay may nilalaman na higit pa. "Ikagagalit mo ba kung sasabihin ko na sumuko ako?"

Kung ibabalik ko ang sarili ko dalawang taon na ang nakalilipas, walang duda na masasaktan na ako. Pero ngayon na unti-unting kumilinaw sa aming dalawa ang nararamdaman namin, wala na akong ibang makapa kundi kaluwagan.

Na sa wakas ay malayo na kami sa gapos na pumipigil sa amin noon. Na sa wakas ay matutuldukan na ang lahat ng mga katanungan at pagsisisi namin noon.

"Bakit ako magagalit kung alam ko ikasasaya mo ang kapalit?" Kusang kumawala ang ngiti sa mga labi ko.

"I may sound like the biggest jerk on earth but I need her in my life, Carmen." He sighed deeply. "I need her to hold my hand when I'm starting to go off-course again. I need her to lead me in the right direction."

"Stop torturing yourself. Umahon ka at lumaban. Stop making Ria hate you more by being a coward and running away from her. She must've accepted things slowly. Hindi mo kailangang magmadali sa pagbawi sa kaniya." Marahan akong humiwalay sa kay Gio para unahan ang paglalakad.. "Nagawa kang talikuran ng mundo pero hindi ng sarili mo. But standing before me is not the Gio that I used to see years ago. You from two years ago ... Is someone who has been so broken that you kept on getting yourself scarred by trying to live a life with an incomplete you."

Hindi siya nakaimik sa sinabi kong 'yon. Alam kong alam niya na tama ako. Years may have passed but I know he's still mending his heart from the loss of his Mom. Sugat-sugat pa rin siya dahil sa pangyayaring iyon.

And him, being in a relationship with no assurance of better tomorrow is not helping him at all. Hindi lahat ng relasyon ay solusyon para sa isang tao. Hindi lahat ng pag-ibig ay tutulungan kang bumangon.

Sometimes, it would only make you suffer more. It would only hurt you instead of mending you. And if that is the case, it's not worth the fight. Even if you do love the person you're with, kung sakit lang naman ang nakukuha ninyo sa isa't isa... bakit mo pa ilalaban? Bakit mo pa ipagpipilitan?

Masasaktan ka lang. At kapag nasaktan ka... hindi ka niya magagawang isalba dahil siya mismo ang dahilan kung bakit ka umiiyak at nalulungkot.

But in Gio's case, I know that their story would end differently if they would continue fighting to build their family.

"Kung noon, ibang salita ang sasabihin ko sa'yo. Na hindi lahat ng pag-ibig ipinaglalaban. Hindi lahat ng taong minamahal natin ay kailangang manatili sa buhay natin. If we have to save ourselves by leaving them even if it hurts, then do it." Sumandal ako sa hamba ng entrada ng kusina nang marating namin 'yon habang hinihintay siyang maabot ang puwesto ko. "You are worth the fight, Gio. But in this battlefield we are in, the enemy is not other people but you. You've made decisions in your life that ruined you more."

I smiled at him as I crossed my arms in front of my chest.

"Those words would've made a great wake-up call for you. Kaso mukhang hindi mo na kailangan ngayon," nagmamalaki kong pagtatapos.

Noon, makita lang siya ay nasasaktan na ako ng lubos. Pero ngayon sobrang saya ko na unti-unti nang umaayos ang buhay niya kasama ang anak habang inilalaban ang buo nilang pamilya.

"I know you would be an even greater man, Gio. You've overcome the highest mountain of challenge in your life kaya malalampasan mo rin ito." Tinapik ko likod niya nang mapalapit siya sa akin.

Naging tahimik kami sa mga sumunod na sandali. Ito pa lang ang pangalawang beses na nagkita kaming muli magmula nang araw na iyon sa puntod ng Mama niya, una ay noong binyag ni Eya, ito ang pangalawa pero kung mag-usap kami ay tila ba walng naiba.

I was never awkward with any silence I shared with Gio. Kahit na sa kabila ng mga nangyari sa amin, hindi ako nailang sa kaniya. Okay lang kahit walang nagsasalita basta ramdam naming pareho ang presensya ng isa't isa.

And I guess that's how deep our friendship has been rooted in our lives. Na kahit dumating kami sa punto na minahal namin ang isa't isa sa magkaibag pagkakataon at oras, mas pinili naming manatiling maging magkaibigan sa kasalukuyan.

"Are you happy?" maingat kong tanong nang papasok na kami sa kusina.

Sa isang gilid ng pantry nakalagay ang gatas ng anak niyang si Eya. Ibinaba ni Gio sa harap ko ang baby monitor na kanina niya pa pinagmamasdan habang naglalakad kami.

"With my daughter in my life, I feel complete, Carmen."

Walang pagsidlan ng galak na tiningnan niya ako. Malawak ang ngiti ni Gio, pinakamalawak sa lahat ng ngiting ipinakita niya sa akin sa loob ng mga taong naging magkaibigan kami.

The idea of being a father was never an option for him. It scares him. But now, I am confident to say that this has been the biggest gift in his life.

"Does it still scare you?"

Nabawasan ang ngiti sa mga labi niya nang magbaba ng tingin sa gatas na inilalagay niya sa feeding bottle ni Eya. "Of course. Hindi man kasing dalas noon, ramdam ko pa rin hanggang ngayon."

Nang matapos sa ginagawa ay naglakad siya para kumuha ng tubig sa ref. Ipinagsalin niya ako at tahimik na iniabot sa akin iyon.

Isinandal ni Gio ang pagibabang katawan niya sa sink habang nakakrus ang kamay sa dibdib. Sa isang metrong pagitan naming dalawa, nakita ko ang paglalim ng gitla sa noo niya.

"It runs in the blood," bulong niya. "Ever since that incident I always hear that from people. Dahil nagawa ng tatay ko, may posibilidad rin na magagawa ko. Kahit ako, naiisip ko rin ang mga posibilidad na iyon noon pa man. Kaya kahit importante sa akin si Ria, binabakuran ko pa rin ang sarili ko mula sa kaniya."

"Pero hindi mo naman gagawin. Hindi mo kailangang akuin ang kasalanang nagawa ng tatay mo. You were nurtured, Gio. You didn't grew up in a surrounding that would make you a criminal," dahilan ko.

"I know, Cae. And my Dad was just me in his younger years." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Ang pinagkaiba lang namin siguro ay alam ko ang naging konsekwensya ng mga pagkakamali niya kaya takot akong gagawin iyon kanino man."

Ginapangan ako ng takot sa naunang pahayag niya. I know what he meant just by what he said. At sa mabilis na segundong iyon ay ang daming bagay at mga katanungan na pumasok sa isip ko.

And I must admit that one of these was him being in the same situation as his father. Luhimis ng kaunti ang tuwid na daan ng paniniwala ko sa hinaharap ni Gio dahil doon. Given how he was before with an unstable state of mind.

But to trust him was the only thing I got. And even if I would be challenged to do it, I would undoubtedly give him more than a hundred percent of my trust.

"You trust yourself, right?" nangangapa kong tanong.

"I have to, para sa anak ko. I don't want my princess to experience the same pain I have gone through," mahina niyang bulong.

"I'm so proud of how you've become, Gio," nagmamalaking sabi ko. "Keep in mind that having a convicted father for murder doesn't make you a criminal. Live your life outside of your father's dirt. Hindi ikaw siya at may sariling kang buhay."

"Marami akong pangarap para sa anak ako. Gusto kong matupad niya ang pangarap niya. Gusto ko siyang maging malaya, at gusto ko siyang maging masaya sa buhay. I want to hear from her that I am the best father she could ever have," nangangarap niyang saad sa akin.

Ipinagpapasalamat ko na gabi ngayon at naitatago ng dilim ang panlalabo ng paningin ko ngayon. Seeing him like this amazes me. I knew that he would grow from that moment that I walked away from him. Pero ang makita na higit pa ang Gio na kaharap ko sa inaasahan ko ay sobrang humahanga ako.

He didn't just come back as a better man. But as a father who has a big dream for his child.

Hindi naging madali at alam kong hindi pa rin magiging madali. It would always be a hindrance for him. And I know that from time to time it would still haunt him.

I hope that time will come that he'll be healed completely.

"You're a fool for your daughter, Gio." Hindi ko napigilan ang ngiti na kumawala sa bibig ko. "I'm sure she'll love you more when she grows up. I know she'd be proud of you like how proud I am of you."

"I hope so." Umayos siya ng tayo. "Thank you, Carmen, for being the best person in my life."

I just shrugged my shoulders at him. "It's been a long time since we talked, Gio. And I am so happy to hear these words from you."

Nang alukin niya ako bilang maging ninang ng anak niya, tumanggi ako. I just want to be that someone Eya could treat as a part of her even without formal ties. I could be her aunt, as a person who has been with Gio for a long time.

Sobra-sobra ang pagpapasalamat ko na unti-unti nang nagiging maayos ang lahat sa kanila ni Ma'am Ria bago pa man siya nanganak. Hindi man silang buong-buo, ipinagdadasal kong darating ang puntong magiging maayos ang lahat sa kanila.

Hindi na ako updated sa mga nangyayari sa kanilang dalawa. I never asked and intrigued myself from their personal life. The last news I heard about them was Ria quitting her profession at Crest International University, and their family moving to Zambales to settle. Naroon kasi ang trabaho ni Gio kaya roon na rin sila nakatira.

I chose not to involve myself too much in their lives anymore and focused on my own before I lose more of it. Dahil alam kong mas kaya na nila ngayon at mas matibay na sila kung ikukumpara sa kung anong mayroon sila noon. Hindi man buo pero alam kong ilalaban nila hanggang dulo.

"Before thanking other people, thank yourself first for choosing to get better," sabi ko sa kaniya. "Hindi 'yan madali, 'no. Mahirap aminin sa sarili mo na may mali sa'yo. Kaya I salute you, Gio. Pinili mong lumaban imbes na magpadaig."

"I need to. Para kay Eya."

Muli akong napangiti. Sa kahit na anong konteksto talaga nang pag-uusap namin ay hindi nawawala ang anak niya.

"Ikaw, Cae?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Masaya ka na ba? Iyon ang gusto mo, 'di ba? Isang bagay na naipagkait ko."

Kinapa ko ang sarili kong nararamdaman. Sa mga panahong ako lang mag-isa ang sentro sa buhay ko ni minsan hindi ko naramdaman ang lungkot.

Sapat na ba iyon para masabi kong masaya ako?

"Basta ang alam ko lang hindi ako malungkot," sunsero kong sagot.

"Pero hindi ka sigurado kung masaya ka?" pagtatanong niya ulit.

"Masaya naman," balewalang sagot ko. "May kulang lang siguro. I have a life I am enjoying for months now," tukoy ko sa Pacified Chaos. "And friends that I could count on all the time. Graduate na rin ako."

"Pero single ka pa rin hanggang ngayon."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi lang naman lalaki ang makapagpapasaya sa akin, 'no!" eksaheradang tanggi ko.

"Of course, Carmen. But I know he could make you happy." Nginitian niya ako.

Walang duda ang bagay na iyon. Noon pa man na bago pa lang kaming magkakilala napapasaya na niya ako hindi ko lang lubos na mabigyan ng halaga dahil abala akong ayusin ang buhay ng iba.

"I'm sorry, Carmen." Nagtama ang mga mata namin ni Gio. "I'm sorry," muli ay sinsero niyang sabi. "Pinagsisisihan ko ang lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko noon. My apologies were two years late, but I am deeply sorry. I didn't see myself doing what I did to you. Sobrang gulo ng buhay ko kaya umabot sa gano'n."

"Wala kang dapat na ihingi ng tawad, sinabi ko na 'di ba? Okay lang talaga sa akin dahil ako ang pumili na pumasok sa sitwasyon at sa buhay mo."

"Pero mali pa rin ang nagawa ko," giit niya.

"Mali nga pero wala ng kaso sa akin iyon ngayon. Naiintindihan ko, Gio. I've been with you at your worst and I understand." Nakangiti ko siyang tinanguan. "Magulo ang buhay mo noon. At bata pa tayo that time kaya nakagagawa ng mga maling desisyon. Ang mahalaga, natuto ka, nagbago, at mas matapang na."

Hindi siguro maiintindihan ng marami kung bakit sa kabila ng mga nangyari noon ay nanatili ako sa tabi niya. Kung bakit kahit sobra na akong nasasaktan ay iniintindi ko pa rin siya.

Kung hindi ko nakilala ang Gio na masaya at nakangiting nagtatanghal sa itaas ng entablado. Kung hindi ko nakita si Gio sa pinakamababa niyang estado sa hotel kung saan nagbago ang ikot ng kaniyang mundo... madali ko siyang maiiwan at makalilimutan.

Ni hindi ko nga kailangang magpakapagod sa paghahanap ng rason para manatili sa tabi niya. I just felt like it was the right thing to do at that time. To save and help him survive.

Kung wala kaming malalim na pinagmulan, noon pa man sinukuan ko na siya. It wasn't easy fighting for the man who keeps on hurting you unknowingly. More so if that person never made you happy.

But with Gio, everything just feels so right. Na kung babalikan ko ang mga panahon na iyon ay tama para sa akin ang lahat at walang pagdadalawang-isip na 'yon ang gagawin ko.. Baka hindi pa rin maintindihan ng iba, pero iyon ang nararamdaman kong tama para sa sitwasyon.

Kahit masakit. Kahit ilang balde ng luha ang inilabas ko.

Dahil kasiyahan ni Gio ang kapalit. Ang Gio na kaharap ko ngayon.

"Naalala mo ba iyong sinabi ko sa'yo kung bakit hindi kita iniiwan noon?" Hindi siya sumagot pero nanatili lang siyang nakatingin sa mga mata ko. "Gusto kitang makitang masaya, Gio. Gusto ko na ako ang unang makakikita na maayos na ang buhay mo. Ito na 'yon, Gio. Masaya ka na. Unti-unti nang umaayos ang buhay mo kasama ang anak mo. At unti-unti ka nang nakabubuo ng sarili mong pamilya."

Napuno ng luha ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Madilim ang paligid pero hindi iyon naging hadlang para makita ko ang pagkislap ng luha sa mga mata niya.

Para akong isang ina na sobrang ipinagmamalaki ang anak sa unang beses niyang pagtayo. Iyon mismo ang eksaktong nararamdaman ko ngayon na nakikita siyang maayos na at lumalaban na.

Na kaya na niya at masaya na.

"You're happy, right?" I asked once again.

Dahan-dahang pumikit si Gio kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata niya. "Sobra..."

"Sabi ko gusto ko na ikaw muna bago ako. Ikaw muna ang ngingiti bago ako sasaya ng totoo." Ipinatong ko sa dibdib ko ang kamay ko para damhin ang kalmadong pagtibok no'n. "Masaya ako na masaya ka, Gio. Natutuwa akong makita kang malaya. Mapagbibigyan ko na ang sarili ko ngayon. Masaya ka na. Sasaya na rin ako."

Sa mabagal na hakbang ay tinungo niya ang puwesto ko. Walang salitang kinabig niya ako para sa isang yakap na walang pagdadalawang isip kong ginantihan.

"Thank you, Carmen," sinsero niyang bulong sa tainga ko. "Thank you for being my friend, I could never ask for more. You gave so much to me when I only caused you pain. Thank you for staying in my life. And thank you for keeping me sane and for saving me from all the chaos you ended up entangled with because of me. Kung may salita lang na puwede kong sabihin para iparating sa'yo kung gaano ako nagpapasalamat, iyon ang sasabihin ko. Kaso salamat lang ang alam ko."

Noon, tingin ko imposible na maging magkaibigan ang dalawang taong minsang nagmahalan kasi parang ang awkward talaga at imposibleng isipin. Pero kay pagdating kay Gio palaging nag-iiba ang lahat ng opinyon ko.

Dumating kami sa punto na minahal namin ang isa't isa sa magkaibang pagkakataon at oras. Our love didn't prosper even if there was a glint of fire of chance. Matapos ang lahat ng iyon, nanatili kaming magkaibigan.

Parang imposible pero pagdating kay Gio ay hindi malabo. Walang ilang o kung ano man, tanging pagtanggap at pagpapalaya na lang.

"I'm glad I didn't end up with you, Gio," sabi ko boses na tangan ang katotohanan mayroon ako. "Kung tayo man ang naging para sa isa't isa, hindi tayo tatagal. Dahil pinangingibabawan ng awa ang pagmamahal ko. Hindi tayo matibay. Dadating tayo sa punto na mapapagod ako at aayawan kita. Kaya masaya ako na nahanap mo iyong taong nakatakda para sa'yo. Babaeng hindi ako."

Kung noon ay nasasaktan ako tuwing nababanggit o simpleng maisip man lang ang mga huling katagang binitawan ko, ngayon, tuwa ang nararamdaman ko. Dahil si Ria ang totoong kailangan niya. Si Ria ang bubuo sa kaniya kasama si Eya.

Alam kong sa kanilang dalawa, sasaya si Gio ng totoo kahit na hindi na ako ang katabi niya.

"Ayaw ko rin," segunda niya sa mga sinabi ko kanina. "Masyado kitang nasaktan. You deserve a man way better than I am. Alam kong mapapasaya ka niya at may tiwala ako sa mga salitang binitawan niya. You deserve to be happy, Carmen."

"Alam mo, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kailangan kitang makilala kung masasaktan lang din ako. Kung bakit mahal pa rin kita kahit na ang kapalit lang din naman ay iyak at luha." Bahagya akong natawa kasabay nang pagkalas sa kaniya.

"Bakit?" kunot ang noo niyang tanong sa akin.

Imbes na sumagot ay kinuha ko lang ang baby monitor at feeding bottle para iabot sa kaniya.

"Sa akin na lang iyon."

Ngumiti siya sa akin at hindi na rin nagtanong. Sabay kaming naglakad paakyat muli ng hagdan para matulog na.

At nang marating namin ang kuwarto niya ay sabay kaming huminto.

"Happy graduation, Carmen," bati niya.

"Ang advance mo pero thank you," sagot ko. I opened the door for him and let him enter the room. "Good night sa inyo," mahina kong bulong.

He waved back at me. "Good night, Carmen."

Maingat niya akong tinalikuran para tunguhin ang anak na napalilibutan ng unan para hindi siya mahulog. Imbes na umalis ay pinanood ko muna siyang tabihan ang anak para bumalik na sa pagtulog.

Nang makuntento ay saka ko isinaradong muli ang pinto. God knows how thankful I am for the changes in him. Ang gusto ko lang ay ayusin niya ang takbo ng buhay niya pero ito siya ngayon sa harapan ko, higit pa sa taong hinihiling ko.

Bakit si Gio nasa buhay ko pa rin kahit masakit na? Kasi pamilya ko siya. Parte at konektado siya sa buhay ko kahit na mahirap ipaliwanag at ipanintindi sa iba. I feel like no one would understand him better than I do.

I may not be the one he ended up with, but I am truly happy that we finally found the person we needed to fit and complete the puzzle of our lives. Ria is his missing piece, and Eya. While me... I am certain that it's him.

I wasn't meant to be his lover for I was meant to be the storyteller of his chaotic life. I've seen him at his highest, and witnessed his cries at his lows. I was with him as we both listened to what people had to say about his situation.

And finally... Gio’s starting to heal from all the wounds from his past and that was all I have been praying for.

-----------------------------------------------------------------------------------

A/N: Thank you so much po! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top