Chapter 41
Ramdam ko ang pagkakakunot ng noo ko na para bang problemadong-problemado ako sa isang bagay na walang solusyon. I was just zoning out, staring at nothing in particular. Hinahayaan ko lang ang babae sa likod ko na ayusin ang buhok ko. I don't even know what kind of style she is doing right now.
"Is something bothering you, Cae?" a voice asked.
Pero dahil sa sobrang lutang ng pag-iisip ko ay hindi ko nagawang intindihin ang tanong at kilalanin kung kaninong boses ba iyon.
Hangga't maaari ay ayaw kong mag-isip para kalimutan ang mga nasaksihan ko kagabi. Pero kahit na anong klase ng orasyon pa yata ang gawin ko ay nakatatak na iyon sa isip ko.
Kung iisipin ay wala namang malisya dapat. Mukha lang naman silang malapit sa isa't isa. Pero hindi ko maiwasan na lagyan ng kulay iyon dahil sa pinakasulok ng puso ko, nag-aasam ako na ako ang nasa tabi ni Elon.
"I'll trust your words, Burn," I absentmindedly said.
"Huh?"
I blinked rapidly and lifted my head to face the two of them. Marahan ko siyang inilingan. "Nothing."
"May mali sa'yo," puna ni René.
Pabiro ko siyang inirapan, ipinakikita na walang mali sa akin kahit na malinaw na mayroon naman. "Anong oras ba tayo aalis?" paglilihis ko.
Burn rolled her eyes on me, too. "Ang husay talaga."
"We'll leave whenever you're ready," matinong sagot ni René. "We are scheduled at one o'clock."
"Bakit kasi ngayon lang natin ito ginawa?" natatawa kong tanong sa kanila.
"Baka busy ka?" sarkasmo ni Burn na mas nagpalukot sa mukha ko.
"Mahirap mag-book, sis. Hindi lang ako ang may kasalanan," pagrarason ko.
Dapat kasi talaga three weeks ago pa ito kaso mahirap mag-book ng studio dahil sa rami ng ga-graduate na ka-batch namin. Kahit saan namin subuakan, fully booked sila palagi. At hindi rin kasi gano'n karami ang studio malapit sa university namin.
Isa pa ay nag-unwind kasi ako pagkatapos na pagkatapos ng defense namin para sa feasibility study kaya hindi nila ako nagawang kontakin. I just felt like I needed that time for myself. Lalo na at nasubok talaga kami ng todo nitong fourth year. I wasn't mentally prepared for all the stress I got from the final wave of my college life..
"Have you bought a gift already?" René asked while we were walking to exit our house.
Pareho kaming tatlo na bitbit ang kani-kaniya naming dress na susuotin namin mamaya para sa casual look.
"Hmm," kaswal kong sagot.
"So, pupunta ka?" Inakbayan ako ni Burn mula sa likod. "Ilang days na lang. After grad, exhibit na niya."
"I don't think I'll make it there," mabilis kong sagot. "Ipapasabay ko na lang siguro ang regalo ko sa kaniya."
"Why? Wala namang masama kung pupunta ka. Imbitado ka rin naman."
Tanging isang kibit-balikat lang ang naging tugon ko kay Renesmé.
Ni hindi ko nga alam kung paanong haharapin si Elon matapos ang huling araw na nagkita kaming dalawa. Kung magiging tapat lang ako sa sarili ko, aaminin kong nagsisisi ako.
Dapat kinausap ko siya pero hinayaan kong lamunin ako ng inggit at kaba. Ngunit higit pa roon, takot ako sa katotohanang nakapaloob sa kung anong mayroon sa dalawa. Ayaw kong malaman na mayroon sila. Ayaw kong pagsisihan na pinili kong ipagpaliban ang sanang pagkakaintindihan na noon pa sana nagsimula.
Kaso wala naman akong magagawa. Kahit anong klaseng pagbalik ko pa sa kalendaryo ang gawin ko, ang kasalukuyan pa rin ang nasa harapan ko. Mga posibilidad na hindi na ako at naabot na namin ang dulo ng aming kuwento.
"Papunta na kami," imporma ni Burn sa kausap sa telepono.
Malaya siyang nakaupo sa likod habang sa passenger's seat naman nakapuwesto si Renesmé. Unlike how our rides were from two years back, hindi na si Burn ang madalas na nagmamaneho para sa amin.
When I finally had my licence a year ago, I took over the job. Although kapag malalayong lugar ay si Burn dahil mas mahusay siyang magmaneho kung ikukumpara sa akin.
"Oki doks! Ready na ang studio. Though I have a small problem," sagot ng babae sa kabilang linya.
"What is it? Sisingilin mo ba kami ng milyon? Wala ako no'n."
Nagkatinginan kaming dalawa ni René at sabay na napailing dahil sa kalokohan ni Burn. Decade may pass, but she would never change this humor of hers.
"Alam ko kaya nga discounted price ang singil ko sa'yo."
Sinulyapan ko si Burn mula sa rear view mirror at nakita ko siyang umirap sa hangin.
"May pera ako, hindi lang ako tumatanggi sa discount at libre," dahilan niya. "Anong problema ba iyan?"
"A friend came. Okay lang ba sa inyo?"
TInapik ni Burn ang braso ni René, nanghihingi ng kompirmasyon. Nag-thumbs up siya sa likuran na sinegundahan ko rin.
"All good, sis," imporma niya.
Inabot pa ng ilang minutong pagmamaneho ang ginawa ko bago namin narating ang lugar. The place was one-story but the inside looks spacious. Kaunti lang ang laman ng loob kung saan kulay puti ang dominanteng kulay.
Dahil nakapag-ayos na kami bago pa man kami pumunta rito ay hindi na namin kailangan na magpa-make up sa kanila.
"Alondra!" sigaw ni Burn.
Napatampal na lang ako sa noo ko sa kahihiyan nang tila hindi man lang nakaramdam ng hiya ang babae.
Lumabas ang isang babae mula sa kulay puting pintuan na nasa kanang bahagi ng studio. At gano'n na lang ang gulat ko nang makilala ang babaeng iyon.
My stance quivered in shock as I looked at the girl in front of me smiling while talking to my friend. Both of my eyebrows meet as I try to control my emotions and not to be affected by her presence just because she brings out emotion because of last night.
"Anong nangyari sa'yo?" Nawiwirduhan akong tiningnan ni René, inaaral ang ekspresyon ng mukha ko.
I forced myself to smile at her. Inalis ko na rin ang tingin ko sa babae. "Okay lang."
Burn took the girl with her hand to pull her towards our direction. "My friends, Renesmé and Carmen," pagpapakilala nia habang tinuturo kami isa-isa. "Girls, si Alondra, younger sister ng may-ari ng studio."
"Carmen here," pagpapakilala ko. I extended my hand, but instead of reaching for it, she went for me for a hug.
Sa gulat ay hindi ko na iyon naibalik. Hindi ako sigurado kung nakilala niya ba ako nang habulin ako ni Elon at sa ginawa niyang paglapit ngayon ay hinihiling ko na lang na hindi.
I don't want to be awkward with someone na hindi ko naman talaga kilala. Isama pa ang dahilan na hindi sapat ang nakaraan namin ni Elon para tratuhin ko siya na para bang may mali siyang nagawa.
"May isa pa pala akong problema," rinig ko sabi ng babae.
Sabay namin siyang nilingon ni René.
"Ano iyon?" si Burn.
The girl scratched her cheek out of embarrassment. "Hindi pa kasi na pick-up ng team ang ibang dress dahil pina-dry clean namin. Dalawa lang ang available. Kaunti lang din naman kasi ang dresses namin since hindi naman kami gaanong binibisita ng mga ga-graduate."
I know it was the truth, but how come a part of me doesn't want to buy what she said. Negosyo nila ito, eh. And they should be ready to serve their client at all times. It would harm their business and their name if they can't provide what they have promised to their customers. Lalo na at ang aim naman ng mga negosyo maliban sa kumita ay ang mapunan ang mga pangangailangan ng mga customers nila.
"It's okay. Puwedeng mahuli na lang ang isa sa amin," si René.
"Ako na lang," ako ni Burn.
"No!"
Nangunot pang lalo ang noo ko sa maagap at halos pasigaw nang pagtutol ng babae. Her cheeks flushed but the disagreement on Burn's words was greater.
"Problema mo?" Tumawa ni Burn.
Huminga siya ng malalim na para bang pinakakalma ang sarili. "You'll go first, Auburn. Then, Renesmé. Last na si Carmen."
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko dahil doon. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi kaya may iritasyon akong nararamdaman ngayon o talagang hindi ko lang makuha ang lohika nang mga inirarason niya sa harap naming tatlo.
"We'll start with casual look muna since hassle ang pagpapalit ng long dress for lambal."
Sinamahan niya kami papasok sa dressing room na katabi ng kuwartong nilabasan niya kanina. Nakasabit sa matataas na rack ang kulay itim na toga katabi ng eksaktong dalawang pares lang ng beige na colored dress.
"Hindi ba kayo nawiwirduhan?" kunot ang noo na tanong ko sa dalawa.
Inilalabas na nila ang casual dress nila na sponsored ng Daddy ni Burn.
"Nawiwirduhan saan?" si Renesmé.
"This situation. I mean, they have plenty of toga, but only two dresses for shoot with lambal," paliwanag ko.
"Nag-o-overthink ka lang, Cae. Tigilan mo at magbihis ka na lang," natatawag tugon ni Burn.
Nagpakawala ako ng buntonghininga at inilagay na lang sa pinakalikod na bahagi ng isip ko ang mga napansin. Baka nga nasobrahan lang sa lipad ang imahinasyon ko na maging ang mga hindi naman dapat iniintindi.
"Hanggang graduation pic ba naman dinadala mo pa rin ang pagmamahal mo sa powerpuff girls na 'yan."
Nilingon ko si Renesmé na siyang nagsalita. Kasalukuyan niyang iniilingan ang dress na binili ni Tito Simon na sigurado akong siya ang pumili. It's a midi wrap dress that differs only in its color. Hanggang sa ibaba ng tuhod namin ang haba no'n at sakto sa katawan naming tatlo.
I have the burgundy-colored dress, Renesmé has the color of emerald green, and Auburn has the golden yellow one.
"Ang cute kaya!" pairap niyang sagot.
Excited niyang tinungo ang banyo sa loob ng dressing room. Kung noon siguro mangyayari ito ay makikita ko pa siyang patalon-talon sa sobrang galak dahil sa hawak niya ngayon.
"Weird talaga," naiiling kong komento.
I started to undress and so did René. Wala naman kasing CCTV camera sa dressing room at naka-lock din ang pinto kaya safe naman kami.
And between the three of us, mas lalong walang problema dahil sapat na ang mga pagkakataon na nakita namin na undergarments lang ang suot ng isa't isa para makampante kami.
"Ready?" Alondra knocked on the door.
"We'll be out in a minute!" Burn shouted.
"Oki doks!"
Ang maingay na pagbukas ng pintuan ang nagpabaling sa akin sa lokasyon ni Burn. 'Di tulad kanina ay kalmado na siya ngayon. She was even squinting his eyes on me, as if I did something that deserved to be punished.
"What?" I asked, confused by the way she looked at me.
"May something ka kay Alondra," akusa niya.
Kusang umarko ang kilay ko. I immediately got into defense mode for I could clearly feel how Auburn knew that something was wrong.
"Imahinasyon mo hanggang Mars," pasimpleng tanggi ko.
"Instinct ko palaging tama," kontra niya.
"Nasaan ang "we'll be out in a minute"?" Humalakhak si René. Naglakad siya palapit sa sofa at balewalang naupo roon na para bang nanonood ng palabas kung saan kami ni Burn ang bida.
"Duh, ang on the way nga sinasabi ng karamihan kahit na maliligo pa lang sila." Pinagkrus niya ang dalawang braso sa harap. "So, aamin ka o paaaminin kita?"
"Wala nga kasi."
Tinalikuran ko siya. I started to fix myself in front of the mirror even though I have nothing left to fix. Gusto ko lang iwasan ang tanong ni Burn dahil hindi ko alam kung paanong sasagot nang hindi ipinahihiya ang sarili.
The reason I have is so childish. Baka nga mali talaga ako at nagpapalamon lang sa inggit kaya kung anu-anong bagay ang naiisip ko.
"Ano nga kasi? Huhulaan ko na lang ba?" Hindi ako sumagot. Nagpakawala ng buntonghininga si Burn. "I know it has something to do with E. Anong nangyari? Nakita mo silang magkasama?"
"That's an obvious answer, Burn," si René.
I let out a deep sigh as a sign of surrender. "I'm overthinking, I know"
"Or rather jealous." Burn smirked at me.
Nawalan ako ng imik dahil doon. How can they know me well? Na kahit hindi pa ako nagsasalita ay alam na nila agad ang sagot sa mga tanong nila.
"Was it because of how you were treated in the past that you lost the trust you should have for yourself?" René cryptically asked.
"Sana may headstart na pang matalinong tanong pala ang ibabato mo." SInimangutan ni Burn ang naiiling na si René.
Pinaikutan niya ng mga mata si Burn. "Siraulo. What I mean is, because of what had happened, nakatatak na sa isip niya kung hanggang saan lang siya. Masyado niyang kinasanayan na nilulugar lang niya ang sarili niya sa isang partikular na puwesto sa buhay ng isang tao. She's looking down on herself and it's making her afraid to commit to other person."
Nahulog ako sa malalim na pag-iisip, iniintindi ang lahat nang sinabi ni René. Totoo ang lahat ng iyon at parang summary pa nga ng nararamdaman ko.
Siguro nga nakasanayan ko lang talaga na may limitasyon ang lahat sa akin pagdating sa iba. Na dapat ay hanggang doon lang ako at hindi na lalagpas dahil abuso na. Na hanggang doon lang ako, hindi na lalagpas.
Iyon kasi ako noon. Nasanay sa isang sitwasyong hindi ako ang prayoridad at palaging may hangganan ang karapatan. Palaging hindi pinipili. Palaging takot at nasasaktan.
Pero ngayon may isang tao na nagpapakita na may lugar ako sa buhay niya na sa kabila ng taon ay naroon pa rin ako sa mundo niya.
"I assure you that Elon had no other woman aside from you. Masyado siyang focus sa career niya na wala na siyang oras para maghanap ng iba. And Alondra?" Malakas na humalakhak si Burn. "May asawa na ang bagets na iyon."
Napuno ng luha ang mga mata ko kasabay nang pagkapuno ng kakaibang emosyon sa puso ko. I felt overwhelmed by the realization René and Burn made me feel with just their simple words. Parang may mainit na palad na humaplos sa puso ko, ipinararamdam ang init nang pagtanggap na ibinibigay sa akin ng stiwasyong mayroon ako.
Ang isang minutong hingi ni Burn kay Alondra ay umabot ng limang minuto. Hindi naman iyon naging hadlang dahil mabilis lang ding natapos ang casual shoot kung saan kukuhanan kami ng individual shots at group shots.
"Ipu-push ko talaga ang matching tattoo natin sa susunod," wika ni Burn habang nakaakbay sa aming dalawa ni René.
All of us were smiling while looking at the camera that keeps on capturing moments for us.
"Tapos powerpuff girls," pagtatapos ko sa plano niya.
"Of course," René.
"Smile widely, girls! Show me that you're happy!" the male photographer instructed.
Sabay-sabay kaming tumawa habang ang direksyon ng katawan ay patungo sa camera.
We did the same routine with the shoot with us wearing black toga. Ipinatong lang namin iyon sa dress na suot na namin sa naunang shoot kaya hindi na kami nag-aksaya pa ng oras.
Ang nagpabagal lang sa amin ay ang sa pagpapalit ng damit para sa lambal. Dahil kulang nga ang damit, nauna na ang dalawa. I was waiting in the dressing room while waiting for one of them to finish their shoot for me to change clothes.
I just sat on the sofa with my eyes closed. Masyadong maaga ang naging lakad namin kaya kinulang ako sa tulog. Isama pa na kagagaling ko lang sa mababaw na pag-iyak kaya ramdam na ramdam ko ang kagustuhang pumikit at matulog.
But even before I could feel the comfort of sleep, a knock on the door woke me.
"Carmen?" boses iyon ni René.
"Hmm?" I hummed. "Tapos ka na?"
Bumukas ang pinto at iniluwa si René na bitbit ang isang nakabalot sa itim na cover na damit. "This just arrived. Puwede ka na magpalit."
Tinanguan ko siya bilang pasasalamat. I dragged my body out of the sofa to reach René's location. Kunot ang noo na kinuha ko sa kaniya ang damit na dala niya para sa akin.
I'm weirded out by the sudden changes. I expected to go last. Lalo na at hindi pa naman tapos si Burn at René. But I refused to be consumed by confusion and be filled with questions.
Mag-isa akong nagpalit sa loob ng dressing room habang sa isip ay unti--unting napupuno ng reyalidad na magtatapos na ako. Ramdam ko ang excitement at takot. Pero hindi ko lubusang maramdaman ang tuwa dahil hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sana at paano sa isip ko.
Mga sana na wala ng kinalaman sa nalalapit kong pagtatapos. Kundi mga paano kaya ang naging buhay ko kung kasama ko siya. Mga sana na pinagsisisihan kong hindi ko ginawa, na sa naging matapang at sumubok ako kahit na walang garantiya.
Ang mga kaparehong dahilan na lumamon sa akin sa unang pag-ibig ko ay siya ring kaparehong rason kung bakit hindi ko nagawang kilalanin agad ang nararamdan ko para kay Elon.
"We're done, Cae." Pumasok si Burn sa loob. "Magpapalit lang kami ng damit tapos bibili ng meryenda."
"Okay lang ba kung maiwan ka namin sandali?" tanong ni René sa akin habang tinitingnan mula sa salamin na kaharap ko.
"Can you grab me some taro drink?" I pleaded.
"Sure thing, girl."
Pinagtaasan ko sila ng kilay nang imbes na umalis ay pinagmasdan lang nila akong dalawa. "Anong problema ninyo?" nawiwirduhan kong tanong.
Lumapit sa akin si Burn para ayusin ang lambal na suot-suot ko. She has this serious expression on her face, but the moment that our eyes met... hers was instantly filled with unshed tears.
"Anong drama natin today?" naguguluhan kong tanong.
I know Burn for being such a happy and straight forward person. Ni minsan hindi ko siya nakitang umiyak o kahit na anong emosyonal na estado.
She's the second strongest girl in the three of us, with Haze being the first on the line. Kaya sobrang nakakapanibago na makita siyang ganito na parang kaunti na lang ay iiyak na siya sa hindi malamang dahilan.
"Reality lang tayo ngayon," seryoso niyang sagot. She cleared her throat and composed herself. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Dahil sa ginawa niya ay ramdam ko ang bahagyang panlalamig at pamamawis no'n. "I want you to choose your happiness, Carmen. And I want you to realize that there's nothing wrong with that."
Burn moved even more closer until I ended up trapped in between her arms. René also inched closer until there's no more space dividing us.
"All I want is for my girls to be happy," sinsero niyang bylong sa aming dalawa. "Deserve nating sumaya. Huwag kayong matakot na humarap sa mundo dahil habang pinipigilan ninyo ang mga sarili ninyo, mas inilalayo niyo ang posibilidad para sumaya kayo. I got your back, always. Kahit ilang beses pa kayong umiyak, may tahanan kayong uuwian sa akin."
Ipinaloob niya kami sa mainit niyang yakap, mahigpit... at nagpapaalala. Na sa puntong ito ng buhay naming tatlo ay gusto niya kaming sumaya.
Agad na nanlabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadiyang luha roon. I could feel my heart beating steady, making me realize that with the two of them by my side... I have nothing else to worry about.
Na magkamali man ako sa mga desisyon ko, na muli mang akong mabigo, at muling masaktan sa hinaharap ay sasaluhin nila ako. That I have them at my back, ready to comfort me whenever I cry.
"Thank you, girls. I wish you the same," mahinang wika ko.
Both of them tapped my back before leaving me in the room. I tried my best not to let out my tears escape my eyes and it took me more than a minute just to brainwash myself not to cry.
What the girls told me just overwhelmed me. Ni minsan hindi ko inaasahang maririnig ko iyon sa kanila. We have a tendency to cringe at the lightest sweet gesture to each other. Mas sanay kasi kaming butal na nagsasalita sa isa't isa kaya nakakapanibago ang ganitong klase ng usapan para sa amin.
But I'm so happy to be given the assurance of having them. Mas lumalakas ang loob ko at tumatapang ako.
Matapos ang huling buntonghininga na pinakawalan ko ay lumabas na ako ng dressing room. Ngunit ang katahimikan ang bumati sa akin imbes na ang maingay na paligid na siyang nabungaran ko kanina sa unang paglabas ko.
Even the music that was hyping us earlier turned into a mellow one. Wala rin ni isang tao roon maliban sa isang nasa likod ng camera.
"Mike?" I unsurely called our photographer's name.
Pinasingkit ko ang mga mata ko para aninagin ang lalaking nakaupo roon. Pero dahil sa against the light ay hindi ko siya makita ng malinaw.
With my confused mind, I stepped on the podium and sat at the seat assigned to us. But instead of camera flashes, silence was all the photographer had offered me.
"Hello po? Hindi pa ba tayo magsisimula?" naguguluhan kong tanong.
The man cleared his throat. "Are you ready now?"
Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko nang makilala ang boses na iyon. Hindi ako puwedeng magkamali.
It was the voice I've been longing to hear...
"W-What? B-Bakit ka nandito?" hindi naitatago ang utal na tanong ko.
"Because I believe it's the right time for us."
He rose up from his seat. But because of the light ahead of him, I wasn't able to see his face.
BIgla ay gusto kong manliit at itago na lang ang sarili ko dahil sa mga kompirmasyong nalaman ko kay Burn kanina. I was too quick to think of things that don't even cover half of the truth. Masyado akong nagpadala sa pangungulila at selos na imbes na pakinggan siya at pagtakbo ang pinili ko.
Pero dahil sa sinabi ni Burn kanina ay napanatag ako... nabuhay ang pag-asa sa puso ko. Pero higit doon ay nahihiya ako para sa kanilang dalawa na pinag-isipan kong magkarelasyon.
"Do you trust me, Carmen?" he asked in a serious tone.
Hindi ako nakaimik kahit na sa isip ko ay oo ang sagot. I just lack the courage to speak. I'm afraid that if I voice up my answer, I'll end up with a cracked voice.
"I want you to trust me, my lady." He stepped even more close... taking his time while staring at me. "Sinabi ko sa'yo na maghihintay ako kaya naghintay ako. Alam kong may pagkukulang ako sa parte na nawalan tayo ng koneksyon pero naniniwala akong iyon ang kailangan mo."
"E-Elon..."
"I never looked at other women for I felt like I would be committing a sin. Hindi rin ako naging interesado dahil mas gusto kong galingan sa larangang tinatahak ko para may maipagmamalaki ako na bago ko iharap ang sarili ko sa 'yo."
Huminto siya sa paglalakad nang marating niya ang harap ko. My eyes remained rooted at the ground out for I was hiding the tears that I didn't even notice that fell from my eyes.
Elon cupped my face in a gentle manner as if his touch would damage me. Hindi ko na naisip kung anong nangyayari sa make-up ko ngayon. Dahil mas balot ang isip ko ng mga salitang binibigkas ni Elon ngayon sa haapan ko.
"I am still not as successful as I want, but I don't want to waste any more time." His head descended until our forehead kissed. "I want to prove myself to you. But I don't want to chase the wrong dream. I want to chase you, Carmen. Because you are the dream that I've been wanting to achieve."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top