Chapter 40
Para akong paralisado sa uri nang pagkakahiga ko sa kama. Hindi ako gumagalaw mula maski kaunting kilos at nakatitig lang sa kisame. My hand was itching to move and reach for the phone I used last night to contact Elon.
Pero pigil na pigil ako sa sarili ko. Sinasadiya kong huwag lingunin ang parte na iyon sa maraming dahilan.
Nagising akong dala-dala pa rin ang kaba mula sa kagabing pamomroblema kung dapat bang kontakin ko siya
At sa isang banda... takot akong mabalewala.
"Anong oras ka pupunta? Magkikita na kami ni René ngayon," si Burn na kausap ko sa telepono.
Pumikit ako ulit dahil sa tanong niya sa akin. Inaantok pa ako at hindi ko alam kung bakit dahil maaga naman akong natulog.
Idagdag pa na ang unang sumalubong sa akin pagkagising ko ay ang kaba dahil sa kagabing pag-chat kay Elon. At pilit ko mang itanggi... naroon pa rin ang antisipasyon sa puso ko kung ano ang maaari niyang maging sagot sa huling mensahe ko.
"I'll meet you in an hour, I think," pagpapaalam ko sa kaniya.
"Wait ka namin sa Avenue. At..."
Tumaas ang kilay ko sa pambibitin ni Brun sa sasabihin niya. "Ano 'yon?"
"May plano kaming magpuntang SM mamaya. Bibili kaming congratulatory gift for Elon."
Ang kaninang kagustuhan ko na matulog ay biglang nawala nang gano'n na lang kadali. Ngunit kapalit no'n ay ang kawalan ko ng boses para magsatinig nang maisasagot ko tungkol sa bagay na iyon.
I know that we should do that. Ang problema lang ay kung gugustuhin ko bang pumunta para kitain ang taong sasadyain namin sa araw na iyon.
Hanggang ngayon wala pa rin akong desisyon sa pagpunta roon. The event will be held the day after our graduation. And that would be five days from now. Pero ang pagbuo ng desisyon tungkol sa bagay na iyon ay wala pa rin ngayon.
"Pupunta ka ba?" tanong sa akin ni Burn.
"Undecided pa rin ako," buntonghininga ko.
"Bakit na naman? Ayaw mo bang makita?"
"Gusto ko syempre. Kaso posible ba na magpunta roon ng hindi siya nakikita?"
Hindi ko alam kung handa na ba akong makita siya. Hindi naman masama ang huli naming pagkikita. I already felt the farewell in his voice and I know that we both know that. Kaso kasi ay unti-unting nawala hanggang sa punto na lagpas isang taon na magmula nang huling palitan namin ng mga salita.
Wala akong ni katiting na ideya kung paano aakto kung makahaharap ko man siya. I know it would be awkward. At hindi ko alam kung paano masu-survive ang bagay na iyon.
Kaya hangga't maaari ay gusto kong iwasan. Kung may pagkakataon, gusto kong huwag muna kaming magkita dahil hindi pa ako handa.
Ngunit mas malaking dahilan ang takot na baka may iba na pala.
"Was there no assurance?"
Kusang nagsarado ang talukap ng mga mata ko habang sa isip ay kusang binabaha ng mga memorya sa pagbabalik-tanaw ng araw na iyon.
At least, I'll die waiting for the most precious lady in my life.
All of his words show his intention and are nothing but words of affirmation. Kaya hindi ko alam kung saan naggagaling ang takot ko ngayon. Pero kasi... dalawang taon na mula nang araw na iyon.
Sapat na panahon para makahanap siya ng bago.
Higit pa sa sapat na panahon para makalimutan ako.
"I don't know, Burn. And even if there were, nasa akin na ang problema." I sighed deeply once again. "I fear seeing him. I don't know. Takot lang ako na ipilit ang sarili ko lalo na kung baka hindi na ako ang gusto niya ngayon."
"Siguro gano'n siya kaimportante na pinanlalamangan ka ng takot na baka may kapalit ka na."
"Okay lang naman sa akin. Wala namang kami in the first place," pilit na itinatago ang lungkot na saad ko.
"Sigurado ka? Baka takot ka lang magsisi na pinatagal mo pa gayong alam mo naman sa sarili mo na gusto mo na talaga siya," makahulugan niyang sabi sa akin.
Mas lalo akong nawalan ng boses dahil sa sinabi niya. Of course... Burn would know the reason I have been trying so hard not to admit even to myself.
Alam kong noong mga panahon na iyon ay ang hakbang na iyon ang pinakamainam na solusyon para sa aming dalawa. Pero hindi ko rin magawang itanggi na may parte sa akin na balot ng takot at pagtatanong kung paano kaya kung hindi na kami nagsayang ng panahon at sumubok na lang noong mga oras na iyon?
"I don't know, Burn. Bahala na."
Narinig ko siyang bumuntonghininga sa kabilang linya. "Hihintayin ka namin sa Avenue," paalam niya sabay baba ng linya.
Pagod ang katawan na tumayo ako. Mabilis na inayos ko ang higaan ko habang pilit na inaalis sa isip ko ang mga bagay na may kinalaman kay Elon. Na maging sa pagligo at pagpili ng damit ay panay pa rin ang kumbinsi ko sa sarili na huwag mag-isip.
I chose to wear a halter crop top for my upper half and high-waisted loose draped retro beggar pants for my bottom. It has a gradient design that plays with the color from white down to a darker color of blue.
Kulay puting sneakers ang sapatos na sinuot ko. I also tied my hair in a messy bun, allowing some stands to fall naturally on the side of my face.
Having Pacified Chaos as my alter self made me conscious of what I wear. Kahit namin kasi hindi ako nagpapakita ay may mga pagkakataon na nagpapakuha ako ng litrato.
Nang matapos ay tinungo ko na ang pinto ngunit nang hahawakan ko na ang seruda ay napahinto ako. Kahit na parang may mga kamay na pumipigil sa leeg ko sa pag-ikot para harapin ang partikular na lugar na iyon ng kuwarto ay nilingon ko pa rin iyon.
Hinawakan ko ang dibdib ko para damhin ang kalmado ngunit malakas na tibok no'n. "Relax. Malay mo hindi nag-reply, 'di ba?" pagpapakalma ko sa sarili.
I inhaled deeply and softly blew the air in my mouth. Nang maramdaman kong kalmado na ako ay saka lang ako nagpatuloy sa paglalakad palabas ng kuwarto.
"Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ni Mama pagkapasok ko sa kusina.
Nagkibit-balikat ako sa kaniya. "Hindi ako sigurado, Ma. May balak akong puntahan mamaya pagkatapos ng practice." Dumampot ako ng tinapay na nasa basket sa ibabaw ng lamesa. "Baka abutin akong alas nuebe."
Simula kasi nang simulan ko ang Pacified Chaos ay inuugali ko na ang paglilibot sa mga lugar na maaari kong irekomenda sa iba. And it usually takes me until late night. At may mga pagkakataon na tuwing gabi ang pagpunta ko sa isang lugar.
Katulad na lang ng balak kong puntahan mamaya bago ako umuwi.
"Bakit napapadalas naman yata ang uwi mo ng gabi, 'nak? Kung kailan patapos na ang klase mo?" usisa niya.
Maloko ko siyang kinindatan. "I assure you, Ma, I'm not doing anything bad. In fact, I'm actually doing something that I didn't know I would enjoy."
"Mukha nga. Iba ang glow mo ngayon. Muntik ko nang isipin na lalaki ang dahilan." Natatawang tinalikuran niya ako upang harapin ang niluluto niya.
"Wish ko lang, Ma." Kusang nalukot ang mga mukha ko. Narinig ko ang tawa niya ngunit hindi na niya ako nilingon. "Una na po ako. Baka mabagot na sa kahihintay ang dalawa sa akin."
"Ingat kayo!" pahabol na sigaw Mama.
Kahit na hindi naman big deal ang napag-usapan namin ni Mama pero gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.
Naging mabilis ang biyahe papunta sa Avenue. Nag-tricycle lang din ako dahil bagaman may sarili ng lisensya ay hindi ko pa rin naa-achieve na makabili ng sarili kong sasakyan. Gusto ko kasi na sariling pera ko ang gagamitin ko.
At matagal pang mangyayari iyon panigurado. Ang mahalaga lang naman para sa akin ay may daan akong gustong tahakin. 'Di tulad noon na literal na nabubuhay lang ako para mag-exist sa mundo.
Ngayon, mas klaro na sa akin kung anong gusto ko.
"Ang lanta talaga ng account nito."
"Ano 'yan?" bungad ko sa dalawa, tinutukoy ang pinatutungkulan ni Burn sa komento niya.
Hindi na ako nagulat nang makita sila pagkapasok ko pa lang. Kung ikukumpara kasi sa akin, early bird ang dalawa.
"Account ni Elon sa insta," sagot ni René.
"Anong meron?" Sinikap kong maging tunog hindi interesado.
"Mapagpanggap." Inirapan ako ni Burn sabay balik ng tingin sa cellphone. "So, I asked U about Elon," maingat na simula niya.
Awtomatikong tumaas ang kilay ko kahit na iyon pa lang naman ang sinasabi niya. "Tungkol?" intriga ko.
"Kung may babae na ba sa buhay niya bukod sa'yo."
"Ano raw sabi?" usisa ni René.
"Wala naman daw sabi ni U," imporma niya sa akin. "Kahit naman hindi sila magkasama oras-oras o araw-aaraw, alam pa rin nila ang nangyayari sa buhay ng isa't isa."
I know I should be comforted by what she said, pero hindi ko maiwasang mabagabag pa rin sa kabila no'n.
Malinaw naman sa isip ko na wala akong karapatan na makaramdam ng kahit na ano lalo na at wala naman kaming relasyon na kahit ano na hihigit pa sa pagkakaibigan.
Pero hindi ko maalis sa sarili ko dahil aminado akong may nararamdaman ako para sa kaniya na hindi ko kinilala noon.
***
"Isang caramel sundae po, Ate," magalang na sabi ko sa babaeng kumukuha ng order ko.
Nasa kiosk ako ng McDo na nasa labas lang din ng mismong establisimyento. Sa tawid na kalsada ay naroon ang main campus ng CIU kung saan makikita ang mural na ginawa ng mga CAFA students ng university.
And of course... his artwork is included as well.
Iyong ipininta niya na siyang dahilan kung bakit ko siya nakilala at hinangaan. Iyong unang gabi kung saan nakita ko siyang balot ng pinta ang damit at kamay, tutok ang atensyon, at nag-e-enjoy sa ginagawa.
Now I remember what Elon was talking about that day that he brought me his painting. Dahil ang gabing nakita niya ako ay siya ring oras na una ko siyang nakita.
No, I didn't love him that time, I was just simply amazed and in awe seeing how passionate he was with his arts. Kita ko sa kaniya ang dedikasyon sa ginagawa. At ang puso na kaakibat nang bawat obrang ipinipinta niya.
"Here's your order, Miss." Muli kong hinarap ang babae ng may ngiti sa mga labi. "And your change."
"Thank you po. Have a nice day," nakangiting paalam ko.
Imbes na umalis ng tuluyan sa lugar ay nagtungo lang ako sa parking sa bandang likuran ng kiosk. I sat on the parking pavement and stretched my legs with the sundae I bought on my lap.
Mula sa lugar na iyon ay perpekto kong natatanaw ang mural na dahilan nang pagpunta ko rito. Pansamantala kong ibinaba ang binili ko para mahanap ang magandang anggulo para sa pagkuha ng litrato.
Saktong tatlong pindot pa lang ang nakukuha ko nang magkaroon ng ingay ang paligid sa pagdating ng dalawang tao.
"Thank you talaga for agreeing, Elon," malambing na sabi ng babae sa pamilyar na pangalang narinig ko. "Alam kong sobrang busy ka para sa exhibit mo. Kaya super thankful ang org na pumayag ka pa rin."
Sa gano'n kabilis na sandali ay naging triple ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa simpleng pangalan na pagbangit ay tinakasan ako ng lakas na gumalaw. Napako ako sa kinauupuan ko bagaman walang kasiguraduhan kung siya ba at ang taong nasa isip ko ay iisa.
Nasa ko sila, bumibili rin sa kababakante ko lang na lugar. Ngunit hindi naging sagabal ang distansyang mayroon kami para hindi ko malanghap ang pamilyar na amoy niyang kinasanayan ko noon.
"It's no big deal, Melissa. But, I'll probably start a bit late. Maybe a week after my exhibit."
Tears immediately pooled in my eyes upon hearing his voice.
God! How can I miss someone this much?
Hindi ko nagawang sundan at maawat ang pagwawala ng puso ko. Dahilan kung bakit maging ang paghinga ko ay naging mahirap sa mga sumunod na segundo. Walang saysay ang paghugot ng malalim na hininga sapagkat habang tumatagal ay tila kinakapos pa rin ako.
"I understand. But, why one week?"
I heard him laugh freely. "Baka maging abala ako. I need to catch up on two years worth of story. What was the concept agreed upon by the org?" he asked the lady he's with.
Sa kabila ng takot na makita siyang may kasamay iba, lakas-loob akong sumilip sa puwesto nila. I could clearly see two pairs of feet standing close to one another.
"Mental health awareness."
He nodded as he surveyed the wall. "Wow," he said in awe. "Mukhang mahihirapan ako sa bagay na iyan."
"Bakit naman? Parang given naman na yata ang cocept na iyon. Hindi ba dapat mas madalian ka?"
The woman gently encircled her arm in Elon's as they walked to cross the streets.
Nabuhay ang inggit sa puso ko habang pinanood ang nakasampay ng braso ng babae. Gusto kong tumakbo palapit sa kanila para paghiwalayin at pagpagan ang braso ni Elon. Gusto kong paalisin ang babae sa teritoryo ko. Gustung-gusto kong markahan si Elon bilang akin.
Pero lahat ng iyon ay imposible dahil wala akong ni katiting na karapatan para gawin iyon.
"Mahirap kasing i-claim ang isang bagay na hindi mo naman kayang panindigan sa totoong buhay," sagot niya sa unti-unting humihinang boses.
Marahan niyang nilingon ang babae habang naglalakad sila. Sa ganoong paraan ay nakita ko ang kalahati ng mukha niya kung saan nakapaskil ang isang nagpapa-intinding ngiti.
"It's easy to say that through my art, I can advocate mental health awareness. But if I don't understand the depth of it, my art would just be a mere canvas with painted with different colors. Importante kasi na maintindihan mo muna bago ka gumawa ng hakbang. Tulad ko, I know the importance of taking good care of people's mental health, but I don't know how mentally challenged individuals feel and cope."
I know how important every word that he was saying now. Pero hindi ko magawang maituon ng buo ang atensyon ko roon. Ang tanging naiintindihan ko lang sa lahat ng nangyayari ngayon ay ang tingin at ngiti na ibinibigay ni Elon sa babaeng kaharap niya.
Damn...
Wala sa sariling napakapa ako sa pisngi ko. Naguguluhan ako... nalilito... kung bakit lumuluha ako ngayon.
"I have one portion to paint, right?" muling tanong niya.
I tried not to interest myself with the two of them. Kinuha kong muli ang ice cream na karamay ko sana sa pagbabalik-tanaw ng mga memoryang magpapaalala sa akin nang unang beses na nakilala ko si Elon.
Unti-unti na iyong natutunaw... katulad nang pagkalusaw ng pag-asang kinakapitan ko na may lugar pa rin ako kay Elon kahit ilang taon na ang nakararaan.
Ang tanga ko naman kasi. Bakit ko inaasahan ang isang tao gayong ako mismo ay hindi makapagbigay ng garantiya sa kaniya na may babalikan siya.
Pero ang sakit kasi, eh. Walang hiya ang sakit!
Parang may nagbigay sa akin ng mag-asawang sampal na ipinamumukha na wala na akong lugar sa buhay niya. Parang ginawang punching bag ang puso ko na walang hinto at walang awang pinagsusuntok ng iba. Kaya pakiramdam ko ay bugbog-sarado ako sa sakit na dala ng nasa harapan ko ngayon.
And maybe it was because of my haste movement I cared less about being heard by them.
"Carmen?"
Natulos ako sa kinatatayuan ko. I was already facing the opposite of them. At ipinagpapasalamat ko iyon dahil nakakahiyang humarap sa kanila na umiiyak ako.
"Who is she?" I heard the girl ask.
"Carmen, I know it's you," he said with urgency.
Of course, it's me.
Nangangati ang ulo ko na lumingon sa kaniya pero pinangungunahan ako ng sakit sa puso ko. Malinaw naman sa akin na wala akong karapatan pero nasasaktan pa rin ako dahil gusto...
Mali...
Huli na nang matanto kong... mahal ko iyong tao.
Humakbang ako palayo upang hindi masira ang magandang memoryang mayroon ako rito. I would protect all the things I have left for me. Kahit na ang sarili ko na lang at wala siya. Kahit masakit na matanggap na huli na.
"You didn't reply!" he shouted, which made me stop. "I answered you last night"
"I'm sorry for the bother," sagot ko na hindi ako sigurado kung umabot ba sa pandinig niya.
Humakbang ako ulit palayo, tuluy-tuloy na sa pagkakataon na 'to sa mabibilis na hakbang para protektahan ang sarili ko.
"Stop! Please, Carmen! I need to talk to you!" sigaw niya.
Muli akong naging alipin nang sigaw ng puso ko kaya mabilis na huminto sa paghakbang ang mga paa ko.
Ito na kasi iyon... iyong muling pagkikita at pag-uusap na namin na gusto kong mangyari. Kaso paano ko pa gugustuhin iyon kung may ibang babaeng nakatayo sa tabi niya.
Kung ipinamumukha ng mundo na hindi na kaming dalawa.
"What's happening, Elon?" pagsasatinig ng babae.
And it served as the snap in my head to continue walking away.
May kasama siyang iba.
And I, of all people, should know where I stand in this situation. And the most rightful thing to do right at this moment is to walk away... to distance myself from them not to cause any harm.
And also... to protect my heart from pain.
"Carmen! Stop! Talk to me!"
His voice was louder this time which made me halt my steps again. Alam kong malayo na ako sa kanila kaya nagawa ko nang tatagan ang loob ko para harapin siya.
"Diyan ka lang! Pupuntahan kita!" desidido niyamg utos sa akin.
Pero dahil matigas ang ulo ko ay umatras na naman ako. I only looked back to see him one last time. To have a glimpse of him that I missed big time.
"Elon... " bulong ko sa hangin.
I know he would not be able to hear me, nor would be able to see the movement of my mouth because the distance between us was too far. Humakbang ako ulit nang magsimula siyang maglakad. At sa muling pagtalikod ko ay hindi na ako huminto.
Hanggang sa tuluyan na akong makalayo mula sa taong hinahanap-hanap ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top