Chapter 4

"Anong ginagawa mo rito?"

Magkapanabay na tanong namin sa isa't isa. Gulat na nakatingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

"May magagalit ba kung sasamahan kita ngayon?" malokong tanong niya.

Napangiwi ako sa kaniya matapos ay umiling bilang sagot sa kaniya. "Upo ka."

Inilapag niya sa katabi ng inupuan niya ang bag na dala niya habang ang camera na nakasabit sa leeg niya ay ibinaba niya sa lamesa. We were silent for a couple of minutes. Nagpapakiramdaman lang kami kung sino ang unang magsasalita.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon. I was so ready to submerge myself with my emotions but here he is in front of me, making me feel like I am not alone... giving me comfort.

"Nakita ko ang boyfriend mo na pumasok sa VIP area bago ako nagpunta rito. I thought you're with him but you're not apparently," he said.

Nag-iwas ako ng tingin sabay baling sa daang magtuturo kung nasaan ang VIP area. It was a closed room for individuals who wanted to have a privacy with their dates or whatsoever. A perfect rendezvous for people who were avoiding the public's eyes.

Bigla akong kinabahan dahil sa presensya ni Elon na hindi ko inaasahan. Only a few people know this café. Madalang lang din napapadpad dito ang mga taga CIU dahil malayo sa university. Kaya hindi ko akalanging makikita ko siya.

At pakiramdam ko ay nahuli ako sa akto gayong wala namang siyang alam sa dahilan kung bakit nandito ako. The fact alone that he saw Gio entering a VIP room with me staying here in the veranda is enough surely enough for him to think that something's going on.

"He's talking to someone privately. Hindi na ako sumama dahil makakagulo lang ako sa kanila," pagdadahilan ko.

"Gaano na kayo katagal?" usisa niya, malayo sa binuksan niyang usapan.

I almost sigh in relief only if I didn't stop myself. Nanunuring tiningnan niya ako dahilan para kabahan ako. Takot man na salubungin ang mga mata niya ay hinarap ko pa rin siya at nginitian ng tipid. "Nine months, I think. But we go way back.

"Kilala mo talaga siya?" tanong niya.

Kiming tumango ako bilang sagot. "We're schoolmates since junior high from different curriculum kaya kilala ko na siya. He's ahead of me for two years. Nagsimula lang ang pagkakaibigan namin noong third year na siya at first year pa lang ako."

"I thought he's an engineering student. Why TADS?" tukoy niya sa theater and drama society na org ni Gio.

Nangalumbaba ako. Images of Gio from our high school days came into my memory as if taking me to those times where I just see him as someone from the SPA curriculum. Hindi ko nga alam na magiging ganito kami ngayong pareho na kaming college students. Masyado kasing malayo sa katotohanan na hindi ko na inisip na posible pala.

"He used to be part of the special program of the arts curriculum way back junior high. Umaarte na siya noon pang high school kami. Pero noong nag-senior high na, kumuha siya ng STEM. Maybe it was reality over passion. And he chose to pursue something that would guarantee his future."

I was just an audience watching him from a distance. Students my age before wasn't very fond of watching school plays. And I used to cringe watching them, too. Forced to watch due to our attendance, I met Gio.

And from that moment hindi na siya nawala sa paningin ko. I was able to notice him unlike how stranger he was to me before I watched the school play he starred. Hanggang sa nag-moving up siya at kumuha ng stem bilang track niya. Hindi ko alam kung bakit pero palagi na lang siyang nahahagip ng paningin ko.

Siguro dahil na rin sa magkatapat lang ang building ng senior high at Grade 10 kaya madalas ko siyang nakiktia. He wasn't my crush or so. But he just caught my attention instantly. Iyong para bang noon na dumadaan lang siya sa harapan mo pero hindi mo siya nakikilala. Pero sa isang iglap hindi na siya nawala sa paningin ko.

"Ano nga palang ginagawa mo sa lugar na ito?" muli ay tanong ko, binibitawan ang usapan tungkol kay Gio.

Nagkibit-balikat siya sa akin bilang sagot. "I was looking for some inspiration for my next painting and I accidentally discovered this place."

"It's beautiful, right?" I said with pride.

"It is."

Silence followed. Hindi ko alam kung anong klaseng paghahagilap ng topic ang gagawin ko sa isip ko para lang walang dead air sa pagitan naming dalawa. Hindi ko rin naman kasi siya kilala ng lubos kaya hindi ko alam kung saan uumpisahan ang usapan namin.

"You look sad for some reason, Carmen," puna niya sa akin.

"Am I that shallow? Or I just lack acting skills?" I forced a laugh, but he just remained motionless while studying my face. "Okay lang ako, ano ka ba."

"You don't look okay to me, Carmen," pilit niya.

"I'll be fine, Elon. It's just that, I hate this day."

He sighed. "I'll order some food. Wait for me here."

Tumango ako sa kaniya pero pinanatili na lang ang tingin sa kawalan. Gusto kong libangin ang sarili ko dahil sa tuwing nababakante ako ay iniisip ko ano na nga kaya ang pinag-uusapan ng dalawa ngayon.

Naaawa ako sa sarili ko pero wala akong ibang puwedeng sisihin dahil ginusto ko rin naman ito. It was a battle between my heart in mind with my mind trying to tell me that it was a stupid move to have a deal with Gio. But my heart was eagerly beating to have him beside me.

My ringing phone on top of my table caught my attention. It was Clarisse calling. Agad na sinagot ko ang tawag niya at ang unang bumati sa akin ay ang tili niya.

"Hoy, kumalma ka," masungit na bati ko.

"Hoy ka rin! Walang hiya ka! Bakit magkasama kayo ni Elon ngayon? Abuso na iyan, ha!" sigaw niya.

Mabilis akong binalot ng kalituhan. "Paano mo nalaman?"

Gusto ko mang tanawin si Elon ngayon pero imposible dahil nasa ibabang floor ang counter habang nasa second floor naman ako ngayon.

Wala akong pinagsabihan sa kanilang dalawa ni Hazel kung nasaan ako. Ni hind inga nila alam ang lugar na ito kaya paano niya nalaman na magkasama kami ni Elon?

"Tumawag si Elon sa akin ngayon lang, nagtatanong kung ano raw ang paborito mong pagkain. Anong klaseng kagandahan ba ang mayroon ay at nabihag mo yata ang isang iyon? Bakit parang wala naman akong nakikita?" mahabang lintaniya niya.

"Huwag mo akong pinagloloko, bakit naman niya gagawin iyon?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tinangay ng hangin ang malinaw na pag-iisip ko at napuno ako ng katanungan kung bakit kailangan niyang gawin ang lahat ng iyon.

"Wala akong kakayahang manghula kaya paano ko malalaman?" sarkasmo niya. "Sige na. Enjoy ka riyan kay Elon. Mas boto pa ako. K bye!"

Magmamaldita pa lang sana ako pero binabaan niya na agad ako ng linya. Salubong ang kilay na pinagmasdan ako ang katapan na upuan bagaman bakante iyon. This is the third time that I met him. And each time na nagtatagpo ang landas namin, pakiramdam ko ay mas lalo lang kaming napapalapit.

Hindi naman siya mahirap makasundo gaya ng inaasahan ko. Magaan din siyang kasama na para bang handa siyang damayan ka sa problema mo. At sa dalawang beses ko na siyang nakakasama, nagagawa niyang ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko. Sa mga pagkakataon na iyon, palaging walang Gio sa tabi ko na siyang sana ay gusto ko.

I abruptly moved my head to face my back upon hearing footsteps nearing me. Sumalubong sa akin si Elon bitbit ang tray ng pagkaing binili niya para sa aming dalawa. Two tower of fruit shake greeted me with one being taro flavored while the other was avocado, if my guess was right. Mayroon ding solo sized pizza at dalawang cheeseburger.

"Your friend said you liked pizza and taro flavored drinks," he said while placing the food on our table.

"Tumawag nga sa akin si Clarisse," ngiwi ko. "You could've just ordered anything. Hindi naman ako mapili."

"Food gives a person comfort. And that's what you need now, Carmen."

Sinimangutan ko siya para itago ang ngiting unti-unting pumoporma sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. Even just his simple words and gestures bring me comfort. Na kahit ganito ang nangyari sa araw ko ay parang okay na ako dahil nandiyan naman siya para iparating na hindi ako mag-isa ngayon.

"Mind telling me what's happening with you?" he asked, trying to start a conversation between us.

Sinalubong ko ang mga mata niya, tinatantiya kung kaya ko pang ipagkatiwala ang sikretong mayroon ako at si Gio. Pero masyado akong takot at ayaw kong mapahamak ang mga taong iniingatan ko.

Telling other people about it might only cause more problems to me and them. Kaya okay na iyong ako na lang at sinasarili ko na lang.

Umiling ako sa kaniya sabay bigay ng tipid na ngiti. "Maybe next time when I trust you more," seryosong saad ko. "About the help that you need, how will I be able to help you?" pag-iiba ko ng usapan.

Nginitian niya ako. "I already have an image of you captured."

"You what?" Bahagyang lumaki ang mga mata ko sa gulat. "Kailan?"

Malako niya akong nginitian. "Kanina bago ako umakyat."

"Patingin ako."

Kumagat siya sa isang burger na binili niya matapos ay inilingan ako. "I'll show you after I'm done painting it."

"I'm curious, Elon," I said in a quite frustrated tone.

Gusto ko kasi talagang makita kung ano ang itsura at ang bilis naman yata. I was expecting it to last for a few days since it's a final requirement and he must do good for his grades.

Sabagay, si Elon Madrigal naman kasi siya kaya kahit hindi magandang litrato ay magagawa niyang gawing maganda kung ipipinta niya.

"I'll finish it soon. Sa iyo ko unang ipapakita," pagsisiguro niya. Kuntentong tumango ako.

We continued eating in silence. Elon cut the other burger he ordered in half then gave me the other half.

Hindi ko maiwasang magkumpara. Pakiramdam ko sa mga nakalipas na araw ay mas nakakasama ko pa siya kaysa kay Gio na siyang boyfriend ko. Pakiramdam ko mas napapalapit ako sa kaniya kasabay nang paglayo ko kat Gio.

Masyado lang siguro talaga kaming abala sa mga buhay namin na maging ang simpleng pag-uusap lang na normal na ginagawa ng mga magnobyo at nobya ay hindi na namin nagagawa.

But understanding is what matters now.

Elon caught my attention by coughing. I look at him, puzzled by his sudden action. "What is it? May sasabihin ka?"

"Look behind you. I think someone's about to punch me in the face," Elon joked with a smirk on his lips.

Naguguluhan akong sumunod sa kaniya, salubong ang dalawang kilay at nagtataka. Bigla ay kinabahan ako ngunit nang mahinuha ang tinitingnan niya sa likod ko. Sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib ko, lumingon ako.

The serious face of Giovanni greeted me. Bahagyang salubong ang kilay niya at may kadiliman ang ekspresyon ng mukha. Gusto kong isipin na tama si Elon at baka nga dahil sa magkasama kami kaya ganito si Gio ngayon.

Pero mas malinaw sa isip ko na marahil ay may hindi sila napagkasunduan nang nakausap niya kaya hindi maganda ang timpla niya. Mas mabuti na ang gano'n kaysa sa bigyan ko dahilan ang sarili ko para sa isang bagay na hindi naman magkakatotoo.

Alangan na binalingan ko si Elon, "It's not like don't worry," I assured him. "Kakausapin ko lang sandali. Balikan kita."

Tututol pa sana siya pero naunahan ko na siya nang pagtayo ko. Tuluy-tuloy na lumapit ako kay Gio. He automatically held me by my wrist and gently pulled me closer towards the corner of the floor.

Walang ibang tao sa palapag maliban sa amin ni Elon kaya solong-solo namin at tahimik lang ang buong lugar. Nagtataka man sa inaakto niya, pinanatili kong kalmado ang sarili ko sa isipin na baka nag-away lang sila.

"Aalis na ba tayo?" pagbasag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

Imbes na bitawan ako, bumaba lang ang kamay niya para hawakan ng tuluyan ang sa akin. "Tell me what's going on, Carmen," seryoso niyang tanong.

Pero alinman sa mga salitang binigkas niya ay hindi ko nagawang pagtuunan ng pansin dahil nakuha na nang magkahawak naming mga kamay ang atensyon ko. This isn't the first time, but it felt like it. Bilang lang ang mga pagkakataon na naghawak kami ng kamay, at isa ito sa mga bilang na pagkakataon na iyon.

Hindi ko na nagawang sabayan ang bawat mabilis na tibok ng puso ko. Masyado iyong mabilis na pinahihirapan na akong huminga at bahagya na akong nasasaktan. Pero ito iyong uri ng sakit na masarap sa pakiramdam. Dahil simbolo iyon kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"What exactly am I supposed to tell you, Gio?" naguguluhan kong tanong.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya na para bang maging siya ay naguguluhan na rin sa sarili niya. Bahagyang bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit walang tinig akong narinig kahit maliit lang.

"Okay ka lang ba? May nangyari bas a loob?" nag-aalala kong tanong.

Kusang kumilos ang bakanteng kamay ko para masuyong haplusin ang pisngi niya. I was able to get his attention with what I did and Gio finally looked at me straight in my eyes.

"Hindi ko alam," wala sa sariling tugon niya. "I came out to order you some food, but you were already eating... with someone else."

"You left me almost thirty minutes ago, Gio. Of course, I would order food for myself kahit na mag-isa lang ako," natatawa kong sagot.

Parang maging ako ay naguluhan sa nangyayari ngayon. Bigla ay hindi ko na magawang masundan ang ikinikilos niya sa harapan ko. Gusto kong isipin na nagseselos siya kaya siya ganito pero alam kong imposible ang bagay na iyon dahil sa aming dalawa... ako lang naman ang nagmamahal ng totoo.

"You must be too stressed out lately," I pointed out. "Tell me if you're done with your meal para makauwi na tayo para makapagpahinga ka na rin."

Tumango siya sa akin pero ang kaguluhan sa mga mata niya ay naroon pa rin. "We're almost done. We'll go home in ten."

Iang beses ko pang pinisil ang kamay niya bago ko siya binitawan ang kamay niya. Pero hindi tulad nang inaasahan ay hindi siya bumitaw.

"Okay ka lang ba talaga? Nag-away ba kayo?" tanong ko.

Inilingan niya ako. "Hindi ko rin alam, Carmen." Marahan siyang bumuntong hinga.

Sinuklay niya ang kulay itim niya buhok gamit ang bakanteng kamay. Kasabay no'n ay ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko sa paraang para bang wala sa intesyon niya ang pakawalan iyon.

"Who's that guy with you?" mababa ang boses na tanong niya sa akin.

"Elon?" He nodded his head. "He's someone I knew from a mutual friend. Hindi mo kilala? Sikat kaya siya."

"Siya iyong kausap ko noong isang linggo noong naabutan mo ako." Muli niyang binalingan si Elon. At sa pagkakataon na ito ay bahagya nang umaliwalas ang kanina'y madilim niyang mga mukha. "Wait for me for a while. Aalis na rin tayo."

Sinamahan niya ako patungo sa lamesa. Pinanghila niya rin ako ng upuan na bago nakipagpalitan ng tango kay Elon. They just exchanged glances, but no words were said.

Hindi rin nagtagal si Gio roon at agad na umalis din. Pinanood ko ang papalayong pigura niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Naiwan ako roon kasama si Elon ngunit ang isip ko ay puno ng mga katanungang si Gio lang ang makasasagot.

Hindi ko makuha ang biglang pagbabagong ipinakita niya sa akin. Wala akong makuhang mating rason para makuha ang ganitong klase ng reaksyon mula sa kaniya. He acted like a legit boyfriend jealous of seeing his girl with another man. Iyon ang impresyon na binigay niya sa akin.

Pero alam kong malabong gano'n nga ang dahilan sa ipinakita niya. Maybe, and a hundred percent sure that I was right, that he was just too stressed out.

"Did I cause you trouble?" maingat na tanong ni Elon.

Nginitian ko siya sa pagbabakasakaling maiibsan no'n ang pag-aalalang maaaring nararamdaman niya ngayon. "Hindi naman. Everything's fine, don't worry."

Kumuha ako ng isang slice ng pizza at inilagay sa plato niya. Agad naman niya iyong kinuha at kinain ng walang salitang binibitawan.

"May org ka ba?" tanong niya matapos lumipas ang limang minuto at natapos kaming kumaing dalawa.

Umiling ako. "Wala akong sinalihan maski isa. I tried but failed after an interview. Hindi ko napanindigan," saad ko.

"Bakit?" kunot ang noo na tanong niya.

"You see, I know how to socialize with people but only on the first time I'll meet them. Pero kapag nasundan ang pagkikitang iyon ng isa pa, awkward na para sa akin." Napangiwi na lang ako nang maalala ang pagkakataon na iyon na sumubok akong sumali sa isang org. "I couldn't commit one hundred percent. Nahihiya ako at palagi akong kinakabahan. The officers and synergies already have a bond. Kilala na nila ang isa't isa. And I don't know how to make myself belong. They were far different people from who I am personally, they were my complete opposite."

"What do you mean your complete opposite?" he asked.

Nagkibit-balikat ako. "You know, people who drink and get themselves wasted. Students who usually eats at expensive resto. Kakain pa nga lang sa fast food chain pinag-iisipan ko pa ng matagal. Mahirap silang sabayan."

Ewan ko rin kung bakit gano'n ako. May sapat na pera naman ako para bumili kaso masyadong gastos para sa akin. Sila kasi iyong mga tipo na kada-lunch sa resto kakain imbes na sa canteen.

Pakiramdam ko nga pang small circle lang talaga ako kaya si Clarisse at Hazel lang ang talagang kaibigan ko. Sa room naman may nakakausap ako pero mas madalas na may sarili lang akong mundo.

"But you've been talking to me for three meetings now, Carmen. Do you also find me awkward?" nakangising tanong niya.

I felt myself blushing with his question. Truth to be told, I never felt awkward with him given that he's known by a lot of people. Ewan ko rin. Siguro dahil magka-vibes kami? O siguro dahil madali lang naman talaga siyang pakisamahan.

He's a gentleman.

"Surprisingly, I'm not."

Naglapat ang mga mata naming dalawa. At matapos dumaan ang limang segundo ay sabay kaming natawa. Kahit ang babaw lang nang pinag-uusapan namin at pakiramdam ko pa nga ay wala pa ngang saysay pero gumaan ng kahit papaano ang pakiramdam ko.

"I'll be leaving soon, Elon," paalam ko sa kaniya.

I started to tidy up my things. Inilabas ko ang kulay rose gold na compact mirror na dala ko kasama ang matt liptint na siyang gamit ko. It's in the color of sepia brown that I think matches best my fair skin tone. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa mga bold na shades katulad ng pula kaya roon ako sa kulay na sakto lang.

"You're beautiful," Elon said almost absentmindedly.

Pakiramdam ko ay inapoy ako sa lagnat nang pamulahan ako ng mukha dahil sa papering natanggap ko mula sa kaniya. Through the mirror that I was holding, I could see myself flushed. Even my ears and neck were red now.

"That's a great lie you have, Elon," ngiwi ko.

Pero sa loob ko ay halos magsisigaw na ako dahil sinabihan lang naman ako ng maganda ng isang Elon Madrigal. I don't know if he's lying or not. But the way he said it was as if it was just a slip of the tongue. Like he was exposed by his own mouth.

Hindi na siya sumagot pa. Nanatili lang na nakapaskil ang ngiti sa mga labi niya habang pinanonood ako sa pag-aayos ko.

Saktong natapos ako ay ang muling paglapit sa amin ni Gio. Both of Elon and I stood up to greet him. This time, both of the guys shook hands and exchanged manly hug as if they knew each other for a long time.

"Mauna na kami, Elon. Thanks for the treat and for the time," sinserong pasasalamat ko. "Text or chat mo na lang ako kung kailangan mo pa ng tulong para sa final requirement mo."

He gave me an okay sign. "Everything's good already."

"Sure ka? I don't think may naitulong talaga ako sa iyo."

"I got it, Carmen."

Gio held my hand, making his presence known. "We'll get going. Thank you ulit," paalam ko.

Sabay na naglakad kami ni Gio palabas ng gusaling iyon. Hawak niya pa rin ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng tuluyan. Walang imik na pinuntahan namin ang lugar kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

"How did it go? Did you enjoy?" I asked him.

But instead of answering my question, he just pulled me closer towards him and caged me in between his arms. Walang imik na niyakap niya ako ng mahigpit, iniignora ang naging tanong ko sa kaniya. Nalilito man at nabibigla sa kilos niya, ibinalik ko ang yakap na iginawad niya sa akin.

Out of all the embraces we shared to each other, this one felt different. Hindi katulad ng mga nauna na kaswal lang at walang ibang malisya. This one feels like he's marking his property. As if he's letting me know that we are still in a relationship and I am tied to him.

Or maybe it was just my imagination once again, trying to convince me that there's still a chance for Gio and me to be together at the end of our game.

------------

Thank you! for reading! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top