Chapter 39

Malinaw na sa akin kung gaano kalawak ang buong Crest International University. Apat na campus ba naman at higit pa sa isang libo ang populasyon. Pero sa mga nakalipas na buwan... at taon, tila isang sampal sa akin ang katotohanan na iyon.

Napailing na lang ako, iwinawaksi sa isip ang mga negatibong bagay na iniiwasan ko. Okay lang naman sa akin ang lahat. Hindi ko lang maiwasan na mapaisip minsan kung paano kaya kung iba ang aming kinahantungan.

"This place looks good," Auburn commented while scanning the whole place. "Saan mo nahanap?" tanong niya kay René.

"A blog on Instagram," she answered.

"What blog?"

"Pacified Chaos, I think. A rising blog, I must say. Nagre-recommend ng mga places to unwind or to seek solace. Meron ding mga quotes or messages for people na may pinagdadaanan. More on like that, actually. Plus different places in different cities," René explained.

"Wow, uso pa pala 'yan hanggang ngayon."

"Oo naman. People have learned to use it on a different platform nga lang to maximize the use of the given technology advancement for everyone." René sipped on her shake. "The page helps people to heal and realize things in their life. Hence the name of the blog, Pacified Chaos, aims to pacify the chaotic hearts and minds of the people."

Nag-iwas ako ng tingin sa dalawa upang itago ang ngiti sa mga labi ko na kanina pa gustong kumawala.

Nakaka-proud pala marinig mula sa ibang tao ang mga bagay na lihim mong ginagawa.

For the past months, Pacified Chaos has been my companion. Seven months ago when I opened the account. Aksidente ko lang naman iyong nadiskubre dahil naaliw ako sa paglalaro ng editing app na ginagamit ko para gumawa ng advertising campaign at branding para sa major ko.

Hanggang sa hindi ko na namamalayan na napasok ko na pala ang gano'ng mundo. I opened an instagram account where I post quotes or anything under the sun that would come to mind. Something that would lift me up when I am on the verge of giving up.

Hanggang sa napunta sa pagre-recommend ng mga lugar na nakapagdudulot ng kapayapaan sa akin. Or sometimes, any random places that brought me peace.

Hanggang sa unti-unti ay nakilala. Nagsimula ako sa wala. As in, isa-isang react at follow lang hanggang sa napansin ng dahan-dahan. Ngayon, mayroon na akong fifty thousand followers.

It became my career, which no one knows.

May mga nag-aalok na rin ng sponsorships. At may mga partners na rin ako with different brands. Mostly travel packs, skincare essentials, shoes, dresses, beverages, caps, and such.

I never posted my own picture with my face. Kung hindi tanawin sa point of view ko as a visitor, ay ako mismo ngunit sa tagong pagkakakilanlan. Palagi kasi akong nakasuot ng iba't sumbrero na maitatago ang mukha ko. Or I would just show my hand or my feet and shoes.

Some even want me to feature their place as a paid advertisement pero tinatanggihan ko kahit na kita iyon sa parte ko. I just want my space to remain authentic with its root purpose, which is to give peace to people and recommend places they might find solace.

"Two years..."

Nangangarap na tumingin sa kawalan si René. Nangalumbaba naman ako sa lamesa habang tinatanaw ang berdeng tanawin sa labas ng Cloud Nine.

"Ang bilis, 'no. Ilang kembot na lang graduate na tayo," humahangang saad ko.

"Muntik pa ngang sumabit." Tumawa si Burn. "Pasuko na, eh. Wala nang kakapitan. Mabuti na lang talaga at lumaban."

"Mapapamura ka na lang, eh," natatawang gatong ni René. "Sukung-suko na ako. I almost dropped. Hawak ko na ang dropping form, eh. Nasulatan ko na rin. Ipapasa na lang talaga sa dean's office, buti na lang may pumigil."

"Same." Natatawang umiling ako. "Mapapatay ako ng feasibility ko at ng major ko. First time kong naranasan na bawat meeting dinadasalan ko para lang hindi matawag sa recit."

"Sinabi mo pa. Gusto ko na lang mag-stop talaga. Hayop na college 'yan. Pinahirapan ako ng sobra. Hindi ba puwedeng pumasa na lang?"

Sabay-sabay na natawa kami sa sinabi na iyon ni Burn. What a perfect words to describe the hell we've been through.

College tested us on a different scale. Tipong ang pinakamagandang solusyon ay huminto na lang. Sobrang nakaka-drain. A lot has been challenged physically and mentally. And it wasn't even an exaggeration to say that we almost gave up our degree.

Alam ko na higit pa rito ang mararanasan namin sa labas ng academya. The real world is outside our campus. Pero hindi rin dapat i-invalidate ng iba ang struggles ng mga estudyante pa lang. Kasi sa totoo lang, sobrang hirap na lumaban lalo na kung nandiyan na ang pressure at expectation.

More than the academic pressure, mas malala ang takot kung ano ang mangyayari sa amin after college. Kasi nasa isip mo na iyong takot at kaba sa pag-iisip kung may mahahanap ka bang trabaho pagkatapos mo mag-aral. Lalo na kung mataas ang job requirements ng mga trabaho na nagre-require pa ng experience madalas.

Pero sa ngayon, ipagdiriwang muna namin ang nalalapit naming pagtatapos. Hindi biro at talagang minsan naming sinuko kaya grabe ang luwag sa dibdib na patapos na. That after all the years you've buried yourself with academics, you'll be free from the barriers to enter the real world.

"Ikaw, Renesmé, sa iyo talaga ako kinabahan ng todo. I really thought you'd give up your passion," komento ko.

Nagkibit-balikat siya sa akin. "May mga gano'ng moments lang kasi siguro talaga. A writer may lose his or her ink at some point, an athlete may lose interest in playing sports. Well, for me, I once forgot the love I have for photography. Parang lahat na lang ng tututukan ko ng lente ay walang buhay, gano'n. I once lost my passion," kuwento niya sa akin.

"Ang mahalaga, bumalik ka." Inakbayan ni Burn ang katabi. "Na minahal mo na ulit ang isang bagay na mula noon pa man ay karamay mo na."

Nawala sa kanila ang atensyon ko nang umilaw ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. At kusang umukit ang ngiti sa mga labi ko nang makita ang laman ng mensaheng natanggap.

"Do you think I made the right decision?" I asked, trying to get insights from them.

"Only you can answer that, Cae," Renesmé said.

"Kasi kami ni René kaya ka naming bigyan ng sagot na papabor sa kagustuhan namin. It might not work for you, but that would be what we wanted," Burn said. "Kung sa tingin mo, tama ang naging desisyon mo, at kung masaya ka naman sa kinalabasa, masaya na rin kami para sa 'yo."

Kinapa ko ang sariling nararamdaman, inaalam kung naging masaya ba ako sa naging desisyon ko ilang taon na ang nakararaan. Kung resulta ang pag-uusapan, malayo pa sa gusto ko ang mayroon ngayon. Pero gusto ko pa ring panghawakan ang paniniwala ko na sa tamang panahon ay papabor din ang lahat para kay Gio.

Gio never contacted me until one year ago. Noong una, hindi ako sigurado kung dapat ko bang sagutin ang text niya. Pero nang makita ko iyon ay walang pagdadalawang isip na tinawagan ko siya.

It was only a picture but it changed how we were. Iyong pagdududa ko sa mga desisyon ko, biglang naglaho at maging ang kaunting panghihinayang ay tuluyang nabura dahil sa pagdating ng anghel sa buhay niya.

It was a picture of him, carrying a small and fragile baby in his arms.

"Only if it wasn't for Eya, I would've regretted not pursuing my love for him." I sighed in contentment as I recall the smiling face of Eya while calling me Tata. "Gio deserves that kind of happiness her daughter could bring her."

"What about Ma'am Ria?" René asked. "Are they okay now?"

I shrugged my shoulders at her. "I have no idea. I didn't ask nor I didn't bother to be curious about them. Ang mahala sa akin, nakangiti na ulit si Gio."

"Paano ka? Okay ka na ba?" maingat na tanong ni Burn.

"Okay naman na ako," siguro.

"Kayo?" si René na sigurado akong isang partikular na tao ang pinatutungkulan. "Tapos ka na ba sa pakikipagtaguan mo kay Elon?" Mapaglarong itinaas-baba niya ang kilay niya sa akin.

Kasinungalingan ang sabihin na hindi ko naisip minsan lang si Elon dahil kabaliktaran ang nangyari sa akin. I thought of him a lot of times that made me wonder if I would be able to let go of him for once.

Kaso iba ang nangyari, sa bawat paglitaw niya sa isip ko ay siya ring pagkabuhay ng pag-asa sa puso ko na balang araw ay muli kaming magtatagpo. Dahil sa bawat na unti-unti kong pinalalaya ang sarili ko mula kay Gio ay siya ring paghahangad ko para kay Elon.

Alam kong hindi tama ngunit hindi ko maiwasan. Dahil sa lahat ng pagkalugmok at lungkot na naramdaman ko ay ipinakita niya na may pag-asang sumaya ako.

Kung babalikan ko ang mga nagdaang panahon sa pagitan namin, walang dahilan para hindi ko siya magustuhan. In fact, I liked him sooner than I shouldn't have. Kaya ang inaasahang mawawala iyon sa paglayo namin sa isa't isa ay hindi nangyari, bagkus ay mas lalo pang lumalim.

"Ang tanong... kung binuksan na ba niya ang regalo mo sa kaniya from two years ago. Sobrang firm kung makatanggi, eh, akala mo naman diyamante at ingat na ingat," pang-aasar ni Burn.

Inirapan ko siya matapos ay simangot na sumandal sa sariling upuan. "Binuksan ko na kaya. Duh, nandoon pa kayong dalawa."

"Gaga, eh, binuksan mo lang ng isang minuto para titigan ang isang page tapos tinago mo na agad." Inirapan ako ni Burn. "Takot na takot, sis?"

"Alam ninyong dalawa ang sagot ko riyan," malayo ang tingin na sagot ko sa kanila.

"Na ano? Na takot kang mahalin iyong taong kasama mo sa litrato?" pairap na tanong ni René.

Mabilis kong kinagat ang pang-ibabang labi ko upang hindi ko magawang isiwalat ang katotohanan sa likod ng dahilan ko.

Siguro nga ang pag-iisa sa mga nakalipas na buwan ay tuluyang nagpakilala sa akin ng tunay kong nararamdaman. Totoo ang sinabi nila, lahat ng iyon ay totoo. Na kaya hindi ko binubuksan ang regalo sa akin ni René dahil takot akong tingnan ang sarili ko na masaya at tumatawa ng malaya kasama siya.

René gave me a scrapbook on Christmas from two years ago. Gano'n ang regalo niya maging kay Burn. The scrapbook contains candid shots of both Burn and I. Ang kaibahan lang ng sa amin ay ang akin ay kasama ang lalaki sa buhay namin sa bawat pahina.

"Hindi mo ba nagustuhan? It looks beautiful to me," opinyon ni Burn.

"Maganda," mabilis kong sagot. "Maganda. Sobrang ganda."

"Kaso takot ka," pagtatapos ni René sa iba ko pang sasabihin.

Pabuntonghininga na tumango ako sa kaniya. "I looked so happy and free in the first few photos."

"Anong mali roon?" si Auburn.

"Sa mga litrato? Wala." Umiling ako sa kanilang dalawa. "Pero sa nararamdaman ko, meron. Takot ako, eh. Takot akong makita kung gaano ako kasaya tuwing kasama siya lalo na at alam kong hindi pa ako handa noong mga panahon na iyon. Ayaw kong i-take for granted 'yong isang tao na ni minsan hindi ako ginawan ng mali. Ayaw ko ng isang magtatakip lang ng butas sa puso ko, hindi iyon ang nararapat para sa kaniya. Nakakatakot kasi, eh. At masakit din iyong katotohanan na pinasasaya ka ng isang tao pero ang ibabalik mo sa kaniya ay kulang-kulang na ikaw."

"Two years na. Siguro naman okay na kayong dalawa."

Umiling lang akong muli kay Auburn. Kung ang kahandaan ko ang tatanungin hindi pa rin ako sigurado pero alam ko na mas kaya ko na sa pagkakataon na 'to. Ang mas malaking tanong na lang sa akin ay kung handa na ba si Elon ngayon.

"Masyado raw malaki ang CIU kaya hindi pa rin sila tapos na mag-ikutan hanggang ngayon." Pinaukutan ako ng mga mata ni Renesmé.

Dalawang taon na magmula nang huling beses kaming mag-usap ni Elon. That night that our semester ended was also the same night that I last spoke to him personally.

Hindi natuloy ang plano na magkakasama kami sa pasko. Both of them didn't come. And as much as I don't want to admit it, I feel regretful that at one important occasion we would have enjoyed... ended up with a bitter smile.

Nagpaparamdam pa rin naman siya sa akin sa chat at text pero inconsistent na. Hindi ko rin siya nagagawang reply-an nang tuluy-tuloy dahil sobrang abla ko na ng mga sumunod pang sem. I have taxation and I am not bff with math which makes it hard for me to understand my lessons. The next academic year we were greeted with Advertising Congress which was a much larger scale compared to e-cong. Kinalangan pa naming dumayo sa ibang lugar para sa events.

It may be just an excuse or I may just be trying to come up with the best words not to make everything look so bad. Parang nawala na rin kasi bigla sa sistema ko. We ghosted each other. The reason why doing the initiative to contact him makes me scared.

I became disinterested, too, at one point in my life. Not until one day that I began to seek him. Kaso hindi ko alam kung paano at saan sisimulan. I began to realize that I want him in my life, but I'm afraid I might be too late now.

"Nakikita ba ninyo?" tanong ko gamit ang tono na pinipilit hindi maging interesado.

"Same campus kami kaya malamang na nakikita ko siya. Pero hindi kami nakakapag-usap dahil sobrang busy rin talaga lately. Isama pa na kabi-kabila ang event ng Fine Arts at Film," paliwanag ni Renesmé.

"As for me," Burn started. "Of course nakikita ko. Especially that time," makahuluhang dugtong niya. "But we didn't talk that much. Mas focus ako kay Ulick syempre."

"Ever mentioned me?" umaasang tanong ko.

"He did," mabilis niyang sagot. "But when he graduated and Ulick restarted, we've lost contact, too. Hindi na rin kasi sila masyadong nagkikita ni Ulick. Lalo na at abala siya ngayon sa exhibit niya."

Isa pa iyan sa mga bumabagabag sa isip ko. Elon would be hosting his first exhibit together with his close friend who also paints.

I got an invitation a week ago and until now I still couldn't decide if I should go or not. Pinanlalamangan kasi ako ng hiya at takot maisip pa lang ba makikita ko siya ulit matapos ang dalawang taon.

I wanted to see how much he has grown through the years. Lalo na ngayon na nagkakaroon na siya ng pangalan sa industriya. He succeeded as an artist and I feel proud as someone who has been idolizing his crafts for years.

Tuwid akong napaupo nang sa isang iglap at sa simple muling pag-alala sa kaniya ay bumilis ang tibok ng puso ko. Iisipin pa lang nakakita siya, dumadagundong na sa kaba ang dibdib ko.

Paano pa kaya kung kaharap ko na siya? Paano pa kaya kung kausap ko na?

Ngunit ang pinakaimportanteng tanong, makakaya ko bang harapin siya?

Hindi nawala ang mga bagay na iyan sa isip ko. Kaya maging sa pag-uwi ay baon ko ang mga iyon.

"What are your plans for your graduation, anak?" tanong ni Mama sa akin sa gitna ng hapunan.

"Wala, Ma. Graduation lang naman iyon," sagot ko.

"It's your graduation, dear," she emphasized. "Kaya nga kailangan nating paghandaan."

Napangiwi na lang ako sa sigasig na mayroon si Mama para sa araw na iyon. "Ma, let's just order out some food. Tatlo lang naman tayo, plus the two girls and Ulick, I guess. Ang importante lang naman is malaya na kami sa gapos at pahirap na dala ng college. Makahihinga na kami ng maluwag pansamantala."

"No, Elon?" Dad asked on my side. "He sent us an invitation for his exhibit. Hindi mo ba siya iimbitahan sa graduation mo?"

Mabilis akong inubo nang marinig ang pangalan niya. Mom even gave me a glass of water while lightly tapping my back with laughter escaping her mouth.

Marahan kong tinapik ang dibdib ko upang patigilin ang pag-ubo ko na inabot pa ng trentang segundo.

"I d-don't know, Pa," sagot ko sa pagitan nang pag-ubo. "Hindi ko pa siya nakakausap nitong mga nakaraan. Busy yata masyado."

"Sayang naman kung gano'n. Hindi tayo nakadalo sa graduation niya dahil lumuwas ang pamilya niya," nanghihinayang niyang kuwento. "Kaya sana ay imbitahan mo rito para matuloy na ang pag-uusap namin na napondo na ng ilang taon."

"Invite him, Carmen," Mom urged.

Tanging tango lang ang naging sagot ko sa kawalan ng kasiguraduhan kung magagawa ko ba ang gusto nila.

I am not really sure if Elon would still want to talk to Papa. Masyado ng matagal na panahon ang bagay na iyon kaya baka iba na ang takbo ng isip ni Elon.

"What about Gio? Hindi mo ba iimbitahan?" si Mama.

I shrugged my shoulders. "Not sure. Baka busy rin kasi siya. I'm not entirely sure if he could afford the hassle of going here to celebrate my graduation with me. Lalo na at may Eya na kailangang alalahanin."

"Give him a heads up. Para may allowance siyang oras kung gugustuhin man niyang pumunta. They can stay sa hotel, I can book a room for them. Tutal libre rin naman kapag sa amin ng Mama mo."

If there is one thing that never changed for the past years, that would be the strong connection I have with Gio. Hindi kami madalas na nag-uusap pero ramdam pa rin namin ang isa't isa.

True to my words, I did texted him the moment that I settled on my bed. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil alam kong bukas pa iyon sasagot. It's ten in the evening and the possibility of him sleeping is close to a hundred percent. Palagi kasing pagod sa pag-aalaga sa anak niya.

Pero ang sunod na taong kailangan kong kausapin ay hindi naging madali. Even clicking his profile became a hard thing to do as if an exam in taxation.

Anong magagawa ko? Eh, sa natatakot ako na baka makaabala lang ako sa kaniya.

"Sheez, parang DM lang, kabang-kaba ka na, Carmen," pagkausap ko sa sarili ko.

Ibinagsak ko ang phone sa kama para kapain gamit ang dalawang kamay ang dibdib ko kung saan ramdam na ramdam ko ang kaba.

"Chill, girl. Wala ka namang ginagawang masama. Itatanong mo lang kung interesado bang pumunta sa graduation mo." Malalim akong huminga, nagpapakalma ngunit walang epekto. "Kalmahan mo lang."

Para akong bumalik sa unang araw na nakita ko siya. Wala man siya sa harap ko pero buong-buo ang imahe niya sa isip ko. At hindi iyon nakatulong para kalamhin ako. Bagkus ay naging sanhi pa kung bakit mas lalong nagwawala ang sistema ko.

Sa unang araw na nakaharap ko siya, ramdam na ramdam ko ang kaba. I was starstrucked to see him across from me, busy with his painting. Ngayon, matapos ang ilang taong walang koneksyon, susubukan ko siyang kausapin sa chat. At hindi na ako natutuwa sa kaba ko.

Chat lang naman pero bakit parang iba na ang pakay ko?!

Sa nanginginig na mga kamay ay muli kong kinuha ang phone ko. It was an old phone that I replaced just a month ago. Hindi pa kasi ako sanay na gamitin ang bago, na binili ko lang naman para sa high resolution camera na kailangan ko para sa Instagram contents ko.

Kung kasama ko siguro ang dalawa ay tatawanan ako ng malala. Lalo na si Clarisse na paniguradong kung nakikita lang ang nginig ng kamay ko ay gagamitin iyong pang-asar sa akin sa loob ng mahabang panahon.

"Kaya mo 'to, okay? Relax ka lang. Si Elon lang 'yan. Si Elon—Fuck! Si Elon nga! Kaya kabahan ka na!"

Muli kong ibinagsak ang phone ko sa kama sabay kuha ng unan para ipantakip sa mukha ko bago ko pa pakawalan ang matinis na tili para kalmahin ang sarili ko.

"Gosh! Teenager ka, sis?" Ginulo ko ang buhok ko matapos ay muling dinampot ang cellphone.

Ilang segundong pakikipagtitigan pa at ilang ulit na buntonghininga bago ko nagawang lakasan ang loob para pindutin ang profile niya.

I began to anxiously bite my nails while my other hand was busy slowly scrolling the Instagram feed of Elon Madrigal. Hindi ko alam kung magiginhawaan o ang madidismaya nang puro painting pa rin ang laman no'n. Iba't ibang klase at konsepto ng pinta na pinupusuan ng marami niyang tagahangang.

Tulad ng dati ay halos wala pa ring mukha niya. Tanging mga tanawin lang at ilang bahagi ng katawan niya na kadalasan ay likod o kamay.

Just like Pacified Chaos.

May separate account na rin siya para sa art gallery niya online. This is what he used as my main. At sa kinseng litrato siguro ay isa lang ang may mukha niya. Malalayo ang agwat ng petsa sa bawat litrato at iisang beses lang yata niya ipinakita ang imahe niya ng buo. Black and white pa ang lahat.

Pero nang umabot na sa bahagi kung saan huling nakita ko, mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko. Triple ang pag-iingat ang ginagawa ko sa pag-scroll huwag lang aksidenteng ma-like ang mga luma niyang posts.

Mas lalo ko pang pinag-iingat ang sarili ko. Mas lalo ring lumala ang malakas na tibok ng puso ko nang hanggang ngayon... Kahit ilang taon na ang lumipas ay nananatili pa rin ang litrato ko roon.

But it wasn't the mysterious photo on the balcony of Harbor. He posted another one on the day that we silently bid goodbye.

It was the photo he took way back our e-cong night. The one that he once flaunted in his IG story. Kitang-kita ang mukha ko. P-in-ost niya. At iyon lang, kasama ang sa balkonahe ng Harbor, ang bukod-tanging may kulay sa lahat ng larawang naroon.

Hindi tulad ng sa misteryosong litrato na umani ng samu't saring reaksyon, sa litratong ito ay kitang-kita ang buong mukha ko. Walang intensyon na itago.

@madrigal.elon Happiness

It was just one word, but the meaning it possesses was deep that it easily penetrated my soul. And the fact that after all those years it was still there, the hope in my heart started to ember.

Kaya siguro kahit papaano ay nagkaroon ako ng kaunting lakas ng loob. Nabuhayan ako kaya nagawa kong balewalain ang kaba ko para gawin ang bagay na siyang talagang pakay ko sa pagbisita sa account ni Elon.

I tapped the message icon and started to compose a quick message while composing myself on the process. It took me about five minutes, calming myself before typing my message.

Tinimpla ko pa ng ilang beses kung anong dating ba ang mayroon sa mensahe ko. I don't want to appear aggressive, but I also don't want to be flirty.

Gusto ko lang naman mag-imbita dahil utos ng Mama!

Isang malalim na hininga pa ang hinugot ko bago ko lakas-loob na pinindot ang send button. Mabilis na pinatay ko ang phone sabay tago sa drawer ko.

I won't wait. Bukas ko na titingnan dahil baka hindi na ako makatulog sa sobrang pagkabagabag kung ano ba ang isasagot niya.

'Hi, Elon. Kumusta? My graduation is just around the corner and my parents wanted to invite you. Hope you can come. Take care. :)'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top