Chapter 38

A/N: This chapter may be confusing. Note that italicized parts are flashbacks.

-------------------------------------------

Hindi naman ako ang nasa posisyon ni Gio pero kinakabahan ako. Hindi ko naman hawak ang nararamdaaman niya pero tila ba iisa ang laman ng puso namin ngayon. Iisa sa aspeto na parehong emosyon 'yon pero alam ko na mas higit pa ang kaniya na walang dudang dumudulog sa pagkatao niya.

Ramdam ko ang panginginig ng magkasalikop kong mga kamay sa kabila nang kagustuhan na patigilin iyon. Hindi ko alam kung anong klaseng pag-aaliw pa ba ang dapat kong gawin para pansamantalang makalimutan ang pag-aalala kay Gio.

Hindi pa nakatulong ang malinaw na memoryang mayroon ako sa huling pagbisita ko roon. At ang mga kuwentong nabanggit sa akin noon na nangyari nang minsang mapag-trip-an si Gio dahil sa nangyari sa pamilya niya.

Everything came back like a trip down to memory lane. At maging ang sakit na akala ko ay nakalimutan ko na ay muli na namang nanumbalik sa at nagpapakilala.

"Giovanni," the man in front of us called with his voice coated with longing.

"Kumusta?" kaswal na tanong ng katabi ko.

Kung kaninang nasa biyahe pa lang kami ay nagagawa ko bang pigilan ang mga luha ko, ngayon na nakikita ko na ang bagay na kinatatakutan ko ay naging sunud-sunod ang pagbuhos no'n.

I don't want to cry. I need to be stronger for Gio to have someone he could lean on. Pero paano ko gagawin 'yon kung maging ako ay nadudurog din sa nasasaksihan ko.

"Okay lang naman ako. Nasasay na sa buhay rito. Ikaw, anak? Kumusta?" tanong ng ama niya.

Mariin akong napayuko nang muling pumasok sa isip ko ang memoryang mayroon ako sa isang araw na ipinakita sa akin ng mundo kung anong buhay ang mayroon si Gio.

"What the fuck is that?" René asked with an obvious shock in her voice.

Nalunod ako ng gano'n kadali. Na maging ang paghawak ni René sa kamay ko upang kalmahin ako ay walang nagawa kahit na kaunti.

I got a call from an unknown number earlier while I was having brunch with the girls. Ayaw ko pa sanang sagutin kaso sa pangalawang pagtawag ay kinabahan na agad ako.

I know what's ahead of me, but the shock and pain didn't change a bit. I was only seeing the tip of the iceberg, but I could feel myself getting wrecked by the reality that life would never be fair to Gio.

Walang nagkalat na tao sa labas ng gate ng bahay ngunit ang bakas ng pangyayari ay naiwan. Malinaw na inilalarawan sa akin kung ano ang nangyari bago pa humupa ang unos na sumalantang muli ang kapayapaan sa buhay ni Gio.

"How ruthless," Burn commented, puzzled and bewildered.

Tahimik na bumaba ang dalawa na tahimik at mabagal kong sinundan, umaasang sa pagdadahan-dahan ay magagawa kong kumalma ng kahit kaunti lang.

"Hija!" bungad ng matandang ginang na nasisiguro kong siyang tumawag sa akin kanina upang ipaalam ang nangyari. "Mabuti at dumating ka na."

"Ano pong nangyari?" Inilagay ko sa aking likuran ang nanginginig kong mga kamay bago pinasadahang muli nang tingin ang buong lugar.

"Hindi ko rin alam, anak. Nagulat na lang kami ng apo ko nang umingay sa labas ng bahay. At ito ang nabungaran namin," paliwanag niya. "Mga lasing yata ang mga kabataang 'yon. O kagagaling lang sa rambol at dito itinuloy."

"Nahuli ho ba?" tanong ni Burn sa maglola.

Umiling sa amin ang apo ni lola na sa tingin ko ay nasa sixteen years old ang edad. "Hindi po, Ate. Nakatakbo po sila bago pa makarating ang mga taga-barangay."

Napabuntong hininga na lang ako, dinadama ang awa para kay Gio. Hinayaan kong mag-usap ang mga nasa harapan ko habang inaabala ang sarili sa pagtingin ng paligid.

Kung sa unang beses na nasilayan ko ang estado ng tirahan niya ay nasugtan na ang puso ko, ngayon na mas malala ang nakikita ko ay mas lumalim ang hiwa sa puso ko.

I forced myself not to let out a cry when the eerie sound of the cracking glass penetrated my hearing on the first step I made. Parang sa bawat pagkabasag no'n ay siya rin pagkadurog ng puso ko para kay Gio.

"Carmen," René called.

But I didn't look back. Ang nasa isip ko lang ay makita at masiguro na okay si Gio. I know he's inside. Bukod sa naka-park ang sasakyan niya sa labas ng bahay, na ngayon ay basag na rin ang salamin, ay nararamdaman ko rin ang presensya niya.

His gate was half-open, making it easy for me to enter even without him opening it for me. Nagtuloy ako sa paglalakad habang pinapasadahan ng tingin ang mga naiwang kalat.

"Gio?" marahang tawag ko sa pangalan niya. "Nasaan ka?"

Tanging ang alingawngaw lang ng sarili kong boses ang narinig ko. Ang dating walang laman na bahay ng mga Acosta ay mas lalo pang luminis ngayon. I could no longer see the furniture that was originally in its place last time.

Tanging ang maluwag at bakanteng espasyo lang ang nasa harapan ko ngayon. Simbolo ng kakulangan. Nagpapahiwatig ng katapusan.

I know what's happening and a part of me feels happy knowing that this would mark an end to his suffering. But I feel worse for him knowing that he would undoubtedly suffer after this. But I'd still choose to hold onto the idea that Gio's starting to heal. Or at least, making a way to cure himself.

"Gio?"

"Shh..."

A faint voice echoed in the empty living room of the house.

Sinundan ko ang boses na iyon hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa kusina. Pero wala pa rin ni anino niya roon. Wala pa ring bakas ng tao at tanging ang mga bubog lang ang nakikita ko.

"Gio, nasaan ka ba?" nakikiusap na tawag ko sa kaniya.

"Carmen?" nangangapang tawag niya. "Get down, baka matamaan ka!"

Nagsalubong ang kilay ko habang pilit na hinahanap ang lokasyon niya. I tried not to get affected by my emotions and fought hard for me not to cry. But when I finally got the glimpse of him... tears started flowing like a dam.

"Gio..."

Atubiling lumuhod ako sa harapan niya upang daluhan siya. He was hiding behind the island counter with his knees folded in front of him. His hands were covering both of his ears, shielding him from the noise the havoc people caused in his life.

Para siyang batang inapi. Isang batang inabandona sa isang gilid.

Walang pagdadalawang-isip na niyakap ko siya, ipinararamdam na may karamay siya. Mabilis niya iyong iginanti sa akin dahilan para mas lalong magbagsakan ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko.

"Please leave this place," pakiusap ko. "This is no longer your home, Gio. This is your nightmare. A place that would remind you of your misery. And you don't need a place like this. This is just a mere house structured by concrete walls. You need to find and build your own home."

Naramdaman ko siyang tumango kasabay nang paghigpit ng yakap niya sa akin. "I don't want to leave the memories I have with Mom," he whined.

His voice cracked and he started to shiver with fear. And it broke me even more, knowing that the place he loved just traumatized him again.

"I'm sure Tita Christine would understand, Gio. Sigurado ako na mas gugustuhin niyang lisanin mo ang lugar na 'to kaysa sa manatili ka na puro sakit lang naman ang nakukuha mo." I caressed his back. "Tama na. Pagbigyan mo naman ang sarili mo na lumaya."

Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang pagtango niya. Nararamdaman ko na ang pagkabasa ng balikat ko pero hindi ko iyon inintindi.

Gio crying in front of me just brought pain in my heart. Hindi ko gusto ang nakikita ko. At naaawa ako sa kaniya lalo dahil wala naman siyang ginagawang masama sa kanila, pero ganito ang pagtrato nila.

"I'll take you home."

I heard footsteps from my back. At maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pag-alalay sa akin ng iba ko pang mga kasama.

Tinulungan ako ni René sa pag-aalay kay Gio sa pagtayo ni Gio kasabay sa pagtulong nila sa akin na tumayo. Nang makuha ang balanse ay agad akong nagtungo sa tabi ni Gio para umalalay sa kabilang bahabi niya.

I let him anchor his arm around my shoulder while I held his hand and the side of his shirt. He looks defeated and I know that deep inside him... he is hurting.

"I can't believe some people could be this heartless," Clarisse commented.

Sinegundahan ko iyon sa isip ko. They threw rocks on Gio's house resulting in a massive mess with his windows crashed. Mabuti na lang at walang gamit sa loob kaya hindi na dumami pa ang perwisyo.

At his walls were the words repainted using a red paint. Kaparehong salita pa rin ngunit mas malalaki at mas nakasasakit sa pagkakataon na ito.

Mamamatay-tao. Kriminal. Anak ng kriminal. Salot.

Nakakadismaya na kailangan umabot sa ganito. At nakalulungkot na hindi lang ito ang unang beses na ginawa nila ito.

"Salamat po sa pagtawag, 'Nay," saad ko sa ginang na naghihintay sa amin sa labas.

"Nako, ako ang mas nagpapasalamat sa inyo dahil dumating kayo para sa kaibigan ninyo." Tiningnan niya si Gio sabay ngiti ng malungkot. "Sigurado akong malulungkot ang Mama mo kung makikita niya ang mga ito. Kung ako sa'yo, lilipat na ako. Walang silbi ang magandang bahay kung hindi naman masaya ang nakatira. Kung ang memorya naman ang kinakapitan mo." Umiling ang matanda. "Hijo, ang memorya, hindi iyan mawawala hangga't dala-dala mo ang mga iyan sa puso mo. Lisanin mo man ang lugar na ito, sigurado akong babaunin mo ang masasayang memorya mo kasama ang Mama mo riyan sa puso mo."

Ngumiti ako sa ginang, nagpapasalamat para sa magagandang salitang ibinahagi niya para sa amin ngayon.

"Sige na, tumulak na kayo nang pare-pareho na kayong makapagpahinga. Bukas na ninyo alalahanin ang kalat dito."

"Salamat po ulit, 'Nay," pasasalamat ko.

Burn took the driver's seat and René was on her side. Sa backseat ay dalawa kami ni Gio. He was resting his head on my shoulders with our hands still holding each other.

Mahaba ang biyahe namin pauwi sa bahay kaya hindi na nakagugulat pa nang makatulugan ni Gio iyon.

"Matagal na bang nangyayari iyan sa kaniya?" mahina ang boses na tanong ni René sa akin.

"Hindi ko alam ang eksaktong simula pero noong huling punta ko ay nasabi na rin sa akin na may nangyari ng ganito noon." Napabuntonghininga ako. "Sinubukan ko na rin siyang kumbinsihin noon pero ayaw niya talaga. Lalo na at doon na siya lumaki kasama si Tita Christine."

"His Mom?" Burn asked on René's side.

"Oo." Nagbaba ako ng tingin sa magkahawak naming kamay ni Gio. "Mahal na mahal niya ang Mama niya kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ayaw niyang iwan ang lugar."

Naaawa ako kay Gio at sa sinapit ng pamilya nila. I doubt that it was just jealousy that made Tito Amond take his own wife's life. Pero ayaw ko nang panghimasukan ang parte na iyon ng buhay nila.

I just want Gio to be safe and happy. Para kahit papaano ay makalaya siya sa mga anino ng nakaraan niya.

"Syempre hindi ako okay," matabang na sagot ni Gio sa ama na gumising sa akin.

"Anak," tawag niya.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Gio sa pagbabakasakali na kalmahin siya. But of course, you can never really calm the demon who has been lurking in Gio's mind and heart for quiet some time now.

Nakita ko kung paano umigting ang panga ni Gio at ang paglabas ng litid sa leeg niya tanda ng pagpipigil ng matinding emosyon.

"I loathe you, Dad. And I hope you know that," puno ng diin na sabi niya sa ama.

"I know, son. And heaven knows how much I regret what I did."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig. But I remained silent for a reason that I know because whatever rebuttal I have to say wouldn't match the anger Gio is feeling.

"Well, thank you then, for knowing that you know how much I hate you. But please, don't make any excuses for what you did just to soothe your conscience. Spare me from your bullshits, Dad. Kahit pagbali-baliktarin mo pa ang mundo... pinatay mo pa rin si Mom."

Gio's breathing became ragged. I know that behind the calmness in his voice is the madness he's trying to calm inside of his heart.

"I'm not, son. I know I've done something wrong. But please do know that I love your Mom. I love you, son," his father said in a soft voice.

"You should've thought of that before stabbed Mom with that knife." Gio clenched his fist above the table while his eyes remained rooted on it.

Never in our arrival that I saw him look at his father, Sir Amond Acosta. Palagi lang siyang nakayuko at mahipit na nakahawak sa kamay ko. He's avoiding his father's eyes. While in every word he's saying was a challenge to calm his nerves down.

"I couldn't even look at you in the eyes without seeing red. I just couldn't understand it, Dad. We had it best for our family. Pero sa isang araw lang sinira mo!" Gio slapped the table hard.

I flinched at the loud sound he created. Mabilis akong nilukob ng takot sa dibdib ko dahil sa naging pagkilos ni Gio pero kampante ako na hindi aabot sa punto na mas lalala pa rito.

I could feel people staring at us right now. Pero hindi ko na tinangka na tingnan pa sila dahil ang tanging gusto ko lang intindihin ngayon ay si Gio at wala ng iba.

"Hindi ko rin alam, Gio. I went blank," pagrarason niya kay Gio.

"Wow, fucking wow," he said through gritted teeth. "You blamed Mom for having an affair when it fact it was you who has been doing nasty things behind her back!" he shouted, garnering us more pair of eyes as our audience. "You took the only person who believed in me. Mahal ka niya, Dad. Sobra-sobra ang sakripisyong ginawa niya para ipaglaban ka! Pero anong ginawa mo?! Hindi mo lang siya pinutulan ng pakpak! Sinira mo siya! Sinira mo tayo!"

Mas lalo kong iniyuko ang ulo ko. Hindi dahil sa hiya kundi dahil sa sunud-sunod na pagtulo ng luha sa mga mata ko. Parang pinipilit ang puso ko sa sakit at sa paninilip ng dibdib.

Ni hindi ko na nga magawang tangkain na tuyuin ang mga luha ko dahil alam kong kasunod no'n ay panibago na namang bugso.

Kung sa puso ko ay sobrang bigat na sa pakiramdam, paano pa kaya kay Gio na siyang nakaranas ng lahat? Paano pa kaya sa kaniya na saksi sa pagkaguho ng pamilya nila?

Kung para na akong pinapatay sa sakin... gaano pa katindi ang nararamdaman ni Gio ngayon?

"I would never forgive you, know that," mariin niyang sabi, sa mas kalmadong tono ngunit puno ng galit at pagkamuhi.

Kung may karapatan lang akong ipakita ang galit ko sa kaniya, kanina ko pa ginawa. Walang kuwenta ang rason na narinig ko at para sa akin ay napakalaking insulto iyon kay Gio.

We came here with the intent of knowing and answering Gio's "why's" only to end up obliterated and angered. Perhaps this is what Gio needed to move forward. To have a word with his father... with the same man who destroyed him.

Naniniwala ako na sa kabila ng bigat ng dinadala ni Gio ngayon ay ang mas maginhawang bukas para sa kaniya.

"No matter how long you've been sentenced. No matter how much effort you exert just to show me your regret, whther you beg, kneel, cry, fucking do everything, but I would never give you forgiveness."

Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang kaharap. Basta na lang siya tumayo at iniwan kami roon.

I immediately stood up and attempted to follow him but was abruptly stopped by Gio's father reaching for me.

Mabilis kong naiwasan ang pagdampi ng kamay niya sa kamay ko. Hindi iyon dahil sa pandidiri na katulad marahil ng nararamdaman ng maraming tao. Kundi dahil ang makita siya ay nagpapaalala sa akin ng buhay ni Gio sa mga nakalipas na taon.

"Please take care of my son," he begged.

At hindi ko na ikinagulat pa ang muling pagtulo ng luha sa mga mata ko.

He cares.

But damn! It's too late. Fucking too late!

***

"I'm leaving," he announced, breaking the long silence between us.

Pikit-matang dinama ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Inaasahan ko nang marinig ang bagay na ito sa pagtatapos ng araw namin ngayon. Marahil ay para sa OJT niya sa Bataan. Pero alam ko na gagamitin lang niya iyong rason upang pagtakpan ang mas malalim pang dahilan.

"I know I already apologized. But, I'll ask for forgiveness again. Pero hindi pa ngayon. Babalikan kita at hihingi ako ng tawad kapag lubos na naintindihan ko na ang lahat ng mga pagkakamali ko." He touched the cold gravestone in front of us. "I don't want to say sorry just because I know I was at fault. I'll say it to you once I've reflected deeply about my sins with a promise to be a better person not to hurt you again."

Lihim akong napangiti sa narinig. Above anything else, I value the truthfulness behind those words. Minsan kasi madaling sabihin na humihingi tayo ng tawad pero hindi naman talaga tayo sinsero sa bagay na iyon.

I'm a witness to how the word "sorry" has been taken for granted by a lot of people. Lalo na kung hindi man lang nila pinagsisisihan at inuulit pa ang nagawang kasalanan. Isama pa ang mga taong hindi man lang alam na tanggapin na nagkamali sila.

Madali akong magpatawad. At hindi lang naman si Gio ang may kasalanan ng lahat una pa lang. Pero natutuwa akong makita ang parte niya na ito na sumusubok na itama ang mga mali niya. Malayo sa Gio nitong mga nakalipas na buwan na hindi man lang nabibigyan ng pansin ang mga kamalian niya. Sa punto na hindi niya napapagtantong nakasasakit na pala siya ng iba.

"It doesn't matter to me, Gio. But I'm sure it would to Ma'am Ria," makahulugan kong pahayag. "Lalo na sa kalagayan niya. She's carrying your child."

"I know, Carmen." Bumuntong hininga sabay tingala sa kalangitan.

"Gio..."

Tumingin ako sa kalangitan, nag-iipon ng sapat na lakas ng loob para sabihin ang mga bagay na ilang araw ko na ring pinag-iisipan.

"Ang sabi mo maghihintay ka sa araw na magiging handa na ako para tanggapin ka," simula ko. "Hindi, Gio. Hindi ako maghihintay sa araw na 'yon. Hindi ako aasa na matutuloy ang isang bagay na mabilis nating sinukuan noon."

"Wala na ba talagang pag-asa?" malungkot niyang tanong.

Mayroon.

Ang totoo ay malaki ang pag-asa kung ako ang tatanungin. Ngunit imbes na ipahayag ang mga salitang iyon ay mas pinili ko na lang na sarilinin.

"I want it best for you, Gio. Gusto ko na kung sakaling dumating ang araw na magkikita tayo ulit dalawa, wala ka nang nararamdaman para sa akin na hihigit pa sa importansiya ng dalawang magkaibigan."

Pilit kong nilunok ang bara sa lalamunan ko kasabay nang paghapdi ng dalawang sulok ng mga mata ko.

Inihanda ko ang sarili ko sa araw na 'to. Malinaw sa akin na magiging masakit, para sa akin at marahil ay para sa kaniya rin. Pero ito ang tingin kong tama, ang huwag nang ipilit ang isang bagay na pareho naming alam na tapos na.

"Hindi ko sinasabi na balikan mo si Ma'am Ria kung hindi mo naman siya mahal. Pero alam ko, na hindi ka susugal sa kaniya kung wala kang naramdaman na kahit ano." Tiningala ko ang nakasisilaw na liwanag ng kalangitan, nagpipigil ng luha ng hindi ko alam kung hihinto pa ba. "Kung may balak ka mang umalis, kausapin mo muna siya. Assure her that you'll come back to be a better person for your child. Kung hindi na talaga kayo puwede, kahit para na lang sa bata," wika ko sa kaniya.

Hindi na niya ako nagawang sagutin pa. At hinayaan ko na lang iyon.

Isang bahagi ng puso ko ay tutol sa mga salitang sinasabi ko. Ngunit mas pinaiiral ko ang tama para sa akin. It might not be the best for us right now, but I know by God's grace, a better tomorrow would welcome him.

Sa puso ko, ramdam na ramdam ko ang kirot sa tuluyang pagtatapos ng kuwento naming dalawa. Pero ang magpalamon doon ay isinantabi ko dahil kung ilalaban ko man ang nararamdaman ko para sa kaniya... makasisira ako ng pamilya.

He might claim that he doesn't love her as much as he does to me, I know that he loved her enough to dream of building their family.

Hindi man sasang-ayunan ng marami pero naniniwala ako, na kung sapat na ang isa ay hindi ka maghahanap ng iba. Sa kaso ni Gio, alam kong hindi maganda ang umpisa pero May sapat na dahilan ang pagkahulog niya. Dahil kung talagang ako ang gusto niya sa buhay niya, sa kabila ng takot ay susubukan niya.

Pinagmasdan ko ang mga letrang bumubuo sa pangalan ng babaeng pinakaimportante kay Gio mula noon at ngayon. At sa simpleng tingin lang doon ay naramdaman ko na agad ang bigat at importansya niya sa buhay ng lalaki.

Christine Mendoza-Acosta

Nangilid ang luha sa mga mata ko pagkabasa roon ng buo. Hindi ko siya kilala 'di tulad nang relasyong mayroon si Gio kay Mama. Pero alam ko at nasaksihan ko kung gaano niya kasuportado ang anak sa larangang gusto nito.

"Would you be okay?" Pasimple kong pinunasan ang sulok ng mga mata ko bago pa mas lalong maiyak. "With everything? Being a father?"

Naging matunog ang sunod na buntonghiningang pinakawalan niya. "Hindi ako handa. Ni hindi ko nga maisalarawan sa isip ko ang sarili ko bilang isang ama. Takot ako, eh. At hindi maganda ang huling memoryang mayroon ako kasama ang ama ko. Ang daming tanong sa isip ko. Ang daming bagay na pumipigil sa akin." Diniinan niya ang sulok ng mga mata niya malapit sa puno ng ilong para marahil magpigil ng luha.

"Paano kung matulad ako sa kaniya? Paano kung tama ang sinasabi ng mga tao na may dugo rin akong kriminal? Paano kung sa hinaharap ako naman ang nakakulong? Ayaw ko ng gano'n. Hindi iyon ang buhay na gusto ko para sa anak ko."

Nag-iwas ako ng tingin at binalingan ang kawalan. Kasabay na humampas ang hangin sa amin na para bang isang yakap ng ina... yakap ni Tita Christine para sa anak na nahihirapan.

Alam ko iyon. Lahat ng takot ni Gio ay minsan na niyang iniyak sa akin noon. Pero ang plano ng Diyos ay higit pa sa mga takot niya.

Nandito na. Isa na siyang ama.

Ang isang bagay na kinatatakutan niya ay nasa mga palad na niya.

"Pero alam mo? Masaya ako, eh. Damn! Tatay na ako!" nagbubunying sigaw niya na puno nang pagmamalaki.

Kung may makakakita man sa akin ngayon, iisipin na baliw na ako. I was laughing with my eyes full of tears. I am happy, while in my heart there's still a bit of pain for the ending I wished we have.

"Congrats, Gio. I am genuinely happy for you." I tapped his shoulder.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damuhan kung saan kami nakapuwesto. Sa harapan namin ay ang puntod ng Mama niya.

Muli kong binalingan ang pangalang nakalagay roon, tahimik na humihingi ng gabay para kay Gio.

I closed my eyes and bid my goodbye to her. Please guide Gio, Tita Christine. Hug him with your warmth.

"Mauna na ako, Gio," paalam ko sa kaniya.

I want to give him time with his Mom. To calm and soothe him.

"Ihahatid na kita," alok niya.

Sabay na umiling at kumumpas ang kamay ko bilang pagtanng. "Magta-taxi na lang ako pauwi. Just take your time with your Mom. You need it."

Dumaan ang pag-aalangan sa mga mata niya habang tinitingnan ako. Magaan ko siyang nginitian upang payapain siya at ipahiwatig na okay lang.

"Bye, Gio."

It wasn't just a goodbye as an indication of our separation from this day forward. It was also a farewell to all the bad things that had happened between us.

Tears filled my eyes again when he pulled me into a tight hug. Walang pagdadalawang isip ko iyong ginantihan habang pigil na pigil na huwag umiyak.

Sobrang higpit ng yakap na ibinigay niya sa akin, pinakamahigpit sa lahat nang pinagsaluhan namin. Kaya kahit anong pagpipigil pa ang gawin ko... unti-unti ko nang pinakawalan ang nakapondong luha sa mga mata ko.

It was a rough and bumpy road for us, never easy and always tough. Hindi iisang beses na umiyak ako dahil sa kaniya, na iniyakan ko siya. I got my first heartbreak with him. And I never thought I'd be able to rise up from the ocean where I drowned.

I tapped his back once. "Bye," paalam ko.

"Thank you for being my best friend," he said sincerely. "I love you, Carmen. Goodbye."

Magaan ang dibdib na humiwalay ako sa kaniya. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ang basa kong pisngi at mabilis na inabot ang mukha ko na inilingan ko bilang pagtanggi.

I want to not need him in my life. And to do that... I need to wipe my tears alone.

Hindi madali ang unang hakbang palayo sa kaniya. Parang may nakadagang sampung kilong bakal sa mga paa ko, pinipigilan akong makapaglakad ng maayos. Ngunit ang sumunod ay naging mas madali na. Lalo na nang tinalikuran na niya ako upang haraping muli ang ina niya.

"I wish you happiness, Gio," mahinang bulong ko. "Ipagdadasal kita."

Imbes na umalis at tuluyang iwan siya, nanatili akong malayong nakatanaw sa kaniya. Kaya nasaksihan ko... kung paanong unti-unti siyang namaluktot sa damuhan hanggang ang kaninang pigil na mga luha ay dahan-dahan na niyang pinakawalan.

Kahit may malawak na distansya sa pagitan namin, nakita ko ang pag-alog ng mga balikat at katawan niya. At ang mahinang hikbi ay nauwi sa malakas na iyak ng pighati.

Hindi na ako nagulat pa nang maging ako ay hindi na rin nahinto sa pag-iyak. I clasped my hand and prayed earnestly to the heavens for his guidance.

Please guide, Gio, Cover him with Your warmth. And help him clear his mind and come back with a better version of what he is for his child.

With one final glance at him, I turned away...

Without looking back, I left my first heartbreak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top