Chapter 36

"Ang sakit sa mata na makita kang ganiyan, Carmen," komento ni René.

"Ako na lang kasi tingnan mo, maganda na, fresh pa!" nagmamalaking singit ni Burn.

Inilingan ko ang mga salita niyang paghahambog lang naman. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng notes ko sa law bilang review para sa finals.

Nandito kaming tatlo sa Avenue. Exam ko na kasi thirty minutes from now habang ang dalawa naman ay mag-e-exam pa lang mamayang hapon.

Sa main gaganapin ang sa akin habang ang dalawa naman ay babiyahe pa patungo sa designated campus para sa college nila. Sindadiya lang talaga nila ako rito dahil nga hindi na ako nagpakita sa kanila last time.

I didn't have the courage to do so. Alam ko kasing mag-aalala lang sila sa akin kung makikita nila na mugto ang mga mata ko. Hindi man sila magtatanong, malaki ang porsyentong maapektuhan din sila sa estado ko.

And that wouldn't help them at all. That's why I chose to suffer alone.

"Goto tayo, ha? Dating gawi," alok ni Burn.

"Oo naman. Invite the dudes as well. Subukan niyo rin si Sera kung gustong sumama," si René.

"Matik na 'yan 'no." Binalingan ako ni Burn at pinagtaasan ng kilay. "Sasama ka naman, 'di ba?"

Tipid akong ngumiti sa kaniya. "I won't ditch you this time, don't worry."

"But you still won't share about what happened, right?" nanantiyang tanong ni René.

"Kung gusto ninyo ng sakit ng ulo, bakit naman hindi?" I let out a dry laugh as I joked around, and for them to see that I am doing okay.

Not that I need to fake being okay. Totoong maayos lang naman ang lagay ko ngayon. Hindi ako malungkot bagaman may kaunti pa ring kirot.

It has been a week since that night, and since then... no Gio in my life. I have been okay. And I even felt like what happened was the breath of fresh air that I needed to take.

How ironic that at those times both Gio and I were so broken, but at the same time we were freed. 'Yon lang yata talaga ang hinihintay naming dalawa. Ang makapag-usap at maging tapat sa isa't isa.

The moment that we let out the feeling we chose to hide from one another, was also the same time that we escaped our own cage.

I am okay.

Not happy, but okay.

"Mauna na muna ako sa inyo," paalam ko sa kanila. "Mas maaga akong matapos kaysa sa inyo, 'di ba? I'll just wait for you there later and save a table for us."

"I'll be done by five," imporma ni René.

"Same with me. Baka mauna lang si Renesmé sa akin since mas malayo ang Apex," si Burn.

Tinanguan ko sila bago niligpit ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng lamesang okupado namin.

I bid them goodbye as I stood up. As much as I want to talk to them and keep my mind occupied, the student me knows that today isn't the right time.

Tahimik kong binaybay ang daan palabas ng Avenue. Kalat ang mga estudyante sa buong lugar dahil karamihan ay huling araw na ng pasok tulad ko.

Kaya hindi na ako nagulat pa nang may marinig na naman ako mula sa iilan nang madaanan ko sila. I didn't mind any of it though. Hindi naman worth it pag-aksayahan ng oras at hindi ko rin naman basta-basta na lang maipaiintindi sa kanila ang mga bagay-bagay.

Wala rin akong mapapala kung mabubuhay ako sa mga panghuhusga nila para kay Gio. I'd rather know the truth myself than to rebut any of their words.

I silently entered our room and sat at the far end seat. Ilang sandali lang ay tumabi na nang upo sa akin si Cath na kadadating lang.

"May leakage raw," bungad niya na tila ba hinihingal pa.

Nagsalubong ang kilay ko. "Saan galing?"

"Sa 2A raw."

"Paano naman nila nakuha 'yon?"

"It must be internal. Hindi naman nila maa-access ang sagot kung hindi galing sa loob," sagot niya.

It's really a wonder to me kung paano nila nakukuha ang mga sagot tuwing major exams. This wasn't the first time and even in the previous semester things like these happen all the time. Mayroon pa ngang instance na pinaulit sa amin ang buong long quiz dahil may leakage at lantaran ang kopyahan that time since estudyante lang din ang bantay.

Ipinagsawalang bahala na lang namin iyon at tahimik na lang na naghintay sa pagdating ng propesor. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na agad ang proctor namin dala ang questionnaires.

Hindi siya ang prof namin sa techno. Kung tama ang ang tanda ko ay professor siya sa FM.

"You have one hour to answer the exam. Use capital letters for all of your answers. Erasures are wrong and wrong spelling is obviously wrong," he instructed. He handed out the papers in front. "Sit straight. No looking at your seatmate's paper. Once caught, you'll be thrown out of the room."

"Katakot naman," mahinang komento ko.

"Para tayong nililitis, sis," bulong ni Cath sa akin.

Napangiwi na lang ako. Literal na sumunod ako sa instruction ni Sir. Tuwid akong umupo at nagbaba ng tingin sa papel na kakukuha ko lang.

Technopreneurship was one of our major subjects in our second year. Hindi naman masyadong strict ang prof namin at hindi rin gano'n kahirap ang requirements kaya hindi ko masyadong naramdaman unlike Environmental Marketing na halos patayin na kami sa sobrang dami nang ginagawa.

Mabuti na lang talaga at wala ng final exam doon kung hindi baka nagwelga na ang mga estudyante ng course na 'yon.

One hour passed by, followed by another hour with only answering of exams. Kung hindi ako gaanong nahirapan sa techno, sobrang lala ng doubts ko sa mga answer ko sa oblicon.

Sa rami ng requisites na kailangan kong imemorya hindi ako sigurado kung nasasagot ko pa ba ng tama o naghahalo-halo na. Mula sa requisites ng recession, reformation, requisites ng quasi-delict, delay, at kung anu-ano pa na nagpasakit ng ulo ko.

Tuloy ay latang-lata ako habang nakasubsob sa lamesa dito sa gotohan sa tawid na kalsada lang ng university habang hinihintay ang mga kaibigan ko.

"Tired?"

Mabilis akong napaupo ng maayos nang marinig ang boses na 'yon. "Elon!" Gulat ko siyang nilingon, nanlalaki ang mga mata at bahagyang nakabukas ang bibig dahil sa hindi inaasang pagdating niya.

"Hey, long time no talk," he greeted with a smile.

"Kumusta?" wala sa sariling tanong ko.

If there was one week with no Gio, it has been more than a week since I last met Elon. Hindi ko naman siya iniiwasan. Hindi rin naman siya nagparamdam sa loob ng mga araw na 'yon.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked again.

"U invited me. May balak yata kayong mag goto mamaya," sagot niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Parang nabanggit nga iyon kanina ng dalawa na hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin dala ng lutang kong pag-iisip.

Alangan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Kung bakit biglang tila naging mailap ako ay hindi ko alam ang dahilan. Everything just feel so awkward all of a sudden that even though we grew to be close to each other... I find it difficult to meet his eyes.

Hindi mapakali ang loob ko. Hindi rin ako makapag-isip ng matino dahil sobrang gulo ng takbo ng isip ko ngayong kaharap ko si Elon.

Elon smiling in front of me made me feel like I have done something wrong to him.

"You look uneasy, Carmen," puna niya. "Okay ka lang ba? May sakit ka ba?"

I watched him worriedly look at me as if I would faint any moment. My conscience started to get the best of me even though I know I did nothing to wrong him.

Kaso pakiramdam ko may mali talaga akong nagawa. O kung hindi man... may ginawa akong tama na makaaapekto sa aming dalawa.

I want to run away, to have more than enough personal distance between us for me to calm down. Kaso hindi ko magawa dahil hindi ko rin siya maiwan para lang sa dahilan na hindi ko maipaliwanag.

"May kasalanan yata ako sa'yo?" alangan na saad ko.

Mataman niya akong tiningnan. "Ano naman? Wala ka namang ginawa sa akin. Okay naman tayo noong huling beses tayong nagkita."

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Pakiramdam ko lang may nagawa akong hindi papabor sa'yo."

Nagbaba ako ng tingin sa magkadaop kong kamay sa ibabaw ng lamesa.

Is this because of what had happened between Gio and me a week ago? Dahil ba napatunayan ko na si Gio pa rin hanggang ngayon? O dahil sa tanong niya na laman pa rin ng isip ko kahit na ilang araw na ang lumipas?

I thought what I have for him was greater. Pero mali pala ako. Nasanay lang ako sa atensyon. Nadala ako ng mga ipinakikita niyang hinahanap ko sa iba na siya ang gumawa.

I may have loved him less and less each day, but I know that what I have for Elon still can't be compared.

"What's with you two?" bungad na tanong ni Burn habang papalit-palit ang tingin sa pagitan namin ni Elon.

Sabay na nagkatinginan kami ni Elon dahil doon. I shrugged my shoulders and so did he. I know and I could feel that everything about us is awkward as hell. Para kang kinulong sa isang hawla kasama ang isang taong iniiwasan mo.

But Elon being the gentleman that he is just smiled at me with the assurance that everything would be okay.

"Ang weird ninyo pareho," komento ng bagong tinig.

I immediately looked up at her with a smile on my lips.

Sera.

I feel like I was sent to heaven when her glowing face greeted me. She was smiling timidly at us while tightly holding onto Ulick's hand. Alam ko na likas na sa kaniya ang pagiging mahiyain dahil limitadong tao lang ang nakakasalamuha niya.

Idagdag pa ang mga hindi magagandang karanasan na idinulot sa kaniya ng kundisyon niya.

She looks like an angel without wings and halo. Hindi siya ang nag-iisang taong nakita kong may ganito. I already saw one at the time of the play of Gio's org, but both of them look totally different.

Bliss looks so soft and fragile. On the contrary, Sera looks like a fighter. May kasingkitan ang mga mata niya, malamlam iyon at tila wala sa focus kahit na direkta naman siyang nakatingin sa'yo. Her hair is in silver color and she also has bangs that almost cover her face.

Having albinism made her stand out most of the time but people took it negatively. The world was never good to her and every day is harsh. But I truly hope all the bad days in her life would be replaced with bliss.

"Naks! Dumating na ang anghel!" bati ko sa kaniya sa boses na taliwas sa dilim na nararamdaman ko.

"Hi, Carmen," bati niya pabalik. "Girlfriend ka na ba ni Elon?"

"What? No!" mabilis na tanggi ko.

Nilingon ko si Elon para sukatin ang reaksyon niya. Inaasahan ko ang pagtanggi ngunit ngisi sa mga labi niya ang nabungaran ko habang nakatingin siya sa akin.

"Not... yet," he answered before winking at me.

Inilingan ko lang siya bilang tugon. Only if I didn't hear Gio's word the other week, there could've been a chance for us right at this moment.

It may be rushed but I know we would've worked out just fine.

Kaso iba ang plano para sa amin ng mundo. Iba ang oras para sa aming dalawa. Hindi ngayon. At hindi ako sigurado kung magkakaroon.

"Anong order ninyo?" tanong ni René nang dumating.

"Regular lang sa akin. Plus egg," nahihiyang sagot ko sabay kagat ng dulo ng dila at ngiti.

Ayaw kong iutos sa kaniya talaga kaso alangan namang isa-isa pa kaming bumili sa rami ng oordorin namin. Kaya silang tatlo na lang ni Ulick at Burn ang pumunta sa may-ari ng stall.

Sera sat beside my seat on the right while Elon was on my left.

I rested my elbow on the table and put my face in my hand. Tinitigan ko si Sera sa gano'n posisyon na para bang kamangha-mangha siyang nilalang. Of course, nakamamangha naman kasi talaga siya. She's so special that even though we are not that close, I feel so attached to her.

"How are you, Sera?" I asked her carefully. "Okay? Not okay? Or trying to be okay?"

Marahan niya akong nginitian. She reached for my hand that was above the table and held on to it tightly.

"I'm doing the best masterpiece I have ever done in my life," she told me gleefully. Kuminang ang mga mata niya sa tuwa habang may malaking ngiti sa mga labi. Kulang na nga lang ang palakpak niya para masabi na sobrang saya niya.

The question that I asked her... she evaded it so naturally. Hindi ko na siya inusisa pa at pinilit na sagutin ang bagay na iyon na alam kong hindi siya komportable.

I know she is not okay. And I want to pull my hair hard for asking that despite knowing her state. But don't some of us want that? To be asked if we're okay or how are we coping up?

Just to feel that we are needed. Just for the assurance that someone cares for us.

And I figured she must need that, too. That despite all the evilness the world showed her, there's still a place that would be her safe place.

"Why didn't you enter CIU?" I asked her. "You could've made it. Baka nga magkaklase pa kayo ni Elon."

"That would mean being at the same university as Ulick and Burn," simpleng tugon niya.

Agad kong naintindihan ang gusto niyang iparating sa akin. I don't even need to think too deep. Nakuha ko na agad ang punto niya.

Studying in CIU would only mean smaller world for the three of them. Ibig sabihin ay maraming makakikita na magkasama silang tatlo ng mas madalas kaysa sa kung anong sitwasyon nila ngayon.

Nilukob ako ng lungkot. Nakaramdam ako nang paninikip sa dibdib ko na para bang may pumipisil doon habang tinitingnan ko ang nakangiting mukha ni Sera sa harapan ko.

"You'll be okay, Sera," bulong ko habang direktang nakatingin sa mga mata niya.

Umukit ang isang magandang ngiti sa mga labi niya. "You know what?" Pinasadahan niya ang buong mukha ko nang tingin. "You are your friend's home, Carmen."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko siya naiintindihan.

I was about to speak when Elon caught my attention. Kinuha niya ang kamay ko sa lamesa at hinawakan ng mahigpit.

But as an automatic reflex, I slowly took it back from him. I abruptly avoided his stare when he looked at me with a confused expression and pain in his eyes.

Kung nitong mga nakalipas na araw sana ay okay lang. Mali— dapat noon pa lang pinigilan ko na. Hindi na dapat namin sinanay ang isa’t isa. Tuloy... ang iwasan at pigilan ay nagdudulot ng sakit sa aming dalawa.

"Sera's right. You bring home to the people around you," malambing niyang sabi. "You embraced us with your warmth, Carmen. You always made people in your life feel wanted."

"Kahit nga ako na hindi mo masyadong kilala at nakakasama palagi mong ipinararamdam sa akin na walang mali sa akin kahit na ganito ako," nakangiting sabi ni Sera sa akin. "You accepted me, Carmen. We're not totally friends, as in friends na katulad ninyo nila Burn at René. But you made me feel like I am a person, just a normal person, who has a place in this world."

"Because you do," I whispered earnestly at her, trying to make her hear every sincereness in my words while doing my best to avoid Elon.

"Hmm, maybe that space is just too small for the people to see, huh?"

"Sera naman." Malungkot ko siyang tiningnan.

"Ano ka ba, Carmen." Pabiro niyang tinapik ang balikat ko. "I'm fine. Don't worry too much about me. Not that I've already lost interest to live. Kawawa ang Ulick at Burn kung mawawala ako."

Mataman ko siyang tiningnan, tinatantiya ang katotohanan sa likod ng mga salita niya. I don't want to think negatively of things pero knowing Sera and her background, hindi malabo na patotohanan niya ang mga salitang ginagawa niyang biro ngayon.

Saktong dumating ang iba dala ang mga pagkain namin ay nag-iwas ng tingin si Sera sa akin.

Binalot ako ng pangamba dahil sa huling tingin na ibinigay niya sa akin. Worried took a greater part of me that it took me a while to took my eyes off of her.

Sana nga mali ako. Sana hindi totoo ang nasa isip ko.

"Any plans for the holiday break?" U asked, without any hint of what Sera just gave us.

"I want to invite you guys for Christmas. Lalo na sa mga magse-celebrate mag-isa," pagbubukas ko ng usapan. "Kami-kami lang din kasi ng parents ko ang nasa bahay. It would be better to have you all there for noche buena. Kahit doon na kayo matulog for the rest of the night."

"Nakakahiya," tanggi ni Burn.

"Ay sus, wala kang gano'n, Burn. Kung si René pa siguro ang nagsabi baka pinaniwalaan ko pa," bara ko sa kaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin na hindi ko na lang binigyan ng pansin.

Gusto kong palakpakan ang sarili ko. Kung noon sigurado akong hindi ako magaling na aktres, baka ngayon may pag-asa na ako dahil kaya kong umakto sa harapan nila na para bang hindi nasasaktan.

Ang galing mo, Carmen!

"Pero seriously, I'm inviting you all. Sa bahay na tayo kung wala rin naman kayong plano ng sarili. Especially, René and Elon." Binalingan ko muna si René at nginitian bago nilipat ang tingin kay Elon. "You're welcome in our home, too."

May dumaang kung anong emosyon sa mga mata niya na sa sobrang bilis ay hindi ko nagawang makilala. He was looking at my eyes so deeply that I almost drowned trying to battle with his stares.

Kung hindi pa siguro tumikhim si René ay hindi ako magbabawi ng tingin.

I cleared my throat and diverted my gaze at the rest of the gang.

"Kung wala kayong plan, Ulick, Sera, puwede kayo sa bahay," saad ko.

"Uhm, I think I'll pass?" Sera answered, unsure. "I'll be with my parents I think."

My heart immediately swell in so much happiness upon hearing her words. A few weeks ago when Burn opened up about Sera's breakdowns and moving out of their place. At ang marinig na magdidiwag sila ng pasko nang magkakasama ay sadiyang nagdudulot ng tuwa sa puso ko.

"U?" Burn asked her best friend.

Tiningnan muna ni Ulick ang kasintahan bago binlaingan ng tingin ang kaibigan. "I'll be with my family as well. They want to invite you over Burn."

"Baka kay Carmen na lang muna ako. Nakakahiya sa mga magulang mo, Ulick," mahinang sagot ni Burn.

Bahagya pa siyang yumuko na tila ba kinahihiya ang sarili niya. I have no idea how these two first met. Palagi kong nararamdaman na sa kabila ng closeness na mayroon ang dalawa ay may pader pa ring nakaharang sa pagitan nila.

Lalo na tuwing iniimbitahan ng lalaki si Burn sa bahay nila. Kung hindi direktang tumatanggi ay ekspertong iniiwasan niya ang usapan.

Malalim na bumuntonghininga si Ulick habang matamang nakatingin kay Burn. "I told you to forget about it, Burn. Ang tagal na no'n."

Sinimangutan lang niya ang lalaki bago pinagtuunan ng pansin ang sariling pagkain.

Nawala sa kanila ang atensyon ko nang maramdaman ko ang pagkalabit ni Elon sa braso ko. "Would I be fine there? Ako lang mag-isang lalaki roon," kababakasan ng takot na tanong niya.

Kumabog sa kaba ang dibdib ko nang maintindihan sa tanong niya ang pagsang-ayon sa alok ko.

Parang bigla ay gusto kong i-rewind kahit na limang minuto lang upang mapigilan ang sarili sa pagtatanong. Just the thought of having Elon in our house with my parents is enough to set my heart rumbling as if I just got off from a rollercoaster ride.

Kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan nang pasimpleng paghinga ng malalim bago siya lakas-loob na tiningnan sa mga mata niya.

Ayaw ko. At sana pala hindi na lang ako nag-alok.

"Gio would be there," maingat na sagot ko bagaman wala pang kumpirmasyon nang pagsipot ni Gio.

Nakita ko siyang matigilan na agad din niyang napagtakpan sa pamamagitan ng isang ngiti. "Okay," he answered in a soft voice, almost sounding like a whisper.

"Speaking of him," René butted in. "Wala ka ba talagang balak sabihin sa amin ang nangyari?" maingat na tanong niya sa akin.

I looked down on my food and focused on it. As much as I want to avoid talking about it, I think it would be impossible. Not with my friends wanting me healed. And keeping it to myself is not helping me at all.

Hinila ko palapit sa akin ang container ng durog na paminta. I sprinkled an ample amount of it on my food before mindlessly mixing it.

"He said he loves me," I said.

"The hell?" Gulat akong tiningnan ni Burn.

At my side, I felt Elon looked at me too.

"What happened? Really?" René intrigued curiously.

I shrugged my shoulders at them. "Hindi ko rin alam. I just wanted to talk to Ria and help Gio explain things. Kaso I was bombarded by facts I didn't know were happening inside their relationship."

"Ang gago naman ni Gio," komento ni Burn na hindi ko na sinuway.

"So, ano na?" Sera asked.

I shook my head. "Wala. I don't know. He asked me questions I don't know how to answer," hindi siguradong saad ko.

"Please lang Carmen," sarkasmo ni Burn. "We all know you have feelings for that guy."

Magaan ko siyang nginitian. She sounded offensive but I know she just wanted to make a point. "Of course I do, Burn. Hindi naman ‘yon puwedeng gamitan ng mahika para bigla na lang mawala. It would take a lot of time for it to lessen until the only thing left is something that would allow me to love another man freely. Plus, I just couldn't distance myself from him for good."

Sinadiya kong huwag pangalanan ang emosyon na iyon. It's better for those words to be kept in me. Para sa akin kasi hindi maganda pakinggan na nananatili ka sa tabi ng isang tao dahil sa awa.

Parang kung hindi ka ganiyan at hindi miserable ang buhay mo ay walang mananatili sa tabi mo. Na kung hindi ka kaawa-awa ay walang kakampi sa'yo.

It's cruel enough to experience things that would give you trauma, events that will make you be repeatedly chased by your demons. Kaya kung sasabihin mo pa sa ibang tao ang rason nang pananatili mo, o direkta mismo sa taong 'yon, para mo na rin siyang sinagasaan ng pang isang beses.

There are words that need not be shared. And it's definitely okay.

"We'll just grab some dessert," Elon offered.

Lahat kami ay napabaling sa kaniya. Sa isip ko ay si Ulick ang isasama niya kaya nagulat na lang ako nang kuhanin niyang muli ang kamay ko para marahan akong hilahin patayo.

Mabilis kaming inulan ng tukso mula sa mga kasama namin sa lamesa. Even René quickly grabbed her best friend, her camera, and pointed it at us.

"René!" gulantang kong sigaw, tumututol sa balak niya.

"What?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. "I'm capturing moments, bestie. CaEl moments, alright?"

"What CaEl?" naguguluhang tanong ni Sera.

"Oh please, don't!" mabilis na ayaw ko. "Let's go, Elon. Ayaw kong marinig." I pulled him away from the group, feeling all the embarrassment that word contains.

"Ayaw mo marinig?!" pahabol na sigaw ni Burn.

I just waved my hand backwards as a goodbye. "This is so embarrassing as hell."

"It's cute, lady." Sinabayan niya ang paglalakad ko. "I have to name my child that way."

Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pagkapako ko sa kinatatayuan ko. My mouth even fell in shock with his words.

I heard him chuckled before taking me in motion again. Marahan niya akong hinila gamit ang magkahawak naming kamay palakad patungo sa Avenue na nasa likod lang ng univ. Nang magpantay na ang lakad namin ay siya ring pagbitaw niya sa kamay ko.

Mukhang nararamdaman na rin niya. At kahit ayaw kong aminin, may kaunting kirot sa dibdib ko kahit na hindi tama.

"I've heard about what happened from Burn. If that's what's bothering you then I'm telling you that you don't have to." He smiled. "I know that I already told you what I feel. That I like you. But you don't have to pressure yourself and give me an answer. Loving someone doesn't mean that person has to love you back. It doesn't work that way."

Hindi ang mahabang lintanya niya ang pumukaw sa atensyon ko kundi ang pagpapalit niya ng dalawang salita na magkaiba ang bigat at kahulugan.

But I chose to immediately let go of that thought. I may just be overreading things.

"You're too much for someone like me, Elon." Malungkot ko siyang nginitian. "You deserve much more than me. Much more deserving person than who I am."

Inilingan niya ako. "You don't get to tell people who they should and should not love. I may or may not deserve you, that doesn't erase the fact that I'm in love with you."

Mabilis kong ikinurap ang mga mata ko. At bago ko pa man maagapan ay umawang na sa gulat ang bibig ko.

How can he say those words so bluntly as if he doesn't mind letting other people know about it?

Samantalang ako, gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko para itago ang sarili ko.

Seryosong nakatingin lang siya sa akin. I am stunned, out of words at that. Hindi ko inaasahang maririnig ang mga salitang iyon mula mismo sa bibig ni Elon.

Ni sa hinagap hindi ko iyon inisip, ni hindi ko nga pinangarap dahil alam kong malabo na magkalapit kami. I never liked him as a man in the first place, I just loved his arts. That's the end of it.

But with some strings pulled... we became this close. We grew to develop friendships that I didn't expect at all. And now, we're trying to move even more forward, but I'm afraid that it's a dead end at the end of the road.

Mas malinaw sa isip ko na hindi puwede. Kung puwede man... hindi ngayon. Kung kailan, walang ibang makasasagot.

"Why do you sound so sure?" mahina kong tanong.

Nakuha niya ng buo ang atensyon ko nang marahan niyang kinuha ang kamay ko para hawakan. Puno ng ingat na ikinulong niya iyon sa mainit niyang mga palad.

"I thought of it more than a hundred times since that night I saw you sitting near me. I made sure of it first before I tell these words to you, Carmen." He lightly squeezed my hand. "Mahirap paniwalaan?" Tumango ako. "I know. And it would burden you more if I'll ask you to allow me to court you."

"Elon一"

"Kaya hindi ko muna itatanong ang bagay na 'yon," putol niya sa sasabihin ko. "I'll wait until you're ready before I make any move to enter your heart."

Muli akong napayuko. Ang gusto kong sabihin ay huwag na. Na sa tamang panahon ay makahahanap din siya ng iba. Isang tao na mas hihigit pa sa akin.

Ngunit iba ang nais iparating nang paghigpit nang hawak ko sa kamay ni Elon. Na imbes na pagbitaw ay mas gusto kong kapitan ang mga salita niya. Na sa halip na paglayo ay mas gusto kong manatili siya sa tabi ko hanggang sa puwede na.

But that would be too much to ask.

I know Gio still occupies a bigger portion of my heart and I feel like there's no cure to that. Alam ko na kahit na nabawasan na ang pagmamahal ko sa kaniya, siya pa rin hanggang ngayon.

Humihingi ng tawad na binalingan ko siya. "You don't deserve a love that isn't whole. Pira-piraso pa rin kasi ako hanggang ngayon, Elon. I don't even know what I feel anymore," paliwanag ko. "Half of my heart is still with him, caring, protecting, and shielding him. I still want to be that person who would make sure that he's fine. And I don't want to gamble it with you now. Dahil alam ko na kung isusugal ko, hindi magiging tayo hanggang dulo. I want a relationship to last for a long time. I want it to be permanent, Elon. Hindi lang 'yong magtatakip ng nararamdaman ko para sa isa.

"Sana maintindihan mo. Nananalangin ako na maintindihan mo. I wouldn't deny that I am always happy with you. And God knows how much I wanted that kind of happiness, contentment, and assurance that you gave me. Kaso ayaw ko ring maging unfair sa'yo. Ayaw kong paasahin ka sa isang bagay na hindi ako sigurado kung maibibigay ko. I still have to pick up the fragments that I lost. Hindi ko alam kung gaano katagal. At kung oras na mabuo ko na ba ang sarili ko ay ikaw ang unang hahanapin ng puso ko."

Nauunawaan niya akong nginitian sabay hawak muli nang mahigpit sa kamay ko. "I understand, Carmen. I'm willing to wait."

"We are friends, Elon. And for now, and for the months and years to come, that's all I could offer."

Bahagyang lumungkot ang mga mata niya ngunit agad ding naibalik ang ngiti roon. "I will wait," he said, so sure in his words, "even if it takes a whole round trip of the world."

"Huwag mo na akong hintayin. Patay na tayo no'n, Elon," pagbibiro ko upang pagaanin kahit papaano ang paligid namin. Isang biro na may bahid ng katotohanan.

"At least, I'll die waiting for the most precious lady in my life."

Nalukot ang ilong ko sa tamis ng mga salita niyang kanina ko pa naririnig mula sa bibig niya. "Pumapak ka siguro ng asukal noong sanggol ka," komento ko. "Ang tamis mo magsalita."

I think I just indirectly answered him.

That it's still him.

Tumayo ako sa likuran niya nang marating namin ang pila sa kiosk ng McDo. From that view, I was able to see how dependable Elon has always been. I saw from his back what I am losing. And I feel more grateful that I am not selfish enough to keep him in my den with no assurance that I would love him the same way in return.

Naninikip ang dibdib ko habang pinanonood siyang tuwid ang tayo sa harapan ko. Pakiramdam ko ay mali ang mga nasabi ko pero iyon na ang pinakatama ngayon.

The least that Elon deserves is half-assessed love. I am far from that. And I am sure that I wouldn't be able to reach that far with him. Masyado akong nabaon sa pagkahulog kay Gio na hindi ko mabigyan ng pagkakataon ang ibang tao.

Nang mapansin niya na ang presensya ko ay pinapunta niya ako sa harapan niya. Elon held me in my shoulders with his chin rested above my head.

"I'd rather be friends with you than not have you at all," he whispered. "Please don't feel bad. I understand."

"How could I not?" malungkot na tanong ko.

"It's okay, Carmen. I'm okay."

Awtomatikong pumikit ang mga mata ko nang tuluyan na niya akong yakapin mula sa likod. I didn't know why and I must've just been overthinking things but his embrace felt different.

It felt like a goodbye.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top