Chapter 35

Dinama ko ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko. Ngunit imbes na preskong pakiramdam ang ibigay no'n sa akin ay tila ba mas pinaaalala lamang no'n na mag-isa ako.

There was literally no one around me, but the hallowed part of my heart speaks for the extremely deeper loneliness this night has brought me. I feel so alone... as if I was caged and thrown out on the farthest island in the world.

Ikaw ang mahal niya.

"Kalokohan." Pagak akong natawa sabay iling.

And I wasn't even surprised when tears continuously streamed on both of my cheeks.

Pakiramdam ko wala akong kakampi kahit na wala namang umaaway sa akin. I got no one by my side to give me comfort. No one who would wipe my wet cheeks dry. No one to tell me that everything will be alright.

I swang my hanging feet and stared at it with my eyes filled with tears. At hindi ko na ikinagulat pa nang maramdaman ko ang muling pagdaloy ng mainit na likido sa magkabilang pisngi ko nang muling maramdaman ang sakit.

A few seconds passed when I heard footsteps coming near me. Nasa isang sementong bench ako nakapuwesto malapit lang sa entrada ng parke malapit sa condong pinanggalingan ko. At dahil wala ng tao sa buong lugar ay rinig na rinig ko ang yabag ng bagong dating.

"Nagkamali na naman ba ako?" bungad niya sa mahinang boses.

Tumingala ako sa madilim na kalangitan sa pag-iwas na tingnan siya. Walang makikinang na tala. Walang maganda at maaliwalas na kalangitan. Wala ang liwanag ng buwan. Sa halip ay puno iyon ng makakapal na ulap na mas nagpadilim pa ng gabi.

"Subukan mong sagutin ang sarili mong tanong, Gio," malumanay kong tugon.

Gusto kong magalit sa kaniya dahil sa mga nalaman ko mula kay Ria. Gusto ko siyang sigawan, murahin, at kuwestyunin siya sa lahat ng bagay na ipinakita niya. Ngunit wala akong lakas ng loob na gawin ni isa man lang sa mga iyon dahil pinangingibabawan pa rin ako nang pag-aalala sa kaniya.

Na sa kabila ng nakakalokong ginawa ni Gio ay mas matimbang pa rin sa akin ang mararamdaman niya kaysa sa sakit na ipinaramdam niya.

"Hindi ko alam, Carmen," bakas ang kaguluhan sa boses na saad niya.

"Dapat alam mo, Gio, dahil ikaw ang may gawa niyan," pagbibigay riin ko.

"Naiintindihan mo naman ako, 'di ba? 'Di ba, Carmen?" umaasa niyang tanong.

Mapait akong napangiti sabay yukong muli. 'Yon na yata ang pinakamapait na katotohanang mayroon ako sa buhay ko. Kung gaano ko kayang intindihin si Gio sa kabila ng mga negatibong bagay na naidulot niya sa akin mula noon hanggang ngayon.

Hindi man sang-ayon ang isang panig ng isip ko ay tumango pa rin ako sa kaniya. Ngunit ang hangarin ay hindi para pagaanin ang loob niya kundi para buksan ang isip niya sa katotohanang hindi niya nakikita.

"Oo naman, Gio, kayang-kaya kitang intindihin. At naiintindihan kita ngayon," saad ko.

"So, okay lang tayo? Walang problema?" ngiti niya, sabik at umaasa.

"Hindi, Gio. Hindi tayo okay. Hindi tayo naging at magiging okay," amin ko.

Marahan akong tumayo para harapin siya. Tulad nang nakasanayan ay kumurba na naman ang isang ngiti sa mga labi ko. Subalit taliwas sa ngiting ang nais ipakita ay ang kasiyahang magpapagaan sa loob niya... ang ngiting ipinakikita ko sa ay ang totoong nararamdaman ko tuwing kasama siya.

It was the smile I've been wanting to show him. A smile speaking of how hard it has been for me trying to do things in favor of Gio. A sorrowful smile containing all my cries.

"Puwede ba akong maging tapat sa'yo, Gio? Kahit ngayon lang. Una at huling beses lang," pakiusap ko sa kaniya.

Worry filled his eyes but it was immediately overpowered by confusion. Gio attempted to take a step forward only if I didn't shake my head that made him immediately stop from his tracks.

"Alam mo, Gio, sinubukan ko naman. Pinilit ko naman na pigilan kasi alam kong imposible na maibalik mo." Binalewala ko ang muling pagdaloy ng init sa pisngi ko. "Kaso wala, eh. Pagdating sa 'yo sobrang hina ko. Na kahit anong pigil ko ay nahulog pa rin ako."

"Carmen, anong ibig mong sabihin?" Nagsalubong ang kilay niya. Humakbang siya palapit sa akin at sa pagkakataon na ito ay hindi ko na siya nagawang pigilan pa. Wala na rin akong lakas para lumayo dahil magmula pa kanina ay ubos na ako. "Make it clear to me, Carmen. Ayaw kong pangunahan ako ng mga gusto kong marinig mula sa'yo."

Salubong ang dalawang kilay na muli ko siyang tiningnan. Naguguluhan ako, hindi sa mga salita niya kundi sa sarili ko. Hindi ko magawang timbangin ang pinakamainam na desisyon kung sasabihin ko na ba ngayon o ililihim ko pa rin tulad nang nakasanayan ko.

Tonight, I am certain that something will change.

Binura ko ang lahat nang pag-aalala na nabuo sa isip ko nang salubungin kong muli ang mga mata niya. There's no use hiding it anyway. Alam kong nakuha niya ang gustong sabihin ni Ma'am Ria kanina pero itinatanggi lang niya.

"Mahal kita, Gio," pag-amin ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"

Hindi ko naitago ang gulat nang halos isigaw na niya sa akin ang mga salitang 'yon.

Hindi ko naiintindihan.

Walang imik na pinagmasdan ko lang si Gio habang tila ba sising-sisi sa isang bagay na hindi niya nagawa, Pinanood ko ang pagkislap ng luha sa mga mata niya na at hindi naglaon ay sunud-sunod ang naging pagdaloy no'n sa pisngi niya.

Tila naging repleksyon ako nang estado ni Gio ngayon. Walang babalang nagsibagsakan din ang sarili kong mga luha habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko, ano mang salitang lalabas sa bibig niya ngayon ay masasaktan pa akong lalo.

He is crying. Gio is crying.

"You should've told me earlier, Carmen..."

Umiling ako sa kaniya. "Paano ako susugal sa isang bagay kung una pa lang ipinaramdam mo na sa akin na mayroon nang hangganan? Paano ko itataya ang puso ko sa isang tao na ni minsan hindi nagawang iparamdam sa akin na may importansya ako sa buhay niya?" Humakbang ako paatras, pinalalawak ang pagitan naming dalawa. "Oo mahal kita, pero hindi ako tanga para ipilit ang sarili ko sa buhay ng taong hindi naman ako kayang bigyan ng halaga."

Umawang ang labi niya ngunit bigo na makapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin habang tila ba isinasaisip ang lahat ng mga salitang sinambit ko.

And I took that as my cue to continue. To finally let all my bottled-up emotions out in front of him.

Because maybe through this... I'll be able to free myself from him.

Maybe, finally, I'll be free from him.

"Puwede ko bang piliin naman ang sarili ko sa pagkakataon na 'to, Gio?" Baka puwedeng pagtuunan ko muna ng pansin 'yong kasiyahan ko?" pakiusap ko sa kaniya.

"Kailangan kita." Humakbang siyang muli na agad kong nasegundahan nang pag-atras.

"Kailangan ko rin ang sarili ko, Gio." Tinuyo ko ang basa kong pisngi, binubuhay ang tapang sa puso ko para protektahan pa ang mayroon ako. "Pagod na akong saktan ang sarili ko. Sawang-sawa na akong umiyak. Gusto ko namang maramdaman kung paano sumaya. Gusto kong maranasan kung paano ngumiti ng totoo. Gusto ko ang lahat ng iyon... pero hindi ko magawa dahil mas importante ka sa kaligayahan ko. Pero ngayon, ako muna, ha? Ako naman. 'Di ba ang sabi mo sa akin pakakawalan mo ako basta magsabi lang ako?" pagpapaalala ko sa kaniya.

Sa kabila nang pagtutol at bigat sa dibdib ko ay humakbang ako muli palayo. I took an even greater step this time just to have more than enough distance between us.

Ayaw ko sa ginagawa ko ngayon. What I wanted was to be with Gio and comfort him. Kasi iyon naman ang papel na mayroon ako sa buhay niya. Ang gusto kong gawin ay damayan siya at ipaalala sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Pero alam ko rin na kailangan kong gawin ito dahil para rin naman ito sa ikabubuti ni Gio.

He needs to stand up on his own. He doesn't need me. He just got used to my company and being with each other became our habit. Pero sa tingin ko... naabot na namin ang hangganan.

Hindi kami parehong makakausad kung palagi kaming nakatali sa isa't isa. At higit sa lahat na alam kong kailangan niyang tumayo at itama ang mga mali niya. Gio is a lost soul and still trying to bring back his life. Hindi madali at maganda ang mga nagdaang taon sa kaniya at siguro ay kasakiman ang magdesisyon na iwanan siya.

But I do believe that there are battles that need to be fought from within. Sapagkat minsan, dahil sa kakaasa natin ang presensya ng ibang tao hindi na natin napapansin na ang paggaling na gusto natin ay mauuwi na lang sa pansamantalang paglimot. Na akala lang natin okay na tayo pero ang totoo ay pansamantala lang pala 'yon.

Because we were too attached to a person that being away from them would make us crumble down once more.

"Is this because of that guy?" he asked in a faint voice.

"No, Gio," I answered immediately. Protect Elon while being honest with him. "This is because of myself. And because you need to sort out things in your life on your own. Wala kang kasalanan sa akin kaya wala tayong problema. Pero ang ginawa mo kay Ria... bakit, Gio? Ano ba talaga ang dahilan mo? Kahit ako naguguluhan na sa'yo at sa mga ipinakikita mo. With me, it has always been her. Kaya nga kumpiyansa ako na mahal mo siya. Pero ang mga narinig ko sa kaniya... hindi ko na alam, Gio. Ang gago ng ginawa mo."

Malamyos na humampas sa balat ko ang malamig na hangin dahilan para mas lalo kong maramdaman ang basa kong pisngi. I tried my tears away once again for no one would do it for me except for myself. Nang makuntento at masigurong hindi na masusundan pa ang pagtulo no'n ay muli kong hinarap si Gio.

"Hindi puwedeng ganito na hindi ka sigurado kung ano ba talaga ang gusto mo. Mahirap lumugar sa buhay mo, Gio, sa totoo lang. Lalo na kung maging ikaw ay hindi rin sigurado kung ano nga ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo." Marahan ko siyang inilingan. "Aaminin ko, Gio, sobrang nasaktan ako sa mga pagkakataon na pinamukha mo sa aking si Ma'am Ria ang una at huli sa'yo. Natutuhan kong hanapan ng lugar ang sarili ko sa buhay mo... sa likod mo. Sa likod kung saan hindi mo makikita at gumagabay lang sa bawat paghakbang mo. I know how to handle that much, but Ma'am Ria clearly doesn't. Hindi niya dapat naranasan ang gano'n."

"Kung alam ko lang sana hindi ko na hinayaang makapasok siya sa buhay ko. Kung alam ko lang ang nararamdaman mo, Carmen, ikaw sana at ako," nagsisisi niyang sambit habang direktang nakatingin sa mga mata ko.

Malakas na kumabog ang dibdib ko nang maintindihan ang gusto niyang sabihin. Hindi ko masabi kung ano ba ang mas gusto kong maranasan. Parang mas okay pa yata na lihim akong nasasaktan sa pagmamahal sa kaniya kaysa sa ngayon na nalaman kong minsan akong naging laman ng puso niya.

Dahil kung gano'n, panatag at tanggap kong walang pag-asa. Walang ekspektasyon. Masakit man, pero okay lang. Hindi tulad ngayon na minsan siyang may naramdaman ngunit agad niyang sinukuan bago niya pa man ipaglaban.

It was real.

Pero bakit hindi ko makuhang matuwa sa pagpapatotoo niya sa mga salita ni Ma'am Ria kanina. Mas gusto kong itanggi 'yon at pabulaanan dahil hindi makatarungan sa parte ni Ma'am Ria.

We may not be close but I know that what she felt for Gio was real. Nasukat lang dahil sa nalaman niyang nakaraan ng lalaki. Hanggang ngayon hindi ko matanggap at naiinis ako na hindi niya kayang pakinggan si Gio. Pero hindi siya kailaman dapat na paglaruan.

"Why were you waiting for me? Why didn't you took the initiative?" I asked, feeling all the betrayal.

"Because I'm afraid to risk you. I fear to lose you."

Sunud-sunod na nagbagsakan ang luha sa mga mata ko dahil sa naging sagot niya sa tanong ko. Kulang ang salitang sakit dahil higit pa ro'n ang nararamdaman ko ngayon. I feel like I've lost all the best things that could've happened in my life only if Gio took the risk for us.

Am that unworthy for the try? Wala ba talaga akong halaga para hindi siya sumugal? Bakit kailangang maging ganito kasakit? Kung kailan sinukuan ko na... saka naman ibinigay ang mga bagay na hinihiling ko noon pa?

Ayaw ko na, eh. Napagod na ako. Unti-unti ko nang pinalalaya ang sarili ko sa lungkot. Pero bakit kakaibang bigat na naman ang nararamdaman ko ngayon?

Only if we were brave enough to admit our love.

Only if we were strong enough to hold onto each other... maybe we didn't fall apart.

"Sana sinubukan mo. Sana sinugal mo," nagsisisi kong wika habang lumuluha. "Sana tinapangan mo, Gio. Sana... sana tayo. Sana ikaw at ako."

Inilingan niya ako, tinututulan ang mga salita ko. "Mahalaga ka sa buhay ko kaya ayaw kitang mawala sa tabi ko. Sobrang halaga mo na natakot ako. I am an asshole for doing all these shits. For hurting you. And for dragging Ria into this." Muli niya akong nilapitan na hindi ko nagawang iwasan. "I treasure you so much that admitting my love for you became hard."

He loves me. The man I have been secretly loving is in love with me, too.

Gone are the hopes and fights. Gone are the days that I would wish for him to say those words to me. Because the words that I longed for have finally been said by Gio.

Sana pala hindi na ako nagpunta rito. Dapat hindi na lang ako nakialam para hindi ko nalaman ang bagay na 'to. I blamed a person where I should be the one to be blamed. 'Yong taong akala ko ay nakasasakit sa akin ay mas nasasaktan ko pa pala.

"Why, Ria?" talunang tanong ko.

"Because I thought she could be you," he whispered.

"Mahal mo?" tanong kong muli.

"Mahal kita, Carmen."

I staggered on my posts, hearing him directly saying those words as if letting all his lies be uncovered.

Pero mas gusto ko siyang magsinungaling ngayon. Gusto kong bawiin niya ang lahat ng mga sinabi niya alang-alang man lang sa bata na nasa sinapupunan ni Ma'am Ria.

"I got scared. Ayaw kitang mawala sa akin. I was on the verge of admitting it to you when I bumped into Ria at the campus' parking," kuwento niya. "Hindi ko naman alam na lalalim pa pala ang ugnayan namin pagkatapos nang araw na 'yon. Nakikita at nakakausap ko na siya dahil sa org pero hindi ko alam na magugustuhan namin ang isa't isa. And I thought of that as a route to take a detour from confessing how I felt for you. I asked her out then we became a couple.

"But as months passed by ahead of us, hindi ko makita na kasama siya sa pagtanda ko. I was only after her companion but not for the commitment she's ready to offer. And I just found myself talking more about you than getting to know her. And I know she felt that, too, kaya pinilit niyang kilalanin ako tulad nang pagkakakilala mo sa akin. Hanggang sa simula nang araw na 'yon, unti-unti nang nagkalamat ang relasyong mayroon kaming dalawa. Kaya sinubukan kong aminin sa'yo. Pero huli na ako. Napagod ka na. Hindi mo na ako nginingitian tulad nang bagong kilala lang nating dalawa. Hindi mo na hinahanap ang presensya ko. Hindi na ako ang kailangan mo."

Kung puwede lang hilahin ang oras at panahon na kami pa lang dalawa ang mayroon sa buhay ng isa't isa. Kung kaya lang naming ibalik sa punto na kuntento na ako kasama siya sa kabila ng sakit na dulot niya.

Sana pala naghintay pa ako. Dapat pala naglakas-loob ako kahit na walang kasiguraduhan ang makukuha kong sagot. Sana pala binasa ko ang mga ibig sabihin ng kilos niya noon. Sana naging matapang kami kahit na kaunti.

Kaso kahit anong kung puwede lang at sana pa ang sabihin ko ay hindi na mababago no'n ang katotohanang... naduwag kaming pareho. At may taong nadamay dahil sa takot naming isugal ang isa't isa. May taong nasasaktan dahil sa pagmamahal na pinaglaruan kaming lahat.

Ang daming pagkakataon ang nasayang at nabalewala. Samantalang ni isang subok ay hindi namin nagawa.

Kaso kasi... sobrang huli na.

"I never needed you, Gio," diretsong sabi ko.

I saw how pain flashed in his eyes, but I could do nothing about it. Iyon kasi ang totoo. Ni minsan hindi ko siya kinailangan dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa pagsisiguro na okay ang kalagayan niya.

I couldn't sugarcoat my words just to give him the words that he wanted to hear. Gio needs the reality now. Hindi na puwedeng idahilan na may personal siyang problema. It wouldn't justify what he did. It doesn't even need justification at all.

He used someone. I couldn't even think of a lighter word that could describe what he did. It may be unintentional, but the end result was someone crying and hurting.

And he must realize his fault.

"I just simply wanted to be happy, Gio. And I thought being with you, despite all the pain and tears I shed for you, would make me happy. Kaso mali pala. Dahil pinaniniwala ko na lang ang sarili ko sa bagay na imposible naman umpisa pa lang." Inilagay ko ang palad ko sa dibdib ko upang damhin ang mabilis at malakas na pintig no'n. "Napagod na kasi ito. Gusto na niyang sumaya. Gusto na niyang lumaya."

Humakbang ako paabante sa kaniya, para lapitan siya. He remained still while eyeing me pleadingly. Mukhang nararamdaman na niya ang susunod ko pang sasabihin.

Ilang beses ko pa bang kailangang sabihin ang bagay na ito bago magkatotoo? Hanggang kailan ako magpapaalam kung ang dulo lang din pala ay ang muling pagsasama namin ni Gio?

Maybe we still have that thing that binds us. The care and the love for each other. At alam kong hindi iyon mawawala. We may not be able to part ways physically because of the connection we have, at least, I want to give us enough distance emotionally for us to heal.

Kung paano ay hindi ko alam. Kung posible ba ay hindi ko rin alam.

"Wala na ba talagang pag-asa? Hindi mo ba ako puwedeng bigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa'yo?" umaasa niyang tanong.

Walang pakundangan akong umiling bilang sagot. "Hindi puwede. Lalo na kung may isang taong nasasaktan pa."

I placed my palm in his chest only to feel the same thing I felt with mine earlier. Malakas at mabilis din ang bawat tibok ng puso niya. Na para bang ang nais ipahiwatig ay ang puso niya at ang akin ay iisa.

Sana...

Kung puwede lang...

"Know your heart, Gio," seryosong saad ko. "Know who it wants. You shouldn't gamble in a relationship with a confused state. Masasaktan ka lang. At makakasakit ka ng iba. I know you're still being tailed by your dark shadows from the past, but that doesn't excuse you from the fact that you've inflicted hurt on someone. Think things through. Talk with Ria and clear things up."

Umatras ako para lagyan ng distansya ang pagitan namin. Ngunit nang babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa dibdib niya ay maagap niyang nahawakan iyon dahilan nang pagtigil ko.

Sinalubong ako ng malungkot niyang mga mata na mataman akong tinitingnan. Bakas sa magkabilang pisngi niya na galing siya sa pag-iyak isabay pa ang bahagyang pamumula ng ilong niya.

I know what I am feeling now is pain. But seeing how Gio shed tears tonight, for our situation, for me... for us, I felt even more miserable. Ipinamukha sa akin ng gabi na 'to kung paanong hindi talaga kami para sa isa't isa ni Gio.

Wala sa sariling pinunasan ko ang basang pisngi niya habang sa isip ay tahimik na hinihiling na maayos lang ang lagay niya. Kung hindi man ngayon, sana sa susunod na bukas ay umayon sa amin ang panahon. Na pareho na kaming sasaya... sa piling man ng isa't isa o kasama ang iba.

"Kung babalikan kita... kung sa unang pagkakataon ipaglalaban kita... may pag-asa ba? May babalikan pa ba ako? O ngayon pa lang susuko na ako?" sunud-sunod, malungkot, at mahina niyang tanong.

Parang pinipilit ang puso ko habang pinagmamasdan siyang umaasang nakatingin sa akin ngayon. Parang pinipiga ang puso ko habang nakikipagtitigan ako sa mga mata niyang puno ng takot at pagsusumamo.

Sinubukan kong magsalita ngunit tanging pagbuka lamang ng bibig ang nagawa ko. Kahit sa isip ko ay wala akong mabuong sagot na papabor sa aming dalawa ni Gio. Dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang buhay na mayroon para sa aming dalawa.

Ayaw kong pangunahan ang hinaharap ngunit ayaw ko na ring bigyan pa ng pag-asa ang puso ko kung sasagutin ko ang tanong niya. Alam kong aasa ako. Kahit na sa katiting na kasiguraduhan na ibibigay niya ay aasahan ko.

Kaya bago pa mauwi sa panibago na namang sakit ay ako na mismo ang gumawa nang hakbang para maproteksyunan ang puso at sarili ko.

Nagbaba ako ng tingin kasabay nang marahan kong pagbawi ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya. At kasabay nang muling paglukob ng lamig sa katawan ko nang mabigyan ng puwang ang pagitan naming dalawa ay ang paghakbang ko palayo.

Palayo sa taong mahal naman pala ako ngunit sa maling oras at pagkakataon.

Palayo sa taong akala ko ay magiging dahilan ng saya ko na nauwi lang sa sakit at lungkot.

Palayo sa kaniya.

Palayo kay Gio.

-----------------------------------------------------------------------------------

A/N: Thank you so much po! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top