Chapter 34

"I'm really against what you're planning, Cae," Auburn said in her warning voice.

"Dapat nandito ka para sa group study natin," paalala ni René sa akin. "Next week's finals, Cae. We don't have time to slack off. And more importantly, you don't have time for this shit."

Alam ko ang bagay na 'yon. At kahit ako ay kabado na rin at natutuliro. Hindi ko na nga rin alam kung pano pagkakasiyahin sa limitadong oras lang ang pagre-review sa mga subjects ko.

Next week will be our final term exams for our minor subjects. At may pasok pa kami sa ibang major para sa iba pang mga kailangang ipasa at ihabol na discussion. The following week after that would be our departmentalized exam for our finals in our major exams.

I don't really have the time to do something else right now especially if it doesn't concern studying. Pero hindi ko kasi kayang ipagpaliban.

Binabagabag ako at hindi matatahimik ang isip ko sa kaiisip ng isang bagay na hindi ko ginawa. This is the last time I'll do this for him. Para na rin masabi ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat para matulungan siya.

"I have a bad feeling about this, Carmen," nag-aalalang saad ni Renesmé.

"Anything would feel bad when it concerns Gio, René," komento ni Burn na nasisiguro kong katabi lang niya.

Nasa condo na kasi sila ni René ngayon. And supposedly, I should be with them dahil nga sa plano naming group study sana.

It creates a good environment kasi for me, and for the other girls, to be surrounded with people who are also studying. Maeengganyo ka rin na mag-aral. Though minsan talaga pumapalya at nauuwi na lang sa tsismisan.

"I promise this will be the last time," pangako ko sa kanilang dalawa.

"Don't make any promises, Carmen. Kahit ilang beses pa 'yan na piliin mong gumawa ng mga bagay para sa kaniya... siguraduhin mo lang na may ititira ka sa sarili mo," seryosong wika ni Burn.

"Loud and clear, Burn," pagpapanatag ko sa loob nilang dalawa.

"Hihintayin ka namin dito," si René.

Pabuntong hininga na ibinaba ko ang linya kasabay nang pagod na pagsandal ko ng likod ko sa inuupuan,

Kinakabahan ako ng sobra maisip ko pa lang ang gagawin ko. I know I don't have to go this far for Gio, but I want to make it easy for him at the very least.

Huli naman na ito. Hindi na masusundan. Iyan ang pangakong binitawan ko sa sarili ko magmula nang maisip kong gawin ang bagay na ito.

"Nandito na tayo, Ma'am," imporma ng driver ng taxi na sinasakyan ko.

Bumungad sa akin ang nagmamalaking pangalan ng condominuim na pinaghintuan ng taxi.

Bask Tower.

Malalim akong huminga, nagpapakalma nang muling maramdaman ang kaba.

"Salamat po," saad ko na mahihimigan pa ang nginig.

Mabilis kong inabot sa kaniya ang bayad bago tuluyang bumaba ng taxi.

Niyakap ako ng mainit na hangin ng Maynila wala pa mang limang segundo nang makawala ako sa lamig ng sasakyan. Tiningala ko ang kulay pilak na nagbibigay ngalan sa gusaling papasukin ko ngayon, sumisigaw ng rangya at pagmamalaki sa mga residente roon.

Ni hindi nga ako sigurado kung hahayaan ba akong umakyat ngunit nagbabakasakali pa rin ako. I've only been outside of the premises since all I did was to wait outside while Gio's visiting Ma'am Ria before.

Even with their invite, I never set foot inside. Respeto ko na lang sa sarili ko. Wala rin naman kasi akong gagawin kung saka-sakali mang papayag ako sa imbetasyon nila.I would gain nothing but heartache.

Sa huling isang malalim na hininga ay lakas-loob na humakbang ako papasok sa loob. Dire-diretso akong naglakad patungo sa information desk habang dala-dala pa rin sa dibdib ko ang kaba at takot.

"Good morning, Miss. How may I help you?" the woman greeted me with a smile.

"I'm visiting Miss Ria Jimenez, may I know what her room number is?" I asked politely.

"Does she know you're visiting, Ma'am?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko sabay iling sa kaniya. "Hindi po."

"I'll ask for confirmation first, Miss." She smiled at me shyly. "Protocol."

I nodded at her. I clasped my hands in an attempt to ease the nervousness I was feeling while waiting for the receptionist to give me a go signal. Handa ako sa gagawin ko, maganda man o hindi ang kalalabasan pero hindi ko pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko.

Gusto kong mag-back out pero hindi ko na magagawa iyon ngayon na ibinababa na muli ng babae sa likod ng front desk ang telepono.

"You may go inside now, Miss. Room 3001, Miss."

"Thank you so much po."

Sa ngiting ibinigay niya sa akin ay tumalikod na ako para magtungo sa elevator. I know how well-off Ma'am Ria was and being in this place just proved me so. Masyadong maganda ang pasilidad na sumisigaw ng gara at karangyaan. Malinis ang kapaligiran na para bang wala kahit na isang alikabok na dadapo sa kahit saan.

Ganitong babae ang mahal ni Gio. Not specifically about money and wealth, but how successful she was.

I fully understand now... the difference between the two of us. She's successful already. While I was still lost with no particular direction that I wanted to take.

With the sound of the elevator indicating my arrival on my intended floor... my heart boomed once more. Kung sa biyahe patungo rito ay kinakabahan na ako, mas lalo lang nagparamdam sa akin iyon ngayon na malapit na kaming magkatagpo.

Hindi ako nahirapan na hanapin ang unit ni Ma'am dahil ilang hakbang lang ang layo no'n sa elevator. Ang naging mahirap lang ay ang simulan na maglakad patungo roon. Biglang bumigat ang paa ko, pinahihirapan akong maglakad sa kabila nang kagustuhan ko.

Only when the door opened made me moved. Only when a familiar silhouette of a man came to my vision made my steps faster.

"Leave me alone!" Ma'am Ria shouted with a plea. "I don't want you. I don't want to see you!"

"Ria... please..."

Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko habang halos takbuhin na ang maliit na distansya sa pagitan namin.

And upon closing the distance, I immediately did one thing to protect this man.

"Stop, Ria," pakiusap ko.

I held Gio in his right arm and pulled him behind me. Of course, it wasn't as easy as blinking my eyes. But with a weak Gio, it became a bit easier.

"What are you doing here, Cae?" Gio asked behind me.

Even before I could speak and answer him, Ma'am Ria spoke again.

"Thank God, Carmen!" she emphasized. "Take him with you please. Kanina pa siya rito."

Hindi ko alam kung sinasadiya ba niya o talagang iyon ang nararamdaman niya. Malinaw ang bakas ng iritasyon sa ekspresyon ng mukha ni Ma'am Ria habang nakatingin sa akin.

At kung magiging tapat man ako sa sarili ko, mas gusto ko nang saluhin ang mga tingin niyang 'yon kaysa sa makita ang pandidiri sa mga mata niya habang nakatingin kay Gio.

I wouldn't complain about standing in front of him and being his shield. I could go to that extent just to make him feel like he still hasn't lost everything in his world. Na nandito pa ako. Na may karamay pa siya at may nagmamahal pa rin sa kaniya.

"Have you talked to him?" I asked carefully, trying not to ignite her anger more. "Did you listen to him?"

"People have said more than enough already," she calmly replied.

"And their words matter more than his?" I scoffed. "I'm disappointed, Ma'am."

"Carmen, stop," awat sa akin ni Gio.

"No, Gio. This needs to stop." Tinalikuran ko si Ma'am Ria para harapan siya. "You need to stop being scared of whatever she'll say. You know yourself better than anyone in this world. Hindi dahilan na may hindi ka magandang nakaraan para matakot kang humarap sa ibang tao. Na manliit ka dahil lang sa mga sinasabi nila, na hindi mo nga dapat pinakikinggan dahil mas importante ang katotohanang mayroon ka sa sarili mo. You've been fighting for so long with your past haunting you down. You don't need a woman who would look down on you more."

The feeling of being ashamed, constantly being stared at as if you're one criminal but with no official records. That's how Gio has been living the last years of his life. He's been constantly looked down on by a lot of people, by his relatives, neighbors, and even by strangers who just overheard his story.

Images of his house entered my mind seconded by the people's word about their fear and how dirty Gio was. And I couldn't help but cry on his stead. I didn't even dare wipe the warm liquids streaming down my cheeks.

I wanted to feel it... the weigh that my tears had been carrying. I wanted to embrace it, and feel it once more... the pain and the pity I felt while looking after Gio.

A life with no one by his side. No one to celebrate his win with. No one to cry over his loss and no one to give him words of affirmation. No one to tap his shoulder as a compliment for a job well done. And no one to remind him how important he was.

I thought he finally got one. And I know, Gio thought of the same thing with Ma'am Ria entering his life. Dahil tulad nang sinabi niya noon sa akin, nandiyan siya. Siya ang dahilan sa muling pagngiti niya.

Siya ang pumuno sa espasyong kulang. Siya ang nagbigay muli ng ngiti sa mga labi ni Gio. And dahilan nang pagliwanag muli ng buhay na mayroon siya.

Si Ma'am Ria...

Siya ang nagtahan.

Siya ang pinili.

Pero sa huli... siya rin ang nang-iwan.

How cruel life could be for Gio? Gusto lang naman sumaya ng tao. Na sumubok muli sa isang pagmamahal na tatanggapin siya ng buo. Pero mukhang kahit ang isang bagay na iyon pa yata ay ipagkakait sa kaniya dahil pa rin sa kaparehong dahilan ng lahat ng paghihirap niya.

Dahil sa nakaraan niya.

"Who are you to judge my love for him, Carmen?" sa mababang boses ay tanong niya sa akin.

Marahan siya ko siyang nilingon, buong tapang na ipinagtatanggol si Gio. No one would do it for him, not even himself. Kaya ako na lang. Para sa kaniya. At para sa ikapapayapa ng buhay niya.

"And how dare you believe in those people's words more than believing Gio? Alam mo ba ang buong kuwento? Alam mo ba kung paano siya bago mo siyang nakitang matatag? Nasaksihan mo ba ang lahat ng laban niya para gano'n na lang kadali sa'yo na balewalain siya?"

Hindi siya nakaimik sa mga sunud-sunod kong salita. Hindi siya nag-iwas ng tingin, at gano'n din ako sa layunin na ipaintindi sa kaniya ang parte ni Gio na basta na lang niya hinusgahan dahil sa mga salita ng iba.

I know I am in no position to say these words. Hindi ko nga dapat siya sinusumbatan at hindi dapat ako nakikipagkwentahan. And I know I could've said them better. But I chose to take the harsh way for her to know how painful everything is for Gio.

Hindi lang siya nagsasalita pero alam ko na sa loob niya ay halos mamatay na siya.

"A place like this traumatized him. Shallow corridor, uniform wall color... hotel-like ambiance, and yet he doesn't even hesitate to go here just to be with you. Everytime. Every single time you'd call and asked for his presence, he would go. Kahit pa sa bawat lingon ni Gio ay memorya nang pagkawala ng ina ni niya ang nakikita niya. Gano'n ka niya kamahal." I forced myself not to blink afraid that if I would do so... tears would get the best of me. "He's willing to swallow his fear for the sake of seeing you. Gano'n ka niya pinahahalagaan. At gano'ng klaseng pagmamahal ang sinasayang mo dahil lang hinahayaan mo ang sarili mo na kontrolin ng mga salitang naririnig mo sa ibang tao."

Hindi pa rin siya nagsalita, nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang hinahayaan ang sarili niya na maintindihan ang bawat salitang binibitawan ko sa harap niya.

"You should've understood. You could've taken his side. And you should've listened at the very least. Hindi ganito na kung ituring mo siya ay para bang siya ang humawak ng kutsilyong kumitil sa buhay na ina niya." Marahan akong napailing, sabay yuko nang maramdaman ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng mga mata ko.

And my battle with my own eyes didn't last longer. I let it pour once more while still carrying the feeling of pain... and pity.

"Kaso, Ria, grabe naman. Sobra naman yata na para sa isang nakaraan lang ay iiwan mo na lang siya ng gano'n na lang," pagbabalik ko sa usapan na siyang rason kung bakit ako nandito. Napayuko siya, nahihiya o umiiwas ay hindi ko na alam. "Hindi naman siya ang may kasalanan. Ni hindi man nga nadungisan ang kamay niya pero kung itrato mo siya para bang siya ang pumatay sa sarili niyang ina."

"His father killed his own mom," she spoke absentmindedly.

"And it wasn't his fault!" pagtataas ko

"Calm down, Cae," bulong ni Gio sa likod ko.

"Sa tingin mo ba ginusto ni Gio ang nangyari?! Hindi, Ria! Kailanman hindi niya iyon gugustuhin! His mom was his best friend, and she was taken away from him. And he witnesses that right in front of his eyes. Gio saw how his Mom took her last breath. And how dare you look at him as if accusing him of a crim, Ria. Of all people! Ikaw pa talaga! You should've understood. You should've never judged him that easy. Kiala mo si Gio at dapat alam mo na hindi niya iyon gagawin. Pero hindi, eh. You chose to get swayed by the words people were throwing at him na para bang hindi siya ang taong minahal mo.

"Pinaglaban ka niya, Ria. Kahit na alam niyang mali dahil propesor ka at estudyante mo siya, sumubok pa rin siya. Sana inalala mo 'yon. Dapat inisip mo iyong pagmamahal niya sa'yo bago mo siya tiningnan katulad ng tingin na binibigay sa kaniya ng ibang tao."

"I'm sorry if I wasn't you," she whispered. "I'm sorry that my heart was weak, and I wasn't able understand things quickly like you did." Pinaligiran ng luha ang mga mata niya habang direktang nakatingin sa akin. "Hindi kasi ako ikaw, Carmen. Hindi ako katulad mo na sobrang tatag, I was shocked and terrified. I didn't want to believe them, but I got swayed. Natakot din ako. And I don't like the feeling of looking at him while in my head I was thinking of the same thing as people did."

Hindi ko naramdaman ang kaparehong insultong una kong naramdaman sa mga salitang narinig ko mula sa kaniya. Those were the words I often tell myself. That I wasn't her.

The same words Gio told me that made me feel so low.

Pero ngayon, ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang sakit na kaakibat ng mga huling salitang sinambit niya. At ang pag-intindi dahil tulad ko... natakot din ako na baka maapektuhan din ako ng salita ng iba.

"We are bound to fall, Carmen. Gio and I... it won't work," may himig ng lungkot na saad niya.

"Because you never did something to hold on, Ma'am Ria," ganting bulong ko.

"Ano bang alam mo, Carmen?" sikmat niya sa akin. "Bakit kung makapagsalita ka, eh, parang alam mo ang bawat sulok at kanto ng relasyon naming ni Gio?"

"Ria, stop," awat ni Gio sa kasintahan nang bahagyang tumaas na ang boses nito.

Kusang umangat ang ulo ko para harapin siya. Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Na parang bang biglang bumalik sa akin ang lahat ng pagkakataon na sinasamahan ko si Gio habang abala ang lalaki sa kaniya.

It was as if I was reminded of my stupidity... staying with a man who's busy being happy with his love while I was silently waiting for him to spare me a bit of his time.

The pain I thought I already forgot came rushing in, crashing me good once again. My walls started to crack bit by bit, that every slap of reality she's giving me makes me want to find another shelter to protect myself.

How could I forget those moments that I felt so little? How could I erase those days in my memories where I was left alone at a place while waiting for Gio to come back for me? And how many times I got stood up... for her. For the woman I would never be.

I know I am not as important as she has always been in Gio's life. And I don't even want to compare, not compete with her for I know where I stand. Ang gusto ko na lang talaga ay matulungan si Gio na magpaliwanag. Lalo na kung ang taong paliliwanagan niya ay sarado sa isang panig ng kuwentong hindi niya nais mapakinggan.

"Totoo naman, Gio. Alam mo 'yan noon pa man, ang puno't dulo ng mga away natin. Umpisa pa lang may nakaharang na na pader sa ating dalawa. Mula unang araw na nakilala kita, siya na ang bukambibig mo. Si Carmen na ang laman ng isip mo!" sigaw niya.

"Dahil kaibigan niya ako, Ria!" sigaw ko pabalik, hinahayaan ang sarili na damhin ang mga emosyong ilang buwan nang pumupuno sa akin. "At alam ko ang lahat ng tungkol sa inyo dahil kasama niya ako sa pagtatago ng relasyong mayroon kayo! Hinayaan ko siyang gamitin ako sa pagpapanggap ninyo dalawa para maipalabas na mayroon kaming relasyon para protektahan ang sa inyo! Syempre alam ko!" Pagak ako natawa. "Alam ko dahil nandoon ako, sa kaparehong lugar kung nasaan kayo... naghihintay na bumalik sa akin si Gio kapag tapos na kayo."

"Paano ako, Carmen?! Paano ako na nakikinig sa bawat kuwento niya patungkol sa naging araw ninyong dalawa? Paano ako na puntahan niya tuwing pakiramdam niya may hindi siya magandang nagawa sa'yo? Paano ang nararamdaman ko na girlfriend niya?! Paano ako na pinangakuan niya ng pagmamahal na para naman pala sa iba?!"

Kusang umatras ang mga paa ko sa hindi inaasahang mga salita na natanggap ko mula sa kaniya. Kulang ang salitang gulat, ni wala ngang salitang sasapat para maisalarawan ng perpekto ang nararamdaman ko.

Sa unang pagkakataon ngayong gabi, naubos ang tapang na baon ko. Sinubukan kong bumuo ng kahit na anong tipid na salita para labanan ang mga salita niya. Ngunit tanging katahimikan lang ang naibigay ko.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga iyon. Para sabihin na nagulat ako ay hindi sasapat para isalarawan ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit ang gulat na nararamdaman ko ay nalalaman ng higit pa sa isang daang porsyento ng kalituhan.

Why would Gio do that? What was his reason for telling Ma'am Ria things that shouldn't matter to him?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo pero malinaw sa akin na mahal ka ni Gio," lakas-loob kong sabi sa gitna ng kalituhan. Nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya, sinalubong ang luhaan niyang mga mata.

"Hindi mo ba talaga naiintindihan?!" Ginapangan ng luha ang magkabilang pisngi niya dala ng hindi na napigilan pang emosyon. "Ikaw ang mahal niya!"

Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko nang marinig ang mga salitang 'yon. I know how wrong those words are. Siyempre alam ko! Dahil ni minsan na kasama ko ai Gio... hindi ko naramdaman na may halaga ako.

A loud beat from my heart and I knew I wasn't dreaming. But instead of the feeling of joy that I should feel hearing those words from her, I felt drained... and even more empty.

Sa sitwasyong mayroon kami ngayon, kinakaawaan ko ang sarili ko. Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng lugar sa buhay ni Gio ng higit pa sa gusto ko. Nakatatak na na kaibigan lang ako at malinaw sa akin iyon.

But how foolish my heart is... to still want to believe in her words

Hindi iisang beses na hiniling kong marinig ang mga salitang 'yon. Ilang pagkakataon na pinangarap kong matanggap at maramdaman ang pagmamahal mula kay Gio na hindi limitado sa kontekstong pagkakaibigan na pumapagitna sa aming dalawa. At ngayon na narinig ko na, hindi man galing direkta sa kaniya, pinangingibabawan ako ng sakit imbes na saya.

Dahil alam ko na hindi totoo. Alam ko na kailanman ay hinding-hindi ako makikita ni Gio.

It has always been Ma'am Ria. And it stayed that way for the past months and forever will be. Kaya mahirap paniwalaan ang mga haka-haka ni Ma'am Ria dahil kung totoong mahal nga ako ni Gio tulad nang sinabi niya... bakit ni minsan hindi ko naramdaman na masaya ako sa piling ng lalaking pareho naming minamahal?

"Hindi... hindi 'yan totoo," mahinang tanggi ko. "Dahil kung totoo 'yang mga sinasabi mo ngayon... bakit palagi akong nasasaktan ni Gio? Bakit palagi akong umiiyak? Bakit palagi akong nanliliit sa sarili ko? Bakit ni minsan hindi ko naramdaman na mahalaga ako? Bakit palagi kong ikinukumpara ang sarili ko sa iyo?"

Nakaramdam ako nang pagkilos sa likuran ko kung saan nakatayo pa rin si Gio. Naramdaman ko ang ginawa niyang marahang paghawak sa kamay ko mula sa likod ngunit awtomatikong binawi ko iyon.

All I could think of right now was all the memories I have, images of me doubting myself and my worth. Pictures of myself smiling in front of Gio while all I could feel was pain seeing him smile for another person.

"I was there, Ria," I painfully said, dropping the honorifics.

Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas na kausapin pa rin sila gayong ang gusto ko na lang gawin ay tumakbo. Gusto ko na lang magtago at protektahan ang sarili ko.

Dapat masaya ako, eh! Dapat nagdidiwang ako dahil inaasam ko na mahalin ng isang Gio! Kaso nakakaloko ang sitwasyon. Nakakaloko at nakakapanglumo na tanging si Gio lang ang may alam ng totoo.

Gumuhit ang bagong bagsak na luha sa magkabilang pisngi ko, paalala na sa hindi mabilang ba pagkakataon ay umiiyak na naman ako. "All along I was beside him, but he never looked at me the same way. I was the one who wiped his tears and hushed him down. But I never felt important, Ria. Not appreciated. Dahil alam ko na tuwing kasama ko siya... ikaw at ikaw pa rin ang nasa isip niya. Ria, wala akong ibang naramdaman kundi sakit dito." Tinuro ko ang dibdib ko kasabay nang masaganang pagtulo ng mga luha sa dalawang mata ko.

"Ilang beses akong nagpanggap na masaya ako kasama siya kahit paulit-ulit na pangalan mo ang sinasambit niya. Ilang beses akong ngumiti kahit na ang gusto kong gawin ay umiyak para malaman niya na nasasaktan na ako ng sobra." Ininda ko ang paghapdi ng mga mata ko nang muli na namang magbagsakan ang luha sa mga mata ko. "Ikaw ang pinili niya. Kahit na mas nauna ako sa buhay niya pero ikaw ang gusto niyang makasama. Lahat nang nagawa mo... ako ang naunang gumawa. Ako ang unang nagtahan, ang unang humawak sa kamay niya, at ang unang nagmahal sa kaniya. Pero ikaw... ikaw ang mahal ni Gio. Ikaw ang gusto niyang makasama sa buhay niya. Hindi ako. Kailanman hindi magiging ako."

I knew that fact all along but saying it right in front of them just deepened the scar that was already engraved in my heart. Akala ko sagad na iyong sakit na nararamdaman ko. Pero sa isang gabi lang ay mas lalo pang dumami ang hiwa sa puso ko.

This isn't what I went here for. I wanted to fix him... only to get myself broken even more.

"Huwag mo sanang sukatin ang pagmamahal ko sa kaniya, Carmen," saad niya na puno nang pagkadismaya. "I may not know him the same way you do. Or I may not love him as deeply and intensely as you did. But I know that I loved him enough... I have and still loving him too much that I gave him everything in my life."

Someone prove me wrong! Someone slap me in my back to wake me up from this.

Alam ko ang gusto niyang sabihin. Hindi buo pero kuhang-kuha ko ang gusto niyang ipunto. At para iyong panibagong guhit na naman ng patalim sa dibdib ko.

Panibagong sugat at sakit... panibagong luha at pighati.

"Sumugal din ako sa kaniya. Sa ibang paraan ngunit sa kaparehong dahilan. Mahal ko siya, Carmen. Hindi naman siguro ako magpapabuntis kung hindi, diba?"

Nabuway ang tayo ko dahilan ng muntik ko nang pagkatumba. Kung hindi pa siguro ako nasalo ni Gio ay talagang sa sahig ang bagsak ko. But as if burned by a fire, I quickly distanced myself from him... from his touch and grip. Mabilis ang naging pag-atras ko sa katotohanag isiniwalat ni Ria ngayon sa harap ko.

From her words even before the truth she spoke, I know what it was that she was trying to say. And I was hoping I was wrong. Dahil alam kong masasaktan na naman ako.

Naging malalim ang sunod na paghugot ko ng hangin para paluwaging muli ang naninikip kong dibdib. Marahan ko pang tinapik ang parte na iyon kung saan ramdam na ramdam ko ang bawat malalakas na pintig ng puso ko.

Nasasaktan ako kahit hindi dapat. Nalulungkot ako imbes na maramdaman ko ang saya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

She is pregnant. Gio is going to be a father.

Gano'n kalalim na tiwala at pagmamahal siguro talaga ang mayroon siya para sa babae na maging ang isang bagay na lubos niyang kinatatakutan ay handa niyang harapin.

"You told me you don't want it, Gio," I whimpered in a voice reflecting how betrayed I was. Sobrang hina nang pagkabigkas ko na parang magaan na dampi lang ng hangin sa balat ko... hindi maramdaman... hindi mapakinggan.

"You're joking, Ria," he said, directed towards the woman in front of us who never stopped crying from the very start. "We have talked about it."

"Then you should've been more careful, Gio." Mahina siyang natawa. "If you don't want it then fine. I am not forcing you to be the father of our child."

"Was that the reason why you are so disgusted by Gio?" Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Tama ba, Ria?"

"Ano ngayon kung iyon nga? I want the best for my child and having him as my child's father would only make my baby suffer. You get me?" Another tear fell from her eyes. "Kahit sinong ilagay sa sitwasyon ko iyon ang magiging reaksyon. Kahit sinong tao gugustuhing layuan si Gio."

"Siguro ikaw. Siguro sila. Pero hindi ako. Alam mo kung bakit?" Kusang pumikit ang mga mata ko nang maramdaman na naman ang pag-alpas ng luha mula roon. "Kasi alam ko na hindi siya ang ama niya. Dahil kinilala ko siya sa likod ng nakaraan niya. I know how good of a man Gio is. And I bet you know that, too. Hindi mo siya mamahalin ng ganiyan kung ang unang ipinakita niya sa iyo ay puro katarantaduhan lang. Mabuting tao si Gio, alam natin 'yang pareho. No amount of justification would suffice to clean his name for what he did to you. And I don't want to clean his name. I just want to make you realize that there is a clear borderline between a parent and child. Tingin mo gagawin niya sa iba ang bagay na nagdulot na ng sakit sa kaniya? Would he want to give trauma to other people the same way he got traumatized by his past? I doubt it, Ma'am."

Katahimikan ang naging sagot niya sa akin. At lubos kong naiintindihan iyon. Everything happened so fast and she's still trying to keep up with everything.

Marahan kong hinarap si Gio sa unang pagkakataon ngayong gabi. "Ayusin mo ang buhay mo, Gio. Hindi na kita kayang tulungan sa pagkakataon na 'to. The problem is within you. The problem is you." I pointed at his chest. "Alamin mo ang talagang laman nito. Maging malinaw ka sa sarili mo bago ka pumasok sa isang relasyon. Because clearly, you're not ready for it."

I was ready to finally take my leave. But with one step, Ria spoke again.

"I wish I was you, Carmen," she said after keeping silent. "So that I would know Gio more. I wish I was in your place for me to know and understand his situation better... and earlier. Kaso hindi. Ang kaya ko lang gawin ay matakot sa mga naririnig ko dahil wala naman talaga akong alam tungkol kay Gio. Sana nga, eh. Sana ako na lang ang nasa posisyon mo. Para hindi ko na nadagdagan pa ang sugat sa puso niya. And I'm sorry if I am not you. I'm sorry if I wasn't able to love him more than you do."

"Ria..."

"Stop saying nonsense, Ria. Cae doesn't love me. We're just friends," Gio butted in.

And even at this moment that everything is slowly starting to come out... he's still hurting me.

"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo, Gio. Naging sentro na rin ng mga pagtatalo natin pero hindi ka naniniwala kahit na paulit-ulit ko nang nililinaw sa'yo. Mahal ka ng kaibigan mo!" pagbibigay niya ng diin. Nagbaba siya ulit ng tingin sa akin. "Mahal mo siya, diba?" mahinang tanong niya.

"Prove her wrong, Carmen," Gio insisted behind me.

Napatayo ako ng tuwid sa hindi inaasahang tanong ni Ria. Gusto kong magpatay-malisya sa mga narinig ko sa kaniya dahil sadiyang napakahirap paniwalaan. Pero kahit anong tanggi ko... hindi pa rin iyon nawawala sa isip ko.

How can I prove something if it was the truth all along?

That I love him.

Since then...

Still...

"I don't need to answer that." I cleared my throat, trying to appear tough despite feeling weak and defeated. I also wiped my tears slowly as I composed myself for my leave. "I came here with the intention of making it easy for you, Gio. I paid a visit because I thought I would be able to open Ria's mind about your situation. Kaso mukhang hindi na nga talaga ako ang kailangan mo ngayon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top