Chapter 32

Kusang humigpit ang pagkakahawak ko sa baywang ni Elon nang tahakin namin ang pakurbadang kalsada papasok sa mapunong daan malapit sa Apex. It was like a scene out of a movie. Sobrang ganda ng mga puno roon, malalago at berdeng-berde ang kulay.

Ilang minutong biyahe pa at narating na naman ang open parking area sa gilid ng Apex. Wala pa masyadong sasakyan o motor kaya mabilis lang kaming nakahanap nang mapapag-parking-an.

Elon assisted me when I was getting off by holding me on my elbow, making my heart swirl as I felt the familiar emotion he never failed to give me. The security and the never-ending butterflies in my stomach.

"Let me," he softly said pertaining to the helmet I was trying to wear off.

Aatungal pa lang sana ako nang pagtutol nang alisin na niya ang kamay kong nakahawak sa strap. He continued what I was doing earlier with utmost care as if I was a fragile piece of jewelry that needs to be protected.

"What time is your dismissal?" he asked me after finally taking off the helmet from my head.

Inayos ko ang buhok ko habang pinanonood siyang alisin din ang suot niyang helmet. "I'm not going to tell you," sagot ko.

"Why?" he asked mischievously.

"I'm not answering that, also."

I don't want to make it look like I was assuming things. Well, I am. Ayaw ko lang kasi na abalahin pa siya kung sakali mang balak niyang sunduin nga ako.

"Tara na, gutom na talaga ako," pagbabago ko nang usapan.

Magaan niya akong nginitian sabay tango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

Pinangunahan ko ang paglalakad papasok sa Apex. Ini-scan ko ang ID ko scanner na unang bubungad pagkapasok mo sa gate. Elon did the same bago pinantayan ang paglalakad ko.

Mabilis naming narating ang Forest at agad din kaming nakahanap ng mauupuan. Sa gitnang bahagi kung saan may sementong lamesa at upuan na kulay kayymanggi. May mga kalapit din iyong mga lamesa na okupado ng ibang estudyante.

"Bakit ngayon ko lang napuntahan 'to?" manghang tanong ni Elon sa sarili.

He took out his phone from his pocket for him to capture the scenery in front of us. Kulay berde ang mga dahon sa malalagong punong nagkalat sa buong lugar.

Ngunit mas gusto kong pagmasdan ang mga tuyong dahon sa ibaba. Mas masarap sa mata bagaman kalat lang ang tingin doon ng iba. It doesn't look like a place that could be found in the Philippines. It looks like an autumn-themed palace with dried and falling leaves.

Kusang kumilos ang isang kamay ko para kuhanin din ang sariling cell phone. I captured the view in front of me. Not nature and its beauty, but Elon taking a picture of the trees. My hand was not in my control anymore, like what happened back at the e-congress. I just felt like capturing him and how fascinated he is by the art of nature.

"Para kang si René," puna ko nang mapansin ang pagkakapareho ng dalawa sa kilos. Muli kong itinago ang cellphone ko bago niya pa makita ang ginawa ko.

"Ako?" Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Mahilig din kasi siyang kumuha ng nga litrato. Kahit saan kami magpunta, palagi niyang nililitratuhan ang mga tanawing mahahagip ng paningin niya."

"Because it's healing for me," he said. "That despite all the bad things in this world, there's a place like this that could help give us peace. At sa bilis ba naman ng mga pagbabagong nangyayari sa panahon ngayon, hindi malabo na bukas-makalawa, eh, putol na ang mga ito."

"You love nature?" I asked.

"I love nature and how it looks, how lively its color is. I love how magical it can be even without doing anything." He took the food I gave him. "But sadly, it's slowly deteriorating."

"No wonder your paintings are mostly about nature," I pointed out.

"Paano mo nalaman?" Umaliwalas ang mukha niya at bahagyang kumingnang ang mga mata. He even leaned forward a bit para mas marinig niya ang sasabihin ko.

Bigla akong pinamulhan ng mukha nang salakayin akong bigla ng hiya. Now, I remember who Elon was in my life before we got this close. As if a rewind button was hit in my life, the fangirl me came rushing into my mind.

Kung paano ako umupo ng matagal sa likod ng McDo na katapan ng mga pinta niya at habang pinanonood siya. Kung paano ko siya i-stalk sa lahat ng social media accounts niya para alamin ang pinakahuling balita tungkol sa kaniya. At kung paano ako kinilig sa unang beses na makaharap ko siya at ang pagpagpalitan namin ng mga salita.

Pero ngayon, tila nag-iba ang ihip ng hangin para sa aming dalawa.

At kasabay nang pagbalik ng mga bagay na 'yon sa isip ko, naging malabo para sa akin ang dahilan kung paano at saan nagsimulang maging ganito kami ni Elon. I don't know his reason and I am a scaredy cat who's afraid to ask.

Minsang nagbigay ng pahaging, oo. Pero ayaw kong pangunahan ang tunay na kahulugan niya para roon. Ayaw ko ring tanungin dahil ayaw kong malaman ang sagot niya.

"Carmen? Paano mo nalaman?" pag-uulit niya ng tanong.

"I... uh..."

"Come on, lady. I'm just curious. The way you talk indicates that you know a thing or two about my arts," he said.

Napakagat ako sa japanese cake na hawak ko para bigyan ang sarili ko ng kaunting panahon para makapag-isip ng matinong sagot. Sagot na hindi ko mailalaglag ang sarili ko.

"I've seen it on your social media accounts," I answered after swallowing the food I ate.

"That's it?" His right brow shot up, seeking a more specific answer.

"Well, yes. I guess," I said in an uncertain voice.

Mukha pa rin siyang hindi kumbinsido sa sagot ko ngunit hindi na nagkomento pa. A smirk even formed in his lips as if knowing something. Hindi niya ako nilubayan ng tingin at dahil sa hiya ay nanatiling nakayuko na lang ako habang inuubos ang almusal ko.

Wala namang nakakahiya sa bagay na 'yon, ang paghanga ko kay Elon at sa mga pinta niya. Pero ang aminin 'yon ng harap-harapan ay hindi ko kaya.

"Narinig mo na ba 'yong usasp-usapan nitong mga nakaraang araw?"

Mabilis na nakuha ng babaeng nakaupo sa katabi naming lamesa ang buong atensyon ko.

"'Yong tungkol ba tatay ba 'yon ng isang crestian na nakakulong?" patanong na sagot ng babaeng katapat niya.

Biglang kumabog sa kaba ang puso ko. Kulang-kulang man ang pinag-uusapan nila, nakabubuo na agad ng ideya ang isip ko. Natigilan din ako at hindi nakagalaw sa pagkatulos ko sa kinauupuan.

"Okay ka lang ba, Carmen? May problema ba?" mahinang tanong niya sa akin, marahil ay napansin ang pagkatigil ko.

I wasn't able to utter a word nor to move a bit to give him any answer that would indicate that I'm fine. Nawalan ako ng lakas. Pinanghihina ako ng katotohanang kalat na pala ang balitang ito.

Inaasahan ko na ang ganito pero nagbabakasakali pa rin akong hindi magkakatotoo. I was certain that someone was listening to what Gio and Ma'am Ria had talked about. Malinaw iyon sa akin pero bakit nakalimutan ko? Bakit wala akong nagawa para pigilan iyon?

'Yong bagay na kinatatakutan ko... nangyayari na.

Gano'n kabilis na kahit kahapon lang nangyari ay ang dami na agad tainga na nakarinig.

"Nakakatakot, 'no? Grabe, akala ko nagbibiro lang si Jade noong kinuwento niya sa akin last time. Totoo pala," bakas ang kilabot na saad nang naunang nagsalita.

Pasimple ko silang nilingon. Base sa kulay puting uniporme na suot nila ay mga taga College of Science sila. Tanging ang course nila at ng mga nasa College of Criminal Justice Education lang kasi ang may prescribed uniform.

"Sinabi mo pa. Gusto nga akong ilipat ng school ni Mommy noong nalaman niya. The news is creepy itself. You know, anong malay natin. It runs in the blood."

Lumikha ng kaunting ingay ang ginawa kong paglukot sa maliit na paper bag na pinaglagyan ng kinain ko. Mabilis ding umakyat ang inis sa ulo ko at ang pagbalot ng iritasyon sa akin.

The words they said are not exactly the best they could choose for the situation. Parang ang gusto nilang iparating ay kriminal na rin ang taong 'yon na pinag-uusapan nila gaypng kung tutuusin ay biktima lang din naman siya.

"It's Gio, right? 'Yong engineering na president ng TADS? 'Yon ang mga naririnig ko. Iwas na iwas na nga sa kaniya ang mga tao," saad ng babaeng nasa kanan.

"Siya nga. Nakita ko nga kaninang nasa main ako, nagpunta yata siya ng GAD tapos lahat ng dinaanan niya umiwas sa kaniya. Tapos parang balewala lang siyang naglalakad. Deadma si Kuya," pagkuwento naman ng nasa kaliwa.

"Paano naman kasing hindi magiging gano'n ang reaksyon ng mga tao? Pinatay ba naman ng Dad niya ang Mommy niya sa isang hotel. Gosh! How disgusting is that! Hindi ba niya minahal ang asawa niya? Who knows he also has a criminal mind!"

Nabura ang lahat ng tuwang nararamdaman ko kanina kasama si Elon. Nagmistula akong isang baterya na kanina ay punung-puno ngunit unti-unti nang nabawasan hanggang sa maubos at masimot na.

Of all the times I would forget about Gio, bakit ngayon pa? At bakit ba nawala sa isip ko na may nakarinig nga pala sa usapan nila ni Ma'am Ria nang araw na 'yon?

Mabilis akong pinaligiran ng luha na pilit kong nilalabanan sa takot na makita ni Elon 'yon. At kung kanina ay sakop ni Elon ang isip ko, mabilis na naokupa 'yon ni Gio.

"Carmen..."

Awtomatikong pumorma ng isang ngiti ang mga labi ko sa pagtawag niya na 'yon. Pero agad din 'yong nabura nang balutin ako ng pag-aalala para kay Gio.

Ni hindi ko man lang nakumusta. Hindi ko man lang tinanong kung okay siya o kung anong nararamdaman niya. Ang huling pagkikita pa namin ay ang araw at maging ang mag-usap ay hindi na namin nagawa dahil sa biglaan niyang pagkawala.

After that... wala na. I enjoyed my morning as if there was no Gio. At naiinis ako sa sarili ko kung bakit pansamantala kong nakalimutan ang taong 'yon na alam kong mas higit na kailangan ako.

Inuna ko pa ang kiligin kaysa sa damayan siya. Mas inuna ko pa ang iba kaysa sa kaniya.

Kaibigan ba talaga ako?

"Papasok na ako," mahinang sambit ko.

"Ihahatid na kita sa building ninyo," alok ni Elon.

Hindi na ako nakipagtalo. I immediately fixed my things and stood up. Elon did the same.

"I know you don't feel fine now, Carmen," simula niya nang maglakad na kaming dalawa. "But please know that you can always talk to me, okay?"

Tikom ang bibig na tumango ako. I don't even know how I feel now. Mas inaalala ko si Gio kaysa sa sarili ko.

I know how affected that man was when it comes to this. Hindi totoong deadma lang siya sa mga nangyayari. He may act like it, but I know inside of him, he's screaming for them to stop.

I've witnessed it, how devastated he was before. And I don't want to see that side of him anymore. Natatakot ako ng sobra.

"Grabe talaga 'yon, sis. Akala ko fake news lang, legit pala," narinig kong sabi ng isang nadaanan namin.

"Shh, si Carmen. Siya 'yong girl ni Gio, right?" another one said.

"Hindi na yata. 'Di ba nga nakipaghalikan si Gio sa iba? Kaya siguro iniwan siya at pinili si Elon. 'Di hamak naman na mas matino ang huli kaysa sa kaniya."

Mas lalong dumiin ang pagkakakuyom ko sa kamay ko dahil sa mga gatong nila na hindi naman totoo. Why can't people just shut the fuck up? Hindi naman hinihingi ang opinyon nila. Hindi naman kailangan at hindi nakatutulong kaya bakit kailangan pang kumuda?

"Don't mind them, Carmen," bulong ni Elon.

I know I should follow what he's saying to me. Walang magandang maidudulot kung magpapaapekto lang ako.

Pero hindi ko maiwasan na maapektuhan lalo na at hindi naman ako ang nasa sentro ng pinagbubulungan nila kundi si Gio. Okay lang sana kung ako dahil alam ko ang totoo. But hearing them talk ill about Gio would always be a different story.

Hirap akong kontrolin ang nararamdaman ko. Filtering the words I should be hearing and discarding became the hardest thing to do. Lalo na kung iisa lang naman ang konteksto ng lahat ng naririnig ko.

"We're here, Carmen," pukaw ni Elon sa pansin ko.

Napahinto ako sa paglalakad at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Salamat, Elon," sinserong saad ko.

I tried my best to give him the biggest smile I could give only to end up with a small one.

Tatalikuran ko na sana siya para pumasok na sa building nang hawakan niya ang pulso ko, pinipigilan ako. He gently pulled me towards his front and he automatically lowered his stance to match mine.

"Carmen, look at me," he ordered tenderly.

Pinanatili kong nakayuko ang ulo ko, takot na harapin siya at salubungin ng matagal ang mga mata niya.

Elon sighed faintly causing me to bit my lower lip in embarrassment. Pakiramdam ko tuloy dinadamay ko siya sa mga problema ko. Pakiramdam ko pati siya naaapektuhan na rin sa pagbabago ng timpla ko.

My whole body flinched when his warm hand covered the cold of my hand. At mas lalo lang akong napapitlag nang ang bakanteng kamay niya ay idinampi niya sa pisngi ko.

"S-Stop," I pleaded.

Hawak lang naman niya ang kamay ko. Marahan lang naman dinadampian ng hinlalaki niya ang pisngi ko pero nagkakagulo na ang sistema at utak ko.

"Look at me, lady, then I'll let you go," he bargained.

Sa kabila ng pagtutol ng isip ko ay lakas loob akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Sa kabila nang maingay na pagpintig ng puso ko ay sinalubong ko ang mga mata niya.

"W-What?" utal na tanong ko.

True to his words, Elon let go of me by letting my hand and cheek free. But the one-step distance between us remained.

"You know how some people act, right?" he asked.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Some people, no matter if they knew the person centering a rumor or he's just a total stranger, would always say something. They would always have their own opinion about it. But instead of keeping it to themselves, they say it out loud." He sighed deeply.

Elon took my hand once again and gripped on it with enough strength for me to know that he's beside me.

"Hindi natin maiiwasan. At mas lalong hindi natin sila makokontrol o mapagbabawalan. It's their life and we got ours to handle. Alam kong mahirap mag patay-malisya pero hindi rin naman maganda kung magpapaapekto ka," pagpapatuloy niya.

Umiling ako sa kaniya, itinatanggi ang magagandang salitang sinasambit niya. "It's not about me, Elon. Si Gio na kasi ang pinag-uusapan natin dito."

Muling nanlabo ang mga mata ko sa pagpuno ng luha roon. I feel bad for Gio and I feel sorry for his situation. Kung puwede lang takpan ang tainga niya ora mismo ginawa ko na.

I badly wanted to go and talk to him. Para alamin ang pakiramdam niya at siguruhin na okay siya. Ngunit hindi ko puwedeng talikuran ang responsibilidad ko bilang estudyante at anak ng mga magulang ko.

At inaalala ko rin ang pangaral na itinanim ni Mama sa isip ko. Laban ito ni Gio at dapat hayaan ko siyang harapin ang mga dumadating na unos sa kaniya. But as his friend and as someone who treasures him so much, I wanted to make sure he's fine first before I let him sail his ship alone.

"I know, Carmen." He rubbed the back of my hand using his thumb, getting me back to my senses in the process. "I've heard that story, too. Even before it spread across the campuses."

Napatanga ako sa kaniya. Bahagya ring nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pag-awang ng labi ko.

"You what?" I asked in bewilderment.

"I've heard about it already," ulit niya. "And I just wanted to tell you that I'm not judging him nor thinking of him as a bad guy. Hindi kami malapit sa isa't isa pero kumpiyansa akong hindi siya masamang tao. That part of him who was using you for his own benefit was complete shit, but I know he's far from what people are saying."

"Why didn't you say anything about it?" naguguluhan kong tanong.

Dapat katulad ng iba ay nakipagsabayan na rin siya sa kuro-kuro nila. Narinig ko na rin dapat ang negatibong bagay mula sa mga labi niya.

Because that was what I was expecting as an automatic response from people who would know Gio's story.

Kahit saan naman kasi ay gano'n. Sa bahay man niya na pinintahan pa ng hindi magagandang salita. O rito sa unibersidad namin kung saan ang mga estudyante ay hindi na nahinto sa pag-uusap sa kaniya.

"I don't see any need to talk about it," he answered.

"That's it?" I asked using the same question I heard from him earlier.

"Oo. Hindi ko alam kung anong buong kuwento. I don't even know Gio personally, not even his full name. Him having a horrible past like that doesn't mean he's bound to end up just like his Dad." He smiled at me weakly, showing his sympathy towards the man who was the center of our talk. "Trust your man, Carmen. Trust him that he wouldn't be the same person people were telling him he would be. The more you get affected by others' words, you'll get swayed and might end up fearing him the same way. And you don't want that, right?"

Tumango ako ng kusa. It was hard for me to absorb his words but I was able to grasp a part of it.

Habang pinakikinggan ko ang ibang tao, maaaring dumating ako sa punto na maging ako ay mag-iiba na rin ang tingin kay Gio. Malakas ang tiwala ko sa sarili kong malabo 'yon. Pero paano kung sarili ko na lang pala ang pinaniniwala ko? What if at the back of my mind I wanted people to stop talking about him because I fear the idea of it also?

Marahas akong napailing. I even slapped both of my cheeks lightly to help me wake up from my reverie. Hindi.Hindi ko hahayaan na maging ako ay maapektuhan dahil lang sa mga taong nakapaligid sa akin.

I need to be strong for Gio. I must be tougher to mend his weak heart. I must have the courage to not hear what other people say for me to tell him to do the same thing. Mahirap na sasabihin ko sa kaniya ang mga bagay na 'yon gayong ako mismo ay apektado na sa mga salita nila.

"Are we clear now, lady?" Elon asked again.

Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. "Thank you, Elon, for clearing my mind," taos-pusong pasasalamat ko.

"I did nothing, Carmen." He pointed the direction of the stairways using his head. "Go now. Good luck with your classes."

I took one final deep breath before bidding my goodbye to him.

Mas gumaan ang pakiramdam ko sa totoo lang. His words helped my hazy mind clear up a bit. He sorted things out for me and I am glad that he did. Dahil kung mananatiling magulo ang isip ko, baka matagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak dahil sa isang sulok.

I was deeply thankful to the heavens that there was no one on the stairs and hallway while I was walking until I reached my room on the fourth floor.

"Good morning, Miss," bati ko nang mabungaran ang prof ko.

Kaunti pa lang ang mga estudyante kaya alam kong hindi pa ako late kahit na nauna pa siya nang dating sa akin.

"Glad you're finally here, Miss Rosales. Someone's been waiting for you," she said with a grin.

"Po?" Kunot ang noo na Igagala niya ang paningin sa loob ng classroom hanggang sa malapatan niya ng tingin ang taong nasa sulok at direktang nakatingin sa akin ngayon.

The man I was so worried about just appeared in front of me. The man I badly wanted to see and check onto was here.

Mabilis na nag-init ang dalawang sulok ng mga mata ko nang ngitian niya ako. I took that as a sign to finally take a walk closer to him. Sa isip ko ay nagtatanong na ako kung kumusta siya, kung ano na ang lagay niya, at kung okay ba siya.

Ngunit nang marating ang tapat niya, imbes na salita ay isang bagay lang ang tanging nagawa ko.

Isang yakap na mahigpit upang iparating na hindi siya nag-iisa at nat karamay siya.

-----------------------------------------------------------------------------------

A/N: Thank you! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top