Chapter 31
“Good morning, lady,” a familiar voice greeted.
With a knotted forehead, I followed that voice only to be greeted by him. “Elon?”
“At your service, madame,” he said politely.
Bahagya pa siyang yumukod na para bang nagbibigay galang sa kaniyang pinagsisilbihan, dahilan para mas lalo akong maguluhan.
I don’t know what he’s doing here. Kalalabas ko lang ng 7/11 dahil bumili ako ng iced kopiko blanca na nasa bote para pampagising dahil inaantok pa ako. Papunta na sana ako sa sakayan ng shuttle na magdadala sa akin sa Apex kaso hindi ko kaya ang bigat ng talukap ng mga mata ko.
I haven’t figured out the answer to my question earlier this day. On whether it was a good thing that I have a class a class to attend to day or not.
Only if I didn’t have a makeup class, which was supposedly my rest day, I would probably in my room, bawling my eyes out to mend my heart. Pero ngayon, nandito ako at walang lugar ang pag-iyak dahil may makakakita at ayaw ko namang magmukhang tanga. Naapektuhan ang minor subject ko na arts appreciation dahil sa nagdaang environmental congress kaya nagpa-makeup class si Miss ngayon lunes.
“Anong ginagawa mo rito?” naguguluhan ko pa ring tanong.
“Bibili ng kape,” sagot niya sa akin.
“Oh, okay. Mauuna na ako, pipila pa ako sa shuttle,” paalam ko.
Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko palampas sa kaniya nang maagap niya akong nahawakan sa pulso ko para pigilan ako. “Hintayin mo na ako, ihahatid na kita sa Apex.”
“Hindi na, Elon,” tanggi ko. “May shuttle naman akong masasakyan kaya okay na ako.”
Tumuwid siya ng tayo sa harapan ko habang seryosong nakalapat sa akin ang mga mata niya. Knowing the fact that my eyes obviously scream the fact that I cried last night, I looked away.
I don’t want another person worrying over someone like me.
“I insist, Carmen. Mabilis lang ako.”
Bago pa man ako makahuma ng maski isang salita para muling tutulan siya ay nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng 7/11. Naiiling na gimilid na lang ako upang hindi maharangan ang entrada ng convenience store.
If I would be honest with myself, I actually don’t want to see him. Malinaw pa sa memorya ko ang mga nangyari sa pagitan namin noong e-cong.
I could still vividly remember how he held my hand to calm my nervousness down. The memories we shared under the sparkling stars were still fresh in my mind. How we not-so-secretly took photos of one another and how we talked as if what we knew about each other was nowhere near the word enough.
At maging ang mga ipinaramdam niya sa akin ay natatandaan ko pa rin. At maging ngayon ay unti-unti niyang binubuhay sa kaniyang pagdating.
But on top of all that, it was Gio I am still thinking right now. I am worried about him. Hindi ko pa siya nakakausap matapos akong bigla na lang iwan sa silid-aralan na iyon. I couldn’t stop myself from thinking and worrying kahit na ako mismo ang nababalewala na niya.
“Tara na, habang hind pa traffic ngayon.”
Muli kong nilingon si Elon habang ang bibig ay nananatiling tikom. Hindi ko na makilala ang sarili kong nararamdaman habang nakikipagsabayan ako ng titig sa kaniya.
He gave me a smile before tilting his head a bit towards the direction of his motorcycle which was parked right in front of us.
“Shall we?” he asked sounding like a true gentleman.
“May gagawin ka ba sa Apex? Kung wala at ang intensyon lang naman nang pagpunta mo roon ay para ihatid ako, huwag na lang Elon. Magiging abala pa ako sa’yo,” malumanay na tanggi ko.
Magaan niya akong nginitian, ipinaiintindi sa akin sa pamamagitan no’n na okay lang sa kaniya ang lahat. “I want this, Carmen. And this is my choice.”
“Pero—”
Elon put his index finger on my lips, silencing the words I was about to say.
And even that action caused my heart huge trouble. Tila ba nakipagkarera na naman ako sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko. I could even feel my cheeks heating up because of the small distance between us. It’s making out of breath, and out of my mind for I could afford to be rational and push him away right now.
“If someone wants to make an effort to you and for you, accept it,” he lectured. “Huwag mong sanayin ang sarili mo na bigay lang nang bigay. Mauubos ka. Malilimutan mo kung anong klaseng halaga ang mayroon ka. Allow me to make an effort. Let me show you how you should be treated, Carmen.”
Mabilis na nagtubig ang mga mata ko sa lalim ng kahulugan ng mga salitang sinambit niya sa harapan ko.
Wala akong makapa ni katiting na biro sa uri nang pagkakasabi niya. Seryoso ang nangungusap niyang mga mata habang mariing nakatitig sa akin. Na tila ba sa paraan na iyon ay nais niyang iparating kung gaano katotoo ang mga salitang sinabi niya.
Gusto ko siyang kastiguhin at paulanan ng mga tanong na maaaring makapagbigay ng linaw sa kung ano ba talaga ang kaniyang intensyon. Ngunit mas nananaig sa akin ang kagustuhan na pangaralan ang sarili ko sa kung paanong gano’n na lang kabilis ang pagtitiwalang naibigay ko sa kaniya.
Nalilito ako sa mga kilos at salita niya, ngunit mas naguguluhan ako sa nagiging reaksyon ng puso ko sa bawat paglapit niya. With just a simple step towards me, my heart would immediate put in chaos. Na maging ako ay nagugulat dahil wala namang ibang may kakayahang baliwin ang puso ko kundi si Gio lang.
But with Elon... even with just minimal efforts, he affects me instantly. Presensya niya pa lang. Pagtayo niya pa lang sa tabi ko. Hindi ko na agad masundan ang bilis nang pagtibok ng puso ko.
“Huwag mo akong sanayin,” sa mahina at takot na boses ay saad ko.
“Hayaan mong masanay ang sarili mo. Hindi naman ako lalayo at wala sa intensyon ang iwan ka sa ere, Carmen,” pagpapaintindi niya.
Kusang napayuko ang ulo ko nang maramdamang muli ang pagbabadiya ng luha sa mga mata ko. These were the exact words I wanted to hear from him. But what I was given were words that made me feel invaluable.
“Paano kung isang araw mapagtanto mong infatuation lang pala ang lahat?” parang batang tanong ko. “Tapos bigla ka na lang mawawala. Ayaw kong masaktan, Elon. Kotang-kota na ako sa sakit.”
Masuyo niyang kinuha ang kamay ko para hawakan ‘yon ng mahigpit. “Kung kaya mong tumupad ng pangako mo sa iba. Kaya mo rin dapat magtiwala sa pangakong binitawan sa’yo ng ibang tao. I promise to take care of you. I promise that you would be the only woman in my life, Carmen.”
Umawang ang bibig ko para magsatinig ng kahit anong salitang una kong maiisip, na mabilis nauwi sa muling paglapat ng mga labi ko nang matantong walang sasapat na salita para iganti sa mga isinatinig ni Elon.
His words were too good to be true that I almost thought it was just all in my mind, imagination that would never come true.
Pero itanggi ko man, may parte sa isip ko na lihim na nag-aasam na sana nga ay totoo. Na sana ay magawa niyang tuparin alinman sa mga pangako niya. Kaso… mas lumalamang sa akin ang reyalidad na hindi naman ako isang importanteng tao para pag-aksayahan niya ng oras tulad nang ginagawa niya ngayon.
“Tara na,” anyaya niya. “Baka mahuli ka pa sa klase mo.
“Sigurado kang okay lang? May shuttle naman kasi,” paniniguro ko.
Nahihiya lang kasi talaga ako. Elon goes to Summit extension campus, while I go to Apex. Magkaiba ang direksyon ng dalawa at parehong may kalayuan kaya alam kong hassle kung magpapabalik-balik pa siya para lang ihatid ako.
He smiled at me tenderly. “It’s fine, Carmen. Rest your mind. Hindi ako mag-aalok kung makakaabala lang naman sa akin.”
Humugot ako ng malalim na hininga bago ‘yon marahang pinakawalan gamit ang bibig ko. “Fine, you win, Elon.” Mabilis na nagliwanag ang mukha niya kasabay nang paglapad ng kaniyang ngiti. “Let’s buy some japanese cake. I’m starving.”
“Alright, then.”
Nagpatiuna siya sa paglalakad habag ang isang kamay niya ay naiwan sa likod ko bilang pagsuporta sa paglalakad ko.
Malapit lang naman ang bilihan. It’s a small kiosk right beside the engineering campus. Mabenta ‘yon sa mga estudyante lalo na para sa almusal. I think it’s made out of a pancake mixture or something like that. Mas maliit pa ang sukat no’n sa palad ko at bilog ang hugis. Like a mini version of cake, hence the name.
May palaman ‘yon sa loob na kung hindi cheese ay yema. And as of me, paborito ko ang yema. Nakakaubos pa nga ako ng halagang bente pesos o apat na piraso sa isang kainan lang. Limang piso lang kasi ang isa kaya sulit talaga.
“What do you want to have?” Elon asked when we arrived.
“Four yema sa akin,” sagot ko.
“Got it, lady.” Hinarap niya ang vendor na nakaabang naman sa order namin. “Four yema, Sir, for one paper bag. Two yema and two cheese for another one,” he ordered politely.
Takam na pinagmasdan ko ang mga japanese cake na ekspertong inilalagay ang order namin sa magkahiwalay na maliit na paper bag. Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy no’n nang iabot na sa amin sa wakas ang pagkain.
Atubiling kinuha ko ang dalawa gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay dumudukot na ng pambayad sa bulsa ng boyfriend jeans na suot ko.
But even before I could pull any penny, Elon immediately stopped me by holding me by my wrists.
Nagtataka ko siyang nilingon na sinagot niya ng isang iling. “Ako na, Carmen,” pag-ako niya.
Agad kong naramdaman ang pagtutol. I was the one who initiated on going here so I think it’s just right to shoulder the bills.
Ngunit kahit anong klaseng pagtutol man ang gawin ko sa isip ko, nauwi pa rin sa pagpapaubaya kay Elon. Hindi naman na yata ako mananalo sa kaniya pagdating sa pakikipag-argumento.
Hinayaan ko siyang magbayad hanggang sa pangunahan niyang muli ang paglalakad pabalik sa motor niya.
“Anong oras ang pasok mo? Hindi ka pa ba late?” may bahid ng pag-aalalang tanong ni Elon.
“8:30 pa ng pasok ko. May isang oras pa ako. Maaga lang akong pumasok para tumambay sa Forest. Masarap kasi magmuni-muni roon lalo na at malamig tuwing ganitong oras,” paliwanag ko.
“Forest?” Naramdaman ko ang paglingon niya. “Saan ‘yon?”
“Sa likod ng building ng mga crim. Hindi ka pa nakakapunta?” Ako naman ngayon ang bumaling sa kaniya.
Inosenteng inilingan niya ako. At maski ng simpleng galaw at ekspresyon niya na ‘yon ay tinutunaw na agad ako. Kung maging ang mga tuhod ko siguro ay malambot na, malamang na nawalan na ako ng balanse kanina pa.
He look like a child, curiously asking his parent about a place he wanted to visit.
“Madadaanan mo ‘yon bago ka makarating sa building ng CBA, malapit sa hotel. Maraming puno kasi ang lugar na ‘yon. At maraming kalat na tuyong dahon sa lupa kaya ang sarap lang sa mata.” Kusang umukit ang ngiti sa mga labi ko nang maisalarawan sa isip ang itsura ng buong lugar. “May maliit din na chapel sa bukana. Sa pinakalikod naman ay may mga pang-ehersisyo na gamit. May mga kalat din na bench para puwedeng pagtambayan ng mga estudyante.”
“I should visit that place. Maybe I can use it as one of my subject for my next art,” he said.
“Talaga?” excited na tanong ko. “Puwede mo bang ipakita sa akin kung sakaling gagawin mo?”
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Narating na naming muli ang maliit na parking space sa tapat ng 7/11.
“Of course, Carmen. You’ll be the first one to see it.” He ruffled my hair. “Have you checked the painting I gave you?”
Like an automatic response, I got lost for words. A part of me was taken aback by what he did to my hair. The twenty-year-old me was feeling the kilig as if I was brought back to my teenage years.
Some may not agree, but I find that action sweet. Sobrang soft ko kapag may gumagawa ng gano’n sa akin. Para kang bine-baby at parang naku-cute-an sa’yo ‘yong tao. At least, that’s how I interpret it. It’s one of my romantic fantasies, actually. And Elon just made it happened, unnoticed.
But, on the other hand, a greater part of my mind was working hard to come up with the best excuse to answer his question. Hindi ko pa kasi talaga nakikita ‘yon kahit na halos isang linggo na rin ang lumipas matapos niyang ibigay.
“Hindi mo pa nakikita ‘no?” nanghuhuling tanong niya.
Pasimple akong napayuko sabay kamot ng sentido, huling-huli ni Elon. “Ano kasi... hindi pa.”
“Why, Carmen?” masuyo niyang tanong, malayo sa inis na inaasahan ko.
Gusto kong idahilan na naging abala ako at nawala sa isip ko. Ngunit ano mang pagpaplano ng isip ko ay katotohanan pa rin ang kumawala sa bibig ko.
Only if I could slap my own mouth right now for exposing me too much. Pahamak masyado, eh.
“I’m scared, I guess?” nangangapa kong sagot.
Lakas loob na muli ko siyang tiningnan. Wala naman akong nakitang inis, tampo, o kung ano man. He was just staring at me carefully while waiting for me to continue talking.
“Hindi ko rin alam sa totoo lang. I just couldn’t get myself to touch it.” Bumuntong hininga ako. “Maybe I just don’t want to ruin it? Your masterpiece was too precious and I don’t want to be the cause for it to be damaged.”
Elon tenderly held my chin and guided my head to face him again. He effortlessly caught my eyes, followed by the greetings of his beautiful smile.
“You don’t have to be scared, Carmen.” He stroked my hair once. “It’s yours. Whatever you want to do with it, it’s fine with me. Open it anytime you want, Carmen. Whenever your heart is ready.”
Parang isang robot na tumango ako sa kaniya. Kunyentong binitawan niya ang baba ko bago kinuha ang extra helmet sa compartment ng kaniyang motor.
“It might smell a bit. Kabibili ko lang kasi kahapon kaya pagpasensyahan mo na,” saad niya.
“Bakit ka pa bumili? Eh, maayos pa naman ang luma mo at ang ginagamit mo ngayon.” Salubong ang kulay na binalingan ko ang bagay ma ‘yon.
It’s in color white, katulad pa rin ng nauna na niyang ipinagamit sa akin noon, kulay lang ang naiba. It was a simpler version. Wala na ang kulay pulang tila apoy na disenyo. May shiled pa rin iyon ngunit mas maliit ito.
“Masyadong malaki ang lumang helmet ko para sa’yo.”
“Pero, Elon. Gumastos ka pa. Ako na nga itong nang-aabala sa iyo,” nahihiyang sabi ko.
Umiling siya. “Uulitin ko, Carmen. Desisyon ko ‘to. I am called for this and I would do it unless I wanted to suffer for the rest of my life by not doing something I really wanted,” seryoso niyang sabi. Maingat niyang isinuot sa ulo ko ang helmet na binili niya. “There, perfect.”
Sa buong mga segundo o minutong ginagawa niya iyon ay nakapako lang ang paningin ko sa kaniya. Maging nang sumakay siya ay pinagsasawa ko lang ang mga mata ko sa panonood ng bawat kilos niya.
Seryosong ekspresyon lang ang mayroon ang mukha niya. Na para bang importanteng bagay ang pagsusuot ng helmet sa ulo ko at bawal magkaroon ng puwang para sa kahit na anong pagkakamali.
Para siyang nasa laboratory na naghahalo ng mga kemikal na kapag nasobrahan ng patak ay sasabog na lang bigla. Gano’n siya kaseryoso.
“Come on, Carmen. I don’t want you to be late. Kakain pa tayo sa Forest ng almusal nating dalawa,” malambing niyang sabi habang nakalahad ang isang kamay sa harapan ko.
Mabilis akong napakurap ng mata. Aligagang ipinasok ko sa maliit kong backpack ang dalawang paper bag na may lamang japanese cake. Pero nang oras na para sumakay rin sa motor ay biglang bumagal ang kilos ko.
“Huwag mong sabihing nahihiya ka pa rin sa akin?” natatawa niyang tanong.
Biglang nalukot ang mukha ko. “As if naman masasanay ako,” bulong ko.
“Sasanayin kita kaya halika na at sumakay.” Nginisihan niya ako kaya mas lalong nalukot ang mukha ko.
Elon extended his hand once again, and this time, I accepted it. Maingat na sumakay ako sa likod niya, dinadama ang unti-unting paglalapit ng kamay naming dalawa.
Pamilyar naman na ako sa ganitong set-up pagdating kay Elon dahil halos tatlong beses na yata niya akong naisasakay at naihahatid sa bahay. Hindi ko lang talaga maiwasan ang hindi mailang lalo na at napapalapit ang mga katawan namin ng sobrang pa sa nararapat.
“This isn’t the first time, Carmen. So, I am assuming that you finally know where to hold,” he said, playing with his words.
Of course, I know!
Ilang beses na ba niyang kinuha ang kamay kong nakahawak sa balikat niya para ipulupot sa baywang niya? Ako na nga lang ang nahihiya talaga pero mukhang balewala naman sa kaniya.
And to do it all by myself is worst. Paano ko gagawin iyon?! Saan ko huhugutin ang lakas ng loob para yakapin mula sa likod si Elon? Alam kong wala namang malisya sa kaniya. Siguro ay wala. Pero nakakahiya pa rin kasi.
“Hindi tayo aalis dito hangga’t hindi ka nakapuwesto,” kampanteng saad niya.
Mabilis akong pinamulahan ng mukha. Para na rin niyang sinabi na, “yakapin mo ako para makaalis na tayo.”
I slightly shivered at that idea. Saan na naman ba napunta ang imahinasyon kong layas?!
“Pinaglalaruan mo ba ako, Elon?” sa halip ay tanong ko.
Pilit niya akong nilingon kahit na hindi iyon madaling gawin. “Hindi.”
“Why do I feel like you are?”
Nakita kong naningkit ang dalawang mata niya, tanda na sa likod ng helmet niyang nagtatago sa mukha niya ay nakangiti siya. “Kailangan mong kumapit sa akin Carmen. Para masiguro kong malapit ka at abot-kamay kita. Para masiguro kong ligtas ka. At para hindi ka mahulog na lang basta-basta sa iba.”
Literal na napanganga ako sa doble-karang mga salitang ginamit niya sa akin ngayon. I don’t want ro assume things, but Elon was making it easier for me to think of the scenario that would work best for me.
Iniiwasan ko na nga, eh. Pilit ko na ngang iwinawaksi sa isip ko ang tunay na dahilan kung bakit iniiwasan kong buksan ang painting na ibinigay sa akin ni Elon. Pero ito siya, walang palyang ipinaaalala sa akin ang rason na mayroon ako sa pamamagitan ng mga kilos niya.
What I said to him was just half of my truth. May mas malalim pa akong dahilan kung bakit takot akong buksan ang ibinigay niya.
Dahil alam ko, na oras na makita ko ang obra maestra niyang iyon ay hindi ko na maaagapan pa ang pagkahulog ko.
I wasn’t just scared to damage his art. I was more scared of how my heart would react.
But who am I even fooling now? Eh, kahit na makita ko man iyon o hindi, mga kilos at salita pa lang ni Elon ay alam kong matatalo at matatalo rin ako sa huli. Na kapag nagtagal pa ay maging sa sarili ko ay aamin na rin ako sa kung ano ba ang nararamdaman ko. Kung ano nga bang rason kung bakit may takot at pangamba sa puso ko.
At hindi magtatagal, masasabi ko na rin sa kaniya ang sagot sa itinanong niya sa akin noon. Na hindi ko mahal si Gio at awa lang ang nararamdaman ko sa kaniya. Na hindi ko na siya mahal tulad nang unang naramdaman ko habang kasama siya.
Because if it was love that I felt for Gio... how should I call the feelings I have for Elon?
-----------------------------------------------------------------------------------
A/N: Thank you! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top